Share

TWL : CHAPTER 05

Lever

Isang oras na akong naghahanap ng information sa papa ko, pero wala. Kahit na anong information ay wala sa internet. Napasandal ako sa upuan at tinignan ang kalsada sa labas ng coffee shop.

Ayokong manatili sa loob ng unit dahil masyadong tahimik doon para lang akong nakakulong. Wala akong kaibigan o makausap man lang, ayokong istorbohin si Mama dahil alam kong pagod s'ya.

Mayroong dumating na black card sa akin, pero wala akong balak na gamitin iyon. Alam kong hindi si Mama ang nagbayad ng tuition ko sa university at ayoko na rin umasa sa kanila ng allowance ko.

Uminom ako ng kape habang pinagmamasdan ang phone ko. Wala akong kilala na tao dito para malaman ko kung sino ba si Papa.

"Gosh!"

Nagulat ako ng biglang mayroong sumigaw sa gilid ko. Muntik ko pang matapon ang hawak kong kape dahil sa pagkabigla. Tinignan ko kung sino iyon at nagsalubong ang dalawa kong kilay na makita ang babaeng architecture student, Youna Swaggerty; sikat s'ya school dahil sa kaniyang background, isang anak mayaman.

"Alam mo bang pupunta ako dito?" nakangiti n'yang tanong sa akin.

Sa tuwing lumalapit s'ya sa akin ay nilalapitan din ako ng gulo. Laging mainit ang dugo ni Joaquin Hernandez sa akin dahil matagal ng mayroong gusto si Joaquin kay Youna.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsisi na bakit dito pa ako tumambay sa labas at pwede naman akong manatili sa loob ng bahay.

Hinawakan ni Youna ang braso ko para patigilin ako sa pag-alis.

"Saan ka pupunta? Sa ganda kong ito iiwan mo akong mag-isa?!" naka-pout n'yang saad.

Tinanggal ko ang pagkakahawak n'ya sa akin at masamang tinignan. "Lumayo ka sa akin," seryoso kong taboy sa kan'ya.

Maglalakad na ako palabas ng coffee shop ng hinarang n'ya ang daanan ko. Walang masyadong tao dito sa loob dahil nakakahiya ang kilos ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Alam kong sinusundan mo ako, at nagagandahan ka sa akin kaya wag kang magpanggap na cold dito!" sigaw n'ya.

Napatingin ang mga stuff ng coffee shop maski ang mga customer.

"Bata ka ba?!" tanong ko sa kan'ya.

Kung kumilos s'ya ay parang bata, palibhasa anak mayaman.

"Alam kong mahirap ka lang, at kung iiwan mo ako dito ay ipagsasabi ko sa buong campus na isa kang anak mahirap!" banta n'ya sa akin.

Hindi ko na s'ya sinagot pa at nagsimula akong maglakad palabas ng shop. Ayokong makausap ang babaeng gaya n'ya.

Napapikit na lang ako sa init ng mayroon na namang humawak sa braso ko.

"Saan tayo pupunta? Gusto mo kumain? Treat kita ng food," offer n'ya sa akin.

"Youna!" inis kong tawag sa pangalan n'ya.

Nawawalan na ako ng pasensya dahil sa kakulitan n'ya.

"Lumayo ka sa akin, at naiinis ako sa tuwing nakikita kita!" pikon kong saad.

Para s'yang pusang inagawan ng pagkain at batang nawawala sa gitna  ng mall.

"Alam mo kasing gusto kita!" sigaw n'ya sa akin.

Naguluhan ako sa sinabi n'ya. Ilang linggo pa lang ako sa lugar na ito at paanong nagkagusto s'ya sa akin agad.

"Hindi kita gusto, at hinding-hindi ako magkakagusto sa iyo," mariin kong saad.

Iniwanan kong mag-isa si Youna at nagmadaling maglakad palayo sa kan'ya. Malapit lang ang condo ni Papa dito kaya mabilis akong makakauwi.

Ang mga tao sa lugar na ito ay malayo sa mga taong kinalakihan ko. Mas okay na wala akong kaibigan kaysa makausap sila.

Pagdating ko sa unit ay napatigil ako ng makita ko si Uncle Snipe na nakaupo sa sofa. Napatingin ako sa pinto ng unit dahil hindi ko alam na nakakapasok pala s'ya dito.

"Uncle Snipe," bati ko sa kan'ya.

Umupo ako sa tapat n'ya. Wala naman bago sa expression n'ya dahil lagi naman s'yang seryoso.

"You're trying to apply for part-time job?" seryoso n'yang tanong sa akin.

Biglang nilapag ni Uncle Snipe ang resume ko sa tea table na pinasa ko sa isang newly open malapit sa university.

"Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral ko at ang trabaho—"

"No need," putol n'ya sa akin. "Lahat ng kailangan mo ay ipro-provide kaya hindi mo kailangan magtrabaho."

"Ayokong umasa sa inyo—"

"Your father provided everything for you," muling putol n'ya sa akin.

"Nasaan si Papa?!" Alam ko ang sagot sa tanong ko, pero hindi ko mapigilan mainis dahil lagi nilang sinasabi ang bagay na iyon.

"Hindi mo naiintindihan ang lahat—"

"Kasi ayaw n'yong ipaintindi sa akin! Ilang taon ba dapat ang kailangan ko para sabihin n'yo sa akin ang lahat?!" sigaw ko.

Napatayo ako sa inis dahil pagod na akong mag-isip kung sino ba talaga ako.

"Wag ka ng bumalik dito, Uncle Snipe kung hindi mo rin sa sabihin ang lahat sa akin!" Nagsimula akong maglakad papunta sa kwarto ko.

"Namatay ang papa mo dahil sa nalaman n'ya ang totoo."

Huminto ang paa ko sa paglalakad at nagsalubong ang dalawa kong kilay sa narinig ko kay Uncle Snipe, agad akong humarap sa kan'ya, pero likod nito ang nakita ko. Hindi ko makita kung anong emosyon ng mukha n'ya, pero ng humarap ito sa akin ay hindi ko rin makita dahil blangko iyon.

"Namatay?!" walang idea kong tanong. "Anong totoo?!" tanong ko pa.

Isang puting maliit envelope ang binaba n'ya sa tea table at tinignan ako.

"Your Aunt Younis, my wife wants to see you on her birthday," pag-inbita n'ya sa akin.

Tumalikod si Uncle Snipe, pero agad akong tumakbo para pigilan s'ya sa pag-alis.

"P-pinatay si Papa?!" naguguluhan kong tanong.

Tinignan ko ang mata ni Uncle Snipe, pero doon pa lang ay nakuha ko na ang sagot sa tanong ko.

"Sino?!" tanong ko pa.

Napatingin ako sa balikat ko ng tapikin n'ya lang iyon.

"See you next week," paalam n'ya sa akin.

Nilagpasan ako ni Uncle Snipe na mayroon na namang iniwan na tanong sa isip ko. Pinanuod ko s'yang lumabas ng unit at ako ay naiwan na nakatayo habang umiikot ang iba-ibang tanong sa ulo ko.

"Pinatay si Papa?!" hindi makapaniwala bulong sa sarili ko.

Napaupo ako sa sofa at kinuha ang invitation card para sa akin.

"See you, young Rifle, from Aunt Younis!"

Napasandal na lang ako sa sofa dahil sa sobra na akong naguguluhan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status