Youna
"Anong nangyayari? Bakit ikaw na yata ang trip ng mga kaibigan ni Joaquin?" tanong ni Princess sa akin.
Umiinit lalo ang ulo ko sa tuwing naririnig mo ang pangalan ng Joaquin na iyon. Alam ko s'ya ang may gawa ng pasa sa mukha ni Youno.
"Pag nagkita kami ng lalaking iyon ay sisirain ko talaga ang mukha n'ya!" galit kong saad.
"Wag mo ng patulan si Joaquin, parang hindi mo kilala ang lalaking iyon," payo ni Princess.
"Hindi ako natatakot sa kan'ya!" Inayos ko ang pagsuot ng tote bag ko at naglakad papasok sa loob ng campus.
"Anong meron?" takang tanong ni Princess.
Nakatingin kami sa mga student na parang pumupunta sila sa likuran ng school. Hindi na ako nagsalita pa at tumakbo na ako para pumunta rin sa likod ng school; hinahabol ko pa ang hininga ko at tinignan ko kung ano ang nangyayari doon, pero nanlaki ang mata ko ng makita si Youno at Uris na nakikipagpalitan ng suntok sa mga kaibigan ni Joaquin.
"Youno!" sigaw ko.
Mga nanunuod lang ang mga tao sa paligid at nakita ko si Joaquin na nanunuod lang din, alam ko naman na s'ya ang may utos nito.
Tumakbo ako kay Joaquin na masama ang tingin sa kan'ya.
"Patigilin mo ang mga kaibigan mo!" sigaw ko.
"I warned you, but you chose to ignore it," nakangisi n'yang sagot sa akin.
"Sa mga mahihina lang ang warning," sagot ko sa kan'ya.
Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa mukha n'ya dahil nakakainis s'ya.
"Don't touch my twin brother!" sigaw ko kay Joaquin. "Sino ka ba sa inaakala mo? Anak ng may-ari ng school?!"
Masamang tinignan ako ni Joaquin at napaatras ako ng balak n'yang lumapit sa akin.
"If I tell Papa what are you did to us, he can buy this shit school right away!" banta ko sa kan'ya.
"Your father can't take an action, hindi lang ang family mo ang may power dito!" sagot ni Joaquin.
"Wag mong sasaktan si Youna!" rinig kong sigaw ni Youno.
"Don't touch her, Joaquin!" That's Uris.
Dahil palapit ng palapit si Joaquin ay napatingin ako kila Youno na ngayon ay pinipigilan pala ng mga kaibigan ni Joaquin. Sinampal ko ulit si Joaquin ng malakas, pero bigla n'ya akong sasampalin din kaya napapikit ako, pero biglang tumahimik ang lahat at wala ring tumama na palad sa akin.
Pagdilat ko ay nakita ko si Lever na seryosong nakatingin kay Joaquin at hawak ang kamay para pigilan sa pagtama sa akin.
"Pag-usapan n'yo ng ayos ang problema n'yo," kalmadong saad ni Lever.
Biglang nawala ang takot sa pakiramdam ko ng makita ko s'ya.
"Tumawag na ako ng professor para ayusin ang gulo dito," dagdag n'ya pa.
Napaatras ako at napahawak sa bibig sa gulat ng biglang suntukin ni Joaquin si Lever sa mukha.
"Mayroon pa lang super hero ngayon si Youna?!" nakangising saad ni Joaquin.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla na naman sinuntok ni Joaquin si Lever. Hahayaan n'ya lang ba ang sarili n'yang suntukin ni Joaquin. Tinignan ko si Youno at Uris, pero hawak pa rin sila ng mga kaibigan ni Joaquin.
Balak ko na sanang pumagitna, pero lahat ay natigilan ng suntukin ni Lever si Joaquin. Mayroong humila sa akin palayo ng biglang nagpalitan na ng suntok si Joaquin at Lever.
"L-lever!" bulong ko sa sarili ko.
"Youna, tara na!" aya ni Youno sa akin.
"Si Lever," saad ko.
"Hayaan mo na s'ya!"
Hinila ko ang kamay ko kay Youno. "He saved me!" sagot ko.
Tinignan ko si Lever na patuloy pa rin sila ni Joaquin sa pagpapalitan ng suntok at ang mukha n'ya ay mayroon ng dugo.
Nilapitan ako ni Uris at seryosong nakatingin. "Umalis na tayo, Youna!" aya n'ya sa akin.
"What about Lever? Hahayaan n'yo lang s'ya kay Joaquin?! Pagkatapos n'ya akong tulungan!" sigaw ko.
Balak kong bumalik para puntahan si Lever, pero ngayon ay inaawat na sila ng guard at nandoon na rin ang ibang professor.
Balak akong hawakan ni Youno, pero umiwas ako sa kan'ya, isang masamang tingin ang binigay ko sa kanilang dalawa bago ako naglakad paalis ng lugar.
Nakakainis sila! Umuwi na lang ako ng bahay dahil sa inis ko kila Youno at hindi ko papalagpasin ang ginawa ni Joaquin nito sa akin.
Lever
"Nasaan ang magulang mo?!" galit na tanong sa akin ng professor ko.
Magkaharap kami ni Joaquin sa guidance office, at mayroong nurse na gumagamot sa sugat n'ya, kasama din namin si Youno at Uris na mayroong gumagamot din sa kanila, pero ako ay hinayaan ko lang ang sarili ko.
"Nasa province ang mama ko," seryoso kong sagot.
"What the heck?! Isang taga province ang nakapasok dito?! Scholar ba s'ya, Sir Tanyag?!" sigaw ni Joaquin.
"Upon checking, Sir, he is not scholar here, and he actually paid the whole semester," sagot sa kan'ya.
"Lever!" Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Secretary Luke na nagmamadali.
Nagulat s'yang makita ako na ganito ang itsura ko, pero napakunot ang noo ko ng makita si Uncle Snipe at Uncle Uzi. Bakit kailangan pa nila pumunta dito?
"President Snipe, and Director Uzi," bati ng dean sa kanila.
"Have you called my father?!" tanong ni Joaquin.
"Yes, at hindi daw s'ya makakapunta dahil busy sa trabaho," sagot ni Dean.
"Pa/Papa!" Napatingin ako kay Youno at Uris na sabay pa silang tumawag ng papa.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Secretary Luke sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
"Tumayo na kayo d'yan," galit na saad ni Uncle Snipe.
Hindi sila pumunta para sa akin kung hindi kila Youno. Nanatili akong nakaupo dahil mayroon pa akong kailangan bayaran dahil sa nagawa ko daw kay Joaquin.
Tumayo si Youno at Uris, pero si Uncle Snipe ay nakatingin sa akin.
"Tumayo ka at sumunod sa amin!" kalmado, pero alam kong sa tono n'ya ay galit.
"Bakit s'ya aalis? Kailangan n'yang bayaran ang lahat ng ginawa n'ya sa akin," pigil ni Joaquin sa akin.
"I spoke with your father about this, and we agreed that to fix this thing peacefully. You can talk to your father when you get home, but for now I need to talk these guys," paliwanag ni Uncle Snipe.
"Including him?!" takang turo ni Joaquin sa akin.
"Yes," sagot ni Uncle Snipe.
Nagsimula silang maglakad palabas ng guidance office at sumunod naman ako.
"Hindi pa tayo tapos," banta ni Joaquin sa akin.
Hindi ko s'ya pinansin at nagsimulang maglakad para sumunod sa kanila. Sumakay kami sa loob ng kotse ni Uncle Snipe at katabi ko ngayon si Youno na mayroon pagtataka sa mukha.
"Pa, bakit sinama mo pa si Lever? Kilala mo ba s'ya?" tanong ni Youno.
"He own 40% shares of your school."
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala