Share

Chapter 1

Itinuon ko ang aking atensyon sa kisame ng aming sariling bahay habang prente na nakahiga sa sariling kama. Kakagising ko lang pero ramdam na ramdam ko na ang lamig sa paligid ko. Nakakawalang gana.

Bakit nga ba humantong ako sa ganitong sitwasyon? Kasalanan ko ba talaga?

Napapailing na lang ako sa tuwing naalala ko ang mga nakaraan. Kung hindi ko ba pinag-sapilitan ang gusto ko, hindi ba hahantong sa ganito kagulo ang buhay ko?

"Ciara!"

Agad akong napabalikwas ng tayo mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ng asawa ko mula sa ibaba ng bahay namin. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at nagmadaling bumaba sa hagdanan.

Nang tuluyan akong makababa ay nakita ko itong bihis na bihis at mukhang mainit na naman ang ulo. Saan nanaman kaya ang punta niya? Napapadalas ang pag-alis niya pero hindi ko alam kung saan siya pumupunta.

May karapatan naman akong malaman, hindi ba?

"Aalis ka ulit? Saan ka ba pumupunta?" Lakas loob kong tanong sakanya, mahihimigan ang kaba at takot sa aking tinig kahit pa pilit ko itong itinatago. Sa tuwing haharap ako sakanya ay hindi na nawawala pa ang takot sa d****b ko. Palaging nanghihina ang mga tuhod ko sa tuwing pinupukulan niya ako ng masasama niyang tingin. Pero wala naman akong magagawa sa nararamdaman ko dahil sa kagustuhan ko rin siyang makita at makasama kahit pa hindi ganoon ang nararamdaman niya.

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa tanong ko sakanya, bagkus tinanggal niya lang ang salamin na kanyang suot at marahan na hinilot ang taas ng ilong na para bang nagsasawa na siyang sagutin ang mga katanungan ko.

"B-bakit mo pala ako tinawag—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang lumapat ang napakabigat nitong palad sa mukha ko. Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan iyon. Napako ang paningin ko sa sofa na nasa gilid ko, bahagya pang bumuka ang labi ko at naramdaman ko ang pag-iinit at pamamasa ng tubig sa gilid ng mga mata ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Napapikit na lamang ako matapos kong suminghap ng hangin mapigilan lang ang mga luhang nagbabadya sa mata ko.

It was just a slap, Cia. Don't cry.

Ayoko ng umiyak. Pakiusap, Ciara. Tama na ang pag-iyak. Pagod na pagod na ako. Muli ay nagpakawala ako ng isang mabigat na buntung-hininga bago muling humarap at salubungin ang masama at madilim niyang mga mata na tila ba galit na galit sa nakikita.

"Ano ba talagang silbi mo?" Tiim bagang nitong tanong dahilan para mapalunok ako.

"Ang kalat na nga ng bahay, tanghali ka pa kung gumising. Look at this, you didn't even bother to cook food! Anong plano mo? Have fun with your life? Huh?" Kunot noong singhal niya dahilan para mapayuko ako.

'Paano ko naman magagawa ang mga dapat kong gawin kung palagi mo akong ikinukulong sa bodega at minsan lang palabasin kung kailan mo gustuhin.' gusto kong ibuka ang bibig ko para ipaglaban ang sarili ko, pero mas nangibabaw sa katauhan ko ang manahimik na lang dahil kung tutuusin ay tama naman siya. Dapat manlang ay gumising ako ng maaga para ipagluto siya dahil ganoon naman talaga ang ginagawa ng mga asawa. 

"P-pasensya na—"

"Get lost!" Asik nito, kasabay ng pagtulak sa akin dahilan para sumalampak ako sa sahig, pero hindi ko na ininda pa ang sakit at mabilisang tumayo para sundan ang paglabas niya ng bahay.

"Tyron.." napahinto ako sa pagtakbo at sunod-sunod na napalunok nang kunot noo ako nitong harapin. 

"H-huwag ka munang umalis, hintayin mo ako. Magluluto lang ako saglit." Pag-presinta ko, ngunit agad din akong napatigil nang sambitin niya ang mga katagang nagpa-kirot sa puso ko.

"There's no need. Waiting for you is such a waste of time." Walang ganang tugon nito at muli akong tinalikuran.

"Teka.. saan ka ba kasi pupunta? Anong oras ka uuwi? Para naman mapaghandaan kita ng pagkain." Pilit na inaayos ang pananalita nang tanungin ko siyang muli, ngunit dahil sa madilim nitong awra ay lalo lang nadagdagan ang kaba sa aking d****b dahilan para tuluyan akong mautal.

"You don't have to wait for me because I'll be seeing my wife. You are free to do whatever you want. Just don't you fucking dare leaving my house and try to outrun me." Malamig na tugon nito bago tuluyang mawala sa paningin ko. Ngunit napako ako sa kinatatayuan ko nang mag paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya.

I'm used how he always threatened me, pero.. he has a wife? Beside me?

Mapait akong napangiti dahil sa katotohanan na sapilitan niya nga lang pala akong pinakasalan. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako magawang mahalin. Kahit minsan ay hindi niya nagawang iparamdam sa akin na asawa niya ako.

Ano pa nga ba inaasahan ko.

~Short Flashback~

“Pwede bang umalis ka sa harapan ko?!” Umalingangaw sa apat na sulok ng bahay namin ang napakalakas na boses niya dahilan nang madiin na pagpikit ko.

It's been a month simula nang ikasal at magsama kami sa iisang bahay, maayos naman ang pagsasama namin sa una, pero simula nang mag-umpisa siyang lunurin ang sarili sa alak ay nag-iba na ang trato niya sa akin, pero pilit kong iniintindi at tinatanggap na lang ang lahat ng masasakit na sinasabi niya, dahil alam ko namang lasing lang siya.

“Ty, lasing ka na. Akin na 'yang baso, please. Ihahatid na rin kita sa kwarto mo,” pilit kong inaabot ang basong hawak-hawak niya na may laman pang alak.

“Sinabi nang umalis ka! Hindi ka ba makaintindi?!” 

“You're drunk, Tyron. Ano ba? Umayos ka naman, nahihirapan na ako,” pagmamakaawa ko. Kanina ko pa siya pinapatigil pero ayaw niya talagang makinig.

“Edi umalis ka,” saglit akong natigilan sa sinabi niya.

“Ano bang sinasabi mo?” He scoffed. Nanatili namang na sa kanya ang paningin ko.

“Bakit ka pa ba dumating sa buhay ko?” Tila kumirot ang puso ko nang bumaling ang matalim nitong tingin sa akin.

“Hindi ka ba nakakahalata?” He clicked his tongue inside his mouth. 

“I still wonder why you agreed to this fucking arranged marriage, kahit obvious naman sa'yo na hindi kita gusto at may iba akong gustong pakasalan,” my lips parted. 

“Ganyan ka ba kadesperada?” Tuluyan nang nawasak ang puso ko sa tanong niyang iyon, pakiramdam ko ay namamasa na ang gilid ng mata ko dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Desperada?

“Well, congrats. You successfully ruined my fucking life.”

“Ano bang sinasabi mo? Lasing ka na,” nanginginig ang labing sambit ko, pilit iniiba ang usapan.

“And now you're acting as if nothing happened? Did you even know na sinira mo na ng tuluyan ang buhay ko? You didn't fucking know how much I'm fucking wasted right now dahil nawala ko ang nag-iisang taong mahal ko nang dahil lang sa tanginang kasal na 'to!” 

Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong tumulo na ang luha ko. 

Alam ko namang ako lang ang may kagustuhan nito, pero hindi niya naman kailangan ipamukha pa sa akin na kasalanan ko.

“I-it's not my fault,” mahinang sambit ko. Bahagya akong napalunok nang marinig ko ang tawa niya matapos niyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

“Talaga?” Tanong niya pa.

“I begged you, Ciara. I begged you not only twice, but fucking a lot of times! Pilit akong nagma-makaawa sa'yo na tulungan mo akong huwag matuloy 'yung kasal dahil alam mo, alam mo nang oras na 'yon ay mag p-propose na ako sa taong mahal ko. Pero anong ginawa mo? Ikaw pa 'yung mismong nag-pumilit sa magulang mo na ituloy 'yung kasal. You're so selfish, alam mo ba 'yun?” Mas lalo pang nadurog ang puso ko sa huling sinabi niya.

At alam kong totoo 'yon. Naging selfish ako nang oras na 'yon dahil sa kagustuhang mapa-sa'kin ka kahit alam kong may minamahal kang iba. Iyon na lang ang tanging paraan na meron ako, kaya naman kahit alam kong ayaw mo ay pinilit ko pa rin dahil sa sariling kagustuhan ko, kahit alam ko na ikasisira lang ng buhay mo ang desisyong gagawin ko.

“I-I'm sorry..” sa dami nang laman ng isip ko ay tanging iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

“Sorry won't change the story, pinakasalan mo pa rin ako dahilan para mawala ang taong mahal ko.” Naramdaman ko ang yabag ng paa niya papalapit sa akin, ngunit pinanatili ko ang sariling nakayuko at nakapako ang paningin sa sahig.

“It's your fault, kaya don't expect na mamahalin pa kita pabalik, dahil kahit anong gawin mo, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat.” 

~End of Flashback~

[ Tyron's pov ]

When I see my girl running towards me, a genuine smile plastered on my face. 

She's here.

“Honey!” She cried as she wraps her arms around me tightly, as though she hasn't seen me for a long time.

"You're back." I hugged her back and let her feel the warm of my hug.

"You miss me?" 

"You don't know how much I'm missing you, hon. I've been thinking about you lately, akala ko hindi ka na magpapakita ulit.” I gently laughed.

“Ang oa mo, isang linggo lang naman akong nawala,” pagbibiro ko dahilan para lalo siyang mapasimangot.

“I hate you!”

"Kidding, don't be sad na. Look, I have something for you.” Inilabas ko ang maliit na box mula sa pocket ko at binuksan 'yon sa harap niya. Bahagya naman akong napangiti nang muling sumilay ang maliit na ngiti niya sa labi.

"Hony.." She almost cried when I took the pendant necklace out of the tiny box and put it unto her.

"Do you like it?" I asked, pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. She was speechless at hindi matanggal-tanggal ang paningin sa kwintas na isinuot ko sa kanya. I couldn't help but to smile, dahil alam kong nagustuhan niya ang binigay ko.  

"Hon naman eh!" Pasugod ako nitong niyakap at tiningala. "I love it, I love you." I cupped her face and kissed her forehead.

“Pero wala akong gift sa'yo.”

“It's okay, your presence is enough as a gift.”

“Really?”

“Yeah.”

"God, I don't deserve you. I love you,” she cried.

“Of course, you do. Sinong nagsabi na hindi mo ako deserve?”

“Ako, kakasabi ko lang, 'di ba? Bingi ka ba?” Bahagya akong natawa bago pitikin ang ilong niya.

“You're mean.”

“Masakit, ano ba. Pero bakit nga pala ang tagal mong umuwi, minsan naman hindi umaabot ng linggo 'yung pagbisita mo sa'kin ah? Something happen ba?” She asked while still hugging me. Saglit naman akong napatikhim, dahilan para mapabitaw siya sa pagkakayap sa akin.

“Tyron?”

"Yeah.. about that. I'm sorry, I just can't find the right time when I should act. She seems to be suspicious na dahil palagi na lang akong umaalis."

"Who?"  

"My maid." I laughed as I response, but I was immediately taken aback nang samaan niya ako ng tingin.

"What?" I innocently asked.

"You're referring to Cia, right?" I pressed my lips together when she stated the name of the woman who I despise the most.

For a brief of moment, I was speechless before finally opening my mouth and uttering my answer.

"Yes.. I guess," I responded, slowly and almost whispering.

"Hon."

"You're still doing it?" She asked with a frown on her face, pero hindi ako umimik at iniiwas lang ang paningin ko.

"Tyron," nang tuluyan niya nang sambitin ang pangalan ko ay muli kong ibinaling ang paningin ko sa kanya. I sighed as our gazed met, I can see the agony on her eyes.

Why does she have to be concerned with that woman? Kung tutuusin nga dapat galit rin siya, dahil ang babae na 'yon ang dahilan kung bakit kinailangan naming magkahiwalay noon.

"Hon, you know my reason naman, hindi ba?” I knew she was aware of what I was doing to Ciara, of how am I treating and hurting her physically and mentally, and I know she hates it when I do it. Parati siyang nakikipag-talo sa'kin na kahit may issue kami kay Ciara, she still reminded na Ciara's still a woman who needed to be treated right and get valued. But I never listened to her, I do what I want to do. 

"Alam kong sobra ang galit mo sa kanya, pero hindi 'yon sapat na dahilan para saktan mo siya ng physical, hon." Her eyebrows met as she let out a deep sighed while uttering those words; she couldn't help but to held her sense.

"Alam mo bang nakokosensya na ako sa ginagawa natin?" She took her words seriously.

"Hon.."

"Sobra na 'tong ginagawa natin, pero wala akong magawa dahil mahal kita at ayokong mawala ka na naman sa akin. Pero look, ayoko ring makapanakit ng iba. Naaawa ako sa sitwasyon ni Cia. Paano na lang kung malaman niyang may relasyon pa rin tayong dalawa?" 

"She already knows about us," I sighed, averting my gaze as I finally said it. Kanina pa ako humahanap ng tyempo para sabihin sa kanya ang totoo. 

Nang marinig niya ang sinabi ko ay saglit siyang natahimik. Her brows furrowed even more and scoffed because of disbelief. "What do you mean she knows? Don't tell me, sinabi mo?" She came up with those question.

Sighed, “I can't help it, that's why I tell her the truth."

"You did?!"

"Yes, kanina. Before I leave the house—"

"What? Nababaliw ka na ba talaga? What on earth goes to your mind to do such things? Kumikilos ka nang hindi manlang iniisip ang mararamdaman niya?"

"Calm down."

"No!"

I sighed and directly looked into her eyes, "Look, I did that because I hate seeing her around. I'm sick of seeing her hoping and expecting something from me. Sinasaktan ko siya para tumigil na siyang isipin na may pag-asa pang magka-ayos kami." 

"Gosh, are you even for real? It's not her fault, it's yours. Tyron, you've given her a reason to expect something from you."

"I know, but let just not talk about it. I mean, we can talk about it . . But please not now. Ayokong mag-away tayo, ngayon na lang kita nakasama, aawayin mo pa ba naman ako?" 

"Tss."

"Hon," I called her in a tender tone, knowing she was sullen about what I had done. 

I pulled her close to mine and hugged her nang sinubukan niya akong talikuran.

“I'm sorry, alam kong biglaan 'yung ginawa ko pero hindi ko na matiis, gusto ko ng malaman niyang hindi ko siya kayang mahalin."

I heard her sighed, "wala namang mangyayari kung magagalit pa ako sayo, hindi ba? Nalaman niya na, ano pang magagawa ko?" She really seemed to be sulking.

"Hony naman, huwag ka ng magtampo," since she was attempting to flee, I tried to tighten my embrace around her.

"Oo na! Bitawan mo ako dahil hindi ako makahinga!" She sighed and glared at me. 

"Bati na tayo?" I asked her with a smile on my face, but she's till glaring at me. 

"Hon.."

"What?!"

"Galit ka?"

"Sinong hindi magagalit?!"

"Sorry na nga."

"Psh!"

"Hon naman, huwag ka ng magalit, nasasaktan yung puso ko oh?" Nakasimangot na tanong ko, matapos kong ilapat ang palad niya sa d****b ko kung saan nakapwesto ang puso ko.

"Yan! Naiisip mo 'yang puso mo, pero sa asawa mo, hindi!"

"Hindi ko siya asawa," kunot noong tugon ko, dahilan para lalo niya akong samaan ng tingin.

"Gusto mong ibalibag kita?"

"Hindi na nga eh," nagmamakaawang saad ko.

"Tss! Pagbibigyan kita ngayon, pero ipangako mo sakin na hindi mo na sasaktan si Cia, got it?!"

"Pero-"

"No buts!"

"Hon naman.."

"Bakla ka ba?"

"A-ano?"

"Bakla ka ba?!"

"Hindi 'no!"

"Bakit sinasaktan mo si Cia?"

"Dahil galit ako sa manya," nakasimangot na saad ko.

"Tss."

"I love you," paglalambing ko.

"..."

"Hon, I said.. I love you."

"Ok."

"Anong ok?" Kunot noong tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

"When I say I love you.. you should kiss my lips too." Her eyes widened as I whispered on her ears.

"Ano?! Baka gusto mong makatikim ng kamao?" Kunot na kunot ang noong singhal niya dahilan para matawa ako.

"But before you do that, you should say, I love you, master."

"Suntok gusto mo?"

"Go on." Paghahamon ko sa kanya habang umaabante papalapit sa kanya, na siya namang ikinaatras niya habang salubong pa rin ang dalawang kilay.

"Anong go on?"

"Punch me and I'll kiss you."

"Nababaliw ka na ba?"

"Yes. You're driving me crazy, Hannah." I utter and pulled her waist.

"Hoy!"

"Yes, hon?" As I grabbed her waist tighter to me, she was shocked while swallowing.

"A-ano ba! Bitaw nga!" Bulyaw niya at sapilitang umalis sa pagkakabihag ko.

"Hahahahaha." Kunot noo ako nitong binalingan ng masamang tingin nang marinig niya ang halakhak ko.

"What?!" Iritang tanong niya.

"You're blushing, hon." Natatawang pang-aasar ko dahilan para sumama lalo ang tingin niya.

"Manahimik ka, Tyron Collins ah!"

"Come here," natatawang paghila ko sa kanya.

"No!"

"Hon,"

"Ayoko nga sabe!"

"Wife."

"Ano?!" Tuluyan na akong natawa dahil sa itsura niya nang mamula na naman ang magkabilaang pisngi niya.

"Come here, wife." Nagpipigil ang tawa nang manlaki ang mga mata niya nang muli ay mabihag ko siya sa mga braso ko.

"Ano ba, Tyron! Pakawalan mo 'ko!"

"What if I don't want to?" Bulong ko sa kanya, dahilan para mapalunok na naman siya.

Hahahaha. She's blushing again, Ty. 

"Ay!" D***g ko nang maramdaman kong hinampas niya ang d****b ko. Nang magitla siya ay hinawakan ko agad ang d****b ko at umarteng nasaktan ako sa hampas niya.

"Sorry, kasi naman ikaw eh!"

"Aylabyu," agad na banat ko kasabay ng paghalakhak ko.

"Ano ba!" Bulyaw niya, tatawa-tawa ko naman na muling hinigit ang baywang niya papalapit sa akin para halikan ang noo niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status