Share

Kabanata 19: Panganib

"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy.

"Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa.

" Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa.

Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan.

Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito.

" Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na naghihintay sa ating paglalakbay."

Napatingin si Cal kay Lero at narinig naman ni Tin at Robert ang sinabi ni Lero kaya nagsimulang mangamba ang mga ito kaya lumapit sila kay Cal at Lero.

"Hey, ano ginagawa nyo.?" Tanong ni Cal habang si Tin at Robert ay pasimpleng sumiksik sa kanila ni Lero.

"Narinig kasi namin na may panganib." Sabi ni Robert ng biglang napahawak sa mga braso ni Lero.

"Kalma lang kayo, walang mangyayaring masama sa inyo pinapangako ko." Matapang na wika ni Cal.

" Itong si Robert grabe makayapos kay Lero, bakla ka ba, huh?" Asar ni Tin at napatingin naman si Robert ng masama sa kanya  tsaka ito bumitaw sa pagkakayapos.

" Manahimik ka nga Tin, yakap ng magbrothers to." Sagot ni Robert sabay bitaw sa pagkakayapos sa braso ni Lero.

Napangiti na lang si Lero ng palihim sa mga kaibigan ni Cal maging ang fairy ay natawa ng bahagya. Patuloy ang kanilang paglalakad sa isang magubat na bahagi. 

" Sshhhh...huminto kayo." Biglang sabi ni Lero ng may narinig siyang ingay sa di kalayuan.

Huminto ang lahat at tumahimik tsaka pinakinggan ang paligid.

"Delikado tayo, magtago tayo!" Mabilis na sabi ni Lero.

Nagtago sila sa mga mayayabong na halaman sa tabi na may mga malalaking puno sa gilid. 

"Yumuko kayo!" Muling sabi sa kanila ni Lero at sumunod naman sila.

"Anong ingay yun?" Tanong ni Tin.

" Wag muna kayo maingay." Muling sabi ni Lero.

Ilan sandali pa ay dumaan ang limang nilalang na alagad ng dilim at napahinto malapit sa kanila na tila may hinahanap. Tinitigan nila ang mga nakakatakot na nilalang habang si Robert ay pinapawisan dahil sa takot at maging si Tin.  Nang walang nakita ang nakakatakot na nilalang ay umalis na ito at nagtungo sa kung saan. Biglang tumayo si Lero at dahan-dahan na tiningnan ang paligid.

" Wala na sila." Wika ni Lero ng lumingon sa kanila.

Paglingon ni Lero sa kinaroroonan ni Cal at ang mga kasama nito ay biglang lumitaw sa kanyang likuran ang isang malaki at nakakatakot na nilalang kaya napasigaw si Cal. Malaking tao ito at mukhang hayop ang kanyang itsura na di maipaliwanag kung anong klaseng nilalang.

" Lero, sa likod mo!" Mabilis na sigaw ni Cal.

Humarap si Lero sa nakakatakot na nilalang at balak ng atakihin siya nito. Mabilis na kumilos ang nilalang para atakihin si Lero ngunit ng lumapit ito kay Lero ay biglang nagbagong anyo si Lero bilang lobo at naglaban sila. Ginamit ni Lero ang kanyang matutulis na mga pangil sa pakikipaglaban sa isang alagad ng dilim na siyang kinukontrol ng gold queen.

" Lero mag-ingat ka!" Sigaw ni Cal. Napatayo na rin sila sa kanilang kinauupuan. Habang sinubukan ni Cal na magpalabas ng kapangyarihan ngunit hindi gumana kaya nagtataka siya kung bakit di gumana ang kanyang kapangyarihan.

Sa gitna ng labanan ay nasugatan si Lero sa ilang parte ng katawan kaya napaluha ito ngunit di nagtagal ay natalo niya ang nakakatakot at malakas na nilalang. Nang bumalik sa pagiging tao si Lero ay duguan ito dahil sa matulis na kuku ng kanyang nakalaban at wala na rin ang pang itaas nitong damit dahil napunit sa gitna ng kanyang pagbabagong anyo. Hinang-hina si Lero pagkatapos ng laban kaya napalapit si Cal at ng mga kaibigan nito maging ang fairy.

" Lero, sorry kung di ka namin matulungan kanina." Malungkot na wika ni Cal.

" Oo nga Lero, sorry.." Wika din ni Tin.

"U..umalis muna tayo dito dahil may paparating pa. Di ko na kakayanin silang lahat." Wika ni Lero habang hawak niya ang kanyang kanang braso na napuruhan.

"Yeah, let's go guys at ayaw ko pang mamatay dahil gusto ko pang ikasal sa taong mahal ko..." Sabi ni Robert at tinulungan niya na makatayo si Lero maging si Cal ay umalalay na rin.

Umalis na sila at nilisan ang lugar bago pa dumating ang iba pang nakakatakot na nilalang hanggang sa makalayo na sila sa lugar na yun. 

"Tumigil na muna tayo dito." Wika ni Lero na ramdam pa rin ang hapdi ng mga sugat.

Huminto sila sa isang malaking puno na may malalaking ugat at sanga. Pinaupo nila si Lero sa isang malaking ugat ng puno.

" Salamat....!" Sabi ni Lero kila Cal at Robert ng makaupo na siya.

"Susubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan para mawala ang mga sugat mo sa katawan." Wika ng prinsesa/Cal.

Tiningnan muna siya ni Lero saka nagsalita.

"Ikaw ang bahala aking kamahalan." Wika ni Lero sa prinsesa.

Itinapat ng prinsesa/Cal ang kanyang mga palad kay Lero at biglang lumiwanag ang mga palad ng prinsesa/Cal. Unti-unti namang nawala ang mga sugat at dugo sa katawan ni Lero na siyang ikinatuwa ng lahat. Tuluyang ng nawala ang mga sugat sa kanyang katawan.

" Ayan bro, magaling ka na." Natutuwang wika ni Robert wika ni Robert.

"Wala na ang mga sugat mo." Wika ng prinsesa habang nakaupo katabi si Lero.

" Total magaling na siya. Pwede na ba tayo magpatuloy sa paglalakad kasi gusto ko ng matapos to at makauwi na Cal." Malungkot na sabi ni Tin na parang naluluha.

" Sandali lang Tin, magpahinga muna tayo. Please be patient Tin kahit para lang kay Jack at Leila and sorry about this moment na nadamay kayo sa gulo ng mundo ko." Sagot ni Cal sa sinabi ni Tin.

Di na kumibo si Tin pagkatapos marinig ang mga salitang galing kay Cal. Bigla naman siyang inakbayan ni Robert.

" Isipin mo na lang na magiging masayang adventure ito, huh." Wika ni Robert na nakangiti habang nakatingin kay Tin. 

Si Lero ay tahimik lang na pinagmamasdan sila sa isang tabi. Ang fairy naman ay nagmamasid sa paligid.

" Ano ba ang mga nilalang na yun at bakit parang tayo ang puntirya nila?" Tanong ni Robert.

" Alagad sila ng queen at mukhang sinimulan na niya ang pagpapakalat ng mga ito para hanapin at patayin tayo." Sagot ni Lero.

"Buti at isa lang ang nakalaban mo kanina." Wika ulit ni Robert.

"Pero malakas ang nilalang na nakalaban ko kanina at hindi ito pangkaraniwan lamang." Biglang sabi ni Lero. 

"Mag-ingat na lang tayong lahat." Singit ng prinsesa sa pag-uusap ni Lero at Robert.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap at pagpapahinga ay abala naman ang gold queen sa pagpapakalat ng kanyang mga kampon ng dilim upang hanapin ang prinsesa/Cal at ang mga kasama nito.

" Kamahalan...Hindi pa namin sila nakikita sa ngayon ngunit may isa kaming kasama na wala ng buhay sa gitna ng kakahuyan at walang nakakita sa amin kung ano ang nangyari pero may mg kagat ito sa bahaging itaas ng kanyang katawan." Wika ng isang nilalang na namumuno sa paghahanap sa prinsesa /Cal.

"Si Lero ang kanyang nakalaban, isang taong lobo. Gusto ko dalhin nyo sa akin silang lahat ng buhay lalo na ang prinsesa!" Malakas na wika ng bruha.

"Masusunod kamahalan." Sabi ng isang nilalang.

" Bilisan nyo ang paghahanap sa kanila mga hangal!" Sigaw ng gold queen.

Muling nag-ingay ang mga nakakatakot na nilalang sa loob ng kweba tsaka umalis na ito at nagkalat sa kung saan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status