Pasapit na nuon ang pag lubog ng araw, subalit naroon parin sa may Hardin ang bagong Reyna habang nagkikipag panayam sa kanyang sarili.May dalawang buwan narin nuon ang nakalipas ng mamatay ang dating Hari. Kaya naman, dahil narin sa biglaang pangyayari ay naging abala si Shattu sa kanyang tungkulin bilang bagong hinirang sa trono, sapagkat ang lahat ng naiwan ng dating Hari ay kanyang inasikaso matapos ang labing-apat na araw ng pag luluksa ng kanilang angkan at ng buong bayan . Dahilan kung bakit may isang buwan naring hindi nakakasama ng Reyna ang kanyang asawa. Kaya nga, nung mga panahong iyon ay palaging mag-isa ang reyna sa tuwing kumakain at natutulog, kaya naman ganun nalang din kabilis ang pag bagsak kanyang katawan dahil sa pag kalungkot na palagi siyang mag-isa sa kanyang dampa, kung saan tanging mga tagapag lingkod lamang at tagapag bantay ang kanyang nakakasama mula umaga hanggang gabi. Bukod pa duon ay labis ang kanyang mga pag aalala at pangamba, at it
Kaya naman, nuong gabing malaman ang kalagayan ng Reyna ay nag pasya ang Hari na ipag paliban ang kanyang mga gawain at sa halip ay naroon siya sa kanyang asawa upang samahan ito at bantayan.Samantala, kinabukasan ay agad namang nag pahanda ang Hari ng isang pag diriwang at dahil nga sa kamamatay lang nuon ng dating Hari at napakarami parin nuong mga dapat na isaalang-alang sa palasyo ay naging payak lamang ang naging pag hahanda.Nakaupo nuon ang Reyna sa kanyang taburete habang nakaharap sa malabong salamin. Tinitignan niya ang kanyang sarili habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nuong mga sandaling iyon ay tila ba nakaramdam siya ng biglaang pag aalinlangan sa kanyang sarili dahil sa iniisip niya kung magiging isa ba siyang mabuting Ina sa kanyang magiging anak.Batid ng Reyna na walang dudang magiging mabuting Ama ang kanyang asawa para sa kanilang anak, gayunpaman, hindi siya sigurado sa kanyang sarili sapagkat nung mga sandaling iyon ay napakaram
"Mag bigay pugay sa Mahal na Hari!"Sabi nuon ng patnugot sa pag diriwang.Kaya naman, ang lahat ay napabalikwas ng tingin sa harap at duon ay nag sipag yuko ito upang mag bigay galang at mag pugay."Kamahalan! nais namin kayong batiin ng mahal na Hari" Bungad ng punong ministro habang nakayuko ito at may hawak na kopa ng inumin."Binabati po namin kayo kamhalan"'Binabati namin kayo kamahalan"Ang sabay-sabay na sabi ng mga panauhin nuon habang kitang kita naman ang labis na kagalakan. Samantala, napalapit nuon ang prinsipeng si Haggan at duon ay nag alay ito ng isang mamahaling mga tela para sa sanggol at sa Reyna.Isa itong tradisyong ginagawa ng palasyo sa tuwing mag kakaroon ng unang supling ang bagong takdang Hari at Reyna sa trono. Kaya nga, kasunod nila ay tumungo narin ang lahat sa harap ng kanilang kamahalan at duon ay nag sipag bigay ng kanilang mga handog upang ipag diwang ang pagb dadalang tao ng Reyna."Nagagalak ako! dahil sa inyong mai