Chapter 6

One year and three months have been passed. But, the scar in my heart is still fresh to me. I thought moving on was that easy. I thought I can easily forget about him. But, I was wrong. How can I forget someone who haven’t say a thing before leaving? He left me without saying a word. 

I’ve waited for him that day. But he didn’t come. It’s our first year anniversary and I was very happy that time. He told me to wait for him in our favorite place. I came on the meeting spot earlier than the time he told me. 

Ilang oras akong naghintay sa kanya. Lumipas ang limang oras na paghihintay at malapit nang gumabi ngunit ni anino niya ay hindi ko nakitang sumipot sa akin noong araw na iyon. Wala rin akong natanggap na kahit anumang text o tawag mula sa kaniya. Tila naglaho siya na parang bula. Walang paalam, walang pasabi.

Pinuntahan ko siya sa tinitirhan niyang bahay ngunit wala akong nadatnan doon. Mag-isa na lang siya sa buhay kaya walang kamag-anak niya ang puwede kong tanungin kung saan siya nagpunta noong araw na iyon. Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung saan ko siya hahanapin. Pinuntahan ko ang mga lugar na palagi naming pinupuntahan dati ngunit wala akong Dwaine na nakita. Inisip ko rin na baka sumama na siya sa iba. Ngunit, bakit kailangang sa mismong anniversary pa namin? 

Umiyak ako nang umiyak noong araw na iyon at ilang linggo din akong hindi makausap ng aking pamilya. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Si Dwaine ang unang lalaking minahal ko. At siya rin ang lalaking pinapangarap ko hindi dahil may hitsura siya, kundi dahil maaruga siya, maalalahanin, at kayang hawakan ang pabago-bago kong mood. Siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang lubos. 

Ngunit hindi ko lubos akalain na magagawa niya akong iwan nang wala man lang paalam. Hindi na lang siya nagparamdam bigla at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kaniya. I feel ghosted. 

Lahat ng tungkol sa kaniya ay tila naglaho na parang bula at sumama sa hangin. Maging ang mga guro sa pinapasukan naming University ay labis din na nag-alala sa bigla niyang pagkawala. Sinubukan naming ireport sa mga pulis ang pagkawala niya dahil naghinala akong may nangyaring hindi maganda sa kaniya noong araw na iyon ngunit agad din lang sumuko ang mga pulis sa paghahanap sa kaniya matapos ang tatlong buwan. 

Hanggang isang araw, nang isinama ako ni Lucy sa mall para mag-aliw, isang babae sa shop kung saan kami bumibili ni Lucy ng mga damit ang narinig kong nakikipag-usap sa isang lalaki sa kanyang cellphone. At narinig kong nabanggit niya ang pangalang ‘Dwaine‘ sa kalagitnaan ng phone call. 

Natutop ako at napako sa aking kinaroroonan nang marinig ko ang pangalang iyon. Lahat ng mga sariwang sugat ay muling bumuka. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko no'ng sinundan niya ng 'babe' ang pangalang nabanggit. Pinatatag ko ang aking loob noong panahong iyon at hinarap ang babae. 

“Hmmm… hi po,” panimula ko at kinapalan ang aking mukha para kausapin ang babae. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay sa akin. Halatang masungit siya ngunit hindi ako nagpatinag.

“Yes?” maarteng sambit niya sa akin. Kung hindi ko lang naisip na may kailangan akong itanong sa kaniya ay baka tinapatan ko ang kasungitan niya. Ngunit, nilakasan kong muli ang aking loob at tinanong siya. 

“Nabanggit niyo po kanina ang pangalang… D-Dwaine,” pautal-utal kong wika. Kumunot ang kaniyang noo ngunit nanatili pa ring nakataas ang kaniyang isang kilay.

“Maaari ko bang malaman kung sino Dwaine po ang tinutukoy niyo sa phone call kanina at anong relasiyon niyo po sa isa’t-isa?” Nagmumukha na akong desperada no'ng mga oras na iyon at kulang na lamang ay lumuhod at magmakaawa para lamang sagutin niya ang aking katanungan. Mas lalong napuno ng pagtataka ang mukha ng babae. Ngunit agad niya rin naman itong nabawi at nagawa pang ngumiti sa akin.

“He’s Dwaine Agustin, my boyfriend. What’s the problem, Miss?” sambit niya. My mouth widely opened as my jaw dropped to the floor. My eyes are preparing to burst tears but I hold them back. I shook my head to her and maneuvered my body to turn my back. Mabilis kong tinungo noon ang comfort room para doon ibuhos ang lahat sama ng aking loob. I don’t know if it’s coincidence to meet the girl he had chose over me but destiny was very rude to me. 

Iniwan niya ako para sa ibang babae. Bakit hindi man lang siya nagsabi? Maiintindihan ko naman at handa akong palayain siya. Kasi kung hindi na sa akin siya sasaya, hahayaan ko siyang maging masaya sa iba. Bakit kailangang umabot sa puntong ito? Bakit kailangan ko pang malaman? Mas triple 'yong sakit nang malaman kong iniwan niya ako para sa babaeng 'yon kaysa do'n sa sakit na ipinaranas niya sa akin nang iniwan niya ako, naghihintay sa kaniya at umasa sa wala.

Mabuti na lamang at agad akong nahanap ni Lucy kundi baka kung ano ng nagawa ko sa sarili ko sa loob ng cubicle ng CR noon. Lucy knows all my sufferings, my heartbreaks. Nalaman ng pamilya ko ang nangyari sa akin. Halos pumutok na ang ugat ni kuya sa leeg noon dahil sa sobrang galit. Tila gusto niyang pumatay ng tao at nagpupuyos sa galit ang kaniyang mga mata. That time, I realized that I don’t need a boyfriend to have someone cares for me. My best friend and my family are always there. 

They won’t leave me dumbfoundedly. They care for me and love me no matter what. Iwanan ka man ng buong mundo, ngunit hindi ang pamilya mo. At no’ng panahon ding iyon ko sinabi ang lahat ng sama ng loob ko kina mama, papa at kuya. They already knew that something’s off but they were just waiting for me to open up. And I’m happy that they help me to see the light again and to teach me how to smile again.

Napagtanto kong hindi ko pala kailangan ng jowa para sumaya. Ngunit, hindi ko maikakailang dumadating pa rin ako sa puntong nalulungkot ako dahil sa nangyari. Umiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ang mga masasayang alaala naming dalawa nang magkasama. Isang taon. Sa loob ng isang maikling taon lamang, marami na kaming mga naipong alaala. At ang mga iyon ang nagpapahirap sa akin para kalimutan siya.

Ayaw kong plastikin ang sarili ko dahil sumaya rin naman ako sa piling ni Dwaine. Naging masaya rin naman ako sa kaniya. Bumuntong hininga ako. Balang araw ay makakalimutan rin kita, Dwaine. 

“Okay, let’s continue the activity tomorrow. I already exceeded five minutes in your class and you are supposed to be having your lunch right now. Let’s call it a day and happy lunch, everyone!” magiliw na wika ni Mrs. Garcia sa aming lahat na naging dahilan upang bumalik ako sa aking huwisyo. Mabuti na lamang at nagawa kong hindi umiyak habang inaalala ang aking nakaraan.

“Tara na, beshie. Gutom na ang mga bulate sa tiyan ko,” aya sa akin ni Lucy at tumawa matapos magbiro. Ngumiti ako para hindi niya mahalatang nalulungkot ako. Ngunit, huli na pala. Kahit anong gawin kong pagtatago sa kaniya ay alam na alam niya kung ano ang aking tunay na nararamdaman.

“Your eyes are sad again. Cheer up, okay! Hug na lang kita para 'di happy ka na ulit,” sambit niya sa akin at saka ako niyakap habang nakaupo pa rin kami. Now, it feels lightweight again. She really knows how to comfort me. Aware akong may ilan pa kaming mga kaklase sa loob ng room ngunit wala akong pakialaman. 

“Thank you, beshie,” I whispered then she loosen up the hug. 

“Gaga, huwag kang magpasalamat. May bayad 'yon. Ilibre mo ako ng lunch, ha!” pagbibiro niya sa akin saka humagikhik ang bruha. 

“Ha? ‘Di ba kakukuha mo lang ang allowance na bigay ng mga magulang mo noong isang araw tapos ililibre kita? Ako nga dapat ilibre mong bruha ka,” angal ko sa kaniyang tinuran. Tumawa lamang siya sa akin ngunit bigla namang napatigil siya nang may biglang sumingit sa aming biruan.

“It’s my treat. Let’s go. I’m hungry,” Rave butted in. The authority in his voice is still there. Tumayo ako at ipinagsalikop ang aking mga braso sa isa’t-isa. 

“Three meters apart. How many times do I have to remind you about that rule? And one more thing, I’m your master, right? So talk to me with respect. Don’t give me commands,” I mentioned sternly. Pinanliitan ko siya ng mata ngunit tinapatan niya lamang ang intensity ng aking mga titig. Nakakainis talaga ang kupal na 'to. Ilang segundong nagtitigan kami ngunit ako rin lang ang sumuko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Mabuti na lamang at kaming tatlo na lamang ang natitira dito sa loob ng room.

“Okay, Master! Can we go to the canteen now? Please?” 

Did I heard it right? 

“Say it again,” I demanded. He snorted.

“Okay, Master! Can we go--”

“No! Not that. The last word you’ve just said earlier,” I teased him. Now, it’s payback time. He scratched his nape, hesitating to say the word.

“Please?” Oh my! My ears seem blessed today. 

“Okay, fine!” medyo natatawang sambit ko at saka kinuha ko ang bag naming dalawa ni Lucy at ipinahawak kay Rave.

“Carry our bags. This is your punishment for breaking my first rule… always,” I gushed. He just snorted and did what I have just told him to do. Nauna na kaming naglakad ni Lucy palabas ng classroom habang hawak-hawak ko ang kamay ng aking kaibigan.

Nang makarating kami sa canteen, pinagtitinginan na naman kami ng mga kapwa naming estudyante lalong-lalo na ang mga kababaihan. Ang sarap lang tusukin ng lapis ang mga mata nila. Dumiretso lang kami ng lakad ni Lucy patungo sa counter para pumili ng aming kakainin. 

Isang adobong baboy, fried chicken, at dalawang cups ng rice na lang sa akin. Hindi naman ako gano'n katakaw, 'di ba? Mabilis namang umusad ang pila dahil kakaunti na lamang ang mga estudyanteng nasa counter. 

“Maghahanap lamang ako ng table natin, beshie. Tawagin na lang kita mamaya,” paalam sa akin ni Lucy matapos makuha ang order niya. Tumango lamang ako sa kaniya nang hindi pinupukulan ng tingin dahil abala ako sa pamimili ng fried chicken gamit ang food tong. 

Nang makapili na ako, inilagay ko ito sa isang maliit na platito saka ipinatong sa aking tray kasama ang kanin at 'yong isang platito ng adobong baboy. Ipinihit ko ang aking sarili patalikod ngunit nagulat ako nang may lalaki pala sa aking likuran. Mabuti na lamang at hindi natapon ang hawak ko. 

May katangkaran ang lalaki dahil kailangan ko pang tumingala para lamang makita ang kaniyang mukha. Mapupungay ang kaniyang mga mata, maganda ang hugis ng kaniyang panga, may katangusan ang ilong, at bumagay sa kaniya ang gupit niyang fade cut. Why am I describing him, by the way? It’s none of my business. Pero mukhang nakita ko na siya ngunit hindi ko lamang matandaan kung kailan o saan.

“Hey, Ran! What’s up,” tawag ni Rave sa lalaki. Lumingon ako kay Rave na naglalakad palapit sa amin ng lalaki. I rolled my eyes senseless. Yumuko ako sa lalaki bilang paghingi ng paumanhin at saka nag-iba ng direksiyon para hindi kami magkasalubong ni Rave.

Agad ko namang nahanap si Lucy ngunit hindi lamang siya nag-iisang nasa table. Mayroon siyang mga kasama at nakikilala ko ang ilan sa kanila. Sila ang mga estudyanteng kabilang sa Royal Ten. Teka, bakit kasama ng babaeng 'to ang mga taong 'yon. Close sila? 

Nasa pinakagitnang bahagi ang table kung saan sila naroroon. Marahil ay mesa ito na exclusive lamang sa mga Royal Ten. Kung makikisali kami sa kanila, malamang ay maa-out of place lang kami. Ngunit mukha naman silang mabait habang nakikipag-usap sa aking kaibigan. Pero kahit na. Hindi kami belong sa kanila kaya dapat lang na hindi kami nakikisali sa kanilang grupo. Baka mas lalong magalit na naman sa amin ang iba dahil maging ang ibang Royal Ten ay kinakaibigan namin. Isipin pa ng ibang estudyante na ginagamit namin sila para umangat ang posisyon namin dito sa campus, bagay na ayaw kong mangyari.

“Hmmmm… hi!” medyo alanganing bungad ko sa kanila saka ngumiti nang matipid. Naputol ang kanilang masayang usapan at napatingin silang lahat sa akin.

“Hello, Yumi! Please to have you. Come and join us,” magiliw na aya sa akin ng isang babaeng braided ang buhok sa harapan ngunit may natitira pang buhok na malayang nakalugay sa kaniyang likuran. How did she know my name? Maybe, Lucy told to them. Simple lang siya ngunit masasabi kong napakaganda niya lalo na kapag nakangiti ang mga mata. Kung hindi ako nagkamali ng pagkaalala, ang pangalan niya ay Shakira Sandoval, ang President ng SSG sa paaralang ito.

Iginala ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Mukha namang hindi yata nila kasama ang kanilang Campus Queen na si Katherina. Ngunit, kahit na. Hindi kasi ako komportableng may ibang kasalo sa mesa maliban sa aking best friend at pamilya.

“Ahhh… ehhh… kasi--” pinutol ni Lucy ang aking pagtanggi sa alok ng babae.

“Halika na dito, beshie. Don’t worry, mababait naman sila. Hindi sila nangangagat ng tao, right guys?” 

“Haha, oo naman, girl!” bulalas ng mga babaeng kasama sa Royal Ten. Kulang na lamang ay mahulog ang aking panga sa paraan ng pakikitungo ni Lucy sa mga ito. Close na sila agad? Haha real quick. 

“Have a seat. Wala ka namang balak na magpatangkad, 'di ba?” wika ng lalaking kararating pa lamang sa kinaroroonan namin at katulad ko ay may hawak din siyang tray ng pagkain. Inirapan ko siya. Epal talaga 'tong kupal na Rave na 'to. Hindi ko nasiya sinagot dahil mapapagod lamang akong makipagtalo sa isang kagaya niya.

Dumistansiya ako sa kaniya at nakiupo na lamang sa tabi ni Lucy. Malawak naman ang mesa at ito ang pinakamalaking mesa sa loob ng canteen. Talaga nga namang kahit sa anong bagay ay may nangyayaring diskriminasiyon. 

Sumunod namang dumating ang lalaking tinawag kanina ni Rave na Ran at umupo siya sa tabi ni Miss Shakira. 

Tahimik lamang akong kumain ngunit ang mga kasama ko ay hindi. Nakikisabay rin si Lucy sa kaingayan nila. What to expect from her? She is flexible. I mean she can adjust to different environment and can blend to different people without hint of difficulties. Hindi naman ako introvert at hindi rin extrovert. I can deal with other people’s behavior but it takes me time to adjust with different situations. 

Natigil naman ako sa pagkain nang biglang tinanong ako ng isa sa mga Royal Ten. Sandali kong nabitawan ang hawak kong kutsara at tinidor.

“Yumi, paanong napapasunod mo ang damuho kong kapatid when in fact ang tamad-tamad niyan at ayaw mautusan sa bahay? I know about your master-slave relationship with my brother by the way. Actually, kalat na sa buong campus. Ako nga pala si Elisa, half sisiter ni Rave. Please to meet you,” mahabang litaniya sa akin ng babae. Natameme ako sa kaniyang katanungan. Paanong napapasunod ko ang kapatid niya? What does she mean? And wait, magkapatid sila?

Hindi magawang mag-sink in sa akin ang kaniyang katanungan. Nanatili lamang akong nakatunganga sa kaniya. Ano bang sasabihin ko? Wala naman akong ginagawa, 'di ba? Palagi nga niyang sinusuway ang three-meter rule ko, ehh! 

At teka lang, alam na niya at ng buong campus ang tungkol sa deal namin ng lalaking 'to? Gano'n kabilis kumalat ang balita?

“Ano ka ba, Elisa. You’re badmouthing me to her. Stop that. At isa pa, we’re rich. We have maids. You don’t have to order me because I’ll do things according to my will,” Rave scowled to her sister. His eyebrows furrowed. 

“Okay, sinabi mo, ehh! Anyways, sorry for my question, Yumi. I made you uncomfortable,” she forfeited arguing with her brother and asked for a pardon to me.

“It’s okay,” I uttered, forcing a smile. Nagpatuloy kami sa pagkain. Siniko ako ni Lucy sa aking tagiliran kaya napalingon ako sa kaniya. I gave her a look asking what’s the matter.

“You, okay?” she mouthed. I nodded. Why I shouldn’t be okay? Wala lang naman iyon sa akin. Nagulat lang ako sa biglaang pagtatanong sa akin ng kapatid ni Rave kaya hindi ako nakasagot agad. 

“Anyways, can you tell us something about yourself, Yumi? Your likes and dislikes? Interests? Something like that,” muling pagbubukas ng isa sa kanila ng topic. I know him. He’s Warren Uy. The one who’s in the rank 9 among the Royal Ten. Bakit palaging ako na lang? Mukhang nasa akin yata ang spotlight ngayong araw.

“Tapos na kasi kaninang nag-share ang kaibigan mo kaya ikaw rin dapat. It’s like getting to know you more,” dagdag naman ni Shakira. Muling siniko ako ni Lucy at isang matalim na irap na ang nakuha na niya sa akin ngayon. Mukha bang may magagawa pa ako?

“Hmmm… well,” panimula ko. Ang ilan ay nakatingin sa akin samantalang ang iba ay abala sa pagnguya ng kanilang pagkain. Why the pressure is always on me? Parang natatae na naman ako na ewan. Hindi kasi ako sanay na binibigla. Either, umaatras ang dila ko o 'di kaya naman ay hindi makapagsalita totally kapag ginugulat. Humugot ako ng lakas para tumugon.

“Well, I am opposite of what Lucy had told unto you. Magkaiba kami ng ugali ngunit hindi iyon balakid para maging close kami sa isa’t-isa at magturingang magkapatid,” wika ko, sinusubukang huwag magpautal-utal.

“Aw, how nice! Tell us more. How about your hobbies? What do you love? What do you hate the most?” sunod-sunod na tanong ni Elisa sa akin at napaka-hyper niya. Tila ba nae-excite siyang malaman ang mga bagay na iyon tungkol sa akin. 

Mukhang sumalang ako sa job interview nang wala sa oras. Ang kukulit din pala nilang kasama. Iyong tipong mapapasalita ka talaga kahit tahimik kang tao. Iyon ang vibes na binibigay nila sa akin.

“My hobbies? I love reading books. I have many fiction books in our house. I love rabbits, dogs and cats, but, I haven’t own one because my brother has an allergy of furs. What I hate the most? Hmmm--”

Nagitla ako sandali at hindi naituloy ang aking sasabihin. What I really hate the most? Ano nga ba? I heaved a sigh unconsciously. 

“Why? Is there something wrong?” tanong ni Elisa. Napatingin ako sa kaniya at ngayon ko lang napagtantong nakatutok pala sa akin ang lahat ng atensiyon. Ang iba ay nakakunot ang noo at ang iba naman ay may blangkong ekspresiyon lamang sa mukha. Napatingin ako kay Rave. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Nakatitig lamang siya sa akin at tila ba hinihintay ang katuloy ng aking sasabihin.

“Well, I guess we’re all done eating. Let’s go back—” Rave interrupted and is about to deviate the topic but I butted in to cut his words.

“I hate… boys,” I almost muttered underneath my breath but it seems that they have heard it. Halo-halong reaksiyon ang natanggap ko mula sa kanila. 

Ang ibang mga babaeng kasama namin ay tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Nakaawang ang kanilang mga bibig. Maging ang ilan sa mga kalalakihan din ay gulat na gulat. What? I really hate boys. Call me man-hater and bitter, but, I don’t care.

Tumikhim si Lucy para kunin ang atensiyon ng lahat.

“Can we deviate the topic now and end it here? Our next class is approaching. Hehe!” wika ng aking kaibigan at alanganing tumawa. Nagsimula nang mag-ayos ang ilan at tumayo na sa kanilang inuupuan. 

“Thank you for your time, Yumi and Lucy. We enjoyed your company. I hope we can continue our little chitchats next time,” magiliw namang saad ni Elisa sa amin saka yumuko nang bahagya. 

“Goodbye for now. Thank you!” paalam naman ni Shakira. Nauna ng maglakad ang mga kasama nilang lalaki maliban na lamang kay Rave na nakatanga pa rin sa kaniyang upuan. Tila nabato siya at hindi kumilos para ayusin ang kaniyang pinagkainan. Tinapik-tapik siya ni Ran sa balikat bago umalis ang binata na naging dahilan para bumalik siya sa kaniyang huwisyo. 

Nagpunta ako sa counter para bayaran ang kinain namin ni Lucy ngunit sinabi no'ng cashier na nabayaran na raw ng Prime Master ang kinain namin. Seryoso talaga siya sa sinabi niyang ililibre niya kami kanina. 

Lumapit ako kay Rave na hindi pa rin umaalis sa kaniyang kinauupuan at saka inilapag sa mesa ang limang daan bilang bayad sa kinain namin ng aking kaibigan. Wala akong narinig na pag-angal o pagtanggi sa ginawa ko. Nanatili lamang siyang tahimik. Anong nangyari sa lalaking ito? He’s getting weird.

Hinila ko si Lucy dahil mukhang wala pa yata siyang balak umalis sa canteen kahit pa tumunog na ang buzzer. Hindi ko na inalam pa kung nakasunod sa amin si Rave o hindi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status