Beranda / Fantasy / Secret door in the dark forest / Kabanata 3: Isinumpang gubat

Share

Kabanata 3: Isinumpang gubat

Penulis: Aya Lyka C.
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-16 08:16:20

"Asan na si Cal" Tanong ni Tin.

"Wag mo isipin yun..baka may inaasikaso pa" Sagot naman ni Mich.

"Hay naku! Ang sabihin mo mabagal lang talaga kumilos si Cal" Biro ni Jack sabay tawa ng malakas.

Subrang mapagbiro talaga si Jack lahat na lang ng sasabihin niya dinadaan sa biro kaya masaya siya kasama at nakasundo namin siya kahit lalaki siya.

"Sinong mabagal huh? Pabirong tanong ko.

"Ahh...wala.." Sagot ni Jack.

"Kala niyo di ko alam ang mga sinasahi niyo ahh, kanina pa ako dito sa likuran niyo." Nakangiti kong sabi.

"Tagal mo kasi friend" Sabi ni Mich.

"Ehh kasi hinanda ko yung snacks natin" Wala kasi sila Ate Tamie.

Umupo na ako katabi ni Tin. Si Jack naman ay nasa kabilang upuan katabi naman ni Mich. Nang makaupo ako ay napansin ko si kuya Roy sa gawing kaliwa sa di kalayuan nagwawalis ng mga nahuhulog na dahon. Sila Mom and Dad di ko pa nakikita. Hapon na rin kasi dumating ang mga kaibigan ko at maya-maya ay magdidilim na. 

"Outch...may kumagat sa paa ko" Inis na sabi ni Mich.

"Sus parang langgam lang" natatawang sabi ni Jack.

"Kahit na nohhh..! Papangit ang balat ko kahit kagat lang ng langgam hhhrrrr.... kainis" Naiinis na sabi ni Mich kay Jack.

Natatawa na lang ako sa sagutan nilang dalawa. Si Tin naman ay natawa na rin. Nagpatuloy ang pag-uusap naming magkakaibigan at di na namin namalayan ang oras. Magdidilim na din kaya nagdesisyon na umuwi ang bawat isa. Pinahatid ko na lang sil kaya kuya Roy. 

"kuya Roy ikaw na bahala sa friends ko huh" sabi ko kay kuya Roy.

"Wag ka mag alala ako bahala sa kanila" Nakangiting sabi niya.

Bago sila pumasok sa sasakyan ay niyakap ako nila Mich at Tin, si Jack naman ay nakiyakap na din. Baliwala lang yun, walang malisya. Sanay na rin kami sa isat-isa kahit na lalaki siya ay parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Di na sila nagpasundo sa kanilang mga driver kaya ihahatid na lang sila kasama ni kuya Roy, ang hardeniro at driver namin.

"Teka, wait sasama na lang ako sa paghatid..sabi ko ng di kalakasan.

"Oh halika ka na ng makaalis na tayo" Nakangiting sabi ni kuya Roy.

Biglang nabago ang isip ko at naisipan ko sumama. Nakakabored na rin naman kasi sa bahay. Tuwang-tuwa mga kaibigan ko ng marinig nila na sasama ako sa paghatid sa kanila.

Sumakay na ako at sinara ko na ang pinto ng sasakyan. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Magdidilim na nung time na yun at may kalayuan ang bahay ni Tin kesa sa dalawa kong kaibigan. Unang hinatid namin si Tin kahit siya ang may malayong bahay. Gusto din kasi sumama ng dalawa kong kaibigan na sila Mich at Jack sa paghatid kay Tin at para makabonding din ang isa't-isa.

6:00 pm na kami nakaalis ng bahay kaya this time ay inabot na talaga kami ng dilim sa daan. Malalayo ang pagitan ng mga bahay sa amin kaya may mga madilim na bahagi kaming nadadaanan. Sa gitna ng katahimikan ay binasag namin yun. Halos kami na ang maingay sa daan. Nagkakantahan kami habang sumasabay sa tugtog ng musika. Nakisakay na rin sa trip namin si kuya Roy. Para mabilis na makarating sa pupuntahan namin at nag iba kami ng daan. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at napansin ko ang madilim na bahagi ng  kakayuhan. Nakita ko ang maliit na liwanag na sumisilip at nagtatago sa mga naglalakihang mga puno.

"Parang pamilyar ang lugar" Bulong ko. 

Malapit na kami makarating kela Mich ng biglang may tumawid. Nabigla ang lahat sa nangyari. Para malaman namin kung ano yun ay bumaba si kuya Roy para tingnan ngunit wala siyang nakita.

"Ohh shit! ano yun" Pagkagulat ni Jack.

Nanlaki ang mga mata namin sa pangyayaring yun. Ang saya namin ay napalitan ng pangamba na baka may nabangga kami na kung ano man. Dahil gabi na sa mga oras na yun at madilim ang paligid ng nadaanan namin.

"Ano yun Kuya Roy?" Tanong namin.

"Wala naman pero parang may nabangga tayo" Sabi ni kuya Roy pagpasok ng sasakyan.

Nagpatuloy na kami sa biyahe at kinalimutan na lang namin kung ano nangyari. Naihatid na namin ang mga kaibigan ko. Nang makauwi sa bahay ay dumeritso ako sa sala at nakita ko si Dad na nakatulog sa may sofa habang nakabukas ang Tv. Napansin ko na nilalamig siya kaya kumuha ako ng kumot at kinumutan siya. Umakyat na ako sa pangalawang floor ng bahay, nandun kasi ang kwarto ko.  Pagpasok ko ng aking silid ay dumiretso na ako sa aking higaan at nakatulog na rin ako.

Habang mahimbing ako natutulog ay pumasok sa aking silid ang ang aking  ina. Pumunta ito sa gawing kaliwa ng kama. Napakapikit lang ako nun at kunwaring tulog. Tiningnan lang ako nito at hinalikan sa noo. May napansin siyang bagay sa ilalim ng unan. Sinilip niya ito ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Nakita niya yung kwentas na pinakainiingatan kong itago. Kinuha niya ito at naiwan ang kapirasong papel. Bago pa ako magising ay nakalabas na ang aking ina sa kanyang silid.                                                                                               

Dinilat ko ang mga mata ko ng  narinig ko may nagsara  ng pinto. Di ko na lang pinansin kung sino man ang nagsara. Pinikit ko ulit ang aking mga mata at dahil na rin sa pagod ay nakatulog na ulit ako. Ramdam ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa aking balat kaya binalot ko ng kumot ang sarili ko. Bukas kasi ang bintana sa kanang bahagi ng higaan ko. Nakalimutan ko kasi isara dahil na rin sa sa pagod.

Mom? Mom! Tawag ko sa babae na nakatalikod sa di kalayuan. Akala ko ay ang aking ina subalit di siya lumingon. Napakaganda ng kanyang kasuotan at may korona na nakapatong sa ulo niya na kulay ginto na pinalilibutan ng mga diamante ang paligid nito na nagbigay kinang sa korona. Napagtanto ko na hindi yun ang aking ina. Pero Pakiramdam ko ay malapit ako sa kanya. Ang pakiramdam na yun ay nagbigay ng isang katanungan sa aking sarili. Nang palayo ng palayo ang babae ay sinundan ko ito subalit bigla siyang naglaho sa liwanag at tumambad sa aking harapan ang isang pinto, isang mahiwagang pinto.

May narinig akong tumatakbo malapit sa akin.

"Sino nandyan? Tanong ko, nilakasan ko ang boses ko.

Tiningnan ko ang paligid ngunit wala akong nakita. Maya -maya paglingon ko sa aking likuran ay nagulantang ako sa aking nakita. Isang malaking lobo ang nasa aking harapan. Subra akong Nabigla kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko. Kumalma lang ako dahil di naman ako nakaramdam ng takot. Tiningnan ko sa mga mata ang lobo at nagkatinginan kami.

"Kung ano man ang balak mong gawin di ako natatakot sayo." Sabi ko sa lobo na kaharap ko.

Di ko inasahan ang gagawin ng lobo ng bigla siyang yumuko sa harap ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa inilapat ko ang mga palad ko sa ulo niya at hinaplos ang makakapal niyang balahibo sabay yakap sa kanya. Napapikit ako habang kayakap ang lobo ng biglang naman tumunog ang alarm clock ko. 

Alas syete na ng umaga. Nagising ako kayakap ang unan kaya bigla sumagi sa isip ko yung itinabi ko ditong kwentas. Hinanap ko ito sa bawat sulok ng higaan ko maging sa lahat ng sulok ng kwarto. Naalala ko kinuha pala ito ng aking ina.

Mom.! Dad...! Malakas kung sigaw. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si kuya Roy. 

"Kuya Roy asan po si Mom at Dad?"Tanong ko sa mahinang boses.

"Umalis sila, Kanina pa. Bakit?" Sagot niya.

"Ahh eh kasi po" Di ko na tinuloy.

Saktong pagdating ni Ate Mich at tinawag si Kuya Roy. Pagkaalis nila ay naglakad ako papunta sa labas. Pumunta ako sa garahe namin. Tinakas ko ang sasakyan ay naglakbay ako mag isa. Di ko alam kung saan ako pupunta nung mga oras na yun, kaya minabuti ko na lamang na magpatuloy. Napadaan ako sa sinasabi nilang isinumpang gubat. Nakakatakot man pasukin ang lugar dahil sa mga kwentong naririnig ko ay nilakasan ko ang aking loob. Hininto ko ang sasakyan at iniwan sa gilid ng kalsada. Huminga muna ako ng malamim tsaka ako nagsimulang maglakad. Nagmasid ako sa paligid at inikot ang paningin sa lugar.  

"Ito nga yung lugar na nasa panaginip ko" Sabi ko sa mahinang boses habang naglalakad.

"Walang mga bakas ng hayop o kung ano man sa lugar na yun" Pagtataka ko.

Inabot na ako ng hapon kaya nakaramdam ako ng gutom, subalit di ko makita ang daan pabalik. Naliligaw ako na para bang ayaw akong paalisin sa lugar na yun. Pabalik pabalik ako sa aking mga nadaan at maging ang bakas ng mga paa ko ay di ko na masundan pabalik dahil na rin sa mga kumpol na dahon. Wala akong magawa kundi ang pakalmahin ang sarili ko at nagdasal habang nakapikit naman ang dalawa kong mga mata.

May biglang humawak sa balikat ko. Dahan-dahan ko binuksan ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang humawak sa akin. Paglingon ko ay isang matipunong lalaki ang aking nakita na nakatayo sa harapan ko.

"Sino ka? Marahan kong tanong.

"Hi, Ako si Lero. Matagal na ako sa lugar na to" Sagot niya. 

"Kung matagal ka na dito, paano ka nabubuhay sa lugar na to eh wala namang makakain dito?" Pagtataka ko.

"May alam ako gusto mo sumama?" Paanyaya niya sa akin.

Nag isip muna ako kung sasama ako sapagkat di ko pa siya lubusang kilala. Malapit na rin magdilim.

"Ayaw ko nga, baka kung saan mo ko dadalhin tsaka magdidilim na at kailangan ko na umuwi" Pagtanggi ko sa alok niya.

"Wag kang mag alala wala akong gagawin sayo at nirerespeto kita mahal na prinsesa" Ang sabi niya sa akin na malapit sa kabilang tenga ko.

"Ano sabi mo? Prinsesa ba narinig ko?" Bigla kong natanong, parang may ibig sabihin ang mga salita niya.

"Ahh wa..wala. Ano sasama ka ba?"Habang nakalahad ang isang kamay sa akin.

Wala na akong choice kaya sumama na ako sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 23: Ang pulang bato

    " Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 22: Ibon ng kamatayan

    Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 21: Ang prinsesa at mga mangkukulam

    Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 20: Paglalakbay

    "Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 19: Panganib

    "Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 18: kabilogan ng buwan

    Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status