“UY, ang lalim ng iniisip natin, ah,” bulong ni Baste kay Sahara dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang lalaki'ng librarian sa hindi kalayuan.
Sinimangutan niya iyon. Inayos na niya ang mga nakakalat na notebooks, libro at ballpen sa mesa. Naroon sila sa library at kanina pa niya pinipilit magbasa pero wala talagang pumapasok sa utak niya. “I’m sure bagsak ako sa exam natin kay Prof Del Mundo nung Monday.”
Natawa si Baste. “Paano ka naman nakasigurado?”
“Dahil hindi ako nakapag-review.”
“Ha?” gulat nitong tanong. Tinulungan siya nitong magligpit ng gamit at sabay na silang tumayo at lumabas ng library. Ito pa ang nagbuhat ng mga librong dala niya. “Hindi ba pinahiram kita ng notes? Eh, ano’ng ginawa mo buong weekend?”
“Nagtrabaho,” simple niyang sagot. Dahil kung hindi siya magtatrabaho, hindi siya mabubuhay.
Wala nang narinig si Sahara mula kay Baste dahil alam niyang naiintindihan nito ang sitwasyon niya. At nagpapasalamat siya rito sa friendship na ibinibigay nito, kahit hindi niya iyon hinihingi.
First year college sila nagkakilala ni Baste sa kolehiyo na pinapasukan. Pareho silang Mass Communications ang kinukuhang kurso kaya naman parati silang magka-klase nito. At kailangan niyang aminin na kung hindi dahil kay Baste, matagal na siyang tumigil sa pag-aaral. Si Baste lang ang kakampi niya sa eskuwelahan at ito ang parating nagtatanggol sa kanya sa tuwing binu-bully siya ng mga kaeskuwela.
Sahara is a certified boy magnet. At siguro, dahil doon kaya napakaraming naiinggit at nagagalit sa kanya. Sa umpisa ay gusto na niyang mag-dropout lalo na nang halos saktan na siya ng isang grupo ng mga babae sa kanilang eskuwelahan. Mabuti na lamang at naroon si Baste para tulungan siya. At simula noon ay ito na ang parati niyang kasama.
Baste, or Sebastian Castillo is just like her. Mula ito sa mahirap na pamilya at tulad niya, kailangan rin nitong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral. Wala na rin itong mga magulang kaya siguro nakahanap sila ng kakampi sa isa’t-isa. Pero kabaligtaran niya ito dahil masipag itong mag-aral at parating mataas ang markang nakukuha.
So, does Baste like her? Hindi niya alam dahil wala naman itong sinasabi, pero madalas ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Truth is, he’s not her type - it’s not that he’s not good looking. Magandang lalaki rin naman si Baste, may katawan rin naman dahil banat ang buto nito sa iba’t-ibang trabaho. Nakapag-construction na ito, kargador, waiter at kung anu-ano pa. Maganda rin ang mga mata nito at lalong lumalabas ang pagkagandang lalaki sa tuwing lumalabas ang dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti.
Does she like him? Not really. Siguro may mga ganoong klaseng lalaki, na pang-kaibigan lang talaga at isa na si Baste sa mga iyon. Isa pa, hindi ang tulad nito ang pinangarap niyang maging nobyo. Siguro kung medyo naging mas brusko, mas naging medyo ‘bad boy’ si Baste, puwede pa. Masyado kasi itong mabait na para bang kahit anong sabihin at hingin niya ay gagawin at ibibigay nito. At sige na nga, aaminin na niya na kung mayaman ito, hindi siyang magdadalawang isip. Baka nga siya pa ang gumawa ng first move.
“Oh, bakit ka ganyan makatingin?” tanong ni Baste sa kanya nang naroon na sila sa loob ng classroom. Nakaupo na sila pareho sa magkatabing desk at hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig sa kaibigan.
“Cute ka rin pala, ano?”
“H-ha? A-ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?” sabi nito sabay iwas ng tingin.
Kitang-kita ni Sahara na biglang namula ang mukha ni Baste, pati ang dalawa nitong tainga kaya hindi niya napigilang matawa. “Aba, marunong ka palang magblush!” tukso niya.
Humarap na si Baste sa blackboard, kahit pa wala pa si Prof Del Mundo. “Tigilan mo nga ako, Sahara.”
“Ang sungit naman nito. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.”
Umiling-iling na lang si Baste at siniko siya nito nang pumasok na ang kanilang propesor, dala ang kanilang mga test papers. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib dahil alam niyang iyon na ang katapusan niya.
Nakakunot ang noo ni Prof. Del Mundo nang pumasok sa classroom at nakakunot pa rin ang noo nito nang tumayo na ito sa harap ng klase. Tahimik ang lahat, maging ang mga madadaldal nilang kaklase ay parang nalulon ang mga dila.
“I am so disappointed in you, class,” simula nito na walang kangiti-ngiti. Hawak na nito ang makapal na test papers at nagsasalita into nang doon lamang nakatingin. “Ang dali-dali ng klase ko, ang dami pa ring bumagsak!”
Halos mapatalon ang lahat nang bigla na lamang sumigaw ang propesor at ibinagsak sa sahig ang mga papel, dahilan para kumalat ang mga iyon. Sa harapan nakaupo si Sahara at si Baste, at wala silang nagawa kundi magpulot ng mga papel na nalaglag.
Lumuhod si Sahara sa harap mismo ng propesor at sinimulang pulutin ang mga papel. Habang ginagawa iyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga pasimple nitong pagtingin-tingin. Lihim siyang napangiti.
Laking gulat ni Sahara nang malaman niya na propesor si Arnold Lee sa unibersidad na pinapasukan - at ang mas malala ay propesor pa niya ito sa isa sa mga subjects niya. Oo, ang Arnold Lee na nakilala niya noon sa bar ay ang parehong Arnold Lee na propesor niya ngayon. Del Mundo has thick brows, round expressive eyes and thin lips. Ganoon pa rin ang itsura nito, matipuno pa rin at malakas pa rin ang dating lalo na sa mga kaklase niya, mapa-babae man o beki.
Si Prof. Arnold Lee Del Mundo ang tipo ng propesor na hindi mangingiming manghiya ng estudyante, lalo na pagdating sa grado. Seryoso ito at bihirang ngumiti. Terror, ika nga. Si Del Mundo na yata ang pinaka-terror sa lahat ng terror professors na nakilala ni Sahara at minsan, hindi niya maiwasang isipin na baka may problema ito sa trabaho o sa pamilya o sa asawa kaya parating mainit ang ulo. At napaisip siya, may asawa na nga kaya ito ngayon?
Noong una, hindi pa siya sigurado kung naaalala siya nito at ang nangyari sa kanila noon sa kotse nito noong summer vacation dahil kahit kailan ay hindi siya nito kinausap o kinompronta tungkol doon. Pero hindi maikakaila sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na kilala siya nito at oo, naaalala siya nito dahil isang araw ay bigla na lamang siyang ipatawag siya nito sa opisina. At iyon ang naging simula ng kanilang pagkakasala.
“Get your papers. ‘Yung mga may mark na red, ano nang gagawin natin?” matigas nitong tanong. Kita na ang ugat nito sa noo na tila ano mang oras ay puputok iyon. “Alam ninyong hindi uso sa klase ko ang mga special exams-special exams na iyan. Alam kong mga graduating na kayo but you have to retake the class next year.”
“Sir naman…” sabay-sabay na sagot ng ilan sa mga kaklase ni Sahara. Isa-isa na kasing kinuha ng mga ito ang mga test papers at halos kalahati yata ng klase ang hindi nakapasa, kasama si Sahara.
“Ano’ng sir naman, sir naman? Kung nag-aaral kayo nang mabuti, hindi kayo babagsak. Plain and simple!”
Matapos makita ang red mark sa sariling test paper ay agad iyong ipinasok ni Sahara sa kanyang bag para hindi na makita ng iba, lalo na ni Baste dahil tiyak na sesermunan na naman siya nito kapag nagkataon. Sinundan ni Sahara ng tingin ang propesor na noon ay naupo na. Nakasimangot pa rin ito habang inililibot sa buong klase ang mga mata.
She’s dead again and she knew it. Hindi na kaya ng budget niya na muling kunin ang subject na iyon sa summer at kailangan niyang maka-graduate ngayong taon. Ano na lang ang sasabihin ng nanay niya sa probinsiya na napakalaki ng tiwala sa kanya at sobra ang pag-asang makatapos siya at maiahon ito sa kahirapang kinalulugmukan nila ngayon?
NAABUTAN ni Sahara ang propesor na abala sa pagbabasa ng mga papel nang pumasok siya sa opisina nito nang hapong iyon. Nagulat na lamang siya nang pinasunod siya nito sa faculty center pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kanina. Bahagya itong nag-angat ng tingin at inayos ang salamin sa mata.“Miss Smith.” Matigas ang pagkakasabi nito sa kanyang pangalan kaya lalo siyang kinabahan. Lalo pa nang hindi nito inalis ang atensiyon sa ginagawa. “Take a seat.”Agad naman siyang tumalima at mabilis na naupo sa upuang nasa harap ng mesa nito. Sa halip na sa propesor ay doon sa mesa niya itinuon ang mga mata. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makapasok siya sa opisina nito pero hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa sobrang kaayusan niyon.Prof Del Mundo’s table was neat. Parang kabibili lamang nito dahil sa sobrang linis at kinang ng salamin sa ibabaw noon. Organisadong-organisado ang bawat gamit &ndash
SINUNDAN ni Sahara si Baste doon sa bakanteng mesa sa dulong bahagi ng fast food. Tapos na ang klase nila, alas kuwatro na ng hapon. Maraming tao sa loob at kinailangan pang makipag-agawan ni Baste para lamang may maupuan sila.“Ano nang balak mo?” tanong nito sa kanya nang tuluyan na silang nakaupo. Iniayos ni Baste ang order nila sa ibabaw ng mesa – dalawang soda, dalawang fries at dalawang burger. Matapos nitong ilapag ang tray sa katabing mesa ay naupo na rin ito at iniabot sa kanya ang ilang piraso ng tissue. “Kailangan mong mag-summer niyan.”“Hindi ko na kayang mag-summer. Wala na kong budget,” sagot niya na parang wala lang. Kumuha siya ng fries at isinawsaw iyon sa ketsup na si Baste pa mismo ang nagbukas para sa kanya.“Eh paano, hindi ka ga-graduate?”“Ga-graduate.”Kinunutan siya ng noo ni Baste at tiningnan siyang mabuti. “Paano? Sabi n
AFTER a couple of bottles of beer at The Lounge, Sahara decided to go home. Katulad ng nakagawian, marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at dahan-dahang pumasok hanggang sa kusina. Her body was dead tired but her mind wasn’t. Matapos maibaba ang mga gamit sa dining table at makakuha ng isang basong malamig na tubig ay saglit siyang naupo, sumandal at pumikit.What did just happen? She was not supposed to kiss Baste - not in the middle of the street at least. Mali ang pagkakataon, mali ang lugar, pati yata ang nangyari ay isang napakalaking pagkakamali. Paano na lang kung hindi na siya kausapin nito pagkatapos? Paano kung pagtawanan siya nito o kaya ay iwasan sa mga susunod na araw?Pero naisip rin niya, paano kung dahil sa ginawa niyang paghalik ay masabi nani Baste na gusto siya nito? Na matagal na rin pala siya nitong gusto pero nahihiya lang ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pagiging magkaibigan?Hay, kung puwede
KALAGITNAAN na ng pangalawang klase nila sa umagang iyon pero wala pa ring Baste na nakaupo sa tabi ni Sahara. Hindi ito ang tipo na basta-basta na lang a-absent, lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya. She tried texting and calling him that morning pero wala.Bahagya niyang tinapunan ng tingin ang bakanteng silya sa kanyang kaliwa. Bakit ganoon, ilang oras pa lamang niya itong hindi nakikita ay parang ang lungkut-lungkot na sa pakiramdam?Napailing na lamang si Sahara nang mapagtanto ang katotohanang iba nga pala si Baste kumpara sa iba at hindi ito tulad ng ibang lalaki na kayang-kaya niyang akitin sa isang simpleng halik. O kahit sa isang simpleng mapang-akit na titig. He is the conservative type and he probably hates her now for what she had done. Baka iyon ang unang halik ni Baste at pakiramdam nito ay nasayang iyon dahil sa kanya. Siguro, na-turn off ito dahil hindi nito akalaing magagawa niya iyon.And she realized, this is it.
“LONG time no see, sissy.”Isang halik sa pisngi ang itinugon ni Karen sa kanya at agad itong na um-order ng isang baso ng brandy. Tumabi ito sa kanya doon sa bar at pinanood ang babae’ng noon ay kumakanta sa entablado. She was wearing her typical party outfit – something short and sexy.Sahara was supposed to be the one singing on that stage because Fridays were always Sahara’s night at the bar. But it was THE Friday, and that night was reserved for Del Mundo. Kaya nga maaga siyang pumunta sa The Lounge para magpaalam sa boss nila, at para na rin uminom kahit kaunti bago makipagkita sa propesor.Nang dumating ang order ni Karen ay wala pang dalawang segundo ay naubos na nito agad iyon at muling um-order ng isa pa. “Dad has been pestering me about going back to L.A. Doon ko na raw ituloy ang pag-aaral.”“Ano’ng problema?” taka niyang tanong.“I don’t want
“SAHARA!”Napapikit si Sahara. She wanted to just turn around and run away but it was all too late. Tumayo si Del Mundo at ito pa mismo ang lumapit sa kanya.“You are late,” sabi nito, pero nakangiti. Isang ngiti na madalang pa sa eklipse kung magpakita.“T-traffic…sir.”Muli, ngumiti lamang si Del Mundo at hinawakan ang kanyang siko para alalayan papunta sa loob ng coffee shop. “Nag-dinner ka na ba?”Tumango siya. Nang naroon na sila sa loob ay napansin niyang marami-rami ang tao roon - may pamilya, may magkasintahan, may mag-asawa. At marahil ay mayroong mga tulad nilang dalawa ni Del Mundo na doon palihim na nagkita. Hinila pa ni Del Mundo ang upuan para sa kanya.“Coffee?”Muli, tumango siya. While he orders coffee, she looked at the man sitting in front of him. May kakaiba kay Del Mundo nang gabing iyon. Ang buhok? Bagong gupit ba ito?
AGAD na hinubad ni Del Mundo ang T-shirt niya. Tinulungan na rin niya itong hubarin ang suot nitong polo dahil sa tingin niya ay aabutin sila ng umaga sa pagtanggal pa lamang nito ng mga butones niyon.And then he kissed her lips again while making their way to the bed. Marahan siya nitong inihiga sa gitna ng kama at pagkatapos ay pinagmasdan lang siya nito. Did he already change his mind? He was standing in front of her while she’s just laying there, half naked. Hindi maiwasan ni Sahara na titigan ang katawan ng lalaki sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na sa loob pala ng mga pormal na polo’ng isinusuot nito sa klase ay napakakisig nito. Malayung-malayo ang seryoso, masungit at parating galit na Prof. Del Mundo sa Del Mundo na nasa harap niya ngayon.Lumuhod siya sa malambot na kama at dahan-dahang lumapit rito. Nakita niya ang paghigit nito ng hininga. Marahan niyang ipinadaan ang kanyang hintuturo mula sa mga labi nito,
MAGKATABI silang nakaupo ni Max sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nagkaroon sila ng pagkakataong magkatabi dahil as usual, Michaela had to go out to have a good time with friends. Ganoon naman si Michaela, mahilig lumabas-labas kasama ng mga kaibigan na tulad nitong mayaman. Noong nakaraang buwan nga, dalawang araw itong nagliwaliw sa Malaysia.Wala pa yatang tatlumpung minutong nakaalis si Michaela ay nakita na niyang lumabas ng kuwarto si Max at tinabihan siya roon sa sofa. Hindi siya kumibo at nagkunwaring seryoso sa panonood kahit pa ramdam niya ang biglang pag-akbay nito sa kanya. She held her breath and anticipated his next move.Pero wala itong ginawa. Nang bahagya niya itong tapunan ng tingin, abala lang ito sa panonood ng telebisyon. Aba, isang himala, nasabi niya sa sarili.She had the itch to make the first move. He’s been away for almost a month and she really missed his presence in the house and of cou