Share

Chapter 6

Ava Sofia's POV

"Good Morning, Ava! Late ka ngayon!" natatawang sambit ni Manong Guard na nakabantay sa labas ng elevator.

Agad akong nagbiometrics for time in. I'm two hours late!

"Opo, Kuya! Hindi tumunog 'yong alarm ko!"

Eight o'clock na ako nagising tapos nagpa-igib pa si nanay at nagluto pa ako bago umalis kaya natagalan. Hindi pa nga ako nakakapagpalit kaya bago ako nag time-in ay dumiretso muna ako sa cr para magbihis.

Kailangan maging presentable ngayong araw dahil haharapin ko na naman si Montoya, we have a meeting after lunch. His secretary will just text me kapag pwede na ako pumunta kasi alam ko baka raw magkaroon siya ng urgent meeting pero hindi pa sure.

Pagkapasok sa loob ay ibang nang-asar sa akin dahil late ako, tinawanan ko na lang sila. Napansin ko na wala si Sheen sa cubicle niya. Dumiretso na ako sa pwesto ko.

"Finally!" sambit ko nang makaupo sa upuan ko.

"Huy, late ka! Anong nangyari sayo?" Natanaw ko ang ulo ni Dave sa harapan ko at nakasilip sa cubicle ko.

Nagmake-face ako na ikinatawa niya. ?"Hindi tumunog 'yung alarm ko! Tapos marami pa akong ginawa sa bahay. Nakakaloka!" Umawang naman ang labi ko ng inabutan naman niya ako ng isang paperbag ng 7 eleven. Kinuha ko iyon at nilabas ang laman.

"Sandwich?"

Dave nod and smile. "Para sa'yo. Sumobra kasi ng dalawa 'yung binili ko tapos busog na agad ako kaya sa'yo na lang," aniya.

"Wow, thank you!" sambit ko.

"Iinitin ko 'to mamaya sa pantry!"

"Woy! Anong init-init ang naririnig ko, ha?"

Parehas kaming nagulat ni Dave sa biglang pagsulpot ni Sheen kaya hinampas ko siya agad sa braso. Tawa naman ng tawa ang bruha! Magugulatin pa naman ako dahil palakape ako!

"What's this?"

"No! Akin 'to!" Akmang hahablutin niya 'yung bigay ni Dave nang ilayo ko. Naningkit ang mata niya at binalingan si Dave na nakangiti.

Napangiwi naman ako ng ilang beses niyang sundutin ang pisngi ni Dave. "Ano ba, Sheen! Stop!" suway nito at hinawakan ang kamay kaya ni Sheen para pigilan. Nailing na lang ako.

"Kapag si Ava binibigyan mo! Ako, hindi! Kapag nainis talaga ako sisiraan kita sa girlfriend mo!"

"Ayan! Manahimik ka na sana!" Mahina akong natawa nang abutan ni Dave si Sheen nang dalawang candy at bumalik na sa pwesto niya.

Kinurot ko sa beywang si Sheen dahil inaasar na naman niya si Dave. "Loka ka talaga! Ayan, binigyan kana. Manahimik kana!"

"Tampururot agad! Niloloko lang!" At dinungaw niya pa ito sa kabilang cubicle. Maya-maya ay binaling niya ang tingin sa akin.

"Eh, bakit ka late?"

"Alam mo na," natatawa kong sambit. Ngumuso lang siya at sinipat ang suot ko. Nakasuot kasi ako ng plaid terno coat and skirt then ang upper na panloob ko ay white sleeveless top.

"Panget ba?" tanong ko kay Sheen. Umiling naman siya at pinasadahan ulit ako ng tingin.

"Ganda natin ngayon ha? Hulaan ko, may interview ka?"

Mahinahon akong tumango at binuksan 'yung computer ko. "Weh? Edi si Montoya iinterview-hin mo? Taray ha! Kaya pala nagpaganda ka!" Humalakhak naman siya kaya nasipa ko 'yung paa niya, napangiwi naman siya at tinarayan ako.

"Hindi ako nagpapaganda para sa kanya!" masungit na saad ko.

"Talaga lang ha? Sige, behave na ako at baka awayin mo na naman ako!" natatawa niyang sambit.

"Maiba nga ako, hindi pa ba tapos 'yung interview niyo? Edi diba usually, isang araw lang kapag ganyan. Maraming sets of interview ba 'yung binigay sa iyo?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Hindi ko rin alam, pero minsan may naeencounter naman ako na ganito. Kakaiba nga lang dito dahil may photoshoot pa siya, video interview at iba pa 'yung para sa magazine!"

"Weh? Diba nung kay Travis Guevara ba 'yon, nagvideo interview ka?" Tumango naman ako.

"Oo, ayaw niya ilagay sa magazine! Gusto sa social media!"

"Eh, sinong mas gwapo? sinong mas masarap? Montoya or Guevara?" Naningkit naman ang mata ko sa narinig.

"Nakakainis ka! Biglang magsisingit ng ganyan! Porket binigyan lang ako ng flowers, ginawan mo na ng malisya!"

Nakita ko ang paghawak niya sa dibdib na parang nabigla sa sinabi ko. "Wow! Defensive masyado! Halata ka! Nagtanong lang naman ako kung ano-ano na inisip mo!" Dinutdot pa niya ang pisngi ko na ikinasimangot ko.

Nung nainterview kasi namin si Mr. Travis Guevara, tatlong beses ko siyang nakasama dahil nga video interview tapos iba-ibang venue pa. Kasama rin kasi doon 'yung advertise niya for new project nila kaya nagsuggest siya kung pwede video interview. Last month lang din 'yon nangyari. Tapos after a week no'n, nakatanggap ako ng flower sa kanya, dito pa sa office pinadala kaya tinutukso ako. Tatlong beses pa, last week ang last na tanggap ko no'n bulaklak galing sa kanya.

Thank you letter lang naman 'yon tapos may nakalagay na, "Hope will see each other soon." Hindi ko naman na inisip masyado 'yung nakalagay doon, pero nagtataka rin ako kung bakit naman niya ako bibigyan no'n? Hindi naman kami nagkakausap or nakakachat gano'n.

Bumalik na si Sheen sa kanyang pwesto at nagsimula na kaming magtrabaho. Dahil may absent na isang editor namin ay ako muna ang gumawa ng kanyang task dahil sa isang linggo na ang deadline no'n. Wala rin naman akong masyadong gagawin dahil interview lang mamaya with Montoya.

"Uy, thank you!" sambit ko nang abutan ako ni Dave ng choco mucho.

"Mukhang kailangan mo 'yan, kanina pa nakakunot ang noo mo!" aniya.

Mahina naman akong natawa, nawala na siya sa paningin ko, senyales na umupo na ulit siya. Binuksan ko naman ang binigay niya at kinain habang gumagawa. Makalipas pa ang ilang minuto at pinuntahan na ako ni Sheen at Dave sa cubicle ko dahil sabay kaming kakain ng lunch. Napansin ko pang binubunggo ni Sheen si Dave papalapit sa akin habang palabas kami ng elevator buti na lang at kami lang ang tao.

"Ano ba! Kanina ka pa!" Narinig kong sabi ni Dave. Nailing na lang ako sa pang-aasar ni Sheen, ilang taon na rin niyang gawain iyon kay Dave buti na nga lang at hindi napipikon ito.

Hinawakan ko si Dave sa braso at hinila papalapit sa akin, kanina pa kasi ako naririndi sa bangayan nila. Paghihiwalayin ko muna baka mamaya magkasakitan na talaga.

"Grabe ka kay Dave, hindi ka ililibre niyan."

Tumaas ang kilay ni Sheen, tinuro ang braso kong nakahawak kay Dave at sabay turo rin sa mukha nito. "Saya ka? Hinawakan ka sa braso!" Hinawi naman ni Dave 'yung daliri ni Sheen at inakbayan ako.

"Oo, masaya ako! Mainggit ka, hindi kita ililibre." Sabay hila sa akin palayo kay Sheen habang nakaakbay sa akin. Tawa naman ako ng tawa nang marinig ang pagtawag sa amin ni Sheen.

"Hoy! Sorry na!" sambit ni Sheen.

"Ava!" Napahinto kami ni Dave nang may tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming napalingon sa reception area at nakitang sinenyasan kami ng kakilala naming guard. Agad kong napansin ang isang lalaki na may bitbit na kung ano at humaba ang nguso ko na makita kung ano 'yon.

"Wow, flowers ulit!" Umalingawngaw ang boses ni Sheen sa lobby na ikanatawa ni Dave.

"Flowers for Ava Sophia po," nakangiting sambit nung delivery man at inabot sa akin ang bouquet of flowers. Namangha naman ako sa arrangement no'n. Tulips at Spray Rose, napasimangot naman ako at pinigilan ang ngiti nang makita ang Tulips, it's my favorite!

"Linggo-linggo na yan Ava, ha!" biro ni Manong Guard.

"Oo nga po, pati last week, ako rin ang nagdeliver!" litanya ng delivery man na ikinatawa nila Dave, Sheen at Manong Guard.

Kinuha ko ang card at nabasa na galing nga kay Travis Guevara with Caption, "Have a nice day!"

"Sus! Feeling ko talaga may gusto na 'yan sayo! Pinapadaan sa bulaklak muna!"

Agad ko namang pinirmahan 'yung inabot ni Kuya at nagpaalam na siya. Napakamot na lang ako sa batok at hinawakan ng maayos ang bulaklak. Bakit ba siya lagi nagpapadala ng ganito? Hindi naman sa nag-aassume ako pero tama kaya 'yung pang-aasar nila Sheen?

"Mukhang masugid na manliligaw mo iyong Presidente sa kabilang building, Ava, ha!"

"Naku, Manong! Mukha nga! Pinapadaan muna sa bulaklak tapos sa susunod makikita na lang natin na pumupunta na 'yon dito!" Sheen exclaimed.

"Well, maganda at mabait naman si Ava, posible talagang magkagusto sa kanya ni Mr. Guevara," sabat naman ni Dave habang nakapameywang.

Pilya na namang ngumiti si Sheen at alam ko na ang kasunod nito. "Tama ka nga, ikaw nga rin diba? Selos ka naman?!" Bigla niyang hinablot sa braso si Sheen kaya napatili ito at kinulong sa balikat sabay gulo sa buhok.

"Kanina ka pa, nagtitimpi lang ako ha!"

"Aray! Stop it!"

I just shooked my head and looked at the flowers. It's so beautiful. Mukhang mamahalin talaga, arrangements and wrapper pa lang ay maganda na. Inamoy ko pa iyon at ngumiti. I don't have any communication with Mr. Guevara. Paano naman ako magkakacontact sa kanya eh, ang layo ng agwat namin! Boss siya, isa naman akong employee! Magkalayo pa kami ng building! I just became his interviewer for a short time. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magsasabi ng salamat sa kanya. This is too much because I also didn't asked for this. Nakakahiya!

Simula nang mapasok ako sa Make Magazine, dito rin ako nakakita ng iba pang nagpapahiwatig na may gusto sila sa akin. Minsan pinapadaan sa kawork mate, minsan iiwan kay Manong Guard na nagbabantay sa floor namin, minsan delivery pa nga. I tried dating pero wala. May kulang at hindi ko malaman kung ano 'yon. Hindi rin naman ako interesado pero natigil iyon two years ago.

"Nag-iisip na siya kung ano ang gagawin niya sa bulaklak, feeling ko, anytime pupunta na siya sa kabilang building para magpasalamat." Natigil naman ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Sheen na sobrang lapit. Agad ko siyang siniko. They burst into laughters kaya mabilis ko silang tinalikuran.

"Hoy, Ava!"

Mabilis ang naging hakbang ko papalayo sa kanila. Kahit mapang-asar si Sheen, love ko iyon. I never had a sibling kaya nang makilala ko siya naging kapatid na rin ang turing ko rito. I already shared with her the story of my life, ganoon din siya. She's living alone, she's living in a apartment. Minsan sa kanya na rin ako natutulog para may kasama siya. She's an orphan, umalis lang siya sa ampunan nang makagraduate siya sa college at bumabalik-balik doon sa ampunan para bumisita, minsan nga sinasama niya pa ako.

"Tita Ava!"

Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses. Ibinaba ko nang kaunti ang bulaklak dahil medyo humaharang sa view ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang batang babae na papalapit sa akin. She's wearing a jumpsuit at may nakasukbit na bag sa likuran.

"A-Ava," I whispered. Napayuko ako ng nasa harapan ko na siya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa damit ko.

"Hi, Tita Ava! I miss you!" she exclaimed at niyakap pa ako.

Napahawak naman ako sa kanya at hindi pa rin makapaniwala.Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang papalapit na lalaki. He looked so dazzling in his dark blue long sleeves na nakatuck-in sa dark pants. I saw him smirked while heading towards me.

What the hell? Dominic..

"W-What are you doing here?" I asked in a low voice. He looked at the flowers before his eyes darted on mine. I saw his jaw clenched before answering.

"Sinusundo ka."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status