Share

chapter six

"Jade, kumusta?" Tanong ni Mark, kausap ang isa sa mga magpagkakatiwalaan niyang tao.

"Im in position, all clear sir, nothing suspicious" anito, habang nakasilip sa kaniyang binocular.

"Okay, how about the others?" Tanong pa niya kay Jade.

"Rui and Case are in position." Anito,

"Good, i'll call scarlett, to get some information, from what happen inside." Aniya, sa kaniyang agent.

"Okay sir, mag-iingat ka." Wika nito sa kaniya.

"kayo din ingat din kayong tatlo," and he end the call. then he made another call, tinawagan niya ang tao niya na nagta-trabaho sa loob.

"Scarlett, update."

"Nothing unusual sir, all things are fine, even Joan. She's busy working." pagrereport nito sa kanya.

"Okay, that's good to hear, be alert. Ayoko nang maulit yung engkwentrong nangyari kay Joan, nagawa man niyang kalabanin ang mga iyon, pero sigurado akong hindi na siya papalarin sa susunod. keep your eyes on her, and give me updates, thats all" Utos niya.

"Yes sir," sagot nang nasa kabilang linya.

Nang matapos niyang tawagan ang apat niyang tao. Sinunod naman niyang tinawagan si Joan, the phone rings and joan immediately answer the call.

"Hey, Mark!" anito, 'Sabay tayo mag lunch, nasaan ka?" tanong ni Joan sa kaniya.

"Narito lang ako sa pinakamalapit na cafe, hintayin na lang kita sa baba nang building." saad nito.

"Ok i'll be there in an minute, aayusin ko lang yung mga gamit ko." Aniya, habang inaayos ng pagkakasalansan ng kaniyang mga gamit.

"Sige, bye." paalam niya.

"Bye." Sagot nito.

Habang abala sa pag-aayos, mabilis siyang napalingon dahil sa pagtawag ng kaniyang kaibigan.

"Joan!" tawag ni Shane dito. "Magla-lunch ka na, sabay ako." she says with a pouting lips.

"Sige, kakain kami ni Mark sa labas kaya sabay kana." aniya, habang isinusukbit ang bag sa balikat.

"Yey!" Anito, na parang batang yumakap kay Joan, kaya hinatak na siya pasakay ng elevator.

Nang makarating sila sa baba, nakita kaagad nila si Mark na nakabungad sa tapat ng elevator.

"Wow nariyan ka na kaagad." wika ni Joan pagkakita kay Mark. Lumapit siya dito at kumapit sa braso ni lalaki.

"Ofcouse, kailangan mabilis, kasi ako ang bodyguard mo!" mayabang na wika nito sa kaibigan.

"Alam mo mukhang mas nagugustuhan ko na ngayon ang pagiging bodyguard mo." anito, habang nakatingin sa mukha ng binata.

"Bakit?" kunot nuong tanong naman nito.

"Kasi mas ramdam ko yung pag-iingat mo sa akin, feel ko tuloy love mo na ko." nakangiting wika nito sa kaibigan, habang nakayakap sa braso nito.

"Hay naku, Joan! andiyan ka na naman, tara na para makabalik kayo kagad." natatawang wika nito.

Masaya silang naglalakad patungo nang resto na napag usapan nila. Paglabas nang building, dalawang sasakyan ang biglang tumigil sa tapat nila at hinarang sila.

"Fuck!" ani Mark. bumaling siya sa dalawang dalaga at nagwika, "Joan, Shane be ready," aniya, kaya tumango ang dalawa at naghanda.

Nang makalabas ang mga lalaki sa loob nang sasakyan ay kaagad na lumapit ang mga ito sa kanila, tinangka nilang kuhanin si Joan, ngunit agad namang naiiwas ni Mark ang dalaga. Nang makita nang mga lalaki na sila'y lalaban, kaagad na naglabasan sa sasakyan ang iba pang mga kasama nito.

"Ibigay mo na lang sa amin iyang babaeng nasa likod mo at hahayaan na naming kayo nang isa mo pang kasama na makaalis." wika nang isang lalaki,

"Sa tingin mo ba ibibigay ko siya sa inyo, under my gorgeous body!" nakangising sagot ni Mark dito.

"Ganoon ba," nakangiting wika rin nito kay Mark, "kuhainin niyo na ang kailangan natin!" utos nito sa mga kasamahan.

"Scarlett! call rui, case and jade, we need back up, now!" sigaw ni Mark kay Shane!

"Yes sir!" sagot ni Shane scarlett kay Mark.

Sumugod ang anim na lalaki kay Mark, akma siyang susuntukin nang isang lalaki, ngunit nasalag niya ito nang kaliwa niyang braso, sabay suntok nang kanan niyang kamao sa mukha nito, sabay sipa sa kalaban na nasa likod niya, isang lalaki pa ang sumugod sa kanya ngunit naiwasan din niya ito. Nahablot niya ang kamay nito at hinatak palapit sa kaniya, nakita niyang papalapit ang apat na lalaki, kaya pasipa niyang itinulak ito patungo sa rito at Sabay-sabay na tumumba ang mga ito pagtama sa kanila nang lalaking sinipa ni Mark sa kanila.

Nakita niya si Joan na nakikipaglaban din sa mga lalaking nais siyang makuha, kaya agad siyang lumapit dito. Nakita niyang may lalaking susuntok kay Joan, ngunit mabilis niya itong napigilan. kaya siya mismo ang sumuntok sa mukha nito.

Maya-maya'y nakita niyang isa-isang tumutumba ang mga lalaking kanina pa nakikipaglaban sa kanila.

"A snipper!" wika ni Joan, lumapit siya kay Mark at Shane.

"Mark, may snipper!" wika niya rito.

"Dont worry back-up natin iyon!" sagot naman nito sa kaniya.

Nang may puting kotse ang biglang tumigil sa tapat nila.

"Boss!" sigaw ni Case, kasama si Rui.

"Sakay, bilis!" utos ni Mark sa dalawang dalaga na agad naman sinunod ng mga ito.

"Sorry boss medyo na late kami." paliwanag ni Case kay Mark.

"Bakit nga ba kayo nahuli nang dating?" galit na tanong ni Mark sa dalawa.

"May mga lalaki na humarang sa amin nung papunta kami dito." paliwanag niya nang biglang may bumabaril sa kanilang likuran.

"Mga sira ulo, hindi ba nila alam na bullet proof ang sasakyan ko!" natatawang wika ni Case.

"Really?" manghang saad ni Shane kay Case. "wow, iba talaga nagagawa nang mayaman." anito,

"I know right!" nakangising sagot naman nito kay Shane.

Panay pa din ang pagputok nang baril ng mga humahabol sa kanila, kaya hinanda na ni Mark, Shane, at Case ang mga baril nila.

"Rui, its time to do your thing!" utos ni mark kay rui.

"Copy boss!" pinatakbo pa niya nang mas mabilis ang sasakyan. Mark, and his two agents open the windows with guns loaded of bullets, and they ready to shoot.

Sunod-sunod na putok nang baril ang naririnig ni Joan. tumingin siya sa kaniyang mga kasama, lahat ay abala upang makatakas sa mga humahabol sa kanila, "Ayoko ng ganito," wika niya sa sarili. "kailangan may gawin ako."

Naghagilap siya nang kung ano man ang meron sa sasakyan, nang mapadako ang kaniyang mga mata sa ilalim nang sasakyan, nakita niyang may mga baril, mga bala, at granada.

"Bingo!" aniya, agad niyang kinuha ang dalawang granada at humarap kay Rui at nagwika,

"Rui! open the window roof!" utos niya rito, agad namang ginawa ni Rui ang sinabi ni Joan.

When the window roof wide opens, she let out half of her body, then she pull out the pins of the granade and throw it. Pagtama ng granada sa sasakyan, agad itong sumabog. tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga kasama sa kaniyang ginawa.

"Nice throw, Joan!" puri ni Case na naka thumbs up pa sa kaniya.

"Thanks!" aniya, at saka siya muling bumalik sa pagkakaupo. "Rui, dumeretso na tayo sa mansyon nang mga Leviste, Kailangan natin magreport kay sir Ronaldo." wika ni Mark kay Rui.

"Roger that!" sagot naman nito.

Isinara na nila ang mga bintana nang sasakyan at kinuha ni Mark ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

"Hello, Jade. nasaan ka na?" tanong ni Mark sa isa pa niyang agent.

"patungo na ako nang mansyon, sir." sagot nito kay Mark.

"okay, good papunta na rin kami doon. Kung mauuna ka hintayin mo kami, may pag-uusapan tayo nila case ,scarlett, and Rui. Huwag mo munang sasabihin kay sir Ronaldo ang nangyari, let me handle it. Ako na ang magpapaliwanag sa kanya." bilin nito.

"copy that." anito, at tinapos na ni Mark ang tawag. Rui drive as fast as she could, hanggang makarating na sila nang mansyon. Pagpasok nila, nakita nila kaagad si Jade kasama ang ama ni Joan.

"papa!" tawag ni Joan sa ama at patakbong lumapit dito, mahigpit naman siya nitong niyakap.

"What happen? Mark, explain!" utos nito sa binata. kaya isinalaysay nito ang lahat nang nangyare, bawat detalye. Napa-upo na lamang ang matanda nang marinig ang lahat.

"They want something from me, pero hindi ko iyon puwedeng ibigay sa kanila, every leader has this important thing." anito,

"Papa, sabihin mo sa akin, ano ba itong bagay na ito at sobrang desperado silang makuha?" inis na tanong ni Joan sa ama.

"Anak isa 'tong bagay na kapag mayroon ka, kontrolado mo ang buong organisasyon, even the leaders all over the world." seryosong wika nito sa anak.

"Ganoon kalaki ang organisasyong iyan, at ibig sabihin din nuon ay hindi ka basta-basta leader lang. You are the highest, nasaan na yung "thing" na sinasabi mo?" muling tanong ni Joan.

"I hide it in a safest place. Kaya kahit magpunta sila dito hindi nila iyon makukuha, mabuti pa umalis na muna tayo dito, ayoko din madamay sila manang." anito, saka bumaling kay Mark. "Mark, ayus lang ba kung sasama kayo sa amin?" tanong nito kay Mark at sa mga kasama nito.

"I told you tito, hindi kita iiwan." nakangiting sagot ni Mark sa matanda.

"salamat, hijo. ang mabuti pa magpahinga na muna kayo. We will go early in the morning. Huwag na kayo mag-alala sa mga susuotin niyo ako na bahala." anito,

"Hindi ko pa po pala sila naipapakilala sa inyo." wika ni Mark. "They are my finest agents, Rui Grymes, Shane Scarlett Gonzales, Jade Griffin, at Case Hendrix." pagpapakilala ni Mark sa kaniyang mga tauhan.

"It's nice to meet you Girls, and thank you for saving my princess, ang mabuti pa magpahinga na tayo." anito, at saka humarap sa anak. "you to my princess. Sasama ka sa amin bukas. i-ready mo na yung mga gamit mo were going back to Argentina, may bahay duon ang pamilya namin at safe tayo doon." saad nito.

"Okay, papa" sagot ni Joan.

Kaya matapos ang kanilang usapan, agad na silang nagpuntahan sa kanilang mga kuwarto na ibinigay sa kanila nang ama ni Joan.

NAKAHIGA na si joan sa kama, ngunit hindi pa din siya dalawin ng antok, naaalala pa rin niya ang mga nangyari. napabangon siya nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid.

"sino 'yan?" sigaw na tanong niya.

"It's me Shane." sagot nang nasa labas nang pinto.

"pasok ka," wika niya.

Bumukas ang pinto at nakita niya ang kaibigan. Lumapit ito sa kaniya at ngumiti.

"Joan, i want to explain." anito, habang papaupo sa gilid ng kama.

"Explain, saan?" nagtatakang tanong nito sa kaibigan.

"About everything, yung nangyari kanina, alam kong gusto mong magtanong. I saw hesitation in your eyes." anito habang nakatingin sa mga mata nito.

"Yes, i have lots of questions, Shane. And i want you to answer honestly. Can you do that?" wika niya rito.

" ofcourse, fire away!" ani Shane habang nakangiti.

"Isa kang secret agent, just like the other three." aniya,

"Yes, matagal na, almost three years na kaming magkakasama."

"Paano ka napunta sa office?" muling tanong nito.

"Well, trabaho ko din iyon, bukod sa pagiging secret agent." anito, at saka lumapit at naupo ito sa tabi ng kaibigan.

"It means nag-iispiya ka?" tanong nitong muli.

"kanino, sa iyo?" tanong ni Shane at nakita niya ang bahagyang pagtango ng kaibigan, dahil doon pagak siyang natawa at sumagot, "Hindi! talagang gusto kitang maging kaibigan. kaya nang makita kong magkasama kayo ni sir mark sa office, natuwa ako." anito, habang nakahawak sa kamay ng kaibigan.

"Really?" nag-aalangan nitong tanong.

"Oo naman, akalain mo yun may ibubuga ka din pala pagdating sa pakikipaglaban. Grabe friend, ang galing nang ginawa mo!"

"I learn because of Papa." aniya,

"Well, sa nangyayari sa inyo ngayon mukhang kailangan mo talagang matuto. So bukod sa pakikipaglaban ano pa ang talent nang magandang prinsesa?" Biro nito sa kaibigan.

"I know archery, gun shooting, karate- taekwando, everything that can help to defend my self even boxing!" natatawang saad nito sa kaibigan.

"that's good, one day practise tayo. Marunong din ako nang boxing." anito, habang minumuwestra ang pagsuntok sa hangin.

"Really? akalain mo isa ka pa lang secret agent, sino naman ang tinatrabaho mo doon sa opisina?" tanong nito.

"Sorry friend, pero confidential ang information na 'yun." sagot nito. nagpatangu-tango lang si Joan.

"kumusta naman kayo ni sir Mark?" tanong nito habang sinisiko-siko pa siya sa tagiliran.

"Maayos naman kami." ani Joan.

"kumusta naman yung sa... you know?" alanganing tanong nito.

"tulad nga nang sabi ko gusto niya na magkita kami. Pero hindi pa ako handa, natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya." malungkot na wika ni joan sa kaibigan.

"Para sa akin, kung mas maaga mong masasabi sa kaniya mas maganda. Masaktan ka man at least hindi magiging ganun kasakit, Mahal mo siya di'ba?" tanong niya, tumango lang si Joan bilang sagot.

"Pag-iisipan ko munang mabuti, Shane" malungkot na sagot nito.

"Kung iyan ang gusto mo, mabuti pa magpahinga ka na princess!" anito, na may kasamang pagtawa.

"Don't call that, ayoko nga na tinatawag ako ng ganiyan." inis na wika ni Joan

"Sorry, pero iyon ang utos ni boss, good night!" anito,

"Good night!" sagot naman ni Shane rito.

Nang makalabas na si Shane, kinuha ni Joan ang isa niyang cellphone at humiga siya. agad siyang nagtipa rito.

"I love you Mark San Andres, sana wag kang magagalit sa akin kapag nalaman mo kung sino ako." and send. Napabuntong hininga na lang si Joan. Matapos ay Ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bag at naghanda na siyang matulog.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Nakaka inspired
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
G na g talaga ng kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status