KINABUKASAN, Linggo, Avery was in tenterhooks all day long. Although, alam niyang hindi naman siya ganoon ka-importante kay Zane, she was expecting him to come after her.
"Iha, bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" usisa ni Mama Nena nang mapuna ang ilang ulit na paglabas-masok niya sa kusina at kumedor. "May hinihintay ka ba? Si Zane?"
Napilitang tumango ang dalaga.
"Hayaan mo't mamayang gabi lamang ay nandito na naman iyon," pang-aalo ng matanda.
Hindi kumibo si Avery. Ayaw na niyang madagdagan ang mga kasinungalingang sinasabi niya dito. Kanina lamang ay lubog na siya nang mag-imbento siya ng isang successful evening nila ni Zane.
Nataranta siya nang may mag-doorbell.
"Roses for Miss Avery Cruz," anang delivery boy na binatilyo. "Kayo ba, miss? Paki-pirma lang dito."
Tumalima si Avery. Magkahalong hapdi at sarap ang nadarama niya habang binubuksan ang maliit na envelope.
"Dear Avery, I have to fly to New Zealand today. Emergency. I'll call you when I'm back. Love, Zane."
Nilamukos agad ni Avery ang note para wala na siyang pagkakataong namnamin ang tamis ng katagang 'love'.
Inilagay niya sa isang plorera ang mga rosas dahil alam niyang ikatutuwa iyon ng kanyang ina-inahan. "U-umalis po pala si Zane, Mama. Ngayon lang. May biglaang problema sa negosyo niya sa New Zealand," paliwanag niya sa matanda.
"Ang sweet naman niya, ano? Nagpaalam lang ay idinaan pa sa mga bulaklak!"
Saka lamang napalagay si Avery. Ngayong tiyak na niyang hindi na basta-basta lilitaw ang lalaki sa bahay, nakapag-isip siya ng gagawin.
Maghahanap ako ng bagong mapapasukan! pangako niya sa kanyang sarili.
Inumpisahan niya sa pamamagitan ng pagtawag sa mga kaibigan.
"Aba, himala!" panunudyo ni Casandra nang marinig ang boses niya. "Avery! I'm happy to hear from you, my dear friend. Kumusta ka na?"
Nag-blush si Avery. Matagal-tagal na rin niyang napabayaan ang pagkakaibigan nilang apat. "Sorry, Cassie. Hindi ko naman kayo nakakalimutan kahit na naging neglectful ako nitong mga huling araw."
"Araw?" ulit ni Casandra. "Hoy, bruha, buwan na po ang lumipas nang huli ka naming nakita at narinig, ano?"
"Nagagalit na ba kayo sa akin?"
Isang mahaba at exaggerated na buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya. "Nagtatampo lang naman kaming tatlo, lalo na si Rio. O, kumusta ka na nga ba?"
Nilunok na ni Avery ang pride niya. "H-heto, tila mawawalan na ng trabaho. Puwede mo ba akong tulungan?"
"Of course! Gusto mo nang magsimula sa Lunes?" Wala nang tanung-tanong si Casandra. Tanggap agad siya. "May bakante sa Accounting ngayon."
"Two weeks ang notice na kailangan kong bunuin, Cassie. Makakapaghintay ba ang trabahong iyon?"
"Hmm, kung hindi man ay maihahanap pa kita. Busy ka ba ngayon? I mean, I know, palagi kang busy pero baka puwede kang lumitaw sa get-together natin?"
Avery knew that an invitation would be inevitable. "Katulad pa ba ng dating oras at lugar?"
"Oo naman. Pupunta ka ba?"
"Oo, sige, pupunta ako."
"Yes! O, ibaba mo na ang telepono at tatawagan ko sina Rio at Ena. Bye!"
Halos mapaiyak sa tuwa si Avery. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi pa pala nawawala sa kanya ang mga kaibigang biyaya ng Langit para sa kanya.
Nag-iyakan din sa kasiyahan ang mga kaibigan nang makita siya. "Oh, Avery! Akala namin, hindi mo na kami mapupuntahan dito. Halika, upo ka. Nagpaluto ako ng espesyal na meryenda," ani Rio matapos siyang yapusin nang mahigpit. "You're looking better than the last time I saw you. Maayos na ba ang lahat sa inyo ngayon?"
Umiling si Avery. "Hindi pa pero bearable na ang bigat kailangan lang ng kaunti pang pagbabago."
"Ipaliwanag mo sa akin iyan mamaya. First, we shall eat," ani Rosario habang inaakay siya sa lamesang bilog na nasa tabi ng swimming pool.
"Avery, punta ka sa binyag ng anak ko sa isang Linggo, ha?" sabad naman ni Helena. "Loka ka, ha? Hindi mo na nga ako pinuntahan nang manganak ako noon," dugtong pa sa himig-nagtatampo.
Ginagap ni Avery ang isang kamay ng 'bunso' nila. "Pasensiya ka na, Eina. Hayaan mo, darating ako," pangako niya rito.
"Huwag na hindi ka darating dahil isa ka sa mga ninang, kumare," ang nakatawang sabad ni Casandra.
"Kung ganoon pala, tatlo na ang mga inaanak ko?" Biglang naalala ni Avery ang naunang inaanak. "Nasaan nga pala si Greisha?" tanong niya kay Rosario.
"Naku, ipinasyal ng ama. Naging abala kasi si Gringo nitong mga huling linggo. Ayun, nagmaktol ang bata dahil bihira na raw niyang makita ang Papa niya."
"Si Liesa?" tanong niya kay Casandra.
"May kaunting sinat dahil tumutubo ang huling set ng ngipin. Nandoon naman ang Papa niya kaya kampante lamang ako dito."
"At si Nicola naman ay tulug na tulog, katulad ng Papa niya," sabad ni Helena. "O, hindi pa ba tayo kakain?"
"Sandali lang, titingnan ko kung okey na sa kusina."
Nakalimutan ni Avery ang mga suliranin nang hapong iyon. Wala pa ring ipinagbago ang ambience kapag nagtitipun-tipon silang apat. Nandoon pa rin ang camaraderie na pinangungulilahan pala niya nang hindi niya alam.
"Hay, busug na busog ako," sighed Helena. "Huwag ka na ngang magpapaluto ng palabok na ganoon kasarap habang nagda-diet ako, ha, Rio? Nasisira ang beauty regimen ko, e."
Naghagikhikan sina Rosario at Casandra. "Mayroon ka bang beauty regimen talaga?" panunudyo ng huli.
"Hoy, meron naman, ano?"
"Teka, maiba ako," pakli ni Rosario, sumeryoso na. "May nabanggit ka raw kay Cassie na naghahanap ka ng bagong trabaho?"
Iyon ang unang pagkakataon na nabanggit ang tungkol sa personal na buhay ni Avery. But after the laughter, okey lang sa kanya ang muling maalala ang mga naiwanang problema sa bahay.
"Oo," pag-amin niya, "may kaunting problema na kasi sa opisina ngayon, e."
Hindi naman nag-usisa pa ang tatlo sa mga paiwas na tugon niya. Iginagalang ng mga ito ang pagiging private niya.
"Kung walang magiging posisyon para sa iyo kina Casandra, welcome ka sa kumpanya ni Gringo."
"O di kaya'y kay Nico." Si Helena.
"Kinausap ko na si Teon. Titiyakin daw niya bukas," pangako naman ni Casandra.
"Maraming, maraming salamat sa inyo," ang pahayag ni Avery, garalgal ang boses dahil sa matinding katuwaan.
"What are friends for?" Tinapik siya ni Rosario sa likod.
Dakong alas nuwebe na nang idaan siya nina Casandra at Helena sa bahay nila. Hindi na nagsibaba ang mga ito dahil gabi na.
"Kumusta na lang sa kambal at kay Mama Nena, ha?" ani Casandra.
"Kumusta rin sa inyong pamilya," sambit ni Avery.
"Bye! Sa Linggo, ha?" pahabol ni Helena.
The office looked lonely because Zane was not behind the large desk. Avery forced herself to work as she always did.
Lunchtime nang gawin niya ang resignation letter niya. Irrevocable. Nanginginig pa nga siya sa nerbiyos nang ipatong niya sa bakanteng mesa ni Zane ang puting sobre.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Zane sa kanyang pagbibitiw? tanong niya sa kanyang sarili.
Tatlong araw ang lumipas. Pulos tawag lamang sa opisina at sa bahay ang dumarating mula sa lalaki. Hindi pa raw tapos ang problema sa New Zealand.
"Is everything's okey, Avery?" Laging ganito ang tanong.
"Y-yes, sir," she would answer guiltily.
"Kailan mo kaya ako matututuhang tawagin na 'Zane'?" he would sigh before cutting the line.
"Never," bulong ni Avery, "aloud."
Biyernes nang walang abug-abog na sumambulat ang balita ng isang trahedya sa ibang bansa, sa New Zealand. Isang plane crash ang naganap sa mismong airport nang magte-take-off na sa runway. Sakay ang ilang Pilipino, kasama si Zane Dela Cuesta!
Pakiramdam ni Avery, namatay na siya nang marinig ang masamang balita. Ngunit pinilit niyang mabuhay uli at magpakatatag.
"Iha, nalaman na ba kung may mga nabuhay na pasahero?" tanong ni Mama Nena sa kanya sa telepono.
"W-wala pa po kaming natatanggap na balita mula sa airport, Mama. Nakabukas na po ba ang telebisyon diyan? Lagi n'yo pong subaybayan ang news report oras-oras."
"Balitaan mo agad kami diyan, ha?"
"Opo, ganoon din kayo diyan, Mama."
Si Atty. Reyes naman ang tumawag. "Avery, may natanggap akong tawag na mula sa New Zealand office. Pinapupunta ka raw ng management doon upang personal na maasikaso si Zane."
Nangatog ang mga tuhod ni Avery. "B-buhay po si Zane?" Hindi na niya namalayan na nasambit na niya ang pangalan ng boss.
"Oo, pero hindi ko alam kung mayroong injuries. Valid pa ang passport mo, hindi ba? Sabay pa nga tayong kumuha noon."
"O-opo. A-ano'ng oras po ako aalis?"
"Hintayin mo ako diyan. Idadaan kita sa bahay ninyo bago sa airport."
Pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. Kaya nang dumating ang abogado, kontrolado na ang pangangatal niya.
"Ready ka na, iha?"
"Opo, attorney."
"Sandali lang po, attorney, kukunin ko lang ang passport ko," paalam niya habang tumatakbo papaakyat sa hagdan.
Matapos ang madaliang paalaman, sakay na uli sila ng sasakyan.
"Mag-ingat ka, iha. Paalam," wika ng abogado nang nasa loob na sila ng NAIA.
"Salamat po, attorney. Kayo na po ang bahala sa pamilya ko. Pakitingnan-tingnan lang po sila para sa akin. Paalam."
Kinabukasan nang umaga na niya nakita si Zane. Hatinggabi na nang dumating ang eroplano sa New Zealand kaya napilitan siyang magpalipas ng gabi sa nakahandang accomodation quarters para sa kamag-anak ng mga pasaherong nasangkot sa plane crash.
"Zane--?" sambit niya nang mamataan ang maputlang mukha ng lalaking nakaratay sa putim-puting kama ng ospital.
She fought her feelings. Nakita niyang gising ito at tila inip na inip na.
"Avery! Mabuti't nandito ka na. Puwede na akong makalabas sa miserableng lugar na ito!"
"A-ano po ba ang kundisyon ninyo? May--may mga injuries ba kayong tinamo?"
He gave her a fierce scowl. Nayayamot sa pormal na pananalita niya. "I don't have any injuries, Avery! And I am not a senile old man," he retorted sharply.
"Hello, Mr. Dela Cuesta," bati ng isang nars na babae. Hindi namalayan ni Avery ang paglapit nito. Nakatutok kay Zane ang buong atensiyon niya. "Let's take your temperature and blood pressure. Is this your wife? Good. You could be released within the hour. We try to vacate this place as fast as we could," she explained, as she whipped out her medical paraphernalia.
Nagtuloy sila sa hotel na inireserba ni Atty. Reyes para sa kanya. Mahina pa si Zane pero nagpumilit itong maglakad mag-isa. Kaya nang nasa silid, halos wala na itong lakas.
"Kaunti na lang, sir."
"Oh, God!" daing ni Zane nang makaupo na sa wakas sa kama. "What took you so long? Kahapon pa kita hinihintay."
"Gabi na nang lumapag ang eroplano sa airport, sir," paliwanag niya habang tumatawag ng room service. "Hello, Room Service? Please, bring a big pot of coffee plus continental breakfast for two to Room 349."
"Heto ang wallet ko." Dinukot ni Zane ang pitaka sa pantalong gula-gulanit na. "Lumabas ka at ibili mo ako ng mga damit. Nawala ang maleta ko sa crash." Pumikit ito at agad na nakatulog kahit na nakalawit pa ang mga binti sa gilid ng kama.
Buong pagsuyong iniayos ni Avery ang lalaki sa pagkakahiga nito. Tumawag uli siya sa Room Service upang i-cancel ang order niya.
Nagpahatid siya sa shopping mall sa isang taxi. She was rather embarrassed nang ang damit-panloob na ang pipiliin niya.
"What size, ma'am?"
Napagkamalan siyang asawa ni Zane sa ospital. Ngayong namimili siya ng gamit panlalaki, iisipin din ng saleslady na para sa husband niya ang mga iyon.
"Er, may I see your medium size?"
Inilabas ng babaeng Zealander ang hiningi niya. Pulam-pula ang mga pisngi ni Avery habang tinatantiya niya sa isipan kung ganito nga ang tamang sukat ni Zane.
"Okey, I'll take these," aniya nang hindi na makatiis. Pinagpawisan siya nang malamig gayong init na init ang pakiramdam niya.
Dinatnan niyang gising na si Zane. "Nabili mo ba lahat?" tanong nito habang nanunudyo ang mga matang nakatitig sa kanya.
Tumango si Avery. "K-kanina ka pa gising? Medyo natagalan ako dahil traffic." Paiwas siyang sumagot habang inilalapag sa lamesita ang mga dalang plastic bags. "Nagugutom ka na marahil, tatawag ako ng room service--"
"Tumawag na ako. On the way na siguro iyon," pakli ni Zane. "Magsa-shower ako. Puwede mo ba akong alalayan patungo sa banyo?"
"Kaya mo na ba ang sarili mo?"
"You could always help me, Avery. Mas maganda siguro kung ikaw na mismo ang magpapaligo sa akin," he suggested slyly.
Umiwas siyang tumingin sa pilyong ngiti ng lalaki. Nag-concentrate siya sa pag-alalay dito.
"Pakihanda mo na lang ang mga isusuot ko," utos nito habang naghuhubad ng maruming kasuotan. Nawala na ang katernong blazer ng business suit nito, pati ang kurbata.
She fled to the room nang lumantad na ang dibdib na balahibuhin. Bagama't malakas ang kanyang kaba, naulinigan pa rin niya ang mapanudyong pagtawa ni Zane.
Mesmerizing Eyes - Chapter20"AT last, Mrs. Romulo!" bulalas ng butihing duktor ni Arizona, si Dr. Pierrie. "You shall be able to see how handsome I look!" dugtong pa, pabiro.Excited di si Arizona ngunit ayaw niyang bumigay agad.Paano kung hindi naman pala tagumpay ang operasyon?She killed the ugly thought right away.Hindi dapat mabigo ang lahat ng mga pinaghirapan ni Tyler.Oh, Tyler...! daing ng puso niya. Bakit hindi ka dumating ngayon?She had a series of short but delicate eye operation by laser technology, in the past few weeks.The last one was major. And her husband had remained beside her even though she was unconscious with drugs.Ngunit nang matiyak na wala siya sa peligro, nagpaalam ito na 'sasaglit' lang sa farm para kumustahin si Terry.Ang 'saglit' na iyon ay halos isang linggo na.Nagpadala na raw ng email si Dr. Aguilar. At tumaw
Mesmerizing Eyes - Chapter19 SINIKRETO ni Arizona ang katulong na si Chedeng, bago siya nagtungo sa kumedor. Hinanap niya ang lumang maleta niya na kinalalagyan ng mga tunay na damit. "Dadalhin ko ang mga iyon, Chedeng. Pakisigurado mong naikarga iyon sa sasakyan ng Sir Tyler mo, bago kami umalis, ha?" Ginaya niya ang tono ni Terry kapag nag-uutos sa mga katulong. Magiliw na may kaunting tigas. "Opo, Ma'am Arizona," ang magalang na tugon naman ng kausap. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pasalamat. Naghihintay na ang magkapatid sa hapagkainan nang makarating siya sa kumedor. "Nandito na pala si Ate. Puwede na tayong mag-umpisa," pahayag ni Terry. "Sorry I'm late," wika ni Arizona habang nauupo sa silyang hinila ni Tyler para sa kanya. "It's alright. You look very lovely tonight," papuri ng baritonong tinig ni Tyler. "I like your dress, darling," dugtong
Mesmerizing Eyes - Chapter18 ARIZONA was having a fantastic dream. Tyler was making love with her so exquisitely. His intense kisses were explicitly sensual. His caresses were thoroughly erotic. Iba ang sidhi ng pagnanasang ipinalalasap sa kanya ng mga labing pangahas at dilang mapusok. The fires of passion devoured her inhibitions mercilessly. Her insistent lover was demanding her complete and absolute surrender. I love you... Mula sa kungsaan, biglang sumulpot ang mga katagang iyon. She was longing to hear those sweet words. Walang kasintamis ang pakiramdam niya nang maulinigan ang mga iyon. Para bang napalis na naman ang dilim na nakabalot sa kanya. You're mine, my beautiful goddess... Hindi makapaniwala si Arizona sa mga naririnig. Nananaginip pa ba siya? Pinilit niyang palisin ang mabigat na lambong ng antok. But she d
Mesmerizing Eyes - Chapter17THE days had passed blissfully. And the nights tempestously erotic.Payapa ang mga araw na sumunod, matapos ang simpleng kasal.Their daily routine had developed naturally.Sa umaga, isinasama siya ni Tyler sa paglilibot nito sa farm.Nakasakay sila pareho sa malaking kabayo nito. Ngunit malimit ay sa landrover na minamaneho ng isang tauhan.Basta't ang importante para sa asawa, laging nakayapos sa kanya ang mga bisig at laging magkadikit ang kanilang mga katawan.He introduced her to the lush and rich nature that surrounded them through vivid descriptions. Inilalarawan nito maging ang mga ibon na masisiglang nagliliparan sa mangasul-ngasul na kalangitan.O di kaya'y, mahihiga sila sa gitna ng parang. At magtatalik sa ibabaw ng mga bulaklak at mga damong ligaw.Anupa't ang bawa't sandali ay naging tigib ng tamis at ligaya dahil lagi silang magk
Mesmerizing Eyes - Chapter16IBAYONG pagkapahiya ang nadarama ni Arizona sa mga sandaling dapat ay napakaligaya niya.Paano'y napagtanto niyang hindi siya ipinakilala ni Tyler bilang isang bulag.Ang buong akala ng huwes, kumpletung-kumpleto siya.She heaved a deep sigh. Parang gusto niyang umiyak ngunit hindi naman niya magawa. Wala naman siyang tiyak na dahilan.Kung tutuusin nga, she was now in an enviable position.Tyler was one of the most eligible bachelors in this place. O kahit na saan mang lugar.Simpatiko na, mayaman pa.Napakasuwerte na para sa isang bulag na katulad niya ang makasilo ng ganitong klaseng lalaki.Ngunit bakit hindi na niya magawang sumaya?"Penny for your thoughts?" Nakalapit na pala sa kinaroroonan niya si Terry. "Tila napakalalim naman ng iniisip ng aking bagong hipag?"She summoned a smile on her stiff lips. "H-hindi naman," she
Mesmerizing Eyes - Chapter15NAWALAN ng malay-tao ang dalaga, dahil ibig niyang takasan ang humiliyasyon.Ngunit nang magising siya matapos ang ilang minuto, naghihintay sa kanya ang mga problema.At ang matinding kahihiyan na ayaw niyang harapin.Somebody was fanning her face with a piece of carton.While another was dangling an ammonia-wet cotton-ball near her twitching nose.She protested mutely. She did not like the pungent smell of the first-aid medicine.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata."Gising na siya," anang tinig ni Terry, kasabay ng pagkawala ng mabahong amoy.Maya-maya, may gumagap na mainit na palad sa kanyang kamay.Si Tyler."Kumusta na ang pakiramdam mo, sweetheart?"There was a protesting gasp from Terry.Nailang tuloy si Arizona. "Uh, m-mabuti na," tugon niya habang pilit na ibinabangon ang sarili.Maagap na umala