Youna
"No! hindi p'wede na iwan n'ya lang ako ng basta sa lugar na 'yon!" reklamo ko kay Princess.
Uminom ako ng ice tea habang umiinit ang dugo ko sa transferee na si Lever. Wala pang ibang nakakagawang mang-iwan sa akin.
"Baka nagmamadali?" tanong ni Princess.
Nilapat ko ang mukha ko sa table habang iniisip ang mukha ni Lever. "Napakasama ng ugali n'ya!" sigaw ko.
"Hey, Youna! Umayos ka nga, nakakahiya sa mga ibang customer," puna ni Princess sa akin.
Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi ba s'ya gentleman?! Tiniis ko ang maduming lugar na iyon para makita lang s'ya tapos iiwan n'ya lang ako!" reklamo ko.
"Nababaliw ka na siguro? Ilang linggo pa lang sa University si Lever and you are dead in love to that guy."
Kinuha ko ang tote bag ko para kuhanin ang salamin na dala ko. "Sigurdo ay kulang pa ang ayos ko kaya hindi n'ya ako pinapansin?" tanong ko kay Princess. "Kailangan ko ng pumunta sa salon."
Tumayo ako para umalis na, pero lalong nasira ang araw ko ng makita ko si Joaquin kasama na naman n'ya ang mga kaibigan n'yang laging nakadikit sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Mayroon kasing nagsabi na nandito ka," nakangiting sagot ni Joaquin.
Para akong magkakasakit dahil sa mga ngiti n'yang ang weird. Napa-roll eyes na lang ako at nagsimulang maglakad palabas, pero humarang sa daan ko si Joaquin.
"Busy ka ba mamaya?" tanong n'ya sa akin.
Balak n'ya akong hawakan, pero mabilis kong tinapik ang kamay n'ya. "Wag mo nga akong hawakan, baka mayroon ka pang virus na sa'yo lang madi-diskubre."
Hinawakan ni Joaquin ang braso ko at pilit na nilapit sa kan'ya. "Kung hindi ka papayag na sumama sa akin ngayon ay sigurado akong pagsisisihan mo," banta ni Joaquin sa akin.
Ngumiti ako sa kan'ya. "Kung hindi ka kape, ay hindi ako kakabahan sa 'yo," sagot ko.
"Excuse me!"
Napatingin kami sa likuran ng mayroon magsalita at ang lahat ng inis ko sa kan'ya kanina ay biglang nawala ng makita ko si Lever.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Joaquin kay Lever.
"Hi, Lever!" nakangiti kong bati.
Maglalakad na sana s'ya papasok sa loob ng humarang ang dalawang kaibigan ni Joaquin.
"Kayo lang ba ang p'wedeng pumasok sa lugar na ito?!" reklamo ko.
"Tinatanong ka ni Joaquin kung anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jasper.
Hinawakan ni Jasper ang damit ni Lever, pero tinignan lang iyon ni Lever. Napatingin kaming lahat sa inangat n'yang name tag at nakalagay sa ilalim ng pangalan n'ya ay stuff.
"P'wede na ba akong pumasok sa loob?" seryosong tanong ni Lever.
"Nagtratrabaho ka dito?" tanong ko.
Napasunod ako ng tingin kay Lever ng hindi n'ya sinagot ang tanong ko at nilagpasan n'ya lang ako.
"Weak!" rinig kong saad ni Jasper.
Sinamaan ko sila ng tingin at naglakad na ako palabas ng shop, pero napangiti ako dahil alam ko na kung saan ako tatambay pagwalang ginagawa.
Bumalik na ako aa bahay dahil wala naman na akong gagawin. Busy si Papa sa company at si Mama naman ay abala din sa kaniyang small business, pampalipas oras n'ya lang iyon since malaki na rin kami ni Youno.
Nasa gitna na ako ng hagdan papunta sa taas ng makita ko si Youno na naglalakad pababa.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Tinanong ba kita noong umalis ka kanina?" tanong n'ya pabalik sa akin.
"Siguro ay pupunta ka sa bar?"
Ngumiti s'ya sa akin. "Mali, I'm going to Arme, just visiting my future building," nakangising sagot ni Youno.
"Tama 'yan, para tigilan na ni Papa ang pangungulit sa akin pumasok sa Arme," sagot ko.
Arme, name ng corporation na si Papa ang President.
"After mag-bar kami ni Uris," dagdag ni Youno.
Nilagpasan ako ni Youno, pero napatingin ako sa kan'ya dahil mayroon akong naalala. "Youno, takot ka ba kay Joaquin?"
"Bakit naman ako matatakot sa kan'ya? He is nothing compare to me," seryosong sagot ni Youno.
"He is the heir, iba pa rin kalaban si Joaquin," saad ko.
"Ano tingin mo sa atin? Arme is the strongest," sagot ni Youno. "Sabihin mo lang sa akin pag ginulo ka pa n'ya ulit."
"Tsk! Kaya ko ang sarili ko," banat ko.
Umakyat na ako sa taas para magsimulang magbasa ng lesson namin next week, pero sa tuwing nakatingin ako sa papel ng libro ay naiisip ko lagi si Lever.
"Tingin ko ay scholar s'ya, pero papayagan kaya ako nila Papa pag sinabi ko na gusto ko si Lever?" tanong ko sa sarili ko.
Bakit ba ako nag-aalala? Kaya kong ipaglaban si Lever basta s'ya na ang gusto ko. Inubos ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga lesson at bumaba na sa first floor dahil nakaramdam ako ng gutom.
"You're home, Mama... Oh, Pa, ikaw din," nakangiti kong bati sa kanila.
I kissed them both on cheek. "Nag-date siguro kayo," nakangiti kong tanong.
"You're father is the most busy person on earth," sagot ni Mama Younis sa akin.
Nanliit ang tingin ko sa kanila. "Bigyan n'yo na kami ng isa pang kapatid," biro ko.
"Youno and you are enough, sa 'yo pa lang ay sumasakit na ang ulo ko," biro ni Papa sa akin.
Napa-pout ako. "Kung gaano pala dapat ay mag-asawa na ako? Para di na sumakit ang ulo n'yo," biro ko kila Papa.
Nakita ko na rin naman ang lalaking para sa akin.
"Study first," seryosong sabi ni Papa sa akin.
"I'm smart, I can do both," sagot ko.
"Mayroon ka na bang boyfriend?" tanong ni Mama sa akin.
Napangiti ako dahil si Lever agad ang pumasok sa isip ko.
"Wala pa, pero baka malapit na," nakangiti kong sagot.
"I'm 19 and legal age na ako, I'm allow to have one, right, Papa?" tanong ko.
"Depende sa papakilala mo sa amin," sagot ni Papa sa akin.
"What if mahirap s'ya tanong ko?"
Napatingin si Papa sa akin kaya bigla akong kinabahan.
"I said depend on the person, not his financial status," sagot n'ya sa akin.
Napangiti naman ako sa sagot ni Papa. "Hindi ka mabibigo sa pipiliin ko, Papa," masaya kong saad.
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala