Share

Chapter 15

MULING bumangon si Hannah, pumasok ito sa banyo para mag sipilyo. Sa pagbalik nito sa kama ay agad din naman nakatulog ang dalaga.

MAGAAN ang pakiramdam ni Hannah ng magising ng umagang iyon. Alas kuwatro palang ng umaga pero maliwanag na sa labas, natanaw niya iyon sa bintana.

"Good morning!" Nakangiting bati ni Hannah sa dalawang kasambahay. Abala ang mga ito sa kusina, inihahanda ang mga lulutuin para sa almusal.

"Ang aga mo naman nagising ineng," nakangiting sabi ng isang kasambahay na nakilala niyang si Aling Lilia, edad kuwarenta. "Gusto mo ba mag kape o gatas nang kalabaw?"

"Coffee na lang po," sagot niya. "Pero ako na po ang mag titimpla."

Binigyan siya ng isang tasa ni Aling Lilia, itinuro din nito sa kanya kung saan naroon ang kape at asukal. pagkatapos niyang mag timpla ng kape ay lumapit siya sa mesa, humugot ng isang silya at naupo.

"Ano po ang lulutuin n'yo?" tanong niya habang nag simula ng humigop ng kape.

"Sop

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status