"Clock-watching, Miss Cruz?" panunuya ni Zane sa kanya. "Hindi ko alam na may ganyang bisyo ka rin, katulad ng ibang mga empleyada ng kumpanyang ito."
Nag-init ang mukha ni Avery dahil sa matinding pagkapahiya. "S-sorry, sir," aniya, mababa ang boses. Wala siyang balak na ipaliwanag ang tutoo. Kaytagal niyang itinayo ang makapal na pader na iniharang niya sa sarili.
Hindi na kumibo ang lalaki, after staring at her searchingly. Saka lang uli siya nakahinga nang maayos nang lumipat na sa folder ang atensiyon nito.
"Tumawag ba si Gary sa iyo?"
The question was from out-of-the-blue. Hindi inaasahan ni Avery ngunit maliksi siyang napailing. Kung maaari lang, ayaw na niyang marinig ang pangalang 'Gary'. Parang iyon kasi ang naging susi na mabuksan ang bilangguan ng forbidden attraction niya kay Zane.
"Good," wika naman ng lalaki, pa-kaswal pa rin. "Gusto kong tapusin ang business proposal para dito sa Romano Incorporated. Maaari ka bang mag-overtime?"
Nag-atubili si Avery sa pagsagot kaya parang nayamot na naman ang amo niya.
"May date ka ba ngayong gabi, Miss Cruz? Kung mayroon, cancel it. Mas importante ang business na ito kaysa sa sinumang Herodes na nakabola sa iyo."
"Sir!" Napabulalas na si Avery. She was so shocked to hear him talking to her in this way. Palaging pormal ito sa pakikipag-usap sa kanya, o sa sinumang empleyado nito. Kay Pierre lamang ito paminsan-minsan nakikipagbiruan.
"I'm serious, Miss Cruz."
Pinilit niyang tumindig upang malayuan ang lugar na iyon. Inabutan siya nito sa may pintuan.
"Did Gary call you again? Nagsinungaling ka ba?" pang-uusig nito habang pinipigilan siya sa isang braso. "Tell me," he commanded when she remained silent.
"N-no, sir. Please, let go of my arm. You're hurting me," pahayag niya, her voice shaking and becoming huskier.
There was a sudden tension as their eyes met heatedly. Deep-setted ones darkened into a pair of glowing coals, pinapaso ang puso't isipan niya.
"I'm not hurting you," anas ni Zane. Naging paos na ang boses na nalantayan ng di-maipaliwanag na emosyon. "I can never hurt you!" dugtong pa bago yumuko upang magkalapit ang kanilang mga mukha.
His hard mouth swooped like a predating eagle on her soft, quivering lips. He kissed her with an intense desire to conquer her, to devour her whole being... body and soul.
Yumapos ang matitigas na braso nito sa kanyang katawan. Pumulupot na animo lubid sa kanyang beywang at likuran. Sinapo ng isang kamay ang tagiliran ng kanyang dibdib at ang isa naman ay sa kanyang puwitan.
Ngayon lang nahagkan at nayakap ng lalaki si Avery. Halos gusto niyang mawalan ng ulirat, and at the same time, she felt like she was flying!
"Avery, Avery!" anas ni Zane habang ginagalugad ng mainit na bibig ang kanyang leeg. "I've been wanting to do this for a very long time!"
Her rushing blood was roaring in her ears, kung kaya't halos hindi niya mawawaan ang sinasabi ng kaniig. They were both short of breath and perspiring hotly.
Muling nagbalik ang bibig ni Zane sa kanyang mga labi. Mas maalab ang halik na iginawad nito kaysa nung una na tila produkto lamang ng galit.
"Oh, Avery! You're so sweet. I want you to be mine!"
"S-sir--!"
Tinangka niyang itulak sa malapad na dibdib si Zane ngunit animo sementong pader ito na hindi matinag.
"I can't fight this attraction anymore, Avery. I've reached the point of no return!"
His warm fingers groped under her black office skirt. He wanted more intimacy.
"Sir, please!" Avery cried in shock and fright. Parang isang bangungot ang dinaranas niya nang mga sandaling iyon. She was taken aback by sheer surprise. Hindi niya akalain na masisira ang ideal situation nila ng kanyang boss.
Zane Dela Cuesta was known to his employees as respectful and courteous to women, even to his chic and beautiful mistresses.
Kaya nga kahit na naghihirap ang kalooban ni Avery sa pagtatago ng kanyang pagtingin sa lalaki, hindi niya naisip na umalis sa trabaho. Ayon kay Casandra, ang kalimitang problema ay ang mga preskong boss sa mga sekretarya.
She pushed and pushed but still could not get away from his embrace. "Sir, bitiwan n'yo ako!" bulalas niya. She was panicking now, dahil nasa loob na ng blouse niya ang isa pang kamay nito.
Nanlambot siya nang humaplos ang mga daliri sa kanyang dibdib. Her lacy bra was not a protection to his questing fingers. They found the pebble-hard nipple easily.
"You want me, too!" he whispered triumphantly. His kiss cut off any denial that she might have made.
No! hiyaw ng dalaga sa kanyang sarili. Hindi siya dapat mapatangay sa atraksiyon. Nilalaro lamang siya ng lalaking ito!
Ngunit wala siyang lakas para tumutol...!
Agad na tumakbo patungo sa banyo si Avery nang sa wakas ay pawalan siya ni Zane. She was blinded by her tears kaya muntik na siyang mabunggo sa malaking metal filing cabinet.
"Avery!"
Hindi niya pinakinggan ang pagtawag ng lalaki. Gusto niyang makalayo agad dito. Zane represented her weakness as a mere human.
Niyapos niya ang sarili habang nakasandal sa isinarang pinto. Malamig ang pakiramdam niya ngunit pinagpapawisan siya.
She was icy and hot with suppressed desire.
Napapikit siya habang inaamin sa sarili ang kanyang pagkakasalang nagawa. "Diyos ko, patawarin n'yo po ako. Ako'y mahina sa tawag ng tukso!"
"Avery, buksan mo ang pinto!" Kinatok siya ni Zane makaraan ang ilang segundo. Nabigla rin marahil ito sa pagtakbo niya. "Okey, I'm sorry sa nangyari. You can come out now."
Hindi sumagot si Avery. Binuksan niya nang todo ang gripo upang hindi na niya marinig ang iba pang sinasabi ng lalaki.
Naghilamos siya ng mukha hanggang sa mawala ang pag-iinit. Inayos niya ang kanyang blusang puti na nawala sa pagka-tucked-in at ang kanyang buhok na kinalas mula sa pagkakapusod. Wala siyang suklay at nanginginig pa ang kanyang mga daliri kaya hinayaan na lang niyang nakalugay ang tuwid na mga hiblang itim.
She could hide her face from her fellow employees by looking down to her brown shoes and letting the shoulder-length hair curtain her expression.
"Avery--"
Napahinto si Zane nang buksan na ni Avery ang pinto. Tinitigan siya ng lalaki. Naghahanap ng kung ano sa kanyang reaksiyon.
"K-kakalimutan ko ang nangyari, sir," umpisa niya sa pilit na pinatatag na boses. "Huwag n'yo na lang pong uulitin."
Long, tapered fingers combed short, straight hair in agitation. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang gayon, Avery. I'm really sorry."
She looked away from his attractive features. Ang mapatitig sa mga matang nangungusap ay isang panganib.
Yumuko ang dalaga atsaka tumango. "U-uuwi na po ako, sir," paalam niya, halos pabulong.
Habang humahakbang siyang patungo sa pinto, dumadagundong ang kaba sa dibdib niya. Sinundan siya kanina ni Zane nang papalabas siya. Ngayon ay ang paningin na lamang nito ang nakasunod sa kanya hanggang sa tuluyan siyang makalabas.
"Avery! Avery!" ang salubong ng kambal na sina Teo at Lea. "Patayubong namin?"
Pinilit palisin ni Avery ang bigat ng pakiramdam habang dinudukot sa loob ng handbag ang dalawang pirasong tsokolate. "Heto, o. Maghugas muna ng mga kamay, ha?" pahabol niya sa dalawang paslit na edad limang taon na.
Inabutan niya ang ina-inahan at ang yayang si Nana Pilang na naghihimay ng gulay sa kusina.
Isang magandang pangitain ang makitang nakaupo sa silyang tumba-tumba si Mama Nena kaya tuluyan na niyang naitulak sa likod ng isipan ang insidente sa opisina.
"Mano po, Mama Nena. Kumusta po, Nana Pilang?"
"Kuu, ireng batang ire, parang ke-tagal naman nating hindi nagkita. Nagkasalubong tayo kanina diyan sa gate kaninang umaga, a?"
Napangiti si Avery. Naaaliw siya sa kakatwang punto ng matandang kapitbahay na pumayag mag-alaga sa kambal kapag may pasok siya sa opisina. "Kayo talaga, hindi na po nasanay sa akin. Ano po ba ang iluluto para sa hapunan, Mama Nena?"
"Pinakbet daw ang gusto ng mga bata."
"Na walang bagoong siyempre," salo ni Nana Pilang, nakangiti rin. "Ke-babait ng mga anak mo, Nena. Mula sa panganay hanggang sa mga bunso!" papuri nito.
"Pinagpapala pa rin kami ng Panginoon, Pilang," pagmamalaki naman ng ina-inahan niya.
Iniwan ni Avery sa gayong tagpo ang dalawang matanda para makapagpalit ng damit.
Magaling mag-alaga ng bata si Nana Pilang ngunit hindi kasama sa mga obligasyon nito ang paglilinis kapag nagkalat na ang dalawang bata.
Hindi na nagpahinga si Avery. Sinimulan niya ang banyo sa itaas, pagkatapos ay ang kuwarto nila. Nakasara na ang ibang mga kuwarto doon, pati ang master's bedroom. Sa sala na lang namamalagi si Mama Nena. Hindi na nito kayang umakyat sa hagdanang marmol.
"Kakain na! Avery! Kakain na!" hiyaw ng mga musmos mula sa ibaba.
"Sandali na lang ako!" tugon niya sa pinalakas na boses.
Minadali niya ang pagdampot sa mga punda at kumot na lalabhan. Hinahati-hati niya ang mga labahin kaya kahit na araw-araw siyang naglalaba, kaunti lamang ang kinukusot, binabanlawan at isinasampay gabi-gabi.
Papababa siya ng hagdan nang tumunog ang doorbell. Nagtaka silang lahat. Magmula nang mamatay ang padre de pamilya, wala nang nagiging bisita ang Cruz Residence.
"Ako na po ang magbubukas, Nana Pilang," wika ni Avery nang akmang hihinto sa paghahain ang matanda. Inilapag niya ang dalang laundry basket sa tabi ng front door bago lumabas.
Gayon na lang ang pagkagulat niya nang si Zane ang tumambad sa harapan niya matapos mabuksan ang gate.Hindi niya napigil ang panghihilakbot at ang biglang pag-atras na para bang tatakbo nang palayo."Sandali lang, Avery. Huwag mo sana akong pagsarhan ng pinto," pigil ng lalaki. He looked earnest and humble."A-ano po ang kailangan n'yo?" tanong ni Avery. Hindi na siya dapat pang makipag-usap sa lalaki ngunit nangangamba siyang baka mangulit ito.Inilantad ni Zane ang isang pumpon ng mapuputing rosas na nakabalot sa plastik. "Gusto kong patawarin mo ako, Avery."Parang nangunti ang dalaga ngunit hindi niya alam kung bakit. She was suddenly shy dahil ngayon lang siya inalayan ng bulaklak ng isang lalaki.Kumuyom ang mga palad niya. Nagpipigil na kunin ang iniaabot. "N-nakalimutan ko na ang nangyari, sir."Bumuntonghininga si Zane. "Nagsisinungaling ka, Avery."Hindi kumibo ang dalaga. Tumingin lang siya sa lupa."Maaari b
"Bakit sinasabi mo ang mga iyan ngayon?" asik ni Avery. Bahagya na lang niyang makontrol ang galit na pagkapahiya.Humakbang palapit sa kanya si Zane. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang inalog. "Para magising ka sa katotohanan," ganting-asik nito. There was anger in his dark eyes. "All this time, inakala kong kaya hindi mo ako napapansin ay dahil sa mayroon ka ng pag-ibig. Binigyan kita ng katahimikan. Hinayaan kita habang patuloy ako sa pagiging hibang... God! Kung hindi pa dumating si Gary, wala pa ring nangyayari sa sitwasyon ko!""Hindi tutoo ang sinasabi mo," ungol ni Avery, kahit na gustung-gusto na niyang maniwala.Isang halik ang iginawad ni Zane sa noo ng dalaga. "I'm telling the truth," bulong nito. "You've been my obsession for so long."Ibinaling niya ang kanyang ulo upang hindi magkalapit ang kanilang mga labi. "Hindi! Naglalaro ka lang. Iniwan ka marahil ng isa sa mga girlfriends mo kaya nagkaroon ng bakante sa schedule mo."
It was a dangerous question kaya hindi siya tumugon. Lumabas agad siya sa silid na iyon.Maghapon, tahimik na tahimik si Zane. Nag-uutos ito kapag may kailangan ngunit mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na tinawag siya nito sa loob ng opisina.Dumating ang oras ng uwian kaya medyo nakahinga na nang maayos ang dalaga. Mistulang pugon ang office dahil parang init na init siyang hindi niya mawari."Avery? Can you come in here?" Muntik nang mapatalon sa pagkabigla nang bumuglaw sa adjoining door ang lalaking laman ng kanyang isipan sa maghapon. "I want to talk to you.""Yes, sir." Ikinubli niya ang pagkagulat."Sit down," anito nang makapasok na siya. Nanatili itong nakatayo sa pintuang isinara at sinandalan.Alumpihit si Avery. "A-ano po ba ang sasabihin ninyo?""I'm only thirty-six, for christ sake!" bulalas ni Zane, parang napipikon sa pamumupo niya. "Stop treating me like an old man!"Napapitlag si Avery. Namutla
Ang mga kaibigan niya ay bihira na niyang masipot sa kanilang tipanan. Nauunawaan naman siya ng mga ito ngunit alam niyang mayroon na ring paghihinampo kina Rosario, Casandra, at Helena. "Ate, si Sir Zane po," pahayag ni Diding. "Gusto raw po kayong makausap." "Sige na, iha, harapin mo na," pang-uulok ni Mama Nena. Nagpapawis ang mga kamay ni Avery dahil sa labis na nerbiyos. Ang pagkayamot na nadarama niya dahil sa pakikialam ng lalaki ay unti-unti nang pinalis ng mga nasaksihan niyang kasiyahan ng pamilya. Can I be selfish enough to end all the good things for Teo, Lea, and Mama Nena? ukilkil niya sa kanyang sarili, habang patungo sa kinaroroonan ni Zane. Ano ba talaga ang nakita ng lalaking ito sa akin? tanong pa niya. "Good evening, Avery," ang magalang na bat
INESTIMA niya nga si Zane nang dumating ito. And she was utterly surprised to discover that she enjoyed talking with him. Zane was prepared to meet her halfway. "Puwede ba kitang ma-imbitang lumabas?" The question was unexpected. "Bakit? May okasyon ba?" "I want to celebrate something," dugtong ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan niya. "Itong pagkukuwentuhan natin nang hindi tayo nagtatalo ay isa nang okasyon para sa akin, Avery." "Oh." She was suddenly shy. "Payag ka ba?" "Uhm, k-kailan--?" patianod niya. "Tomorrow night? It's a Saturday. We can stay out till late," he suggested with naked eagerness. Avery hesitated. "Hindi ba puwedeng dito na lang sa bahay mag-celebrate?"&n
KINABUKASAN, Linggo, Avery was in tenterhooks all day long. Although, alam niyang hindi naman siya ganoon ka-importante kay Zane, she was expecting him to come after her. "Iha, bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" usisa ni Mama Nena nang mapuna ang ilang ulit na paglabas-masok niya sa kusina at kumedor. "May hinihintay ka ba? Si Zane?" Napilitang tumango ang dalaga. "Hayaan mo't mamayang gabi lamang ay nandito na naman iyon," pang-aalo ng matanda. Hindi kumibo si Avery. Ayaw na niyang madagdagan ang mga kasinungalingang sinasabi niya dito. Kanina lamang ay lubog na siya nang mag-imbento siya ng isang successful evening nila ni Zane. Nataranta siya nang may mag-doorbell. "Roses for Miss Avery Cruz," anang delivery boy na binatilyo. "Kayo ba, miss? Paki-pirma lang di
MISTULANG housewife nga ang naging papel niya sa maghapong iyon. May pagka-demanding ang kanyang pasyente. Naiirita agad kapag nawawala siya sa tabi nito, gayong nag-aasikaso lamang siya ng mga abubot sa palibot. The shower weakened his reservoir of strength kaya maghapong naidlip si Zane; but it was a restless sleep. Maya't maya ay nagigising na para bang binabangungot. "God, it was worse!" bulalas nito nang maalimpungatan mula sa unang malalim na pagtulog, dakong takipsilim na. Dumalo agad si Avery. Dinampot niya ang tuwalyang nakahanda para pamunas ng pawis nito upang idampi sa basang noo at leeg. May kaunting temperature pa ang lalaki. "It's over, you could sleep again," pang-aalo niya sa malamyos na tono. "You're safe now." "I tried to save the babies but it's too late," patuloy ni Zane. Tila nangungumpisal ng isang pagkaka
GUSTO kong umiyak, ang sabi ni Avery sa sarili niya nang matapos ang umaalimpuyong unos ng mga emosyon. Ngunit nanatiling tuyo ang kanyang mga matang nakapikit lamang upang hindi niya makita ang mukha ng kanyang kasalanan, si Zane. "Avery?" His whisper was full of regret and something more powerful than anything on earth. Umungol siya nang hawakan siya ng mahahabang daliri sa magkabilang panga. Pinipilit siyang magmulat ng mga mata. "Sorry," bulong ng lalaki. "Nasaktan na naman kita." Hindi kumibo si Avery. Nananakit ang lalamunan niya dahil sa kasasambit ng pangalan ng lalaking nakaniig. Sa kalagitnaan ng nakahihibang na kasukdulan, hindi na niya alam kung ano pa ang mga katagang nasambit niya. "Marry me, Avery," wika ng paos na b