Share

Collision
Collision
Author: Danielle Anne

Prologue

#CollisionSimula

Walking around the fields of San Ignacio University has always been my favorite thing to do. It gives me some sort of relief from all the pressure.

Hindi naman ito 'yong hiniling ko na buhay.

I'm grateful, but this is not the life I want. Sometimes, I just want to escape it. Start anew. I just don't want to live up to the pressure everyone is surrounding me with. All of my brothers have graduated. At lahat ay Business Administration, katulad ko. Sino naman ang hindi mapre-pressure kung lahat ng kapatid ay successful na businessman?

I also want to be successful. Build an empire using my own blood, sweat and tears. Hindi 'yong bine-baby pa ng mga magulang dahil ako ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid. While walking, I heard two girls talking quite loudly, and annoyingly. Kumunot ang noo ko.

"Tingin mo magla-Laude talaga 'yon?"

"Oo, may kapit eh..."

"Benefactor nga pala ng school 'yung mga Mercado. Sure na magla-Laude. Lahat naman ng mga kapatid niya may Latin Honors. Ano namang sasabihin ng mga tao kung palpak ang isang Mercado?" tawa ng isa.

I looked at the two girls harshly. Tumigil sila sa pag-uusap. Agad din namang naglakad paalis. Inner peace, Rosie. Inner peace. Ang aga-aga pa eh, sira na ang araw ko. Naglakad na lang ako papunta sa cafeteria. Habang papunta doon, nakita ko si Tori. Siya 'yung best friend ko ever since high school. We both took Business Ad as our course since her family owns one of the biggest logistics companies in the country. Umupo ako sa table kung saan nakalapag 'yung bag niya.

"Umagang-umaga, mukhang badtrip ka na agad." sabi niya pagbalik sa table namin. May hawak siyang bote ng tubig at tray.

"Shut up," hanggang ngayon, nakakunot padin pala ang noo ko.

"Galit ka? Baka magkasungay ka niyan,"

"Ha-ha, funny." sabi ko, hindi na natutuwa. Madali kasi akong mainis. Mabilis tumatak sakin ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Wala naman akong pake, pero hindi ko maiwasang isipin mga pinagsasabi nila, kahit gaano ko pa man itanggi.

Tumaas ang kilay ni Tori. "Bakit? Sino na naman ang aawayin ko ba? Ha?"

This. This what I love about her. Handa siyang makipag-away sa mga nambwi-bwisit sa akin. But I won't let her do that, of course. Ratchet fights aren't for women with class.

"It's nothing. Just some people who keep comparing me to my brothers. It's no big deal. Sanay naman na ako." I casually said and continued eating my food.

It's true. Sanay na sanay ako sa punto na nakakasuka na. I just wanna graduate and do something with my life that doesn't involve the family business.

"Hindi talaga nawawalan ng close-minded people ang mundo, noh? Hayaan mo na sila. As if naman kaya ka nilang sabayan."

Right. But I don't like comparing what I've done to what others have achieved. Nakaka-degrade ng pagkatao. I'm not gonna lie, but I love my brothers. They treat me nicely and we are all close to each other. I just don't like how people compare me to them.

It's drives me mad sometimes. Actually, most of the time.

People are just good at hiding things.

***

When I got home, they're already preparing for dinner. Hindi na naman kami kumpleto. Most of my brothers are outside of the country. Minsan lang kami kumain ng kumpleto at sabay. Nasa hapag kami ni Dad habang nasa kitchen si Mom. Kasama niya sila Manang sa pagluluto ng dinner kapag hindi busy or gusto talagang magluto ni Mom. At hindi ko alam kung sinong kapatid ang nasa Pilipinas ngayon.

"Rosie, what are your plans after graduating?" tanong ni Dad.

Damn. Alam kong itatanong niya na naman ito. At hanggang ngayon, hindi ko pa ito napag-isipan. Maybe MBA? That means...I'll follow my family's footsteps.

"I'll take up my masters, Dad," I replied hesitantly. I'm not sure because that's not what I want. That's what my family wants. At iyon ang sinagot ko para hindi ma-disappoint si Dad.

But I really want to do something different.

"That's good." Dad smiled.

Maybe I just like getting his and Mom's approval. Kaya ganito ako. Pero wala naman na akong magagawa.

"What about law?" sabi ni Alex. One of my brothers na surprisingly, wala sa ibang bansa.

Si Alex ang eldest at ang pinaka-busy sa mga kapatid ko. Ewan ko ba kung naka-leave siya dahil naka-pajama siya pagbaba galing sa kwarto niya. 'Yung CEO, naka-pajama na may reindeer na design. Well, home is home. Minsan lang niya nagagamit ang kwarto niya dahil may sarili rin siyang condo at nasa abroad palagi.

Back to the conversation, law is not my forte. Tsaka ang gusto ni Mom at Dad ay magfocus ako sa business. See? I'm really a sucker for their approval.

"Related naman ang law sa business, Dad," sabi ni Alex kay Dad.

"Alex is right. She can even build her own law firm." sali ni Mom. Hindi ko inexpect na sasabihin 'yun ni Mom. But studying law? I don't really think so.

I've always wanted to be different from them. From my brothers. Maybe if I become a lawyer, I can prove people na pinaghihirapan ko ang mga bagay na meron sa akin. Knowing that my family is more on the manufacturing business, people can see that I can be successful without my family's help.

Baka isipin na naman nila na nandaya ako or something. Because honestly, I'm tired of hearing shit from others.

***

"Are you sure about this?" tanong ni Tori.

"Yes, 100 percent sure."

I'm not letting this opportunity go to waste. Although, I am still making some baby steps. Baka magtrabaho ako habang nag-aaral, but I'll think about that later. Nakakastress pati enrollment, ang dami-daming kailangan! Tapos parang kalmado lang 'yung ibang nag-eenroll dito, like they have their whole lives together. When in fact, they probably don't. Ako nga, nakaupo lang pero gulong-gulo na ang isip.

"Just, take care of yourself. Lagi mo akong tatawagan ha? I'm one call away if gusto mong magwalwal," bulong niya.

"Gaga ka talaga."

Sinamahan niya akong mag-enroll sa law school ng SIU habang hinihintay na madala lahat ng gamit ko sa bagong condo. I had my hair down, revealing its long wavy length. Maybe I should get a haircut for a change. I also wore heels, but not too high. Para lang hindi ako mukhang maliit, but my height is just normal. Around 5'6, I think. 

I always make sure na medyo dark ang kulay ng aking mga suot para ma-emphasize ang kulay ng aking balat. I might see significant people, so I want to look mature. They say that my features were very soft, kaya hindi nila ako maseryoso minsan 'pag galit ako. Nakakainis lang 'pag ganon. I put on make up and tried using dark lipstick. I used to love having a pink shade on my lips, but that will just make me look young.

I decided to move out of the house and be independent while I study law.

Iniwan ko na 'yung iba kong damit sa bahay. Required daw na corporate attire or somewhat professional ang damit. Mas malapit ang condo ko sa SIU-LS kaysa sa bahay. Pumayag naman si Dad, but he wants me to build a law firm after passing the Bar. Hindi ko na iisipin kung paano o san magsisimula. Hindi ko pa nga nasisimulan ang law school, e. Hopefully papasa ako. I don't know what I'd do 'pag hindi.

Tori and I graduated college with flying colors. Pareho kaming Cum Laude. And now, magma-masteral siya at maglalaw ako. After weeks of reviewing for the PhilSAT, nakapasa naman ako. This is the first time na maseseparate kami ni Tori. For years, we've been glued to the hip. Ngayon, literal na hiwalay kami dahil sa Makati na ako, siya sa Quezon City parin.

Nandito na ako sa bago kong condo. I can see the bright city lights from my balcony. Buti na lang ito 'yung pinili ko. Although, hindi fresh 'yung air dahil sa pollution. After setting everything, I decided na magshopping for school supplies. Malapit lang ang mall kaya nilakad ko na lang. Medyo pagabi na at masasabi ko talaga na ang ganda maglakad sa Makati. The illuminating moon is very pretty against the vibrant lights of the tall buildings. Walking alone gives me a sense of tranquility. Everything seems to be at peace while walking around here. Minus the noise during rush hour, of course.

Nakarating na ako sa mall. Medyo maraming mga tao. At least na-inform akong patuloy palang tumataas ang populasyon ng Pilipinas. Bumili ako ng pens, yellow pads, highlighters, sticky notes and other stuff I find useful for law school. Hindi pa siguro ako bibili ng mga libro. Tsaka na lang pag may na-recommend na ang mga prof ko. Bahala na nga.

Habang naglalakad, tumunog ang phone ko.

[Messenger]

1-A (Consti)

Reading assignment: Article 1 to 10 of the 1987 Constitution of the Philippines. Be ready for recitation.

Shit! Diba ang dami 'non?

Agad-agad akong nag-search ng magandang Consti book sa National Book Store. Binili ko 'yun agad at bumalik sa condo para masimulan ko na ang readings. On the way home, bumili na rin ako ng Frappuccino sa isang coffee shop. Mukhang isang mahabang gabi na naman ang tatahakin ko. Hindi pa naman nawala ang study habits ko kaya siguro okay lang. Almost a week pa ang lilipas bago magsimula ang classes.

Inayos ko ang table ko na malapit sa balcony. I arranged my highlighters and other stationery supplies para mukha namang mag-aaral talaga ako. Mag-aaral ba talaga ako?

So ito na talaga. Mag-aaral na ako ulit. It's kinda weird because I never imagined myself studying law. Ever. Pero nandito ako, nagpaka-independent just to get the success I want.

Sana worth it 'to.

Just as I began reading, may naririnig akong kumakanta. Tumingin ako sa likod ko at tiningnan kung may naka-play bang kanta sa phone kong nakasaksak malapit sa kama. Pero parang hindi naman doon galing 'yung ingay. Parang galing sa labas?

Baka may dumaan na campaign car? Hindi pa naman election ha. At kung kampanya naman, sobrang modern naman. Madalas kasing corny ang naririnig kong campaign songs. Ewan ko ba. Noong itinuloy ko ang pagbabasa, biglang lumakas ang pagkanta. 

Ano ba iyon? Nakaka-distract naman. Mukhang kailangan kong magsaksak ng earphones sa tainga ko. Pero naka-charge 'yung phone ko! Hays, ano ba namang buhay 'to. Lumabas ako sa balcony para tingnan ang pinanggagalingan ng tunog. Parang galing sa taas? Tumingin ako sa balcony na nasa taas ng unit ko.

What the fuck?

May lalaking topless na kumakanta kasabay ang pag-gitara. So...this is the source of noise? Pero infairness, magaling siyang kumanta. Para bang hinaharana ka ng mga anghel sa paraan ng pagkanta niya.

Focus, Rosie.

Oo nga pala, madami pa akong babasahin! Pero hindi ako maka-focus kung may maingay na kumakanta sa labas ng balcony ko! Sinubukan kong isara 'yung pintuan palabas sa balcony, pero mukhang mas lalong lumakas 'yung boses niya! Aba, bida-bida rin! Mukhang nananadya noong narinig niyang sinara ko 'yung balcony door ko!

I'm running, I'm searching, and I don't know where to start.

I'm dying, my love, you punch a hole right through my heart...

Nakaka-inis naman! Ang tagal pa namang mag-charge ng phone ko! Hindi na talaga ako makapag-focus ng maayos dito. Ayoko namang sumigaw para kunin ang atensyon niya. How do I approach him in the most appropriate way? Hindi niya ako maririnig 'pag kinausap ko siya sa balcony. Lalo na't nasa taas siyang floor. 

Napagpasyahan kong pumunta sa unit niya. His room is directly on top of mine so I went to the elevator straight-away. Kailangan kong magbasa without any distractions. 'Pag hindi siya titigil, magfa-file ako ng complaint. Pwede 'yon diba? 

I pressed 28 sa elevator buttons. Pagkalabas ko ng elevator, dumiretso ako sa unit niya. Pareho lang naman ang arrangement ng units sa bawat floor kaya hindi ako nahirapang hanapin kung nasaan siya. Pagdating ko sa pintuan niya, kumatok ako ng malakas dahil baka busy siya sa pagkanta at 'di ako marinig. I really hope na siya ang sasagot dahil nakakahiya naman 'pag maling unit ang napuntahan ko. Surprisingly, bumukas agad ang pinto.

And what a sight for sore eyes...

A tall guy with deep brown curls, honey-dew eyes and fair complexion greeted me at the door. Not to mention, he is not wearing a shirt...nor pants.

So much for decency.

But in all honesty, he looked like a Greek god. I shifted in my position while he smirked as he caught me staring at him. Bigla kong tiningnan ang mga mata niya ng diretsahan. I didn't bother to look down anymore! Ugh, nakakahiya! The guy looked at me with a playful expression. Feel ko playboy 'to. Alam na alam ko kung anong klaseng ngisi 'yang pinapakita niya. But I won't fall for it. I came here for one thing.

Peace.

"Can you keep it down with the singing? May mga kapitbahay ka na gustong manahimik." diniretso ko na siya. Napatingin siya sa hawak kong libro. Naidala ko pala 'yong Consti ko. I didn't even notice it. I was gripping on it tightly as he spoke.

"You're studying law right? You shouldn't be depriving me of my liberty." he smirked as he pointed at the book I'm holding.

Aba! Edi siya na mag-aral!

"And you shouldn't be depriving me of my liberty to study in peace." I retorted.

He looked at me like I'm something amusing to watch. Naging entertainment na pala ako? Ang kapal ng mukha!

"I'll take note of that. But first, what's your name?" he asked, ticking his head to the side.

Sinusubukan kong kontrolin ang inis ko. This Greek god slash asshole is annoying!

"At bakit mo naman kailangan?"

"Para mabigyan kita ng freedom to study in peace."

Ang kapal talaga!

"Rosie," I told him and raised my brows.

"Just Rosie?" pangungulit niya. Suot niya 'yung ngising nakakaloko. Bwiset!

"Yes, just Rosie." I pursed my lips.

"Okay, 'Just Rosie'. I'll keep it down for you." he smirked again and winked. I cringed internally and raised my brows. Feelingero! Porket gwapo ganon makaasta! May sasabihin pa sana ako ngunit huli na, nakabalik na siya sa unit niya.

Finally! I also went back to my unit para ipagpatuloy ang pagbabasa ko. Palihim kong dinungaw ang balcony ko. It's been quiet so far. Hindi ko na naririnig ang pagkanta niya. Siguro natulog na 'yon. 2 am na eh, o baka nagsawa sa sarili niyang boses?

Hays. Letche ka, kung sino ka man!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status