AFTER a couple of bottles of beer at The Lounge, Sahara decided to go home. Katulad ng nakagawian, marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at dahan-dahang pumasok hanggang sa kusina. Her body was dead tired but her mind wasn’t. Matapos maibaba ang mga gamit sa dining table at makakuha ng isang basong malamig na tubig ay saglit siyang naupo, sumandal at pumikit.
What did just happen? She was not supposed to kiss Baste - not in the middle of the street at least. Mali ang pagkakataon, mali ang lugar, pati yata ang nangyari ay isang napakalaking pagkakamali. Paano na lang kung hindi na siya kausapin nito pagkatapos? Paano kung pagtawanan siya nito o kaya ay iwasan sa mga susunod na araw?
Pero naisip rin niya, paano kung dahil sa ginawa niyang paghalik ay masabi nani Baste na gusto siya nito? Na matagal na rin pala siya nitong gusto pero nahihiya lang ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pagiging magkaibigan?
Hay, kung puwede lang niyang ibalik ang oras na iyon ay gagawin niya. She realized that the kiss she gave Baste was nothing out of ordinary – any girl could give him that kind of kiss anytime.
Ah, why on earth did she forget what Max had taught her on how to kiss a guy for the first time?
Mag-aala-una na yata noon ng umaga at hindi dalawin ng antok si Sahara kaya naisipinan niyang lumabas ng kuwarto at kumuha ng isang baso ng tubig. Nakita niyang nakaupo roon sa may kusina si Max na para bang inaasahan ang kanyang paglabas at talagang hinintay siya roon. Hinigpitan niya ang kapit sa suot na robe habang palapit sa refrigerator pero hindi na niya iyon narating dahil mabilis na nahuli ni Max ang kamay niya. Hindi siya nakabalanse kaya napaupo siya sa kandungan nito.
“Kanina pa kita hinihintay,” seryoso nitong sabi. Agad nitong hinawakan ang maliit niyang baywang para iayos ang kanyang pagkakaupo. “Hindi ba sabi ko, alas dose, dito sa kusina?”
Sahara had completely forgotten - or she had intentionally forgotten the whole thing. “N-nakalimutan ko,” halos pabulong niyang tugon. Ramdam niya na parang lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig niyon lalo pa nang gumapang ang maiinit na palad ni Max mula sa kanyang baywang hanggang sa kanyang likod.
“So…ready ka na ba sa lesson natin ngayong gabi?”
Lesson number one, how to make the first kiss perfect. Dahil nabanggit niya rito ang ka-inosentehan sa ganoong bagay, nag-alok ito na tuturuan siya sa kahit anong gusto niyang malaman tungkol doon – mula sa tamang paraan ng paghalik, hanggang sa kung paano paligayahin ang mga lalaki. Sabi ni Max, para hindi siya iwan ng lalaki, kailangan marami siyang alam pagdating doon. At sino ba namang babae ang gustong iwan ng lalaking mahal niya? Kaya pumayag siya sa gusto nito. Kahit pa sinasabi ng utak niyang mali, sa mga oras na iyon, ang puso niya ang namayani.
“Okay…hindi ako magaling sa mga salita-salita kaya tandaan mo na lang ang mga gagawin ko sa iyo, okay ba ‘yon?”
Para namang sunud-sunurang tuta si Sahara na tumango. She couldn’t explain the effect he has on her was – but it was there. Isang titig pa lang ni Max sa kanyang mga mata ay para na siyang nawawala sa sarili. Lalo na kapag hinawakan na siya nito at sinimulan nang halikan.
“Ready?”
Lumingun-lingon siya sa paligid para siguruhing walang tao sa kusina maliban sa kanilang dalawa ni Max. Madilim ang buong paligid at ang tanging pinangagalingan ng liwanag ay ang ilaw mula sa ilalim ng cupboard. Nakakandong pa rin siya kay Max, unti-unti nang umiinit ang kanyang pakiramdam. Siguro dahil sa panahon, at sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Alanganin siyang tumango.
Parang iyon lang ang hudyat na ang hinihintay ni Max. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi, dahan-dahang inilapit ang mukha sa mukha niya at magaang na inilapat ang labi sa sulok ng kanyang labi – nananakam, nang-aakit. The kiss that she expected didn’t come right away. His lower lip featherly touched her lips and it instantly made her breathe deeply. When Max pulled back, she found herself leaning towards him, waiting for the kiss. He smiled.
“Dahan-dahan lang dapat sa simula. Hayaan mong manabik siya sa iyo.”
And he kissed her again. A different kind of kiss that she never imagined existed. Katulad kanina, magaang naglapat ang kanilang mga labi na halos hindi nga naglalapat, sapat lang para maramdaman niya ang mainit nitong hininga. And then, she felt the tip of his tongue touched her trembling lower lip, gently moistening it before nipping.
Napaungol si Sahara at tuluyan nang napapikit at napakapit nang mahigpit sa mga balikat ni Max…
Kung ganoon kaya ang gawin niya kay Baste sa susunod nilang pagkikita? Tingnan lang niya kung maguluhan pa ito sa nararamdaman.
NAG-INATsiya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi
“SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m
TUMAYOsi Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n
“HUWAGkang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to
DAHAN-DAHANGbinuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay
“SORRYif I wasn’t able to answer your call last night. Nakatulog agad ako pagdating ko from the shoot.”Pabulong iyon, para hindi marinig ni Armando na noon ay mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, isinuot ang roba at pumunta sa balkonahe para doon ituloy ang tawag.“It’s late, bakit gising ka pa?” tanong niya sa kausap sabay tingin sa suot na wristwatch. Mag-a-alas tres na ng umaga at ilang oras na lamang ay gigising na si Armando. Kahit Sabado ay nakagawian na nitong gumising ng maaga para asikasuhin ang mga halaman nito sa hardin.“I just got back from the airport. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”Napangiti siya. He never fails to make her heart flutter, especially these past few days while he’s away for business. He made it a point to call her whenever possible and there were times when they video call each other and