Share

Chapter 4 : The Four Kings

                  Xyrine Jean's POV

"Arg! Ano 'yon!?" napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ko ng nakakabinging tunog mula sa alarm clock.

"Arg! Bwiset! Isturbo ka! Alas-syete pa lang eh!" Hihiga pa sana ulit ako ng may mapansin akong papel sa gilid ko.

//XYRINE JEAN PUMASOK KA NG MAAGA! 7:30 DAPAT NA SA MONTREAL KANA! OKAAAY?!

PS: WEAR YOUR UNIFORM!//

What? 7:30? Ang alam ko ay 9 ang start ng klase? bakit ang aga? ah! whatever! inaantok pa 'ko, bahala ka d'yan!

                 –  After few hours –

   

Mataas na ang sikat ng araw ng maalimpungatan ako. Kahit mabigat ang katawan ay pinilit kong tumayo para maligo, pagkatapos kong maligo ay umupo muna ako sa kama at mariing tinitigan ang uniform na susuotin ko.

Yeah, It's a new set of uniforms that Ella gave me. Tinangap ko 'to kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko susuotin ang gan'tong klase ng damit.

"Aish! Bahala na nga!"

Mabilis kong sinuot 'yung skirt at blouse habang sinabit ko lang sa leeg ko na parang kwintas 'yung necktie at 'yung coat? binitbit ko na lang. Bago ako tuluyang lumabas ay sinuot ko muna 'yung itim kong cap.

Nasa garahe na ako nang mapakamot ako ng noo ko. Kainis kasi na Ella 'to, lagi akong iniiwan! Wala tuloy akong magamit na sasakyan papasok! kairita!

Malapit na akong magdesisyon na 'wag ng pumasok nang makakita ko ng isang bike sa isang sulok.

Hays. No choice.

                    Tennessee's POV

"Babe, hmm.. why you're so... hmm hot?" She asked between our kisses.

I smirked at her remark. "Instead of stating state the obvious, why don't you prepare yourself first?" She didn't utter any word but she pulled me abruptly toward her as her answer.

"Always babe," she giggled. What a slut I am seeing.

"Why such in a rush?" I Trailed my hand inside her skirt aiming for her pearl while my other hand was busy unbuttoning the first two buttons of her uniform.

I was about to reach her 'private' when our car stopped all of a sudden causing me to bumped my heat into the car's roof.

"Damn! what was that!?" sigaw ko sa driver.

"Young master, nasiraan po 'yung sasakyan," tugon agad nito.

"Seriously? what the hell?! fix it right away!" I exclaimed as I glance my wrist watch. "Ah! Fvck!"

Wala sa sariling napamura ako ng makita ko kung anong oras na. Shit, I forgot! where's your sense of time, Ten? yari ka na naman kay Spade for sure! wala ka na nga kahapon late ka pa ngayon!

Umayos ako ng upo para lumabas at tignan ang nangyari nang bigla akong hilahin ni Kiara at walang pakundangang hinalikan ako ulit.

"Babe, uhmmn...where are...hmm.. you going?" tanong n'ya sa'kin habang busy s'ya sa paghalik.

Ah! What a thirsty bîtch. 

hinahalikan n'ya pa din ako ng iniharang ko ang daliri ko sa pagitan naming dalawa. "Hey, it's over."

"What?" agad s'yang tumingin sa'kin. "But it's been only 1 hour since we're on!"

"One hour. One girl. That is my rule. Have you forgotten?" napanganga na lang s'ya sa sinabi ko.

"Are you serious with that?!"

"Yeah, so pissed the fvck off." Inayos ko ang uniporme ko saka ko s'ya tinulak. Wala na s'yang nagawa nang lumabas ako ng kotse.

What is she expecting?

I'm Tennessee Stanphil. I'm too precious that I can only give my 1 hour to every girl I meet. Pasalamat nga s'ya dahil sa dami ng babaeng nakapila sa labas ng condo ko kanina ay s'ya 'yung napansin ko.

Anyways, lumapit ako sa driver ko para malaman kung anong problema.

"Young master, kailangan po ng tubig," bungad agad nito.

"Heh? And what do you expected me to do? Mag-igib?"

"No, sir. Sorry po." Agad itong kumaripas ng takbo ng samaan ko pa s'ya ng tingin.

Watahek?! ano bang klaseng driver 'to? Hindi man lang handa. Tss. kung bakit ba naman kasi papalit palit ako ng driver. Such a hassle.

Sumandal muna ako sa kotse ko habang tinitignan ang pag ikot ng kamay ng relos ko. 'di ko mapigilang kabahan dahil anong oras na. Palipat-lipat pa din ang tingin ko dito ng isang iglap lang ay may dumaang babae na naka-mountain bike sa harapan ko. Ewan, pero bigla akong natulala. Sinundan ko ito ng tingin at mariin itong pinagmasdan. Nakasuot s'ya ng black na cap at hangang bewang naman ang itim at straight n'yang buhok. Sa uniform n'ya naman nadako ang tingin ko, 'yung necktie n'ya ay ang gulo ng pagkakaayos habang nakatali naman 'yung coat n'ya sa bewang n'ya.

Kasabay ng pag-awang ng bibig ko ay ang paghawak ko sa dibdib ko. "Woah! Who is that?"

Sa'n kaba kasi nakakita ng babaeng naka miniskirt na nag ma-mountain bike?! That's effin cool! even though mas mahaba 'yung skirt n'ya sa original length ng skirt ng University, She still effin nailed it.

Bumalik lang ako sa ulirat ko ng biglang sumigaw ang driver ko mula sa likuran ko. "Excuse me, Miss!" sigaw pa nito habang hinahabol 'yung babae. 

Hindi ko alam kung bakit pero kusang humakbang ang paa ko para sumunod.

"Ah, Miss 'yan na si young master, s'ya na lang magsasabi," rinig kong sambit nito habang nakatingin sa'kin.

Ano namang sasabihin ko? ah, don't tell me... napangisi ako. Hindi ko alam na may pakinabang din pala 'tong driver ko. Oh well. tumingin silang dalawa sa 'kin kaya huminga ako ng malalim.

"Miss, bolang crystal ka ba?"

   

        

Instead of answering me she just gave me the "BALIW-KA-BA?" Look tapos nag-bike na s'ya paalis.

Eh?

"MISS, PICK UP LINE 'YON!" sigaw ko pa pero hindi n'ya na ako nilingon.

Wtf?

Narinig ko namang tumawa 'yung driver ko. "What are you laughing for? ayusin mo 'yung kotse ko. bàstard!" singhal ko.

Seriously? Who's that girl?! Tennessee Stanphil? Isa sa 4 KINGS, HINDI N'YA PINANSIN?! Really?!

"Babe, anong nangyari?" tanong ni kiara na noo'y nasa likuran ko na.

"Shut up and stop calling me babe!" hinawi ko ang kamay n'ya.

"Do you know that girl?" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi n'ya.

"Do you think I know her?" kunot noo kong tanong.

"Well, you must. She is the girl that Monique encountered at the cafeteria and the same girl who dares to talk to Spade's toy yesterday. She is quite messing up with you guys. Isn't she?"

tuluyan na akong lumingon sa kan'ya. 

Don't tell me, s'ya 'yung transfereeng bali-balitang nagpatakbo sa campus queen ng Montreal University kahapon? Well, wala naman akong pake sa away ng mga babae pero what I am not expecting is pakialaman n'ya din ang laruan ni Spade.

Wow. What a turn of events. 

I'm sure alam na rin 'to ni Spade at imposibleng walang gawin 'yon.

Napangiti ako. I'm sure the next coming day would be more interesting.

                     Xyrine Jean's POV

"Class A? anong class A?" kagagaling ko lang sa admin dahil kinuha ko ang schedule ko.

May binabangit si Ella about sa class A na 'to kahapon pero shet! wala akong matandaan ni isa sa sinabi n'ya.

Teka, sa'n ba 'yon?

Naiinis na ako kung saang direksyon ako pupunta nang saktong may nakita akong estudyante.

"At the 3rd Building," sagot agad ng estudyante sabay takbo.

Ha? eh wala pa nga akong tinatanong.

Bakit ba ang weird ng mga estudyante dito? naalala ko tuloy 'yung lalaki sa daan kanina. Tanungin ba naman ako kung bolang crystal ako? Like? Tss. Whatever! teka, sa'n daw 'yung class A? sa 3rd building?

                       after 1 hour 

"Hayóp na mga estudyante 'to!  (Hingal) Pinagloloko n'yo ba ako?! (hingal) kanina, ang sabi n'yo, 3rd building! (hingal) Tapos wala naman!   Tapos sunod, 2nd building (hingal) wala pa rin! tapos ngayon (hingal) na nandito ako sa 4th building? wala pa rin!!! (Hingal) may pa fourth floor fourth floor pa kayong nalalaman (hingal) mga walangya! at isa pa! (hingal) 'yung mga elevator (hingal) puro out of order!!!"

Huminga ako ng malalim saka ako sumigaw. "SABIHIN N'YO LANG KUNG NANADYA KAYO!" sigaw ko ng ubod ng lakas dahilan para mapatingin sa'kin lahat ng estudyante sa piligid ko.

Teka, bakit puro ba lalaki ang nandito? ano ba 'to? boy's building?

"Miss, kung gusto mo dadalhin ka namin du'n." Napatingin ako sa dalawang lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.

Mga muka silang hindi gagawa ng tama pero pagod na ako manghula ng building kaya hindi na ako umangal pa. Subukan lang gumawa ng mali ng dalawang 'to, may paglalagyan talaga sila! ubos na ang pasensya ko!

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating kami sa damuhang parte ng field.

"Miss, kung ako sa'yo ay 'wag ka nang pumalag," biglang sambit ng isa sa kanila. 

What? napa-kamot na lang ako ng noo saka ako nag-cross arms. Ok, let see what you have.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng isa sa'kin.

"Sabi n'yo, 'wag akong gagalaw."

"Hahaha tama ya––" BOGS!

Di pa s'ya tapos magsalita nang bigyan ko s'ya ng spinning back kick sa muka.  Napailing na lang ako ng agad 'tong nawalan ng malay.

"What the hell? Anong nangya—ACK!"

"Sa puntong 'to ay nauubusan na ako ng pasensya at 'pag nauubusan ako ng pasensya, lahat ng nasa harap ko ay tinatapos ko," mariin kong saad sa isa pang lalaking natitira habang nakabaon ang double blade ko sa likuran n'ya.

"O-okay! Na pag-utusan lang kami! Okay?"

Napag utusan? "Sino?"

"Hindi mo na kailangang mala—AHHH!" Impit na sigaw nito ng ibaon ko na ang double blade sa laman n'ya.

"Kaya kong hugutin ang bituka mo mula sa likod mo ng 'di mo nararamdaman, kaya kung ako sa'yo ay sumagot ka ng maayos."

"Okay, okay! nautosan lang kami ni Spade, ang leader ng 4KINGS!"

Spade? ah! oo, naalala ko na. Sinong 'di makakalimot sa pangalang 'yon gayung ilang beses na s'yang binangit sa harapan ko ni Ella, at sa pagkaka alala ko ay nasa CLASS A din s'ya.

Spade, Spade..

Sa dinami dami ng pwede mong bangain, Professional assassin pa. Nakakaaliw ka naman.

"Makinig kang mabuti. Kung mahal mo pa ang buhay mo, dalhin mo'ko ngayon din sa Class A!"

"So, nasa first building lang pala?" Magkasalubong ang kilay kong saad habang nakatitig sa pinto ng class A.

"At kayo, subukan n'yong tumakas..." Tinitigan ko sila ng masama, "Papatayin ko kayo," walang emosyon kong sambit.

"H-hinde, dito lang kami," sagot nilang dalawa in churos.

"Mabuti." Tinalikuran ko na sila pagkaway lumapit ako sa pinto,  Nag-stretch ako ng paa saka ako huminga ng malalim.

Let see how would you react to this, Spade the bullshit.

"BOGS!"  

                          REN'S POV

"Aaaah!" I yawned. "Boring. Gusto ko ng umuwi."

Humihikab pa din ako ng mapansin ko si Ten sa tabi ko. Well, kanina pa s'ya nakangiti habang nakatingin sa malayo. And it's cringing me like hell. I bet he had sex this morning. Well, It's abnormal if he's not.

"Have you heard what happened yesterday?" He asked suddenly.

"Nope, been busy with my gang recently, so spill it out." Tumingin ako sa labas saka muling humikab.

I abruptly Look in his direction when he burst out a laugh as if it would be his last. "Did you drugs, Ten?" kunot noo kong tanong.

"Guess what? alam mo bang nakahanap na ng katapat n'ya si Monique?"

Tumingin ako ulit sa labas. So, it's true, huh? I wonder kung Saan kumuha ng lakas ng loob 'yung babaeng bumanga sa kan'ya.

"So, who's the unlucky girl?"

"And why are you asking?"

Napatingin ako agad sa kan'ya. 

What's with the tone? why is He asking like I'm interested in that girl? like? What the hell?!

"Curiosity strikes me so I'm asking, don't tell me, you are interested in that girl?"

  

"Whahaha! I don't think she can be my girl. Alam mo bang s'ya rin 'yong nakipag-usap sa toy ni Spade?"

I feel my jaw dropped, "Seryoso?" tanong ko.

"Haha! yeah, cool, isn't she?"

"Tsk tsk! She's Pathetic," I mumbled.

"Yeah, I think so. Sayang," He answered back. "Wait, speaking of Spade, I thought He already back?"

"Well, He's not here means he's bus," tipid kong sagot.

"Alam n'ya na kaya 'yung mga nangyari?"

"Yon pa ba? Eh, halos lahat ata ng estudyante dito ay mata n'un. kaya for sure may inutusan na 'yon ngayon."

"Si Louren naman?"

"Wandering somewhere else, I guess."

"Eh—"

"Arg! ang boring hindi ko na kaya! Ten, let's go to Heaven's club," aya ko sabay tayo.

"Nice suggestions, bro!" pag-sang ayon n'ya sa'kin.

Palabas na sana kaming dalawa ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Lumaki na lang ang mata naming dalawa ng may isang babaeng may mahabang buhok ang biglang pumasok mula sa labas.

Wait. Don't tell me sinipa n'ya 'yung pinto?

''Ikaw?!" tanong ni Tennessee.

Napalingon ako kay Ten pagkaway bumalik ang tingin ko sa babae, hindi n'ya pinansin si Ten at dumiretso s'ya sa harap ko. Nakatingin pa din ako sa kan'ya ng mabilis n'ya akong hinigit sa kwelyo papunta sa kan'ya.

"Damn!" biglang lumabas sa bibig ko dahil nabigla ako sa ginawa n'ya.

"Ikaw ba si Spade?" gigil n'yang tanong na nag-pangisi sa'kin.

"Why don't you calm down first?" ngumisi akong muli.

"Answer me back if you don't wanna get killed," She said without blinking an eye.

I don't know but I suddenly saw Spade in her. What an interesting person. 

"Well, take a guess, if you could able— ARG!" I almost grasped my breath when she pulled me again.

"Don't let me repeat my question. Ikaw ba si Spade?"

Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa n'ya. Sanay ako na ako ang nanghahatak at hindi ako ang hinahatak. She is really something.

"Would you be disappointed if I say no?"

"Good for your ass." Agad n'ya akong binitawan dahilan para mapangisi ako.

"Ikaw? Ikaw ba si Spade?!"

baling n'ya naman kay Tennessee.

"Babe, I'm sorry but I'm more handsome than him," Confident na tugon nito.

What a jerk.

"Mga hangal!" anito pagkatapos ay lumabas s'ya. Pagbalik n'ya ay may dalawang lalaki na s'yang kasama. 'yung isa ay basag ang nguso habang 'yung isa naman ay duguan.

Heh! Don't tell me. s'ya may gawa n'yan?

"Tell him that I enjoyed his welcome gift. Here, binabalik ko na!" halos mapaatras kami ni Ten ng ibalandra n'ya sa'min ang dalawang lalaki, naiwan na lang kaming nakanganga ng mabilis s'yang umalis na parang walang nangyari.

"Ten, tell me who's that girl, I swear, I'm gonna marry her," I said in amuse tone.

''Oh well. sorry, dude. She will be soon Spade's toy."

"Ha? what do you mean?"

"She's the girl I'm talking about earlier, Bro."

"Eh? What?!"

                           After 1 Day 

                     Xyrine jean's POV

                     

"Ah shit! Gutom na ako!" napahawak ako sa t'yan ko.

Andito ako ngayon sa corridor at naglalakad papuntang cafeteria. Well, tanghali na naman ako pumasok. Isa pa, ayokong pumasok sa class A na 'yon. Andun 'yung 4 kings na ewan. Lalo na 'yung Spade. Pasalamat s'ya ay hindi ko s'ya nakita du'n kahapon dahil kung hindi. Arg! bakit ba kasi napunta ako du'n? paano ako napunta dun? Kaasar!

Habang naglalakad napansin ay kong maraming estudyanteng nakatingin sa 'kin, 'yung iba ay nagbubulongan pa.

"She's the girl 'di ba? God. ang lakas ng loob n'yang kausapin 'yung toy ni Spade."

"Oo nga girl! pati si Monique ay binangga n'ya. Naku! Hindi ko ma-imagine 'yung magiging future n'ya dito sa Montreal university."

"Ano pa nga ba? her life goes like a living hell."

Tss. hindi naman masyadong OA 'yung mga usapan nila no? "Spade's toy" "4KINGS" "Monique" Yadah! yadah! Bullshit! 3rd day ko pa lang dito pero puro ka-abnormalan na 'yung naririnig ko. Saka sino ba 'yung mga 'yon dito?Lalo na 'yung Spade na 'yon at ganun na lang ka-OA kung matakot sa kan'ya ang mga estudyante dito? aish! whatever it is wala akong pake! teka, nasaan na ba si Ella. Break na so mean nasa cafeteria na din s'ya, right?

Papasok na ako ng cafeteria ng mapansin kong sobrang daming tao.

parang may pinagkakaguluhan sila or something. Well, di ko na pinansin dahil nagugutom na ako.

"How dare her? nang dahil sa kan'ya ay lalo tuloy napahamak si Tong."

"Diba s'ya 'yung newbie? is she didn't do a research bago s'ya nag-enrolled dito? kawawa tuloy si Tong."

Hindi talaga obvious na ako 'yung pinariringan nila, but speaking of Tong, kanina ko pa s'ya 'di nakikita. Nasaan ba s'ya?

Mabilis akong naglakad upang hanapin si Tong. Nakakainis lang dahil halos lahat ng estudyanteng madaanan ko eh nakatingin sa'kin. At, bakit ganun 'yung mga titig nila?! Nakakairita! Ilang saglit pa ay nakita ko din si Tong, pero parang may mali.

Nasa gitna s'ya.

Madumi.

Nakaluhod.

Nakatungo.

Anong nangyayari dito? bakit ganun 'yung itsura n'ya? humakbang ako papalapit sa kan'ya ngunit pakiramdam ko, bawat hakbang na ginagawa ko ay sinusubaybayan nila.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko ngunit ngumiti lang s'ya ng mapakla. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis.

"So, you're the new best friend of my toy?"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Naka de-kwatro s'ya habang may hawak na beer in can sa isa n'yang kamay. 'Di ko s'ya pinansin at humarap ako kay Tong. Nagtaka ako ng tumingin lang s'ya sa'kin tapos sa lalaking naka de-kwatro ng paulit-ulit.

"U-umalis kana lang dito p-please," nauutal n'yang sambit.

Ano bang pinagsasabi n'ya? "Tumayo Ka d'yan!" utos ko.

"H-hindi pwede kasi..."

"Kasi?"

"Kasi...."

Nakakainis na ha! Lumapit ako sa kan'ya at sapilitan s'yang Itinayo.

"What an annoying scene."

Napatingin ako sa nagsalita. Bakit nandito 'tong dalawang 'to? ang tinutukoy ko, eh 'yung dalawang lalaki kahapon du'n sa class A. Napakunot noo ako nang makita ko 'yung pinag gagawa nila. Si boy 'bolang crystal' kasi nakapatong 'yung kamay n'ya sa lap ng isang babae at 'yung isa naman na mukang hapon eh nagyoyosi.

What a real shit. University ba 'tong napasukan ko?

"Do you know what the hell you're actually doing?" kunot noo akong napatingin sa nagsalita.

Ano ba sa tingin n'ya ang pinag gagawa ko? "Eh ikaw? alam mo ba kung anong pinagagawa mo?" balik tanong ko sa kan'ya.

Muka kasing s'ya 'yung may kagagawan ng lahat ng ito. Ang lalaking tunog baraha ang pangalan.

"Do you know who I am?" kalmadong n'yang tanong pero naka kunot na ang noo n'ya.

"Wala akong panahon para alamin kung sino ka, but if you really want to be recognized, try to wear a nameplate next time."

Napatayo s'ya bigla sa sinabi ko, "I'm going to ask you again, transferee. Do you know who I am?" He asked again with full authority to his voice.

"HINDI!"

Nang balutin ng katahimikan ang buong Cafeteria ay napatingin ako sa paligid. Lahat ng estudyante pati 'yung dalawa n'yang kasamang mukang ewan ay nakatingin na sa'min.

Bakit ganun 'yung mga mukha nila? bakit mas muka pa silang mga tensyonado kesa sa'kin?

Nang ibalik ko atensyon ko sa lalaking kaharap ko ay bahagya akong

kinilabutan ng bigla s'yang ngumisi.

"Fine." Napaatras ako ng bigla s'yang lumapit sa 'kin at bumaba sa level ko para bumulong. "Be glad, you catch my attention but..." Huminto s'ya pagkaway tinitigan n'ya ako direkta sa mata. Ewan, May iba sa mata n'ya na hindi ko malaman. Napaiwas ako bigla ng tingin. "Be careful, you might end up so soon," pagkasabi n'ya nun nilagpasan n'ya na ako.

Hindi ko alam pero biglang nagtayuan ang balahibo ko.

*Clap clap *

Napatingin ako sa pumalakpak.

Si Boy 'bolang crystal'

"Nice! that was intense, but let me give you advice," Sambit n'ya pagkaway lumapit s'ya sa'kin, "Better not to be here tomorrow." 'yon lang at nilagpasan n'ya na ako.

"You really have a guts, aren't you?" sambit naman ng lalaking mukang hapon.  "Let me say something too..." Lumapit din s'ya sa'kin saka s'ya bumulong. "That was so cool." Napailing na lang ako ng kumindat pa s'ya. What the heck?

Pagkasabi n'ya n'un ay sumunod na rin s'ya dun sa dalawang lalaking abnormal na kagaya n'ya.

Timingin ako ulit sa paligid.

Lahat sila ay parang hindi makapaniwala sa mga nangyari. Actually, wala talaga akong idea kung ano ang nangyari Pero hindi pa din mawala ang kaba sa dibdib ko. Nakatayo pa rin ako sa gitna ng biglang may humawak sa braso ko saka ako kinaladkad sa isang sulok.

"Miss, I didn't know you, you didn't know me! so why are you doing these things? Ella told you already! don't you know that your life will be miserable soon!"

"A-ano?!" tanong ko saka ko hinila sa kan'ya 'yung kamay ko.

"Sabagay transferee ka kaya wala ka pang alam. well, let me tell you this again. 'yung lalaking binanga mo kanina, s'ya lang naman 'yung pinaka iniilagan ng lahat ng mga estudyante dito, s'ya si Spade. Ang leader ng 4KINGS. Kung gusto mong maka survive sa university na 'to, 'wag na 'wag mo silang babangain. 'Wag mong kakalabanin ang 4KINGS. you know why? because once you get enrolled in this university, your life will be also in their hands. kaya nilang gawin lahat. even to toyed you!"

Bakit ba paulit ulit sila ni Ella. "Calm down, ok?"

"What? calm down? teka, saang lupalop ka ba ng planeta nang galing at bakit parang wala sa bokabularyo mo ang matakot? sa ginawa mo nga kanina, kung ako sa'yo ay inaasikaso ko na 'yung paglipat ng University."

"Okay, I get it." Ayoko ng magsalita pa, but it doesn't mean na I am agreeing to what he said.

"Anyways, can we eat?" hindi ko na s'ya hinintay na makasagot dahil hinawakan ko na s'ya. Habang naglalakad ay napaisip ako sa sinabi n'ya.

yeah, I felt something a while ago. but... Ako matatakot? Gusto kong matawa. What if I told him that I've killed so many people that I already lost in count?

He would shut up?

     

                         SPADE'S POV

"So, how's the girl to you?"

Napatingin ako kay Ren. "A new toy," sagot ko saka ko tinunga 'yung root beer na hawak ko.

Yeah, maybe she got my attention but I swear she's not going to be glad for that.

"But, admit it. It was the first time you have encountered a girl like her," naka ngiting tanong ni Tennessee.

"..And a last." Nakuyom ko ang kamao ko ng maalala ko ulit ang sinabi ng transferee na 'yon kanina.

'Wala na akong panahon para alamin pa kung sino ka but if you really want to be recognized try to wear nameplate next time '

Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos sinipa ko 'yung couch. "The nerve! narinig n'yo ba ang sinabi ng transferee na 'yon kanina? magsuot daw ako ng nameplate? The heck?! hindi nga ako nagsusuot ng ID buong buhay ko tapos NAMEPLATE?" Tumawa ako ng peke.

"And worst, hindi n'ya daw ako kilala! Ako? Si Spade na leader ng 4KINGS Hindi n'ya kilala? ni halos lahat nga ng university locally and internationally kilala ako. Tapos s'ya hindi? saang University ba s'ya nang galing at hindi n'ya ako kilala?!" nangigil kong tanong habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Napaiwas ako ng tingin ng makita kong nakangiting aso silang dalawa sa'kin. "What the hell you two smirking for? Wanna die?" naiirita kong tanong.

"Haha, well, you really look so annoyed and agitated just now, who would not laugh?" natatawang saad ni Ren.

"You want me to hit you?"

"Hahaha! mukang may bago ka ng paglilibangan ah, kaso nga lang pumapalag."

Napaisip ako sa sinabi ni Ten. 

Pumapalag, huh? teka, speaking of... Lalong kumunot ang noo ko ng may maalala ako. kinuha ko agad ang cell ko saka ko denial ang no. ng mga stupidong inutusan ko kahapon.

"What the hell happened to my Instructions? why she's still here and–

What!? how could that things happ —shut the fvck up! and the two of you, I don't wanna see your fvking faces in this university again!" Sa sobrang inis ay nabato ko ang cellphone ko sa pader.

What the hell? at pano naman kaya sila nabugbog ng isang babae? mga hangal!

"Hoy Ren! gan'yan ba kahihina ang mga gang mate mo at pati ang babae ay kaya silang bugbugin? Baka gusto mong ako ulit ang humawak sa kanila?" singhal ko dito.

"I admit, kahit ako, hindi ko marealize na nabugbog sila ng isang babae. Well,  she is really something and to be honest, may pagka similarity kayong dalawa," ngumisi s'ya.

"Gusto mo nang mamatay?"

"Hahaha! marami pa akong babaeng papaligayahin. si Tennessee muna, right babe?" tanong n'ya pagkaway hinalikan n'ya 'yung babaeng kanina pa naka kandong sa kan'ya. Napahawak na lang ako sa noo ko. Mga sakit sa ulo.

"Eh, ikaw Louren, tingin mo?" tanong ni Tennessee kay Louren na abala sa kung ano. Tss Andito na pala ang isang 'to. Bakit wala s'ya kanina?

"Spade, what do you think of this picture?" biglang tanong nito sa'kin.

Titignan ko sana ang picture nang biglang itong inagaw ni Ren. "Astig 'to ah, sino ba 'to?"

"She's an Assassin." Napatigin kaming lahat sa kan'ya.

"Well, Assassin does really exist in the Chaotic world of Business and Political industry, There's nothing new," I stated.

"So Assassin does really exist, huh?" sabat ni Ten.

"Nope, hindi lang basta assassin 'yang nasa litrato.." Napatingin kaming lahat ulit sa kan'ya. "Dahil isa s'ya sa mga notorious na Assassin ng Black Brother Assassination Group."

Tinignan ko ang litrato pagkaway mabilis na binalik din ito.  Hindi malinaw. 'yung blade lang na tinamaan ng ilaw 'yung maaninag sa litrato, the rest blurred na pero mukang familiar.

"Totoo ba? hindi nga? notorious talaga 'tong isang 'to? cool! astig pala maging agent ng Blue Eagle," bulalas ulat ni Ten.

"I think it just normal thing na may ma-encounter kang assassin dahil isang kang agent," kumento naman ni Ren.

"Paano kung sabihin kong babae 'yan at mukang mas bata pa sa'tin, may normal pa ba?" napahinto kaming lahat.

"Hindi nga, nagbibiro ka ba? babae yan?" tanong ulit ni Ten.

"She is a high profile Assassin, and yeah, I'm serious," Louren stated, seriously. "Anyways, back to the main topic, I mean the trasnferee girl, anong plano mong gawin sa kan'ya?" Louren asked facing me.

Napangisi ako sa tanong n'ya. "What else?"

"Planong hinding hindi n'ya makakalimutan."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Hangal na Madaming alam.
This is my first story and I haven't edited it yet as of the moment. Please don't waste your time here and read another book. thank you.
goodnovel comment avatar
Nerwin Boiser
ang gulo ng kwnto nd ko alam kng sino bida
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status