Share

Chapter 7

Ang kagalakan sa puso ng dalawang dalaga ay walang pag-sidlan. Natutuwa si Matilda dahil sa wakas ay nakapag-desisyon na rin si Eleonor, at gano'n din ang tuwa'ng nararamdaman ni Eleonor dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may tao'ng handang tumulong sa kaniya.

Magsasalita pa sana si Matilda nang may bigla silang marinig na ingay. Isa itong tinig ng pamilyar na lalaki kaya luminga-linga sa paligid si Eleonor hanggang sa mahuli ng mga mata niya ang kaniyang ama na nagpupuyos sa galit. Nagsalubong ang dalawang kilay nito't naka-kuyom ang mga kamay. Alam niya'ng maparurusahan na naman siya kaya wala siyang nagawa — nakatayo lamang siya't nakatulala. Hanggang sa narinig niyang sumigaw si Matilda. May mga pangalan itong binanggit hanggang sa mabilis na lumabas mula sa mala-laking bato ang mga kalalakihan na nakita niya kahapon. Nakita niya ang paglapit ng mga ito sa kaniyang ama at hinawakan nila ang kaniyang braso. Mas lalo pa'ng kinabahan si Eleonor dahil natatakot siya sa kung ano ang pwedeng gawin ni Emilito sa mga kaibigan ni Matilda. At nang maisip na madadamay si Matilda sa ka-demonyohan ng kaniyang ama ay tuluyan na siyang nilukob ng takot. Hindi niya alam ang gagawin at mahinang pinanonood na lamang ang kaguluha'ng nangyayari sa kaniyang paligid.

Nagpumiglas si Emilito at diretsong nakatitig sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito at alam na niya ang mangyayari sa kaniya kapag siya'y naka-uwi sa kanilang bahay — parurusahan siya sa pamamagitan ng bayolenteng mga salita at walang katapusa'ng pangga-gahasa. Hindi niya gusto na mangyari ito at kahit sino'y hindi gugustuhin na sapitin ang kapalaran niya. 

"Ano, Eleonor!? Nakahanap ka na ng kakampi!? Lalabanan mo na ang sarili mong ama!? Sige! Magtutuos tayo pag-uwi mo sa bahay. Tingnan lang natin kung makapalag ka pa.." Makahuluga'ng sambit nito at mula sa kaniyang gilid kung nasa'n nakatayo si Matilda'y agad nitong hinawakan ang kaniyang braso. Lumingon siya rito at nakita niya ang takot sa mga mata ng kaibigan. Hindi niya gusto na may nadadamay na ibang tao sa kalupitan ng kaniyang ama ngunit wala naman siyang magawa. Kahit siya'y natatakot na rin.

"BITIWAN N'YO 'KO KUNG AYAW NIYONG PATI KAYO, I-DAMAY KO! ANO!? GUSTO NIYO NG GULO!?" Kaunting distansiya lamang ang pagitan nina Eleonor at ng kaniyang ama ngunit kahit ga'non ay hindi nababawasan ang malakas na kabog sa kaniyang puso.

"Matilda, kumilos na kayo!" Sigaw ng isa sa kaniyang mga kaibigan na ikina-gising ng kaniyang sistema. Agad niyang hinawakan nang mahigpit si Eleonor at tinitigan ito sa mga mata.

"Makinig ka'ng mabuti, Eleonor. Tatakbo tayo nang mabilis papunta sa bahay niyo at kukunin mo ang lahat ng importanteng gamit mo. Pagkatapos ay pupunta tayo agad sa hintayan ng Bus para maka-alis na tayo rito. Nandito na ang pera'ng mga naipon ko. Sapat na 'to para makapunta tayo ng Maynila. Wag kang matakot, nandito ako. Sasamahan kita." Hindi na namalayan ni Eleonor ang kaniyang maraha'ng pagtango dahil sa takot na kanina pa lumulukob sa kaniyang buong pagkatao.

"Takbo, Eleonor!" Bulong ni Matilda habang hawak nang mahigpit sa kamay ang dalaga.

At nang ilang hakbang na lang palayo kay Emilito ay biglang napa-atras si Matilda kaya agad siyang napalingon.

"AHHH!" Malakas na tili ni Matilda ang nagpa-alarma sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata'ng nilingon niya ang ama na ngayon ay sinasabunutan na ang maikling buhok ni Matilda. Sinubukan niyang abutin ito ngunit inilayo lamang siya ni Emilito. Ang ulo nito'y nakatingala at ang dalawang kamay ay nakahawak sa kaniyang buhok na mahigpit na nababanat. Nagkagulo ang lahat sa kaniyang isip at mistulan siyang na-estatwa sa lupa na kinatatayuan. Ngunit nang ibinaling niya ang tingin kay Matilda ay nakita niya ang kislap sa mga mata nito. Kislap ng paglaban, kislap na nagsasabi sa kaniya'ng kaya niya itong indahin basta't tatayo siya't matapang na lalaban. Dahil dito'y nabuhayan muli siya ng loob.

Napansin niya ang grupo ng mga kalalakihan na tahimik na sumeseniyas sa isa't isa habang nasa likod ng kaniyang ama. Hawak ng isa sa kanila ang bato na ipampu-pukpok sa kaniyang ulo.

Hanggang sa lumagapak ang malaking katawan nito at ang mga kamay na naka-sabunot sa buhok ni Matilda'y agad na nadulas. Nawalan ito ng lakas at ang nanlilisik na mga mata'y kusang pumikit. Agad itong nawalan ng malay.

"Takbo!" Dahil sa malakas na sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Matilda'y agad siyang napatayo mula sa pagkakaluhod at kahit masakit pa ang kaniyang anit ay agad niyang inalalayan si Eleonor upang makasabay sa kaniyang pag-takbo. Hindi niya alintana ang sakit na dulot ng pag-sabunot sa kaniya basta't ang nasa isip niya lang ay mailayo si Eleonor sa kaniyang ama at maka-alis na sila sa probinsiya ng El Cumano.

Sa bawat mabibigat at malalaking hakbang ng kaniyang mga paa at sa bawat pawis na tumutulo sa kaniyang noo pababa sa kaniyang mukha ay ang mga luha'ng nag-uunahang tumulo. Hindi maipaliwanag ni Eleonor ang kaniyang nararamdaman at hindi niya rin alam kung bakit labis ang kaniyang pag-iyak. Natatabunan na ng mga luha ang kaniyang paningin at buti na lamang dahil hawak siya nang mahigpit ni Matilda kaya nagagawa niya'ng tumakbo nang hindi nadadapa.

Nang makarating sa kanilang tahanan ay agad na tinakbo ni Eleonor ang maliit nilang hagdan. Mabilis niyang tinungo ang kaniyang silid at kinuha ang malaking backpack na gula-gulanit na ang tela. Naglalaman ito ng iilang gamit n'ya sa eskwela at ng kaniyang mga damit na mabibilang lang sa daliri. Ang ilan dito'y pinag-liitan na niya ngunit pilit pa ri'ng pinagkakasiya.

Ngunit agad siyang napa-hinto. Inilapag niya saglit ang lumang bag at doon ipinasok ang nag-iisang pocketbook na kanina niya pa pala hawak nang mahigpit. Mabuti na lang at hindi ito nalaglag habang mabilis sila'ng tumatakbo.

Bago siya tuluyang lumabas ng tahanan ay marahan niyang tiningnan ang bawat sulok na kung saan ay palagi siyang umiiyak. Ngayon ay sasabak na siya sa totoong mundo. Sa mundo na hindi siya kinukulong. Sa mundo na kung saan ay magiging malaya na rin siya.

Agad na siyang bumaba ng hagdan, at sa paglabas niya'y nasilayan niya ang naka-ngiting kaibigan. Alam niya'ng may masakit na ini-inda ito ngunit pinipilit lang na magpakatatag para sa kaniya. Kahit hindi niya pa lubusang kilala si Matilda'y alam niyang mabuting tao ito. Iyon nga lang ay marami pa siyang hindi nalalaman dito, ngunit ikinibit-balikat na lamang niya ito at agad na humakbang pa-alis.

Binilisan na nila ang mga hakbang hanggang sa makarating sila sa hintayan ng Bus. Nagulat na lang si Matilda na naroon na agad ang kaniyang mga kaibigan kung sa'n nakita niya ang matagumpay nilang ngiti kaya hindi na rin niya napigilan ang sariling mahawa rito.

"Sa wakas! Makaka-alis na rin kayo. Mag-ingat kayo sa Maynila ah." Masiglang sambit ni Troy — ang pinaka-masayahin sa magka-kaibigan. Ginulo-gulo ni Matilda ang buhok nito at pinanggigilan ang kaniyang pisngi.

"Salamat sa tulong niyong lahat. Hindi ko makakalimutan ang mga pagkakatao'ng tinulungan niyo 'ko." Tiningnan ni Eleonor isa-isa ang mga kaibigan ni Matilda at halata niyang maasahan ang mga ito.

"Wala 'yon. Palagi lang kaming 'at yor serbis'!" Masaya'ng sambit ng pinaka-matanda sa kanilang lahat. Hindi tuloy mapigilan ni Matilda ang tumawa nang malakas. Dahil dito'y tahimik lang na nagmamasid si Eleonor. Natutuwa siya sa uri ng samahan nila — magka-kaibigan ngunit parang pamilya. Hindi pa kasi siya nagkakaroon ng ganito sa buong buhay niya kaya hindi niya alam kung ano'ng pakiramdam. Ngunit kahit gano'n ay napapangiti siya.

"O siya, ayan na pala 'yung bus." Dagdag pa nito. Agad na tumunog ang bus at huminto sa kanilang harapan.

Ngunit agad na nalukot ang mukha ni Eleonor at bumalik sa kaniya ang kaba, takot, at pag-aalala.

"M-Matilda, si Papa.." Nang masambit niya ang mga salitang nagpapa-kaba sa kaniya'y agad siyang binalingan ng tingin ng mga kaibigan ni Matilda.

"Kami na'ng bahala kay Mang Emilito." Nang marinig ito'y mistulan siyang nabunutan ng tinik sa puso. Ang lahat ng masasakit at masasamang ala-ala'y unti-unting nawawala sa kaniyang isipan at napapalitan ng pagkasabik sa bawat pag-hakbang na kaniyang gagawin sa kaniyang paglalakbay. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at maluha-luhang tiningnan si Matilda bago tuluyang sumakay ng bus.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status