Share

Kabanata 3

Do not Awaken the Devil

Napangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang lapis na bumaon sa kaliwang braso ko. Matagal na panahon na rin nang huli akong makaramdam ng ganitong sakit at hindi ko akalaing ikasisiya pa ito ng aking sistema.

Sabagay, wala pa sa tamang gulang ang katawang ito kaya mahabang panahon pa ang aking hihintayin bago maangkin ang buong kontrol dito. Ngunit hindi na rin masama, ikinalulugod ko namang gampanan ang seremonya ng tatlong alay gamit ang limitadong lakas na meron ang katawang ito.

Nasuntok ko ang pader habang tinatanaw ang babaeng paika-ikang nililisan ang silid ngunit agad ding napangiti nang maramdaman ang init at maamoy ang halimuyak ng dugong nag landas sa aking kamao. Wala na ngang papantay sa halimuyak na dala ng aking huling sisidlan sa panahong ito.

Sinundan ko ng tingin ang  babaeng alay na nagpupumilit pa ring tumakas para sa kanyang buhay. Ang dumurugong kaliwang braso at kanang binti niya ang pinakamagandang tanawin sa aking mga mata. Ang bagsak niyang mga buhok na aabot hanggang baywang ay sumusunod sa bawat galaw niya. Natutukso tuloy akong kalbuhin iyon o hindi kaya ay buhusan ng gasolina kapag naabutan ko ulit siya.

"Saklolo! Tulungan ninyo ako!" sigaw niya habang binabaybay ang hallway palabas ng gusali.

Naririndi ako sa bawat sigaw niya ngunit may bahagi sa pagkatao ko ang natutuwa habang sumisigaw siya sa sakit. Ang bawat sigaw ng kanyang pasakit ay musika sa aking tainga. Hindi ko akalaing ganito kalaki ang pinagbago ko sa loob ng maikling panahong pagkakakulong ko sa lamparang na iyon. Hindi ko rin alam kung anong klaseng mahika ang ginawa ng magkapatid na iyon para magulo ng ganito ang pananaw ko sa hinaharap.

Ang bawat galaw at kilos ko'y palaging may pag alinlangan, kahit na ang simpleng pag paslang sa babaeng ito ay nahihirapan pang sumunod ang buong pagkatao ko.

Ayaw kong maghintay ng tatlo pang buwan bago isagawa ang bawat alay. Nais kong kapag dumating ang takbang panahon na iyon ay handa na ang lahat para sa huling seremonya.

Napasipol ako nang makitang nadapa siya. Halos tatlong hakbang nalang sana ay makakalabas na siya sa gusaling ito, naglalampa-lampahan pa. Nag da-dalawang isip na tuloy ako kung ako ang papatay sa kanya o ang katangahan niya.

Mas lalo ko pang binagalan ang paglalakad habang nina-namnam ang kanyang bawat hikbi. Yumuko ako nang makarating sa kanya at awtomatikong napangisi sa amoy ng dugong nagmumula sa kanyang dibdib. Isang dakot nalang sana ay matatapos na ang lahat ng ito pero ang musika ng kanyang hinagpis ay pinaliligaya ako.

"P-lease, p-arang awa m-mo na..."

Tila liyo akong napa atras. Hindi ko akalaing may ganitong lakas ang katawang ito upang baguhin ang itinakda. Nakakatuwa, ang huling henerasyon pa ang may natatanging lakas. Nararapat lamang nga na ito ang aking magiging huling sisidlan.

Nanginginig ang mga kamay ko na nababalot ng dugo. Nag unahang bumagsak ang aking mga luha kasabay ng panginginig ng aking mga labi.

"P-pa.. Pa-parang awa mo na, hu-wag mo..."

"Gab... anong nangyayari?" Kahit ako mismo ay hindi ko na marinig ang aking sinabi.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka ako ang may gawa ng lahat ng ito.

Hindi ko na naman maigalaw ang aking katawan. Anong nangyayari sa akin?

………………………………………………………………………………………………

"Oh my God, Faith! Wake up!"

Napabalikwas ako ng bangon at sinalubong ako ng nag aalalang mukha ni Tita Liz. Giniya ko ang aking mga mata at purong puti ang aking nakikita.

Pisti! Nasaan ako?

"Sinugod ka namin sa hospital, Faith. Are you okey?" nag aalalang tanong niya.

Ramdam ko ang bawat butil ng pawis sa aking noo pati ang mabilis na pag tibok ng aking puso na tila ba galing sa mahabang pag takbo. Ramdam ko rin ang bawat laway na dumadaan sa aking lalamunan sa bawat pag lunok na ginagawa ko. Ramdam kong buhay na buhay ako sa loob ng katawang ito.

"Faith, are you okey?" ulit na tanong ni tita.

Hindi ko alam kong tatango ba ako o iiling, sa huli ay nanginginig akong yumuko habang kinukuskos ang dulo ng aking kumot.

"N-nasaan si Gabby, Tita?" Hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking labi kaya kinagat ko ito.

"Nasa kabilang kwarto lang siya. Kinakausap ang lalaking kasama mong sinugod dito sa hospital." Napapikit ako ng mariin. It's a relief.

"Anong nangyari, Faith? Nakarinig kami ng sigaw kaya pumasok ulit kami ng sementeryo and the two of you were bleeding," bahagyang tumaas ang kanyang boses ngunit nandoon ang pag-aalala.

Umiling ako. Hindi ko maintindihan kong anong nangyayari. Imposibleng panaginip lang ang nangyari sa sementeryo dahil narito ako ngayon sa hospital.

"Kailangan kong makausap ang lalaking kasama ko, Tita." Nagpumilit akong bumangon ngunit pinigilan niya ako.

"Later, hija. Kinakausap na siya ng mga pulis. Nandoon rin ang Tito Marcus mo para umalalay." Bumalik sa pagiging maingat ang kanyang boses.

Napalunok ako. Paano kapag totoo ngang sinalakay ko ang lalaking iyon kanina? Siguradong hindi tatanggapin ng pulis ang bersyon ng estorya ko.

Nabaling ang atensyon ko sa bumukas na pinto.

"It's all done, Mom. May nag tangkang magnakaw kay Faith. Mabuti nalang at dumating si Levi para mag help," wika ni Gabby pagkatapos ay umupo sa tabi ko. "Are you okey? Your eyes and nose were bleeding," bakas ang pag aalala sa boses niya.

Halos hindi ako makatingin ng diretso kanino man sa kanila. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin. Ngunit bilang sagot ay marahan akong tumango. Gusto kong yakapin si Gabby pero natatakot ako dahil sa panaginip ko kanina. Lahat ng iyon ay klaro pa sa aking isipan na tila ba totoong nangyari lahat ng iyon.

Pumasok ang doktor at may mga check up na ginawa sa akin. May mga tanong din siya ngunit wala ako sa tamang huwisyo na sumagot. Naglalakbay ang utak ko sa nangyari sa sementeryo hanggang sa panaginip ko kanina. Mula sa bawat hakbang na ginawa ko hanggang sa amoy ng dugo ay mukhang totoo. Litong-lito ang isip ko, at kapag nag tagal pa na ganito ay baka may masaktan ako na isa sa kanila.

XxXCGTXxX

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status