EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
Taong 1916 may isang kaharian ang nag ngangalang VIRGANIA ang bayan na nalipol at naging alipin ng 20 taon sa mga kamay ng LIBANIA ang ikalawa nuon sa magigiting at mayamang kaharian. Sa pagkakaalipin sa kahariang ito naranasan nila ang di makatarungang pag paslang at pamumuno ng Rahang si Calib.Taong 1926, nagkaroon ng isang malawakang pag aaklas ang mga alipin ng VIRGANIA kung saan ang pag bubuklod ay pinamunuan ng isang matipunong ginoo na si RAHA MAGKI subalit sa kasamaang palad ay natalo at naubos ang kawal na binuo ng magiting na RAHA at sa di inaasahan siya ay nahuli at hinatulan ng KAMATAYAN sa huli muli na namang naging alipin ang mamamayan ng VIRGANIA ngunit sa pag kakataong ito ay hinatulan ang lahat na maging pinaka mababang alipin ng mga alipin....Taong 1936 may isang makisig na lalaki ang nag ngangalang AHARA isang romano na nagmula sa sagradong angkan apo sa tuhod ng dating namayapang hari na si Lakib ilang taon na ang nakalipas bago sakupin a
Nuong gabing nagkaroon ng piging ang palasyo ay nag patawag naman ng mang gagamot ang taga pag bantay ng hari at sa silid kung saan nag papahinga ay isiniwalat ng mang gagamot ang malubhang sakit ng kaniyang kamahalan kung kaya't ipinatawag ng hari sa kanyang tagapag bantay ang mahal na reyna at ang punong taga pagpayo ng palasyo."Anu ang lagay ng mahal na hari"Nung mga sandaling iyon ay mababakas sa muka ng reyna ang labis na pag-aalala, bagamat batid nya man, na nuon pa'y may dinaramdam na nga ang Hari. Subalit ni kahit minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na ang sakit nito ay maaaring lumala." Mahal na reyna ikinalulungkot ko pong sabihing malubha na ang karamdaman ng kamahalan, napansin ko rin na hindi pang karaniwan ang tibok ng kanyang pulso kasabay nitoy natutuyo ang kanyang mga labi at nahihirapan siyang huminga, isa po itong sintomas na mayroon siyang sakit sa puso. Kaya naman ang kalabisan sa pag-aalala at pag-iisi
Ang bayan ng VIRGANIA ay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom isang beses bawat buwan ang kanilang itinalang pagsasagawa nito at tumatagal ng isang linggo.Ang pag-aalay sa bundok ng kuhom ay isinasagawa lamang ng mga sagradong angkan, dahil ito ay isang pag-alaala sa dakilang layunin ng mga angkang nag alay ng kanilang mga buhay. Si Pitan ay bunsong kapatid ng Mahal na Hari, siya ay itinuturing matapat na kapanalig ng hari at palasyo. Ayon sa kasaysayan ang bayan ng VIRGANIA ay may pinaka malakas na hukbo ng sandatahan at ang pangalang Pitan ay kinatatakutan ng mga mandirigma sa ibat-ibang bayan, kaya naman tinagurian siya ng palasyo bilang PUNONG MAESTRO ng sandatahan Ang kinaroroonan ng bundok ay nasa kanlurang bahagi kaya naman mula dito ay matatanaw ang pag lubog ng araw, Masasabing maaliwalas ang bundok na ito dahil dalawampung tao ang maaaring makadalo sa pag-aalay. May matatagpuan ding ilang puntod ng mga
Nuong ikatlong linggo ng ikalimang araw at pangalawang buwan ng taong 1941 ay naganap nga ang pagtatakda sa unang bulwagan." Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang maitatakdang bagong taga pag mana ay hihirangin ng konseho bilang itinakdang Prinsipe."wika ng hariK Kahit na batid ng niya na maaring mag karoon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga angkan, ay maluwag nya paring ipinahayag ang pagtatakda sa bagong prinsipe. At kahit pa magiging isang daan ito ng pag aaklas ay nag bakasali parin siyang imungkahi ang gusto niya. Kaya naman sa harap ng buong kapulungan ay walang halong pangamba niyang inilahad ang kanyang sa loobin kasabay ng pilit na pagkubli sa kanyang malubhang karamdaman."Paunmanhin sa aking kapangahasan kamahalan, subalit hindi kaya napaka aga pa upang mag takda ng bagong prinsipe?Ang pag-uusisang katanungan ng punong ministro. Na nag papahiwatig ng maraming ibig sabihin sa mga kasapi ng konseho. At dahil sa hindi tapat na kapanalig ang punong minis
Ng matapos ang pagpupulong sa unang bulwagan ay tumungo naman ang Mahal na Hari sa kanyang silid upang makapag pahinga, Wala na nuon ang mahal na reyna at tagapag payo ng palasyo, sapagkat mayroon ding bagay na iniutos sa kanila ang Mahal na Hari.Gayunpaman, habang nag papahinga ay hindi parin lubusang maalis ang matinding pag-aalala ng Hari, kaya naman ipinatawag niya ang itinakdang prinsipe."May tao ba riyan sa labas?"Tawag ng Hari mula sa kanyang silid. At isang taga pag bantay nga ang pumasok sa loob."Aking taga pag bantay na akil, Nais kong pumaroon ka sa silid ng mahal na prinsipeng si shattu at utusan mo syang pumarito""Masusunod kamahalan" Tipid na sagot ng tagapag bantay, kasabay ng pagyuko bilang tanda ng pag galang, Bago nito nilisan ang silid ng Hari.Samantala, pag labas naman ng taga pag bantay ay tama ring dumating ang magiting na ma