Lever
Inaayos ko ang mga gamit ko. Mayroon akong klase ngayon 3 PM sa isa kong minor subject, hindi ko naman kailangan magmadali dahil sa malapit lang ang school sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ko.
"Lever, right?"
Napatingin ako sa kamay na biglang sumulpot sa harapan ko; umangat ang tingin ko ng makita ko ang isang babae na gustong makipag-shake hands sa akin.
"Yes, why?" tanong ko.
Kasama ko s'ya dito sa coffee shop, pero hindi kami nag-uusap dahil naka-focus ako sa ginagawa ko.
"I'm Lossie," pagpapakilala n'ya sa akin.
Hinawakan n'ya ang kamay ko at nakipag-shake hands sa kan'ya.
"Blockmates tayo, Business administration."
Tinignan ko ang mukha n'ya dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang mga mukha ng classmates ko.
"The girl besides the window," pagpapaalala n'ya sa akin.
"Ikaw pala 'yun," sagot ko.
I remembered, mayroong isang babae nakaupo sa likuran malapit sa bintana.
"Papasok ka na?" tanong n'ya sa akin.
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko. "Oo," sagot ko sa kan'ya.
"Okay lang ba na sumabay ako sa 'yo?" nakangiting tanong ni Lossie sa akin.
"Ou," sagot ko.
Sabay kaming lumabas ng coffee shop at naglakad papunta sa campus. Mayroon pa kaming isang oras para makarating sa school kaya mabagal lang ang lakad namin.
"Ginugulo ka pa rin ba ni Joaquin?" tanong ni Lossie sa akin.
Tumawid kami ng kalsada. "Hindi ko s'ya pinapansin dahil ayoko ng gulo," sagot ko sa kan'ya.
"Anak s'ya ng may-ari ng university kaya ganiyan s'ya kumilos sa school, wala s'yang sinusunod na rules," paliwanag ni Lossie.
Wala naman akong pakialam kung sino pa s'ya. Pumasok ako sa school na ito para mag-aral, at makilala ang papa ko.
"Alam ng lahat na mainit ang dugo sa 'yo ni Joaquin, pero mawawala naman iyon kung lalayuan mo si Youna," paliwanag pa ni Lossie.
"Hindi ko kailangan lumapit o lumayo sa kanila," sagot ko.
5 minutes walk lang ay nakarating kami sa campus.
"Mauna ka na sa room, mayroon lang akong bibilhin sa cafeteria," paalam ko.
"Bibili rin ako tubig doon," sagot n'ya sa akin.
"Ako na lang ang bibili," saad ko.
"Nakakahiya, sasama na lang ako."
Hindi ko na s'ya pinilit pa at nagpunta kami sa cafeteria. Bumili lang ako ng dalawang tubig dahil na nauhaw ako sa paglalakad.
Balak ng magbayad ni Lossie ng iabot ko ang pera sa cashier.
"Charge on me," saad ko.
Binigay ko kay Lossie ang bote ng tubig at balak ko ng umalis ng biglang nasa harapan ko na si Youna.
"Thank you, Lever! Next time ako naman ang magbabayad."
"Wala ng next time!" Napatingin ako kay Lossie ng biglang inagaw ni Youna ang hawak n'yang bote.
"Lumayo ka kay Lever," saad ni Youna.
"Magkaibigan kami—"
"I don't care! Lumayo ka sa kan'ya!" sigaw pa ni Youna.
Huminga ako ng malalim. "Pumasok na tayo," aya ko kay Lossie.
Binigay ko sa kan'ya ang hawak kong bote at nagsimula ng maglakad palabas ng cafeteria. Mayroon bang ibang university na mayroong tahimik na paligid.
"What the hell?!"
Nasa pinto pa lang ako ng cafeteria ng mayroon akong narinig na bumagsak. Tinignan ko iyon, isang lalaki ang nakatapon sa damit ni Youna ng juice.
"Baliw ka ba?!" galit na sigaw ni Youna.
Pansin kong hindi pinansin ng lalaki si Youna at maglalakad na dapat palayo, pero ang hawak na bote ni Youna ay agad n'yang binuhos ang tubig sa ulo ng lalaki.
"Hindi mo ba kilala kung sino ako?!" galit na sigaw ni Youna.
"Ouch!"
Maski ako ay nagulat ng biglang tinulak ng lalaki si Youna. Balak kong puntahan sila, pero nalipat ang tingin ko sa braso ko.
"Kaibigan ni Joaquin 'yan, once na tumulong ka, ikaw na ang next na walang katahimikan sa school na ito," paliwanag ni Lossie. "Umalis na tayo," aya n'ya sa akin.
Tinignan ko ang buong paligid at parang wala silang nakikita. Akala ko ay sa movie lang nangyayari ang ganito, pero nagkamali ako.
Tumalikod ako para lumabas na sana, pero napansin ko ang pagpasok ni Youno at ni Uris. Nagkasalubong kaming dalawa, pero hindi pa nakakalagpas si Youno sa akin ay tumigil s'ya sa paglalakad.
"What the fuck?!" Bumalot ang galit na sigaw ni Youno sa buong cafeteria.
"Shit!" saad naman ni Uris.
Agad na tumakbo silang dalawa papunta kay Youna, na ngayon ay umiiyak dahil sa ginawa ng kaibigan ni Joaquin.
Lumabas na ako ng cafeteria dahil ngayon ko lang nakikita na dapat talagang iwasan si Joaquin Hernandez. Naglalakad kami ni Lossie paakyat sa room habang inaalala ko ang mukha ni Youna.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Lossie sa akin.
"Suitor ni Youna si Joaquin, right?" tanong ko kay Lossie.
Wala akong interest sa kan'ya, pero bakit binubully nila si Youna?
"Yeah, pero ayaw sa kan'ya ni Youna," sagot ni Lossie. "If kaya mong umiwas sa kanila ay iwasan mo dahil madadamay ka pag nagkataon," paliwanag ni Lossie.
Hindi na ako nagtanong at pumasok na kami sa room. Mayroon pang 20 minutes bago magsimula ang klase, at dumating na rin si Joaquin kasama ang mga kaibigan n'ya.
Tahimik lang akong nagbabasa ng libro hanggang sa biglang mayroon nagkaingay sa room.
Tinignan ko ang harap kung saan nandoon si Joaquin at Youno. "Don't touch my twin sister!" galit na sigaw ni Youno.
Nagsalubong ang kilay ko ng biglang sinapak ni Joaquin sa mukha si Youno dahilan ng pagbagsak ni Youno sa floor ay susugod dapat si Uris, pero biglang dumating ang professor.
"We're not done!" banta ni Youno kay Joaquin.
Umayos ang klase na parang wala lang nangyari sa kanila. Natapos ang klase namin at ako ay agad na umuwi.
Kumakain ako ng hapunan ng biglang magring ang phone ko. Pagtingin ko ay si Kaycee kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Musta, Lever?!" masaya n'yang bati sa akin.
"Tanggap ako sa trabaho, actually last week pa, pero hindi ko lang nasabi sa 'yo dahil baka busy ka sa school," sagot ko kay Kaycee.
"Baka ikaw ang busy," saad niya.
"Konti," sagot ko.
"Saglit lang, Lever tinatawag ako ni Papa, tawag na lang ulit ako," paalam n'ya sa akin.
Napangiti ako dahil ng nagmamadali n'yang inend ang tawag. Okay na ako sa saglit na pag-uusap namin.
Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa kan'ya na gusto ko s'ya.
"Gusto kita, Kaycee," saad ko sa sarili ko.
Pagbaba ko ng phone sa table ay biglang lumabas ang name ni Youna sa phone ko. She trying to follow me on social media, both private naman ang account namin kaya wala s'yang makikita.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko dahil nakaramdam na ako ng antok.
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala