Share

chapter five

Author: Alliyahmae22
last update Last Updated: 2021-02-03 20:38:01

    PAG-GISING ni Joan, magaan na ang kaniyang pakiramdam, mabuti na lang at hinahatid-sundo siya ni Mark kaya hindi na s'ya napapagod masyado sa pagmamaneho, ang ipinagtataka lang niya ay bakit? dahil ba sa magkaibigan sila at nag-aalala lang ito sa kanya? ito ang tanong niya sa kaniyang sarili. 

    "Hay naku, pasalamat na lang ako at ginagawa niya 'yon" kaya tumayo na siya at nag-asikaso na nang kaniyang sarili. 

    Nang matapos ay dumeretso siya sa study room, kung saan laging naroon ang kaniyang papa. Bago pa man siya makapasok ay may narinig na siyang nag-uusap sa loob. kaya tumigil muna siya at nakinig. 

    "Salamat, Mark sa pagbabantay mo sa anak ko, what can i do without you?" anito, 

    "it's nothing sir, it's my job. Hindi ko din po kayang  pabayaan ang anak niyo dahil kaibigan ko na siya since high school, kaya mahalaga rin siya sa akin." sagot ni Mark sa matanda. 

    "Isa rin 'yan sa advantage sa trabaho mo, magkaibigan kayo kaya hindi na mahirap sa'yo ang pakisamahan ang anak ko," kaya bumaling ang matanda sa drawer ng kaniyang lamesa at may kinuha kinuhang isang sobre at inabot ito kay mark. 

    "This is your bonus for having a good job, salamat talaga mark" muling pasasalamat nito sa kaniya. napangiti lang si Mark dito.

    "it's nothing sir, pero hindi po ako tumatanggap ng pera personally, paki forward  na lang po sa bank account ko." paliwanag niya.

    "Ganoon ba, okay i'll tell my secretary, you may go now baka magising na si joan." wika nito, habang ibinabalik ang sobre sa drawer.

    "Sige po, tito. See you later." aniya, tumalikod na s'ya at naglakad patungo sa pintuan. Nang bubuksan na nya ang pinto ay may biglang kumatok, nagtaka siya kaya binuksan niya ito. Nagulat pa siya makita niyang si Joan ang nakatayo sa harap ng pinto

    "Joan! kanina ka pa diyan?" kinakabahang tanong niya sa dalaga.

        "No, ngayon lang," pagsisinungaling nito. "Anong ginagawa mo dito, buisness again with papa?" pa-inosenteng tanong niya kay Mark. 

    "Y—yeah...okay na, nakapag breakfast ka na?" pag-iiba ni Mark ng usapan. 

    "Hindi pa e, sabay na tayo" nakangiti pa rin niyang wika kay Mark. "Wait for me here at babati lang ako kay papa." aniya, kaya pumasok na siya ng study room at binati ang ama. 

    "Good morning, papa!" bati niya rito sabay yakap ng mahigpit.

    "Good morning din, hija. kumusta naman ang tulog mo?" tanong naman nito sa anak.

    "Masarap naman ang tulog ko papa, Ikaw? kumusta naman ang buisness with mark, pansin ko lagi siyang nandito, at lagi kayong magka-usap." aniya, habang pinagpapalit ang tingin sa dalawang lalaki.

    "Maayos naman ang buisness namin," pagsisinungaling nito sa anak.

       "Really papa, talaga bang buisness ang pinag-uusapan niyo?" anito, habang matiim na nakatingin bsa kaniyang ama. Dahil doon nagkatinginan si Mark at si Don Ronaldo.

    "Yes hija, Mark is a good buisnessman at hindi ako nagkamali na mag-invest sa company niya." patuloy pa din nitong pagsisinungaling sa anak. ngunit nakita niyang seryoso ang mukha ng anak.

    "Papa, you know i hate liars, tinuruan mo akong magsabi laging totoo, but why i feel that you are lying to me?" saad nito sa ama, nakatingin lang siya rito at sinusuri ang reaksiyon ng mukha, hanggang sa sumuko na ito. 

    "Fine! i hired Mark as your bodyguard, nagawa ko lang naman iyon kasi natatakot ako para sa kaligtasan mo, lagi akong natatakot lalo na kapag umaalis ka na ng bahay. Kahit alam kong sa opisina lang ang punta mo, natatakot pa rin ako" paliwanag sa kaniya ng kaniyang ama. mataman namang nakikinig lang si joan rito.

    "Im sorry, hija." hingi nito ng paumanhin.

    "Sorry for what?" aniya, na habang magkadikit ang kaniyang kilay.

    "Tungkol kay Mark, i know na nagtataka ka kung bakit lagi siyang narito at laging nakabuntot sa'yo, kasi iyon ang utos ko sa kaniya." saad niya sa kaniyang anak.

    "Paano n'yo naman napapayag siya napapayag na maging bodyguard ko?" tanong ni Joan, habang naatingin kay Mark.

    "Pumunta ako sa agency niya para sana maghanap ng bagong bodyguard mo, pero mismong si mark na ang nagpresinta na siya na ang kukuha nang trabaho, dahil magkaibigan naman daw kayo" pagwika n'on ay hinawakan niya ang kamay ni joan at niyakap.

    "I'm sorry anak, pero mas panatag ako na si Mark ang naging bodyguard mo, your friends kaya hindi na siya mahihirapan na pakisamahan ka." anito, saka hinawakan  sa magkabilang pisngi ang anak at tinitigan ang mukha nito. nais niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng anak. "Joan, princess. are you mad at me?" tanong nito.

    Tinanggal ni Joan ang kamay ng ama sa kaniyang mukha at hinawakan niya ito.

    "Hindi naman po ako galit, pero sana sinabi niyo, hindi naman ako magagalit kasi alam kong para sa kaligtasan ko ang iniisip niyo." aniya, at ska nilambing ang kaniyang ama. Sabay tingin kay mark na kanina pa nakatingin lang sa kanilang mag-ama at nakikinig.

     "Kaya pala lagi kang nakabuntot at lagi kang narito, dahil ikaw pala ang bodyguard kong buwiset ka!" sabay lapit kay Mark at pinagkukukurot sa tagiliran nito.Tawa lamang ng tawa si Mark at panay ang iwas sa kamay ni Joan. 

    "Sorry na princess, hindi ko naman kasi gustong magsinungaling sa'yo pero para mabantayan ka ng maigi, kailangan ko pa din kumilos nang normal sa harap mo. Ayaw kong mapressure ka sa presence ko bilang bodyguard mo." paliwanag ni Mark sa kaibigan. 

    "Fine! ang mabuti pa, kumain na tayo at nagugutom na ako, hindi pa naman ako kumain kagabi dahil sa sobrang pagod," aniya kay Mark.

    Kaya nagpaalam na muna siya sa ama at lumabas na sila ng study room ng kaniyang ama, habang papunta ng kusina, kinakalabit s'ya ni Mark ngunit hindi pa din siya tumitingin, dahil doon kaya patuloy pa din siyang kinakalabit nito, sa asar niya humarap siya rito at galit na tinanong.

    "Bakit ba kasi!" sigaw niya kay Mark at mataray na tumingin sa kaibigan.

    "Feeling ko kasi galit ka e, princess sorry na!" anito, habang magkasalikop ang mga palad at humihingi ng tawad.

    "Mark, hindi ako galit. Ang ikinagagalit ko e, nagsinungaling ka." aniya, sabay irap ng mga mata rito.

    "Sorry na, please forgive me." anito, nagulat na lamang siya ng idinipa ni Joan ang mga braso at tumingin sa kaniya at nagwika.

    "Hug me," ani Joan. nakita niyang nangunot ang noo nito at nagtanong, "What?"

    "Hug me! kung gusto mong mawala ang galit ko sa iyo." saad ni Joan na ikinangiti na lang ng binata. Kaya lumapit ito at niyakap ang kaibigan.  

    "Okay, sige tama na yan, pinapatawad na kita."  kaya lumayo na siya at naghanda na nang almusal nilang dalawa. 

    Nang makapaghain ay inaya na niya si Mark at sabay silang kumain, nang matapos naghanda na silang umalis.

    Habang nasa sasakyan, napapa-isip si Joan at tumingin kay Mark, napansin naman nito ang kaniyang ginagawa kaya sumulyap ito sa kaniya at nagtanong. 

    "Bakit may gusto ka bang sabihin?" tanong niya rito.

    "Mark, i know dad. hindi iyon kukuha nang bodyguard kung wala kami sa delikadong sitwasyon. Did he get another threats?" seryosong tanong ni Joan. kaya matapat naman siyang sinagot nito.

     "Oo at ang sabi ng papa mo mas malala ito kay sa nuong mga nakaraan at mas matindi pa at yung nangyari sa iyo kahapon yung mga lalaki, mukhang patikim lang nila  iyon. Baka sa susunod na may mangyari, baka mas delikado na. Kaya kailangan na kitang samahan kahit nasa trabaho ka, okay lang ba sa'yo. Alam kong ayaw mo nang ganoon, but we have to." paliwanag ni Mark dito.

    "Kung kinakailangan, pero nag-aalala ako." aniya, na ikinatingin ni Mark sa kaniya.

    "Saan naman?

    "Sa iyo, Mark baka manganib ang buhay mo dahil sa akin." nag-aalalang wika niya sa kaibigan.

    "Ganoon ba talaga ka tindi ang kompitensiya sa buisness ng papa mo para manganib kayo nang ganyan." nagtatakang tanong ni Mark kay Joan.

    "No, actually hindi naman kami ganito noon, nangyari lang ito nang may sinalihan si papa na isang organisasyon. Nang tumagal nagkaroon nang posisyon si papa sa organisasyon, kaya simula noon nagkaganito na kami, laging nanganganib. Sinabi ko na kay papa na kung maaari ay humiwalay na siya sa samahan na iyon," saad niya.

    "Anong nangyari ng sabi niya?" tanong ni Mark.

    "Sinubukan niya, pero ang sabi nang organisasyon mapuputol lang ang pagkakatali niya sa organisasyon kung wala na siya. Only his death can break the bind from the organization." Malungkot sa pahayag nito kay Mark.

    "Your dad is really messed up, hindi niya naisip na maaring manganib kayo dahil sa pagsali niya sa organisasyong iyon." wika ni Mark kay Joan.

    "Kaya nga pinilit ko din siyang intindihin. lalo na pagdating diyan, ayokong mag-away kami, ginawa kong lahat para hindi ako makadagdag sa bigat na dala niya. Pero pinipilit pa din niya ang magkaroon ako nang bodyguard." inis na aniya,

    "Well, father is always a father, Ang iniisip lang niya ay ang kaligtasan mo. Kaya hayaan mo na lang siya, isa pa ako naman ang bodyguard mo hindi ka na lugi." pabirong wika nito kay Joan.

    "Wow! so much confidence Mr. San Andres." natatawang wika niya rito.

    "Ofcourse,!" anito, "Malapit na tayo, hihintayin kita. Nasa pinakamalapit lang ako na coffee shop" aniya, "im one call away. so if you need something or something happen. call me okay?" bilin nito.

    "Copy sir!" pabirong sumaludo siya sa kaibigan at bumaba na siya nang sasakyan. Nang makapagpaalam, agad na siyang pumasok nang building. 

    

    NASA isang coffee shop si Mark na malapit lang sa building ng pinagtatrabahuhan ng kaibigan,  habang sumisimsim ng kape ay napapa-isip siya.

    "Kung nasa ganitong sitwasyon pala ang mag ama, hindi pala ako dapat magpabaya." wika niya sa sarili, kaya humigop muna siya nang kape at kinuha ang cellphone sa bulsa. "kung proteksyon ang kailangan nilang mag ama, iyon ang ibibigay ko, hindi ko ito kakayaning mag isa." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Love you, Bodyguard   THE NEW LEADER

    “WAKE UP HONEY, your dad's waiting for you” wika ni joan sa anak na si harvey. “Mom, how many times that i told you, dont just come in here in my room. your invading my privacy.” wika nito sa kanyang anak. “sorry, im just excited. sige na mag-asikaso ka na at maaga kayong pupunta sa HQ ngayon” pilit niyang itinayo ang anak upang bumangon na ito. “Do you really have to do this mom, i can get up on my own. mabuti pa bumalik ka na kay dad. sige na mag aasikaso na ako.” bumangon na siya at dumeretso na sa banyo. “Hurry up son, you know your dad, he hates waiting.” paalala ulit niya sa anak. “I know, paki sabi na lang kay dad na nag-a-asikaso na ako.” wika niya sa ina. kaya lumabas na si joan sa kuwarto nang anak at dumeretso na sa dining area. inabutan niyang nagbabasa nang diyaryo ang asawa. paglapit niya dito ay humalik siya sa mga labi at naupo sa katabing

  • I Love you, Bodyguard   Speacial chapter

    "WHAT! pwede ba Joan, linawin mo Yung mga sinasabi mo. Nalilito Ako eh." Wika ni glaze kay Joan. "Azey, sorry kung hindi namin sinabi sayo kaagad ni mark. Yung mga panahon na iyon nasa delikadong sitwasyon pa kami, pero ngayon na maayos na ang lahat. Maaari na naming sabihin sa iyo." "Okay, fine. Gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin lahat. Walang labis, walang kulang. alam niyo ugali ko." Medyo galit na wika niya sa kaibigan.Kaya ikinuwento ni joan lahat nang nangyari. Kung paano naging sila ni mark at kung ano ang naging sitwasyon nila. "So, that's it. End of story. Naging kayo na pala at kinasal kayo sa argentina nang hindi manlang ako sinabihan!" Nagkakandahaba ang nguso nito sa pagsabi. "Sorry na azey, wag ka na magalit. Kaya namin nagawa iyon kasi ayaw ka naming mapahamak." Paliwanag ni mark kay glaze. "

  • I Love you, Bodyguard   Epilogue

    "MOMMY!, daddy and lolo are here!" sigaw ni Harvey sa ina, mabilis itong tumakbo palapit sa ama. "Daddy, your back! how was your trip with lolo?" tanong nito sa ama. "Maayos naman ang biyahe namin, ikaw nagpakabait ka ba kay mommy habang wala kami ni lolo mo? binantayan at prinotektahan mo ba siya?" tanong ni Mark sa anak. "Yes, dad!" masiglang sagot nito sa ama. "Very good, dahil naging good boy ka, may pasalubong kami nang lolo mo sa iyo." At inabot ang hawak nitong malaking paper bag. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi nang kaniyang anak. "Thank you po, daddy , lolo." at saka lumapit ito para bigyan nang matamis na halik sa pisngi ang kaniyang ama, matapos nuon ay nagpaalam ito. "Pupunta po ako kay mommy ipapakita ko po ito sa kaniya." at agad itong nanakbo patungo sa ina. "parang ang bilis nang panahon, he's five y

  • I Love you, Bodyguard   Chapter twenty-two

    "DO you think, kaya ninyong gawin 'yan sa 'kin? you can't kill me that easily, hindi niyo ako kilala." wika ni Mark sa mga lalaking kumidnap sa kanya. Lumapit sa kanya ang isang lalaki at malakas na sinuntok ang kanyang mukha, sa lakas nuon ay dumugo ang bibig ni Mark. Natawa lang si Mark sa ginawa nito, tawa na tila nakakainsulto. "You fuckers, hindi niyo alam ang ginagawa niyo, bibigyan ko pa kayo nang pagkakataon, pakawalan ninyo ako at bubuhayin ko pa kayo." nakangiting wika ni Mark. Ngunit nagtawanan lang ang mga lalaking nakapaligid sa kaniya. "Hindi puwede, may gustong pang makipag usap sa'yo at parating na siya." pagkawika nuon, biglang may pumasok na sasakyan sa loob nang warehouse kung saan siya dinala. Nang tumigil ito isang lalaki ang lumabas at kasunod ang isang pamilyar na babae. Matamis itong ngumiti sa kaniya at nagwika. "Wow, so

  • I Love you, Bodyguard   Chapter twenty-one

    "Babe!" patakbong lumapit si Mark sa asawa. "Babe! isang mahigpit na yakap ang isinalubong na Joan sa asawa. "I miss you! how was the flight? mukhang hindi ka nakakatulog ng maayos habang naroon ka sa moscow." Nag-aalalang tanong ni Joan. "You think? kita na ba sa guwapo kong mukha?" ani Mark na sinamahan ng pagtawa. Kaya muli siyang yumakap sa asawa, "i really, really miss you, babe." malambing na wika niya sa tainga nang asawa. "i miss you too! tara na sa loob para makapagpahinga ka na muna." at sabay silang pumasok sa loob nang mansyon.Nang makapasok, ay agad na inasikaso ni Joan ang asawa. Habang kumikilos si Joan ay titig na titig naman sa kanya si Mark. Tila napansin naman niya ito, at tumingin sa asawa. "Bakit, may problema ba?" nakangiting tanong niya rito. "Wala naman, naalala ko pa nung ipinakiala ka sa akin ni glaze, una akong napatingin sa mg

  • I Love you, Bodyguard   Chapter twenty

    "Sad to say Mr. San Andres, the patient has a little chance to survive, the only chance we can give him is to bring him to a best neurosurgeon who can do the right operation." paliwanag nang doktor sa mag-asawa. "At wala kaming doktor dito na gagawa nang ganoong klase nang operasyon" anito, "I know someone who is expertly doing that kind of operation, pero hindi s'ya taga rito sa pilipinas, nasa moscow siya at hindi sya basta makapupunta rito, dahil naka base sya sa army, but i can contact him, para malaman kung ano ang dapat gawin." saad ni Mark. "Dapat nating gawin ang lahat para sa kaniya, babe." Ani Joan, sabay yakap sa asawa. "I will do everything babe, don't worry. I'll call him now, para malaman ko na kung ano ang dapat kong gawin." Kaya tumayo si Mark at tinawagan ang kaibigang doktor. "BABE, do you think ayus lang ang ginawa natin, na hindi na pasamahin si Rui sa moscow?" tanong no Joan kay mark nang mai-ayos niya ang mga gamit ni Mark. "We ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status