Share

Chapter 10

Pagkagising sa umaga ay nag-asikaso na agad si Eleonor at Matilda. At sa unang pagkakataon ay gumising ang dalawang dalaga na magaan ang pakiramdam, walang bigat na nakapasan sa kanilang mga puso at ang lahat ng bagay na madadapuan ng kanilang mga mata'y tila napaka-ganda. Ganito nga siguro kapag ika'y natulog nang hindi nagki-kimkim ng sama ng loob.

Nagpasiya sila'ng maglibot muna at mag-tungo sa isang mall na isang sakay lamang ng jeep ang pagitan. At habang naglalakad sila'y hindi mapigilan ni Eleonor ang mamangha sa buong paligid — napaka-laki at napaka-lawak nga talaga ng Maynila.

Habang binabagtas nila ang malawak na daan papunta sa sakayan ng jeep ay lalong nag-umapaw ang saya na nararamdaman ni Eleonor.

Marami s'yang nakita na mga maliliit na tindahan sa bawat gilid na dahan-dahang itinatayo ng mga tao. Kaya naman maya't maya niyang kinakalabit si Matilda sa kaniyang braso. Napapa-lingon naman s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status