Alas singko ng hapon.
"Aray!"Napasigaw ako ng malakas ng naramdaman kong may masakit sa kaliwang binti ko.
"Ano nangyari ?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa dalawa kung mga mata.
"May sugat ako oh, look." Sagot ko sa kanya ng nakatingala dahil nakaupo ako sa malaking ugat ng puno.
Napaupo din siya bago hinawakan yung binti ko tsaka tiningnan ang sugat.
"Maliit lang pala eh, kala ko naman kung ano na, kung makasigaw ka." Sabi ni Lero na may seryosong mukha.
Tumahimik lang ako that time habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.
" Kaya mo ba maglakad? kasi malapit na magdilim," Tinanong niya ako na may pag aalala.
"I'll try," Sabi ko ng unti-unti kong sinubukan tumayo.
Inalalayan niya ako ng bigla niya ako binuhat ng makatayo na ako.
"Mukhang matagal tayo makakarating sa pupuntahan natin kapag naglakad ka." Sabi niya sa akin habang buhat niya ako at nakatingin sa nilalakaran niya.
Di na ako nakapagsalita ng mga oras na yun. Nakaramdam ako ng tuwa ng di ko maipaliwanag. Ito kaya ang sinasabi nilang love.
"Nandito na tayo." Seryoso niyang sabi.
Maingat niya akong binaba. Napatayo muna kaming dalawa sabay naming pinagmasdan ang paligid.
"Napakaganda, bulong ko ng makita ang mga puno na hitik na hitik sa bunga.
May ibon na dumadapo sa mga sanga ng puno. May mga hayop na nakapaligid sa lugar kung saan kami naroon. Sa di kalayuan ay tanaw namin ang tubig na umaagos mula sa kung saan. Masasabi ko na isang paraiso ang aming nakita.
"Akala ko ba isinumpa ang buong lugar na ito?" Pagtataka ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Yun ang akala mo, di lahat ay sinumpa." Sagot niya sa akin.
Marami pa akong katanungan sa lugar ngunit baka abutin na ako ng dilim. Pumitas ako ng ilan sa mga prutas, mababa lang ang mga puno kaya kayang abutin. Kinain namin ang nakuha namin bago niya ituro sa akin ang daan palabas.
"Oh bakit?" Malambing kung tanong ng mapansin ko nakatingin siya sa mukha ko habang naglalakad kami sa kakahuyan.
" ah..kasi may dumi."tipid niyang sagot.
" ha! saan?" pagkabigla ko.
Napangiti na lang ako ng bigla na lang niya ito pinunasan. Ang bilis ng kabog ng dibdib na di ko maipaliwanag.
Sakay na ako ng sasakyan ng naalala ko ang mga nangyari kanina na kasama si Lero.
Krrriing...! Tunog ng phone ko.
Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag bago ko sinagot.
"Si Mom," Bulong ko bago ako sumagot.
"Hello! Callea! Asan ka na naman nagpunta bata ka? kanina ka pa namin hinahanap." Pagalit niyang sabi sa akin na may pag aalala.
"May pinuntahan lang ako Mom, pauwi na rin ako." Sagot ko sa kanya. Binaba ko na yung phone at nagpatuloy sa pagdrive.
Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako ng lahat. Bumaba na ako ng sasakyan after ko patayin ang makina ng sasakyan.
"Saan ka galing?" Tanong ng aking Ama.
"Alam mo ba na dilikado ang pagala gala ng mag-isa lalo na sa ganitong oras, friday pa naman ngayon." Pagpatuloy niya.
"Sorry Dad, di ko na uulitin." Nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ang salitang sorry bago ko ibigay ang susi ng sasakyan.
Tahimik lang si Mom habang pinagsasabihan ako ng aking Ama. Ang mga katulong namin sa bahay ay nauna ng pumasok. Sumunod na rin kami para nakapagpahinga ang lahat.
Kinabukasan pag gising ko ay nakita ko ang kwentas sa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko at itinago sa bulsa ng blouse ko. Nakaputing damit ako ng pantulog ng mga oras na yun. Di ko na naisipang magpalit ng damit. Lumabas na ako ng aking silid kahit di pa nakapagsuklay, maayos naman ang buhok ko na may pagkacurly. Bigla ko naalala si Lero, kamusta kaya siya? Nang mapansin ko ang mga paru-paru sa garden ay pinuntahan ko ang mga ito. Lumalapit sila sa akin at nagpapahiwatig na sundan ko sila. Di ako nag alinlangan sumama kaya sinundan ko sila. Naglakad ako ng naglakad sa garden namin kasama ang mga paru-paru na lumilipad. Narating namin ang dulo ng garden. Ang gaganda ng mga bulaklak sa paligid na parang paraiso. Maraming paru-paru sa paligid.
"Teka, wait," sigaw ko ng bigla silang lumipad papasok sa mga nagkumpolang mga halaman na tela may nakatago.
Sumilip muna ako mula sa mga kumpol na halaman bago ako pumasok. Nakita kong may daan at sa dulo ay isang pinto na nagliliwanag. Humakbang ako papasok at sinimulan maglakad. Nasa tapat na ako ng pinto. Sinubukan kong buksan ngunit di ko magawa. Paalis na sana ako ng biglang nagbukas ang pintuan. Napakalaki ng pinto na di ko masukat kaya nagtaka ako kung paano ito nabuksan. Sa pagbukas ng pinto ay subrang liwanag kaya napatakip ako ng mata. Maya-maya ay unti-unti naman itong naglaho.
"Hello...!! Anybody here?" Ang Tanong ko sa tahimik na lugar na yun ngunit walang sumasagot. Nasa loob ako ng isang malaking palasyo.
Ang ganda ng paligid, lahat ng makikita ko ay gawa sa mga ginto. Masaya kong pinagmasdan ang mga bagay na naroroon. May mga bulaklak, ibon, paru-paru, lahat ay mga ginto at walang bagay na makikitang buhay kundi nababalot ng ginto ang paligid.
"Hello.... my Dear, kinagagalak kong makita ka." Sabi ng isang boses na nanggagaling sa kung saan.
"Who are you?" Tanong ko.
"Isa ka bang fairy, witch o kung ano man magpakita ka!"
Nilibot ko ang paningin ko ngunit di ko siya makita.
"I'm here. "Boses na galing sa likuran ko.
Nakasuot siya ng Gintong damit at may hawak siyang stick na gawa sa ginto. Nakapulupot ang kanyang buhok na may nakapatong na gintong korona. Napaatras ako ng makita siya.
" Oppss.. nabigla ba kita?" Ang tanong niya sa akin sabay tawa ng malakas na nagbigay ingay sa paligid ng palasyo.
"Hindi ako nabigla, napaatras lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Napakaganda mo naman iha, Parang gusto kitang gawing prinsesa sa palasyo na ito subalit nag iisa lang ang korona." Bulong niya sa mga tenga ko habang pinaiikutan ako at hinahawakan niya ang dulo ng sinasabi niyang korona. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.
"Gusto mo bang kumain muna, marami akong inihanda para sayo?" yaya niya sa akin.
Nag isip muna ako bago sumama sa kanya. Naglakad na kami papunta sa hapag kainan. Sa paglalakad namin ay tiningnan ko ang bawat madaanan namin, pero lahat ng makita ko ay gawa sa ginto.
"Halika, kumain muna tayo." Sabi ulit sa akin ng babaeng may corona.
Umupo siya sa dulong bahagi ng mesa. Umupo na rin ako sa kabilang dulo ng mesa. Maraming pagkain, mga prutas, tinapay at marami pang iba. Gusto ko kumain ngunit di maganda ang kutob ko. Napansin ko yung ubas sa malapit sa akin, isa sa paborito kong kainin. kumuha ako ng isa. Tinitigan ko muna ito.
"Sige kain, masarap yan." Napangiti siya habang inaantay niyang kainin ko ang hawak ko.
" Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay
Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun
Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.
"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli
"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na
Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le