Share

Kabanata 2

Penulis: CG Tomodachi
last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-16 16:26:22

Burying the Dead

Tatlong araw lamang ang itinagal ng burol ni lola dahil pinutol ko na ang munting pag-asang may mga ka-anak pa kaming gustong masilayan siya sa huling sandali.

Sa loob ng dalawang araw ay apat na tao lamang ang paulit-ulit kong nakikita- si Gabby kasama ang mga magulang nito. Pa minsan-minsan ay nahahagilap ng paningin ko ang bagong salta sa lugar namin— nagugulat, nanginginig, natatakot pagkatapos ay tatakbo palayo. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya at wala na rin akong balak pa na alamin basta ba't hindi niya pinapakialaman ang buhay ko.

Habang unti-unting binababa ang kabaong ni lola sa huli niyang himlayan ay pakiramdam ko tila nauupos akong kandila. Gusto kong umiyak pero tila naubos na ang tubig sa aking katawan dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pamimigat ng aking mga talukap hindi dahil sa antok ngunit dahil sa pamamaga ng mga ito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin pagkatapos nito. Uuwi ba ako sa bahay? Magkukulong sa opisina ni lola? Tatawag sa insurance company? Mag drop out sa school? Ang gulo ng utak ko. Kung pwede lang sumama kay lola sa hukay ay ginawa ko na. Pero bakit nga ba hindi pwede? Hindi nga ba pwede? Buhay ko ito, ako ang magsasabi kung kailan ko ito maaaring tapusin.

"Faith, anong ginagawa mo!"

Tila hinila ng liwanag ang kaluluwa ko pabalik sa aking katawan dahil sa sigaw na iyon ni Tita Liz. Maging ang mga nag aayos sa libingan ni lola ay natigil sa kanilang ginagawa.

"Faith naman!" umiiyak na wika ni Gabby. Hawak niya ang kanang kamay ko habang nakaalalay sa likod ko si Tito Marcus.

"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo," pinal na sabi ni Tito.

Umayos ako ng tayo at mariin na pumikit. "Hindi naman ako t-atalon," pumiyok ako sa huling salita. Bakas ang pagsisinungaling. "Hihintayin ko lang na matapos i-semento ang libingan ni lola."

"Sasamahan na kita, Faith," ani Gabby.

Umiling ako. "Gusto ko sanang mapag-isa muna, Gab. Huwag kayong mag-alala, wala akong g-gagawing masama."

Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Tita Liz. "Mag hihintay kami sa sasakyan, Faith."

Gusto ko mang umalma ay hinayaan ko nalang dahil sila na ang magiging legal guardian ko, papeles nalang ang kulang.

Pagak akong natawa pagkatapos tumingala sa kalangitan. May dalawang bahag-hari akong nakita sa asul na kalangitan habang nagsisiyahang lumilipad ang mga ibon. Ikinatutuwa yata ng langit na makita akong naghihirap. Siguro wala nga akong magandang nagawa kaya nararapat lamang akong masaktan ng ganito, pero si Lola Kristel, ginugol niya ang buong buhay niya para tulungan ang mga taong nahihirapan, nasasaktan, at inuusig ng kanilang nakaraan. Wala siyang ibang ginawa kundi tumulong nang walang hinihinging kapalit.

Naikuyom ko ang aking mga kamao. Sandrex is a devil! Sinusumpa ko, pagbabayaran niya ang ginawa niya kay lola. Ako mismo ang mag papahirap sa kanya! Sa mga kamay ko mismo siya mamamatay. Pero kahit kamatayan ay kulang pang kabayaran sa naging kasalanan niya. Gusto ko siyang mag-hirap sa loob ng mahabang panahon hanggang sa siya na mismo ang luluhod sa harap ko at magmakaawang patayin ko nalang siya!

"Ma'am, tapos na po." Habol ko ang aking hininga habang nakatitig sa lalaking nag semento sa libingan ni lola. "Ayos lang po ba kayo?" nag aalalang tanong niya ngunit hindi ko magawang makasagot. 

Naging maingay ang aking paghinga. Hindi ko maintindihan. Bakit may hawak akong pala na nakatutok sa dalawang lalaking kaharap ko ngayon.

"M-miss…"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ngunit bago ko pa man maaninag ang kanyang mukha ay bumigay na ang aking mga tuhod. Nararamdaman ko na naman ang malaking espasyo sa aking puson na unti-unting sinasakop ang buo kong pagkatao. Sa bawat pisikal na sakit na nararamdaman ko ay dobleng sakit ang nararamdaman ng puso ko. Sa ganitong mga pagkakataon ay alam kong si Lola Kristel lang ang makakatulong sa akin at ang katotohanang iyon ay mas lalong nagpapaliyab sa galit na nararamdaman ko.

Habol ko na ang aking hininga na tila ba hindi sapat ang hanging nasa paligid. Pakiramdam ko ay dumurugo na rin ang aking mga mata dahil sa sakit.

Ayaw ko na, gustuhin ko mang intindihin ang nangyayari sa akin ay pagod na akong labanan ito. Siguro ganitong sakit rin ang naramdaman ni lola bago siya namatay kaya kung ganitong sakit rin lang ang tanging paraan para magkasama ulit kaming dalawa ay handa akong magpasakop.

Pumikit ako ng mariin ngunit bago paman ako tuluyang magpasakop sa sakit at dilim ay naramdaman ko na ang manhid sa aking pisngi. Hindi dalawa kundi tatlong magkasunod. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata ngunit ramdam ko pa rin ang pagkahilo. May mga tinig akong naririnig ngunit hindi ko maintindihan hanggang sa naramdaman ko nalang ang lamig ng lupa sa likod ko. Nalalasahan ko na ring may kasamang dugo ang aking bawat lunok.

Pinilit kong tingnan ang mukha ng taong pilit umaalalay sa akin upang makatayo. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya ngunit nababakas sa kanyang boses ang pinag halong takot at kaba.

"Faith!" Tanging naintindihan ko sa sigaw niya habang niyuyog ang aking balikat.

What the hell. Bakit hindi ako makapagsalita.

"Hindi, Faith. Labanan mo!"

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng taong ito? Ilang ulit siyang umatras. Akmang tatakbo palayo ngunit hahakbang ulit palapit sa akin.

"Huwag!" sigaw niya bago bumagsak sa lupa.

Pumikit ako ng mariin ng makitang papalapit ang katawan niya sa akin. Alam kong hindi na siya gumagalaw  kaya paniguradong ako ang nag lalakad palapit sa kanya.

This is not happening, again. Nawawalan na naman ako ng kontrol sa aking katawan. Sinubukan kong damhin ang aking mga paa hanggang sa napatigil ko ito sa pag hakbang. Sunod ay pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at pinigilang bumuga ng hangin. Naramdaman ko nalang ang paninikip ng dibdib ko hanggang sa unti-unti akong bumagsak sa lupa.

XxXCGTXxX

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 69

    Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 68

    Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 67

    "Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 66

    Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 65

    "Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar

  • Into The Other Side: The Last Vessel   Kabanata 64

    Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status