Josephine
Pagkatapos kong mabasa ang liham ni lola ay kaagad akong nag tungo sa address na nakasulat doon. Mga limang oras lang naman ang byahe kapag sasakay ng bus kaya habang maaga ay lumuwas na ako.
Nagdala lang ako nang kaunting pera habang ang iba ay iniwan ko sa opisina ni lola. Baka kasi dumating na 'yong Benedict Marshall at hindi na ako makapasok sa bahay.
Magtatanghangli na nang makarating ako sa address na iniwan ni lola. Medyo malayo kasi iyon sa syudad at kailangan pang punuin ang tricycle bago aalis. Naglagkit tuloy ang balat ko dahil sa init at alikabok.
Medyo luma na ang bahay, gawa sa kahoy ang itaas habang konkreto naman ang pundasyon. Dalawang palapag ang bahay at medyo sira na rin ang ibang parte sa taas nito lalo na ang ilang bintana ay may iilang butas na, ngunit maganda pa rin naman ang bahay. Mukhang luma ngunit napapalibutan ng mg
Destiny "I'm sorry," sabi ko nang tuluyang makalapit sa akin iyong lalaking nurse na nag pakalma kay Josephine kanina. Kung hindi pa nila tinurukan ng pampakalma ay hindi pa siya tumigil sa pagsigaw. Umupo siya sa harapan ko ngunit hindi nagsalita. Tinitigan lang niya ako nang matagal na para bang isa akong kriminal. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Maging ang mga paa ko ay hindi ma-permi sa iisang pwesto. "Who are you?" Napalunok ako nang sa wakas ay nagsalita siya. Simpleng tanong lang naman iyon sa banayad na pamamaraan ngunit ang panliliit ng kanyang mga mata ay tila hinuhusgahan na ako. "Lexcel Faith M-marshall..." habol ko ang aking pag hinga. Pakiramdam ko ay guilty ako. Kung may masamang nangyari kay Josephine ay ako lang ang dapat sisihin. "I know, nabasa ko sa visitor's log." "Oo," wala sa sar
First time mo ba? "Holy shit!" bulalas ko. "Hey, Faith, anong nangyayari sa'yo?" Medyo na himasmasan ako nang mapagtanto kung sino ang kasama ko. "Sorry po, binangungot po yata," paumanhin niya sa mga kalapit naming pasahero. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong nasa parehong araw pa rin ako. Nitong mga nakaraang araw ay natatakot na akong matulog dahil baka may gawin na naman akong mga bagay na hindi ko matandaan. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ang nagawa ko kay Gabby pero nasisigurado kong nasaktan ko siya base na rin sa galit na mayroon siya sa akin. "Sino ka nga ulit?" tanong ko sa aking katabi. Ngumiti siya. "Alam mo bang delikado 'yang ginagawa mo, Faith? Sumasama ka na nga sa taong hindi mo kilala, natutulog ka pa sa balikat nila." Pisti.  
Mefar, Pruyebas, 1561 Pareho kaming naka upo ni Ree sa sahig habang kumakain ng cup noodles at tinapay. Ito nalang talaga ang nakakakain ko simula ng umalis ako kina Gabby. Unhealthy, parang buhay ko. "Oo nga pala, Faith, may ipapahiram ako sa'yo. Hiram lang kasi kay Lola Pina talaga ito, pinahiram lang din niya sa akin. Basahin ko raw kaso wala naman akong maintindihan," ani niya habang may kinakalkal sa bag niya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago inabot ang librong hawak niya. "Grimoire?" basa ko sa nakasulat sa cover. Gawa sa kahoy sa takip nito at may susian pa sa gilid ngunit hindi naman naka-lock. "Ang astig no? Parang artifact,” aniya "Para saan naman daw ito?" "Ang sabi ni Lola, diyan daw niya natutunan lahat ng engkantasyon at mga pang gagamot na alam niya ngayon. Minana pa raw niya iyan sa kanyang guro noon
Pupunta Tayo Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak basta't nagising nalang ako dahil sa ingay na naririnig ko hindi kalayuan sa hinihigaan ko. Marahan akong bumangon at uminom ng tubig na nakahanda sa ibabaw ng lamesa malapit sa sofa. Ngayon ko lang napag-tantong umaga na pala. Hinilot ko ang aking sentido dahil masyadong masakit ang aking ulo, siguro ay dahil sa pag iyak. Ramdam ko rin ang pamamaga ng aking mga mata kahit na hindi ko man ito makita. "Natutulog pa nga. Saka, Hindi magandang magpapasok ng mga hindi kakilala." "Excuse me? Who are you ba? Kapag hindi ka tumabi riyan ay tatawag na talaga ako ng police. Nasaan ang kaibigan ko?" Agad ako
IncendiaMefar, Pruyebas, Ika-20 ng Enero, 1562Ilang araw na akong halos wala sa sarili dahil sa nasaksihan ko noong nakaraang buwan. Hindi ko na rin magampanan ng maayos ang aking tungkulin kay Sebastian dahil palagi akong tulala. Mabuti na lamang at nagawa akong intindihin ng aking mga amo. Sila na rin ang sumagot sa pagpapalibing sa aking Ama ngunit iyon nga lang ay sa sementeryo ng mga erehe siya inilibing sa kadahilanang nagpatiwakal siya.Hindi ko malimutan ang huling mga salita ni Ama bago siya tuluyang bawian ng hininga. Nilinlang siya ni Teodore. Sinapian siya ni Teodore. Papatay si Teodore sa tatlong pamilya hanggang sa dumating ang itinakda niyang sisidlan.
NakatulogIlang ulit ka nang nabuhay at namatay, Tharia subalit mahina ka pa rin. Hindi ba't buo na ang ating pasya na isasama mo siya pabalik sa lugar na ito? Bakit ka lumilihis ng landas?!"Ramdam ko ang pangungunot ng akingnoo dahil sa boses na um-echo sa madilim na lugar kung nasaan ako. Wala akong makita kung hindiwalang katapusan nakadiliman."Ano ang iyong ginagawa rito? Bakit ka nagbalik na hindi pa tapos ang iyong misyon?""Sino ka?" tanong ko habang sinisipat ang paligid ngunit wala naman akong makita.Kumabog ang dibdib ko ng biglang may isang kandila na
Tharia"Anong nangyayari? Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?" tanong ni Ree habang iniisa-isa ang mga reaksyon namin.Oo nga, anong nangyari? anong nangyari sa akin kanina lamang? Hindi ko maintindihan dahil muntikan na naman akong mawala sa sarili ko ngunit..Napamaang akong nakatitig kay Ree na ngayo'y kinakamot ang isang kilay habang nagtatakang nakatitig kay Gabby na nakatulala rin sa kanya."Ano nga ulit ang buong pangalan mo?" basang ni Levi sa katahimikan.Tumikhim muna si Ree bago sumagot. "Lawrence Ree Bonifacio, bakit?" Kumunot ang kanyang noo."Bonifacio," ani Levi na mukhang may malalim na iniisi
Unang Alay"Pasensya na kayo sa inasal ni Lola Josanna kanina," sinserong saad ni Katarina pagkatapos namin siyang tulungang ihiga ang matanda sa sarili nitong kwarto. "Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito simula nang nagkasakit siya, kadalasan kasi ay tahimik lamang siyang nakatanaw sa kanyang bintana habang gumuguhit kaya maski ako ay nagulat sa inasal niya.""Ganyan din si Lola Josephine kaya huwag kang mag-alala, naiintindihan namin ang naging asal niya," ani Ree bago ako tinapunan ng makahulugang tingin."Doon tayo sa kusina nang makapag-hapunan na kayo. Libre na ito ngKabanapara man lang makabawi sa inasal ng Lola ko."