Genovese Series #1 Heaven Avila, a simple and loving orphan of Great Hope Orphanage. She was an incoming fourth year student and ready to face the real world. She fell in love to Crimson Genovese — the man she just met in a very unexpected event years ago. Not only that, but she gambled her feelings and didn’t stop herself from falling for him not seeing the possible consequence. Likewise, she let herself indulged the feeling of being in love. However, it did not cross her mind the thought of getting hurt so bad. She did not even know if the feeling is mutual for him. A few years after, they met again in another event that she didn’t expect he will be connected to. She already accepted everything that happened in the past, but she can’t just dictate her heart. She let herself love the same man, but another challenge was waiting. Everything was all in place, or so she thought.
View MoreWALA talagang makakapagsabi na kayo ay panghabang buhay nang magsasama. Ang hirap isipin na may sumpaan kayong dalawa pero sa isang iglap lang ay mawawalan lang ng saysay ang mga iyon. Ibabasura lang pala niya ang mga pangako niya sa akin na akala ko'y hanggang sa huli.
Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang dumausdos sa aking pisngi habang nagbabasa ng isang nobela sa W*****d. Sino ba naman ang matinong magsusulat ng ganito? Kinanawa nang masyado ang babae sa storya pero hanga ako kasi ang tapang niya para harapin ang kabit ng asawa niya.
Sa sobrang panggigigil ko ay naibagsak ko ang cellphone sa kama. Natutop ko ang aking bibig sa gulat at kaba. Nakihiram lang kasi ako ng cellphone kay SisterAnne para makabasa ng kuwento. Bago pa lang naging ganap na madre si Sister Anne kaya nakakasabay siya sa panahon. Mahilig din siyang magbasa ngunit mas nakatuon ito sa salita ng Diyos kaya ako na lang ang nagbabasa ng W*****d.
Inangat ko ang cellphone at tinignan kong maigi ang screen at napabuntonghininga. Mabuti na lang at makapal kaunti ang aking kutson kung hindi basag na ang screen nito. Kung may trabaho lang sana ako, bibili talaga ako ng cellphone pero hindi pa ako nakakapagtapos at baka maapektuhan ang pag-aaral ko sa state college kapag nagworking ako.
Sumandal ako sa dingding at tinanaw ang labas mula rito sa loob. Kita ko rito ang magandang tanawin ng bukid at ang napakalawak na grounds ng bahay-ampunan. Unang tingin sa labas akala mo ay isang magarang institusyon pero bahay ito para sa mga ulilang katulad ko. Isa rin ako sa mga batang hindi pinalad na maampon mula noong bata pa ako.
Ngayong isang taon na lang ay magtatapos na ako, excited na ako dahil kapag kaya ko nang buhayin ang sarili ko ay pwede na akong bumukod at mamuhay nang bago. Pinagdadasal ko gabi-gabi na sana ay hindi ako masyadong mahirapan sa pag-aaral ngayong graduating student na ako sa susunod na pasukan. Ayoko ring madismaya ang mga madre sa akin kaya pagbubutihin ko talaga ang pag-aaral ko.
May ilang grupo ng mga kabataan ang naglalaro sa grounds. Kahit ganito lang ang pamumuhay namin ay masaya na kami dahil tinatrato kami nang maayos at minamahal bilang anak. Nagpapasalamat din kami dahil hindi nagtitipid ang mga madre sa pangangailangan dito sa bahay-ampunan. Masuwerte kami dahil may mga nagdo-donate ng salapi upang makatulong sa amin.
Napaigtad ako nang marinig ang bell ng aming building. Iyon ay hudyat na manananghalian na kami. Dala-dala ang cellphone ni Sister Anne ay lumabas na ako ng aking silid at nakisabay sa iba patungo sa hall kung saan kami kumakain. Malaki ang bulwagan kaya halos kaming lahat ay sabay-sabay na kumakain dito ngunit may iba naman na pinipiling sa cafeteria kumain upang mas tahimik.
Hinahanap ng aking mga mata ang kaibigan kong si Matilda. May pagkaangas din minsan ang pormahan no'n kaya madali ko lang siyang makita. Nakasuot siya ng itim na oversized tee at wide leg denim. Mahilig siyang gumaya sa mga aesthetic model sa F******k at natutuwa naman ako para sa kaniya.
"Langit!"
Nakalapit kaagad ito sa akin at nakipaghigh five. Tumabi siya sa akin habang naghihintay kami ng aming pananghalian.
"Saan ka ba galing, Matilda? 'Di ba sabi mo pupunta ka sa kwarto ko dahil may ikukuwento ka," dismayado kong sinabi sa kaniya.
"Kasi naman, e! Tinulungan ko si Mother Superior doon sa library. Nag-aayos kasi siya ng mga libro kaya hindi na kita napuntahan." Napakamot siya sa kaniyang batok at biglang nagpuppy eyes sa harap ko.
"Tumigil ka na nga diyan!" Ngumiwi ako at biro siyang sinapak bago tumingin sa unahan ng pila.
"Don't you worry! Ikukuwento ko after lunch." Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay na parang nanunumpa.
Napailing na lamang ako at kalaunan ay ngumiti dahil sa kabaliwan ng kaibigan ko.
Tahimik lang kaming kumain ni Matilda sa gilid ng hall sa isang pandalawahang lamesa.
"Matilda, ano ba dapat ang ikukuwento mo sa akin, ha?" Pabulong kong tanong upang hindi kami masyadong maging sentro ng ingay rito sa loob.
"Ano ka ba? Mamaya na para sa loob tayo ng kwarto mo!" Umiling-iling siya sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.
Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa matapos kaming dalawa. Umalis kami sa hall kasama ang aming tray dahil kami ang maghuhugas nito at isasauli ito mamayang hapon dito sa hall para sa hapunan.
Pagkarating namin sa aking kwarto ay agad kaming pumasok. Sinira niya ang pinto at umupo ako sa aking kama at nilatag sa aking maliit na study table ang tray at tumingin kay Matilda. Inilpag niya ang kaniyang tray sa sahig at umupo ito sa aking pang-isahang sofa.
"Girl! May program daw na gagawin dito sa Great Hope!" Tumili siya at humalakhak.
"Anong program?" kumunot ang aking noo, "at bakit naman magp-program? May bisita ba?"
"Nakuwento kasi sa akin ni Mother Superior kanina sa library, hehe," Inipit niya ang kaniyang mahabang bangs sa kaniyang tainga na parang ewan.
"Pinagpala raw tayo kasi may mayamang magdo-donate dito sa orphanage. Kita mo naman kung bakit halos hindi mo na mahagilap sina Sister Anne kasi busy iyon para sa program."
Napatango lamang ako at napaisip, nagtanong ako, "Sino naman kaya ang magdo-donate?
"Sabi ni Mother Superior ang gwapo raw! I mean ang anak nila. Bet na bet! " Tumili na naman ito at parang bulateng binudburam ng asin sa kaniyang kinauupuan.
May mga gwapo rin naman dito sa ampunan pero may mga pangarap sa buhay kaya walang planong magjowa. Hindi rin naman ako naghahanap ng jowa dahil ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko. Aral muna raw bago lumandi sabi ng ilang kabataan dito. Hindi ko alam kung saan nila natutuhan iyon.
"Gwapo nga pero paano kung pangit naman ang ugali? Bet mo pa rin?" Tanong ko sa kaniya.
Umismid siya at pinandilatan ako. "Ang KJ mo talaga, 'no? Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend, e!"
"Magtatapos muna kasi ako ng pag-aaral, Matilda lalo na't wala akong alam sa love life-love life na 'yan." Paliwanag ko sa kaniya bago humiga sa kama.
Matagal ko nang binaon na minsan akong nagkagusto sa isang taong hindi ko alam kung gusto rin ba ako.
Ngumiti ako sa kaniya at mariing pumikit.
"Ano kayang feeling ng isang virgin sa ganitong panahon?" Mabagal niyang tanong nagpipigil ng ngiti.
"Okay lang naman."
Napadilat ako at tumingin sa aking kaibigan at pinigilan ang sarili na matawa sa kaniyang ekspresyon. Parati akong tinutukso ni Matilda sa pagiging virgin ko pero wala naman akong pake.
Napahalakhak kaming dalawa at nagbatuhan ng unan hanggang sa mapagod kaming dalawa.
"Halika na nga! Hugasan na natin 'to." Aya ni Matilda sa akin bitbit ang kaniyang tray.
Kinuha ko ang aking tray at sabay kaming lumabas ng kwarto at dumiretso sa public sink ng building.
"Nalaman mo ba kung kailan ang program?" Tanong ko sa kaniya habang naghuhugas kami ng pinggan.
"Next weekend daw 'yon gaganapin doon sa pavilion 1 sa labas." sagot niya habang binabanlawan ang kaniyang plato at kubyertos.
Pagkatapos naming maghugas au dumiretso kami sa hall upang ibalik ang aming pinggan.
"Langit, anong plano mo ngayong bakasyon?" Tanong ni Matilda sa akin habang naglalakad kami palabas ng gusali.
"As usual, dito lang sa ampunan. Hindi pa naman ako bubukod. Ikaw?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
Binati kami ng iilang mga batang naglalaro sa grounds. Nginitian ko ang iba sa kanila habang nakipaghigh five naman si Matilda sa mga lalaki. Tinakbo namin ang bakanteng bench sa lilim ng isang puno.
Nagtabi kaming dalawa sa bench. Narinig ko ang kaniyang buntonghininga.
"Mag-a-apply ako ng working visa to abroad. Iyan ang plano ko." Tumango ako at tumingin sa kawalan.
"Pero magtatapos muna ako of course at ipapasa pa natin ang board exams," she chuckled.
"Dapat lang, 'no!" Ngumiti ako sa kaniya at lihim na nalungkot.
Mula pagkabata, si Matilda na ang kasama ko. Siya ang tagapagtanggol ko noon sa mga kasamahan naming mga lalaking mahilig sa bardagulan. Kahit minsan hindi ko kinakaya ang kakulitan ng kaibigan ko pero masaya ako na magkasama kami.
Hindi ko inakala na isang taon na lang at magtatapos na kami. Ang bilis ng takbo ng panahon at nakakalungkot lang isipin na aabot kami sa puntong maiiwan namin ang isa't isa.
Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,
Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman
I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.
NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba
NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat
NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala
Comments