"ANO BA?!" singhal ko sa kan'ya.
"Xyrine, nagmamakaawa ako sa'yo. 'wag ka ng pumasok ngayong araw. Panigurado ako, may binabalak ng masama ngayong araw sa'yo si Spade."
"Pwede ba Ella, Just don't mind me? and stop mentioning that name." Humiga ako ulit.
"Xyrine. Hindi ako nagbibiro. Wala kang laban sa kan––" Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita dahil agad akong tumayo at tinulak s'ya palabas ng kwarto.
Ako walang laban?
If that's what she thinking then be it.*Beep*
Halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Hello Uncle, papabalikin mo naba ako?!" Aagad kong tanong nang sagutin ko ang tawag.
"No."
"What?! hindi mo pa din ba narerealized na hindi ako dapat na andito at nandyan ako sa Brotherhood?"
"No."
"So, why are you calling me then?"
"Just giving you an order."
"Order? You mean may mission ako?" Nice. At least.
"No."
"Ha? What the heck? I mean—What do you mean to that 'oder'?" Inis kong tanong.
"Montreal university is full of heiress and heiresses of the biggest Companies."
"And so?"
"We both know that you are a very short-tempered person at kung sakaling may magkamali sa'yo alam na natin ang mangyayari."
"Can you please tell it directly to the point," naiinis ko ng anas.
"From now on forget that you are Assassin. Don't kill anyone. This is my order. You understan—" Toot! Toot!
Naibaba ko automatiko ang tawag dahil sa narinig ko. Seryoso ba s'ya? does he have any idea how terrible Montreal University is? Those heiress and heiresses he is talking about are playing normal people's lives! At Forget that I'm assassin? Para n'ya akong tinapon sa cage ng mga galit na kuting ng nakatali ang kamay at paa.
Order? Hahahaha! Impossible.
[ Montreal University ]
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa.
Well, nakakailang hakbang na ako pero wala pa namang nangyayaring masama sa'kin. Humakbang ulit ako pero success. Geez!
Magsasaya na sana ako ng may maramdaman akong tumama sa likuran ko. Nang hawakan ko ito ay may naamoy akong masangsang at malagkit na bagay.
"Wtf? Ano 'to? Itlog ba 'to? at sino namang walanghiya ang nagbato nito sa'kin?!"
"Ako, may angal ka?"
Napatingin ako sa pinangalingan ng boses. Napamaang na lang ko nang makita ko ang isang babae sa likuran ko habang may hawak pa s'yang itlog sa kamay.
Wth? anong problema n'ya?
Pahakbang na ako papunta sa kan'ya ng biglang naglabasan sa kung saan ang iba n'ya pang kasama na may mga hawak ding itlog.Ha! seryoso ba sila? pinagkaka isahan ba nila ako? Fine! sila ang nagsimula, ako ang tatapos.
Pahakbang na ako ng biglang nag-replay sa isip ko ang sinabi ni Uncle Julyo dahilan para agad akong mapahinto. Ironic. I didn't agree to that order but never in my life I neglect my duty. Hindi ko alam kung bakit pero natawa na lang ako.
Okay Xyrine. Pagbilang mo ng tatlo, alam mo na ang gagawin mo. Huminga ako ng malalim...
"Isa, dalawa, tatlo... NOW!"
Pumihit ako patalikod saka ako tumakbo. Oo, damuho! tumakbo ako. Tumakbo ako sa pinakamabilis na paraan na alam ko. If not just the sake of that 'order' hindi ako tatakbo ng ganito. Langhiya! Takbo lang ako ng takbo ng makarating ako sa girl's wash room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle para magtago at magpahinga.
Shet ang baho! Sobrang langsa! halos masuka suka ako habang pinupunasan 'yung mga basag na itlog na nasa likod ko. Mga Walangya! Pagbabayaran nila lahat ng 'to. Maghintay lang sila!
Palabas na ako ng cubicle ng may naramdaman akong may bumuhos na likido mula sa ulo ko.
Wtf?! ano na naman 'to?
Dahan dahan kong tinignan 'yung baldeng nasa ulohan ko na may tumutulo tulo pang dilaw na likido.
Hayp. Ihi ba 'to?
Halos mamutla ako sa sobrang inis. Pûntanginàaa! Sa dami dami ng pwede ibuhos sa'kin, Ihi pa talaga! mga hayóp! agad akong kumuha ng balde ng tubig para ibuhos sa'kin para mabawas bawasan 'yung panghi sa katawan ko pero shet! sobrang panghi pa din! nilamig lang ako sa ginawa ko! Pûcha!
"Mga hayop! 'wag lang kayo papakita sa'kin!" sigaw ko paglabas ko ng wash room.
"Andun s'ya!" sigaw ng isang babae.
Ah! shet. Wrong move. Xyrine run! kahit inis na inis na ako ay wala akong nagawa kung hindi tumakbo ng tumakbo sa abot ng aking makakaya.
Takbo lang ako ng takbo 'gang sa makarating ako sa liblib na parte ng Mintreal.
Medyo natulala lang ako sa tumambad sa harap ko. Isa itong Maze garden. Pumasok ako sa loob at umupo sa carabao grass na sahig nito.
Sinandal ko 'yung ulo ko saka ako pumikit.Langyang buhay 'to.
Pangatlong araw ko na dito pero wala pang nangyayaring matino sa buhay ko. Kailan ba matatapos 'to?Brrrr~
Bigla akong nilamig dahil basang basa pa din ako. Nakakaramdam na ako ng antok nang may narinig akong boses sa kabilang bahagi ng pwesto ko.
["May nagmamahal na ba sa'yo? kung wala'y ako na lang. lahat ibibigay sa'yo ng walang alinlangan."]
Ugh! nananaginip na ba ako?
ngayon lang ako nakarinig ng gan'to kalamig at kagandang boses.["Sana'y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito. kaya tanong ko lang kung may nagmamahal naba? sanay ako na lang]
May nagmahal naba sa'kin? napaisip ako sa kinakanta nito.
"Tama..Sa tingin ko ay wala pa." Humikab ako. "Sige, Ikaw na lang," wala sa sariling kong sambit dahil sa sobrang antok.
After 6 hours
Brrrr~ ang lamig!
Napamulat ako ng mata ng makaramdam ako ng sobrang panglalamig. Pagmulat ko ng mata ay medyo madalim na. Nang tignan ko ang relo ko at makitang 6:30 na ay tumayo ako agad.
Siguro naman nakauwi na silang lahat, 'di ba? Nag-umpisa na akong maglakad palayo sa maze ng naramdaman kong may bumusal sa bibig ko at...
"Arg. Nasan ako?"
Nilibot ko ang paningin ko para malaman kung nasaan ako pero dilim lang ang nakita ko maliban sa liwanag ng buwan na pumapasok mula sa labas ng bintana.
"Ikaw kasi eh. Hindi ka naman mapupunta dito kung marunong ka lumagar. 'yan tuloy. Mukang dito kana mamamatay. Sa susunod kasi 'wag mo babangain ang 4 kings." Mula sa kung saan ay naglabasan ang ilang mga lalaki sa harapan ko.
4 kings? na naman? punong puno na ako sa 4 kings na 'yan! jusko naman!
arg! oras na makawala ako, isusunod ko sila sa inyo!"Ha? sino ba kayo mga trolls ng 4Kings?" sarkastikong tanong.
"Aba't matapang ka pala talaga ha! Gusto mong masaktan?"
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan. "Bakit 'di mo subukan?"
Hangal! kaya kitang putulan ng ulo kahit nakatali ako. Napakunot na lang ako ng noo nang biglang magtawanan ang mga kasamahan n'ya.
Ang mga hangal na 'to. Subukan n'yong tumawa kapag wala na kayong mga ulo. Handa na akong sirain ang lubid sa kamay ko ng may mahagip ang mata ko sa kasamahan nila.
Kuya Kacob? teka, bakit s'ya nandito?Imposibleng maging kasabwat ng gan'to kapipitsuging grupo ang professional na assassin na gaya n'ya! Isa pa, naka unipormado ng Montreal ang mga lalaking 'to ibig sabihin ay mga estudyante sila.
Hindi kaya... Don't tell me, pinadala s'ya dito ni Uncle para I spy ako? ha! Seryoso ba 'to? ganto ba s'ya ka seryoso para sa "order" na sinasabi n'ya?
Napailing na lang ako ng mapagtanto kung wala akong pwedeng gawin kung hindi ang hindi pumapalag.
Binilang ko kung ilang lalaki 'yung nakapalibot sa'kin. Isa dalawa tatlo. potek, Labing tatlo!
"Dont kill anyone."
Ano, wala na ba akong pwedeng gawin kung hindi magpabugbug dahil kung hindi baka 'di na ako makabalik pa sa Headquarters?
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. "Ano pang ginagawa n'yo? bukas pa ba kayo magsisimula?" sarkastikong tanong habang nakatingin kay kuya Jacob.
"Pasensya kana, napag utusan lang,"
sambit ng isa sabay angat ng tubong hawak n'ya. "Simulan na."Ah! Mukang magiging masakit 'to.
Napalunok na lang ako ng ilang beses bago tuluyang pumikit.Hinihintay kong dumapo sa'kin 'yung tubong hawak nila ng may narinig tumumba sa harapan ko dahilan para mapadilat ako ng mata.
Halos umuwang ang bibig ko ng tumambad sa harapan ko ang isang
matangkad na lalaki."Are you ok?" tanong nito sa'kin.
Nabigla ako nang bigla n'yang ilapit ang muka n'ya sa muka ko. ekkk! Nababaliw na ba s'ya?! bakit s'ya lumalapit? 'di n'ya ba ako naamoy?!
"Can you please wait for a while?" Tanong nito sa'kin saka s'ya ngumiti.
*Bathump*
Natulala ako ng biglang may kumabog sa dibdib ko.
"I think you guys are being above the law," narinig kong sambit nito na halos lumabas lang sa kaliwang tenga ko dahil sa kabog ng dibdib ko.
"Sir Louren 'wag na lang kayo mangialam kung ayaw n'yong makalaban si Sir Spade," pabalik na tugon ng isa sa mga lalaki.
"Uhm, mukang magkaka problema tayo sa sinabi mo. Sa'kin na kasi ang isang 'to." Sambit n'ya na nag pauwang lalo sa bibig ko. Eh? a-anong sinasabi n'ya?
"Kung ganun wala na kami magagawa. Sugod!" Hudyat ng sinabi nito para sumugod ang lahat ng lalaking nakapalibot sa'min.
Natulala na lang ako nang makita ko kung paano makipaglaban ang matangkad na lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan na tapos na ang lahat at tumba na ang lahat ng lalaking nakatayo sa harapan ko kanina.
"Sorry, na pag-antay ata kita." Baling n'ya sa'kin.
Napag-antay? I think, it took only 5 mins for him to turn them down. Muling kumabog ng mabilis 'yung puso ko ng lumapit s'ya sa'kin upang tangalin ang tali sa kamay ko.
Tae! bakit ba lapit ng lapit ang isang 'to? at ano ba 'tong kumakabog sa dibdib ko. Kinakabag ba ako?
Hindi ko pa nakakalma ang sarili ko ng bigla n'yang hinawakan ang kamay ko."Umalis na tayo bago pa sila magising." Ngumiti s'ya ulit.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Geez! 'yung puso ko. "Teka, ano ba! sino kaba? bakit mo'ko niligtas?! kilala ba kita?!"
"Uhm, 'di ba sabi mo kanina 'sige, ikaw na lang?' so, ako na," nakangiti n'yang paliwanag na 'di ko naman naintindihan.
Teka, nasisiraan naba ako o nasisiraan na s'ya? ano bang pinagsasabi n'ya at bakit ba s'ya ngiti ng ngiti?
"Alam mo, kung sino ka man. Hindi ko alam kung ano 'yang pinagsasabi mo at hindi ko na problema kung bakit iniligtas mo ako kaya hindi ako magpapasalamat. Isa pa wala na akong oras para dito. Kaya d'yan kana at aalis na ako!" pagkasabi ko n'un hinatak ko na 'yung kamay ko sa kan'ya saka ako tumakbo.
"See you around!" sigaw n'ya.
Hindi ko na s'ya nilingon dahil baka kung ano pang ka-abnormalan ang maramdaman ko, at isa pa, masama na ang pakiramdam ko.
Pagdating sa bahay ay naligo ako agad at dumiretso sa kama dahil sobrang sama na ng pakiramdam ko. Bago ako pumikit ng mata ay biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nagligtas sa'kin kanina.
"At bakit mo naman biglang naisip ang ang alaking yon? nasisiraan kana ba?!" sinabunutan ko ang buhok ko.
Tama! ang dapat na iniisip ko ay ang taong may kagagawan ng lahat ng kalokohan na 'to! Ang lecheng Spade na 'yon! Arg! Humanda ka sa'kin! Babalasahin kita! Lalaking may Barahang pangalan!
Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay 'di ko na namalayan ang dahan dahan kong pagpikit.
The Next day
Medyo masakit pa din ang ulo ko ng tumayo ako at mag-asikaso para pumasok.
Desidido na ako! ang spade na 'yon! Dapat n'yang pagbayaran lahat ng gingawa n'ya sa'kin kahapon.Dalawa lang 'to. either mapapatay n'ya ako o mapapatay ko s'ya. Humanda s'ya!
[ Montreal University]
Naglalakad na ako sa corridor ng mapansin kong lahat ng estudyante ay masamang nakatingin sa'kin.
Sige lang, umpisahan n'yo ako, tatapusin ko kayong lahat! Pero nakakapag taka lang ay kung bakit nakaka ilang lakad na ako ngunit wala pa ding nangyayaring masama sa'kin. Ilang saglit pa ay napansin kong nagtatakbuhan 'yung mga estudyante papuntang pavilion.
"Ang 4 kings nasa pavilion!" sigaw ng isang estudyante.
Napangiti ako. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap sa Spade na 'yon. Damuho s'ya!
"Si Tong at si Ella pinaparusahan ng 4 kings!"
Napatigil ako sa narinig ko. Si Ella at si Tong? mabilis akong tumakbo papuntang Pavilion. Pagkarating ko pa du'n ay halos hindi ako makapaniwala sa nadatnan ko. Anong kabaliwan 'to? Si Ella at si Tong nakatali sa gitna habang nakaluhod.
"Spade, nakikiusap ako. Gawin n'yo na na ang lahat sa amin 'wag mo lang kami I kick out!" Pagmamakaawa habang umiiyak sa sambit ni Ella.
"No, why would I do that? Just bring here your cousin And its all done," tugon ni Spade habang nakaupo at naka de-kwatro sa isang couch.
Ang kapal talaga ng isang 'to. Ang tingin n'ya talaga sa sarili n'ya ay isa s'yang hari!
"Patayin mo na lang kami Spade!" sigaw ni Tong na tila kinainis naman ni Spade dahilan para mapatayo s'ya.
"Fine, But I have other plans more pleasurable than killing you," umarko ang sulok ng labi nito.
Tumingin muna s'ya kay Ella at Tong pagkaway sa buong pavilion.
"Attention everyone! these two things in front of me are no longer students of Montreal University, But before that, let me give them an overwhelming farewell gift before they leave," Pagkasabi n'ya nu'n ay may sinenyasan s'yang estudyanteng may dala-dalang mga galon.
Teka, ano 'yon? Gas ba 'yon? ha! nababaliw naba s'ya talaga?
Tumingin ako sa paligid.
halos lahat ng estudyante ay tila ba natutuwa pa sa mga nangyayari. 'yung dalawa sa 4 kings ay nanunuod lang din habang nangyayari ang lahat ng ito.Ano bang klaseng lugar 'to?
Wala bang magpapatigil sa mga nangyayari!? Akala ko ay masahol na ang pagiging Assassin, hindi ko alam na mas masahol pa pala ang mga taong ito. ako lang naman ang kailangan n'ya 'di ba?Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila.
Tama na!
Sobra na!
SPADE'S POV
"ITIGIL N'YO NA 'TO!"
Napatingin ako sa pinangalingan ng boses. Hindi ko pa nakikita alam ko na kung sino s'ya. Dahan dahan ako humarap sa babaeng dalawang beses ko pa lang nakikita.Ganun pa din ang itsura n'ya. May mahabang itim na buhok at itim na sombrero. Naka blouse na mukang hindi plantsado at skirt na hangang tuhod which is 3 inch longer than usual skirt.
Pinapahanga talaga ako ng isang 'to.
Hindi ko akalain na makikita ko pa din s'ya hangang ngayong umaga. I'm about to talk to her ng bigla n'ya akong kwelyuhan at ilapit sa muka n'ya dahilan para mapasinghap ako."Kung sa tingin mo lahat ng estudyante dito ay hawak mo sa leeg, nagkakamali ka!"
Napangisi ako sa sinabi n'ya, "All the students here are mine. Including you," I said as I smirk.
Lalo pa akong natuwa ng mamilog ang singkit n'yang mata. "Common. Don't be that cute trash. I might forgive you—" BOGSH!
Halos matulala ako ng walang ano anoy lumanding ang kamo n'ya sa mukha ko.
What the fvck?
Feeling ko ay nadislocate ang panga ko sa ginawa n'ya. Napatingin ako kay Ren at Ten. Kahit sila ay nagulantang din sa nangyari.
"HANGAL! NI ISA, DALAWA O TATLO AT LALONG AKO AY DI MO PAGMAMAY- ARI!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi n'ya. Tumayo ako at hinigit ko s'ya papalapit sa'kin. Sinigurado kong isang dangkal lang ang pagitan namin bago ako ngumisi. Ang daldal mo ha! Ewan ko lang sa'yo kung makapagsalita ka pa.
"What now?" I asked As I pulled her toward me. "Intimidated?"
Imbes na maasar ay nagtaka ako ng ngumiti s'ya. Annoying! Imbes na madistract eh nilapit n'ya pa ang muka n'ya sa muka ko.
Arg! Dammit! I almost lost it when i felt her breath on my chin.
"What now?" ulit n'ya sa tanong ko.
Pagkasabi n'ya n'un ay malakas n'ya akong tinulak at dumiretso sa dalawa n'yang kaibigan at kalagan ito ng tali.Such an intruder, huh? hahawakan ko sana s'ya sa braso para pigilan ng biglang – BOGSH!
Halos dumoble ang paningin ko ng bigla n'ya ako ibalibag sa sahig.
"Ah! Fvck!" may lahi bang amazona ang isang 'to? nakakadami na s'ya ha! Dahan dahan akong tumayo habang himas himas ang balakang ko. Iniinda ko pa din ang sakit nito ng madatnan kong paalis na silang tatlo.
"Hoy kayong tatlo! huminto kayo!" Sigaw ko dahilan para huminto sila at lingonin ako.
"The three of you! You are kick-out!"
'yung dalawa n'yang kasama ay halos gumuho ang mundo pero s'ya parang balewala lang ang sinabi ko. "Simula ngayon hindi na kayo parte ng university na 'to!" giit ko pa."Spade. You can't do that."
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Louren. Isa pa s'ya, kung di s'ya nakialam tapos na sana ang problema ko kagabi pa lang.
"And why not?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
"She is the new member of CLASS A."
laglag panga akong napatingin sa kan'ya."What did you just say? s'ya? myembro ng class A?" Napatingin ako kay amazona At...Wth? bakit namumula s'ya. What an Idiot.
"Yeah, I just received her info sheet from Admin."
What does it mean? She is heires too? But from what family? why I didn't know? well, whoever she is. I don't give a damn fvck.
"You think I care?" nagtatangis ang panga kong sambit.
"You know you can't insist that. Better change your plan," Seryoso din nitong saad.
I already wanted to see her in despair
but I can't ignore that she's a member of CLASS A. Its breaching the University Rules and regulations."Let just make a deal," I said as I run out of choice.
"Deal?"
"Yeah, and Since nasa side ka naman nila then I let you to be their companion. If you guys win then I let them to stay but if we win don't dare to show up your faces here again.."
"Including you, Louren."
"Call," nakangiting sagot nito na parang wala lang ang sinabi ko sa kan'ya.
Tss. If it just him. The probability of his winning is bigger, but with those trash, It's impossible.
"What can you say?" baling ko kay amazona.
"Such a childish act. So, anong gagawin natin?"
"Car racing," I smirked.
Xyrine Jean's POV BBOHeadquarters "Look who's back. The assassin turned University Student–XJ Mont––" "I need a car," putol ko sa sasabihin ni Kuya Jacob. Napatitig s'ya sa'kin. "Uhmm, 'yon lang ba?" ngumiti s'ya ng nakakaloko. "You know naman, there's nothing I can't give to my princess," aniya sabay kindat na sinamaan ko lang ng tingin. "Talaga ba? e, nung isang araw lang ay halos pabayaan mo akong mamatay." "Haha! well, An order is an order. Saka may gwapong binata naman na nagligtas sa'yo, Mahal na prinsesa." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi n'ya, "Anyways, I need a car. A Racing car."
Xyrine Jean's POV "Ugh! nasaan ako?" nang imulat ko ang mata ko ay nasa bahay na ako. "Shet. Ang sakit ng ulo ko!" hihilutin ko sana ang sintido ko nang may makapa ako sa ulo ko. "Teka, Ano 'to? bakit may benda ako sa ulo?" "Good morning insan, gising kana pala. Ok ka na ba?" "AAAAH!" muntikan ng tumalon ang puso ko ng biglang sumulpot si Ella sa harapan ko. "Pwede ba, 'wag kang nagsasalita basta basta! aatakihin ako sa puso sa'yo eh! teka, sandali! ano bang nangyari kagabi?" "Teka Insan, 'wag mo sabihing..." Tumayo s'ya pagkaway hinawakan n'ya ako sa balikat, "Xyrine! Ako 'to si Ella ang pinsan mo! Insan, 'wag ka mag-kakaamnesia! Insaaaaan!" sinamaan ko s'y
Xyrine jean's POV "Arg! Nasan na ba ang Tennessee na 'to!?" bulalas ko. [Saturday nightHeaven's club8pm.] Tama naman ang lugar at ang oras kung ganun na s'ya? nagpalinga linga ako upang hanapin s'ya ng mabanga ako sa kung sino. "Tumingin ka nga sa daraanan mo!" tinaasan ako ng kilay nito pagkaway tinignan ako mula ulo gang paa. "Tss. What a cheap." Pahabol pa nito saka ako tuluyang nilagpasan. What? did she called me cheap?!kasalanan ko bang mas disente ang suot ko sa suot n'ya?! Tss. ARG! kung bakit ba naman kasi pumayag ako na maging 'TOY' ng mg
Spade's POV "Mukang patay na si Zeke at ang iba n'ya pang gang member." Nalipat ang atensyon ka kay Ten na noo'y seryosong pinagmamasdan ang nagkalat na bangkay sa paligid. "Who ever do this. They are professional killer," sambit din ni Louren. Whatever they say, hindi mag sink-in sa utak ang mga sinasabi nila dahil okupado ang buong isipan ko. "Nasaan na s'ya?" pabulong kong sambit pagkaway nadako ang tingin ko sa walang malay na si Ren. Kung hindi nila dinamay ang kapatid ni Ren panigurado akong hindi sila sasantuhin nito. "Young master, nakita na po namin s'ya." "Bring him here," walang emosyon k
Xyrine Jean's POV "Ui, ano ba talagang nangyari nung weekends." Kanina pang pangungulit sa'kin ni Ella. "Alam mo? 'wag kana lang magtanong," kunot noo kong sambit dahil ayoko na ding alalahanin. "Ano ba 'yan! ang damot naman!" Hindi ko na s'ya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng Montreal. Yeah, ngayon lang kami nag ka sabay pumasok "Wait, bakit kaya ang daming babae sa gate? anong pinagkakaguluhan nila?" Napatingin naman ako sa tinuro ni Ella. Tititig pa sana ako dito ng otomatiko akong mapatago sa cap ko. Arg! anong ginagawa ng hangal na'to sa harapan ng gate? may balak ba s'yang manlim
Xyrine Jean's POV "Insan, una na ako. Kita na lang tayo mamayang break!" Nag-nod lang ako kay Ella. Habang naglalakad papuntang Class A, iniisip ko pa din 'yung kahapon. I feel weird. May nararamamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, parang ganun. Arg! ano naman kung may fiance s'ya? ano naman! aaa! Xyrine! nababaliw ka na talaga! "Hey!" Napaigtad ako ng biglang may umakbay sa'kin. "Ren?" kainis! maka-akbay naman ang isang 'to. Tinabig ko nga ang kamay n'ya. "Sungit! anyways, I just just wanna thank you personally." "Para saan?" tanong ko. Nang Tumingin s'ya sa'kin na para bang nagtataka s'ya sa sinabi ko ay napabusangot ako. "Why
Xyrine jean's POV 1 message received.From: 0956*******____________________________ Buy some flowers and put them in her locker. also, take all the things youcan see from my locker.____________________________ Buy some flowers? wow ha! may patago ba s'yang pera sa'kin? saka ako ba ang nanliligaw? bwiset talaga na lalaki 'to! "Good morning." "Aish!" napahawak ako bigla sa dibdib ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "Pwede ba 'wag! —" Uh! Shet! Xyrine takbo. Papihit na ako sa kabilang direksyon ng maramdaman kong hawakan n'ya ako sa braso ko. "Bakit pakiramdam ko ay parang iniiwasan mo ako." Napaisip ako sa tanong n'ya
Xyrine Jeans POV Panhik sa kanan. Panhik sa kabila. Tihaya. Dapa. "AAAAAAH! ANO BA?! BAKIT HINDI KA MAKATULOG?!" halos makalbo ko na ang buhok kong sigaw. Napatayo ako bigla nang muling mag-flashback ulit sa'kin 'yung nangyari kagabi. Flashback Clap clap* Napatingin kaming lahat sa pumalakpak."Louren?" sabay sabay naming sambit. "You have such a nice voice, Spade," nakangiti pa nitong sambit habang nakatingin sa huli. &