Share

Chapter 6 : The Race

                 Xyrine Jean's POV

                 BBO Headquarters

"Look who's back. The assassin turned University Student–XJ Mont––"

"I need a car," putol ko sa sasabihin ni Kuya Jacob.

Napatitig s'ya sa'kin. "Uhmm, 'yon lang ba?" ngumiti s'ya ng nakakaloko. "You know naman, there's nothing I can't give to my princess," aniya sabay kindat na sinamaan ko lang ng tingin.

"Talaga ba? e, nung isang araw lang ay halos pabayaan mo akong mamatay."

"Haha! well, An order is an order. Saka may gwapong binata naman na nagligtas sa'yo, Mahal na prinsesa."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi n'ya, "Anyways, I need a car. A Racing car."

"Ohh mukang ini-enjoy mo ang pagiging University student mo ah."

"Anong ini-enjoy ka d'yan?! alam mo bang araw-araw nasa hukay ang isa kong paa dahil sa unibersidad na 'yon? at kung hindi ko mapapanalo ang race na 'to. Hindi lang ako, may iba pang estudyanteng madadamay!"

"Well, Mukang seryoso ka nga d'yan. Okay, Ako ng nang bahala sa'yo."

"...and I need a racing track for practice."

"Hahahaha! bibiro kaba? practice? Ikaw? 8 years old ka pa lang ata na-drive mo na lahat ng uri ng sasakyan tapos practice?"

"'Pag sinabi kong kailangan ko ng practice. Kailangan ko ng practice!"

"Ohh chill. Highblood ka na naman eh."

Hindi ko na pinansin ang huli n'yang sinabi pagkaway tumingin ako sa wristwatch ko. 9 pa lang ng umaga at 8 pa ng gabi ang start ng race mamaya means may oras pa ako para mag-practice.

Umarko ang sulok ng labi ko, "let see kung sino ang binangga mo, SPADE THE BULLSHIT."

                 

                      After 8 hours

Ilang lap at loop na ang nagawa ko nang mapansin kong nag-uumpisa ng dumilim. Nang tumingin ako sa relo ko ay mag-aalasingko na. Gusto ko munang umuwi pero pagod na pagod na ako. Sumandal ako sa headboard ng kotse para magpahinga pero dahil sa sobrang pagod ay 'di ko namalayan ang pag-bigat ng talukap ng mata ko. 

  

                Montreal University

                         ELLA'S POV

"Yessss! For sure mananalo kami mamaya! Yehey! mananalo na tayo mamaya!" masaya kong sambit kay Tong habang naglalakad.

"And how did you say?" tanong n'ya.

"Kasi paggising ko kanina wala na si Xyrine, akalain mo 'yon? nagising s'ya ng maaga para lang makapag practice!"

"And who's with him?"

Tanong n'ya ulit pero bakit ganun? gumwapo ata ang boses n'ya. Parang pang hunk. Yay! Nerd na may boses na pang hunk? Acan't imagine. Hindi ko na s'ya sinagot.

"I asked, who's with him?"

Akk! bat ba matanong 'tong nerd na 'to! Infairnes pang fafabol talaga ang boses n'ya. Hehe. Pero hindi ko pa rin s'ya nilingon at sinagot, ginagala ko kasi ang paningin ko baka sakaling makita ko ang 4 KINGS. Well, I admit. Kahit kasi terror sila, sobrang ho-hot nila. I need to bless my eyes with their visual. Lol. Teka, nasan ba sila?

"Hey stupid! I'm asking you, who's with him!?"

Napahinto ako sa paglalakad.

Aba! wengyang nerd na 'to! nakiki-stupid na rin ngayon! baka nakakalimutan n'yang pareho lang kaming laruan!

"Anoooo!? sinong stupid? Ako stupi —Waaah!" halos mapaatras at umuwang ang bibig ko nang makita ko si Spade, Ren at Ten sa likod ko.

Teka, asan si Tong? kailan n'ya pa ako iniwan dito?!

"Are you deaf? I am asking who's with your cousin?" maas malamig pa sa freezer na tanong ni Spade.

Akkk! Pakiramdam ko ay umatras ang dila ko. "Ah...eh, pag-gising ko kasi kanina ay wala na s'ya kaya hindi ko din alam."

"Stupid," sambit n'ya pagkaway lumakad na s'ya paalis kasunod 'yung  tatlo.

Nang wala na sila sa paningin ko ay 

napahawak ako bigla sa pisnge ko at hinatak ito. Shocks! kinausap n'ya ba ako? Omg! Hindi lang 'yon! Sobrang lapit pa nila sa'kin kanina. Akk! Huminga ako ng malalim dahil feeling ko ay parang mag-hahyper ventilate ako. 

Pero speaking of Xyrine..

Nasaan na ba si Xyrine jean?!

           

                         Spade's POV

                             7:30 PM

"Kyahhhhhh!!"

"Go Spade! Welabyooo!"

"Wahhhhhhh!"

"Go for the win Tennessee, Ren, Spadeeeee!"

Pagbaba na pagbaba pa lang namin ng kotse ay nakabibinging sigawan agad ng mga estudyante ang sumalubong sa'min, and it's annoyed me to death.

Nagpalinga linga ako para hanapin ang mga hampaslupang makakaharap namin lalo na 'yung babaeng mabigat ang kamay pero nabigo lang ako dahil hindi ko s'ya nakita.

"Mukang wala pa sila," rinig kong sambit ni Ten.

Ren snickered at Ten's Remark, "don't tell me, they back out already?"

"Magpakita or hindi. Matatalo pa din sila," I uttered.

Ilang minuto pa ay may dumating pang oto kasunod namin. Nang makita kong may babaeng bumaba mula roon ay biglang kumabog ang dibdib ko. 

Huh? what's with the sudden palpitations? nakakatitig pa din ako dito ng ma-relized ko kung sino 'yung babae.

Tss! Palpitations for nothing.

Tumingin ako sa wristwatch ko at tinignan ang oras. It's quarter to 8 already, so where the hell is she?

"Where's your idiot cousin?" tanong ko dito ng makalapit ako.

"H-ha?"

Anong prolema nito? bakit lagi akong nginangangahan? tumalikod na lang ako dahil baka makita ko pang tumulo ang laway n'ya. Annoying.

              Time check : 8:20 PM

"Dammit! anong oras na? bakit wala pa rin sila?" I finally asked.

"Dude, chill 'yan na ata sila."

Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Ren. Mariin kong pinagmasdan ang pararating na oto ng biglang kumabog na naman ang dibdib ko. Arg! what was that? na-sobrahan ba ako sa kape? Dammit! hindi naman ako nagkakape!

"Wazzup bro!" Bati ng lalaking bumaba sa kotse.

Ren steps forward to Louren and tap his back, "Dude! Ready for the race?" He asked.

"Yeah, Goodluck!" Louren answered back.

"What the hell?" I blurted out causing him to notice me.

"Yoh! what's up?"

Napakunot ako ng noo ng ngumiti pa s'ya sa'kin."Hey, Did you know what time is it?" My brows met in the middle. "It's already quarter to 9! can you explain why are you guys still not complete?"

He just smiles at what I've said, What a real jerk.

"Is there's something to smile for —"

"She's coming..." Putol n'ya agad sa'kin pagkaway ngumiti na naman s'ya.

"As if I'm waiting —" SCREEHHH!

Lahat kami ay napahinto ng biglang may otong bumalandra sa harapan namin.

And who the hell is this shit tryna show off?

"Look she's here." 

I just don't know but my heart suddenly stops when I heard what he said.

What the hell is my organ problem?

Nanatiling natingin pa din ako sa oto ng may babaeng bumaba mula rito.

*Bathump*

Agad akong napabawi ng tingin. 

Fvck. I think there's something wrong with the energy drink I drunk earlier.

"Woooh! Awhat was that?" Tennessee's mouth forms like a big O.

"What an entrance," nakangising sambit din ni Ren.

Tss. Mga hangal! 

Napatingin ako kay amazona.

Anong amusing sa babaeng nakasuot ng black na lose shirt at laging may suot na black cap? napatitig ako sa kan'ya...

*Bathump*

*Bathump*

Ait! Stupid organ! do you wanna be plucked out? Agad akong umiwas ng tingin. Wait, I think I need to drink. Right! I need to drink. Pumunta ako sa kotse ko at sumakay. Tinunggga ko lahat ng ng laman ng bottled water na kinuha ko pero ganun pa din ang tibok ng puso ko.

"SERIOUSLY? WHAT THE HELL?!" 

       

         

                Xyrine jean's POV

"Hoyyy Xjj!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko pangalan ko.

"Ouch!"

Leshe! nauntog pa ako sa bubong ng kotse. Teka, bakit ang dilim na?! Napatingin ako agad sa wristwatch,  Halos manlaki naman ang mata ko ng makita kong lagpas alas-otso na.

"Hoy, Kuya Jacob bakit hindi mo ako ginising!" sigaw ko.

"Hahaha. Kasalanan ko bang tulog mantika ka?" tumawa pa s'ya ng nakakaloko.

"Ah! Whatever!" Hindi na ako nakinig sa kan'ya dahil pinaandar ko na ang makina ng oto. Siguro naman by 8:30 ay andun na ako.

Kailangan kong umabot kung hindi..

It's our end.

                  Race track Venue

Pagkarating ko sa Race Track ay kumpleto na silang lahat.

"Insan, Saan kaba galing? bakit hindi ka pumasok kanina at bakit ngayon ka lang? kanina pa naiinip si Spade," bungad agad sa'kin ni Ella.

Napatingin naman ako Kay Spade.

Napakunot noo ako ng makita ko s'yang nakatitig. Lalapitan ko sana s'ya ng bigla s'yang pumasok sa kotse n'ya.

Woah! Ano 'yon? ang kapal talaga ng muka ng lalaking 'to. Ayoko sana s'yang makaharap pero kelangan ko s'yang kausapin kaya lumapit ako.

"Hoy Spade. Lumabas ka d'yan!" sigaw ko pero di s'ya lumalabas. "Hoy! lumabas ka djan!" sigaw ko ulit.

Aba! Ayaw n'ya talagang lumabas ha?Iniinis talaga ako ng isang 'to. "Ikaw! Lalaking puno ng yabang sa katawan humanda ka na dahil siguradong uuwi kayong luhaan!"

Patalikod na ako ng biglang may humawak sa kamay ko at bigla akong hinatak Pasandal sa kotse. Halos habulin ko ang hininga ko sa nangyari. "A-anong ginagawa mo?" tanong ko sa kan'ya.

Imbes na sagutin eh nilagay n'ya pa ang kanang braso n'ya sa itaas ng kaliwa kong balikat pagkaway dahan dahan n'yang nilapit ang muka n'ya. Shet. Ano bang ginagawa n'ya? may sapi ba s'ya?

"Mayabang?" napalunok ako ng lumapit pa s'ya sa'kin. "Kung kaya mo kaming talunin, don't say it just Prove it," Pagkasabi n'ya nu'n ay tinulak n'ya ako palayo saka s'ya sumakay ulit ng kotse.

What? What did he just say!?

"Arg! talagang papatunayan ko! Sisiguraduhin kong kayo ang matatalo. Hambog!" sigaw ko sabay sipa ng kotse n'ya.

"Ang intense n'yo laging mag-away no? laging may pag-sandal." Bahagya akong nagulat ng biglang lumitaw sa harapan ko si 'Boy bolang crystal'

Tinaasan ko s'ya ng kilay, "So?"  natawa na lang ulit s'ya sa sinabi ko. Baliw.

"Hey, Are you ok?" napatingin ako sa nagsalita.

Otomatiko kong naibaba ang tingin ko ng makita ko kung sino ito. "O-ok lang ako. sige d'yan kana!" Pagkasabi ko nun ay nagmadali akong naglakad palayo kay Louren.

Shet. Bakit ba kinakabag ako 'pag kaharap ko 'yon. Nakakainis!

After a decade ay nagsimula na rin ang Race. The Rule's mechanic will be like this. 2 by 2 ang laban. Kailangan magpasahan ng flag ng dalawang team para makapunta sa goal. The pairing will be like this : Ako at si Tong Vs. Spade and Monique. While the second pairing will be Louren and Ella Vs. Ren and Ten, At ngayon naka position na ang mga oto namin.

"Do you think you will win over us?" biglang tanong ni Monique nang pasakay na kami ng oto habang  nakatingin naman sa malayo si Spade at halatang iritado.

"Who knows?" Si Louren ang sumagot.

"Yeah, so let just start this," Iritadong sambit ni Spade kaya wala na kaming nawaga kung hindi sumakay sa kan'ya kan'ya naming oto.

Napatingin naman ako sa katabi ko, Si Tong na kapit na kapit sa seatbelt n'ya. "Hey, just chill. We got this."

Ngumiti s'ya sa sinabi ko pero halatang kinakabahan pa rin s'ya. Nang pumwesto na ang isang babaeng may hawak na flag sa gitna ay humigpit ang hawak ko sa manibela.

"READY! On your mark..." Huminga ako ng malalim. "GO!"

                     Spade's POV

"Fvck!" napalabas ako agad ng kotse.

This is fvcking hell no! napatingin ako sa team nila amazona. Yeah. They win over us. Nakakainis kasi 'tong Monique na 'to she screamed like she's riding on fvcking roller coaster while she keeps touching me like a fvcking pervert.

"Look what you've done. They won the first round," bulyaw ko kan'ya.

"I'm sorry, ok?! but don't worry I'll assure you that the next round will be ours." Devilish smile draws to her face.

"What do you mean?"

"Look."

Tumingin ako sa tinuturo n'ya.

She's pointing at Louren's car, But what does she means?

Hinawakan ko s'ya sa magkabila n'yang balikat. "What the hell are you planning?" nanggigil kong tanong sa kan'ya..

"Get off me! I did it just for your sake Spade!"

"WHAT DID YOU DO!? BAKIT SA KOTSE NI LOUREN?!" My grip tightened up.

"So what? kakampi pa din s'ya nila Xyrine! His lost is their team lost!"

"ARE YOU FVCKING CRAZY?!"

Namutla s'ya ng sumigaw ko. Pasagot na s'ya ng narinig kong naghiyawan ang  mga taong nasa a paligid kaya Napatingin ako agad sa race track.

It is Louren's car, starting to lose its control. I lost a word when I remembered that there's a cliff in the direction where his car heading off. 

"Tandaan mo 'to Monique, 'pag may nangyaring masama sa kababata ko..." I give her a death glare. "YOU'RE A FVCKING DEAD!"

Iniwan ko s'yang tulala at tumungo agad sa kotse ko. Pasakay na ako dito kotse ng may dumaang napakabilis na oto sa harapan ko. Wait, kaninong oto 'yon? It's seems familiar. "Ah! FVCK!" napamura ako ng malutong ng maalala kong kay Xyrine 'yon.

Halos dumuble ang bilis ng tibok ng puso ko nang nakita ko kung saan papunta ang oto n'ya. It's heading to Louren's car. "Dammit!"

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at

Dali dali kong pinaandar ang oto ko para sundan s'ya

"Fvck it!" Ang bilis n'ya magpatakbo. Anong pinaplano n'ya?

Napatingin ako ulit sa oto nila Louren na nooy malapit na sa bangin. Nang ibalik ko ang atensyon ko sa oto ni Xyrine ay lalo akong kinabahan. It's getting faster.

Pabalik balik lang ang atensyon ko sa dalawang kotse ng sumambulat ang napakalas na tunog. Sa Sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari at napahinto na lang ako sa pagdadrive. Pakiramdam ko hindi ako makagalaw.

Nakatulala pa rin ako ng maramdaman kong may mga nagsidatingan na rin na oto sa likuran ko.

"Holy shit! It's almost!" rinig kong sambit ni Ren.

"Come on lets check them out!" aya naman ni Ten dahilan para mapababa agad ako ng kotse.

"Idiot," nasabi ko na lang ng makita ko ang nangyari.

Sinong matinong tao ang haharang ng kotse n'ya sa dulo ng bangin para lang salubungin ang kotseng walang preno.

Mapapahinto n'ya nga ang kotse ni Louren pero sa lakas ng impact nito malaki ang posibilidad na s'ya maman ang maitulak nito sa bangin.

What an Idiot girl.

Papalapit na ako sa kanila ng biglang lumabas si Louren sa kotse n'ya kasunod ng pinsan ni Xyrine.

"Damn it! Xyrine, bakit mo ginawa 'yon?" sigaw ni Louren sa labas ng kotse nito pero walang sumagot.

"Xyrine! Xyrine! are you ok? please open the door!" sinubukan n'yang buksan ang pinto pero naka lock ito at hindi rin namin makita ang loob dahil sa tinted ang salamin.

"Insan, lumabas kana d'yan please. 'wag ka munang mamamatay! Gagawin pa kitang abay sa kasal namin ni Spade!" Tinignan ko lang ng masama ang pinsan n'ya."Hehe...Spade, nand'yan ka pala. Joke lang 'yon hehe."

Hindi ko s'ya pinansin at lumapit ako sa kotse. Kung hindi nila kayang buksan ay ako ang magbubukas. Papalapit na ako dito ng walang ano anoy bumukas ang pinto ng kotse. Lahat kami ay napahinto.

"Oh." Tanging salitang lumabas sa bibig ng babaeng bumaba mula rito.

Napatitig ako sa kan'ya.

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pag hawak ko sa dibdib ko.

Bakit ganito...

'yung tibok ng puso ko.

ANG BILIS.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status