Share

Sleep with the Boss - Chapter 7

Dakong alas onse nang bumangon si Sam. Pupungas-pungas pa ito. "Ang aga mo namang gumising, ate," anito habang naghihikab. Nag-inat pa ng mga payat na braso habang iginiling-giling ang beywang at balakang. "Ang sarap matulog kapag may aircon!"

Nakaramdam ng pagmamalaki sa sarili si Mina. Malayo na pala ang nararating nila mula sa pinanggalingang kahirapan.

"Um-order ka na ng pagkain mo sa Room Service, Sam," utos niya habang iniaabot dito ang telepono. "Baka malipasan ka ng gutom."

"Gusto mong i-order din kita, ate?"

Umiling si Mina. "Busog pa ako. Mamaya na lang ako kakain."

Saglit na nakipag-usap sa telepono ang binata bago bumaling uli sa kanya. "Ano ba ang agenda mo para sa akin ngayon?"

"Maghahanap ka ng mga tindahan na may reasonable prices."

"Tindahan ng ano?"

"Carpet, upholstery, paint, leather, and etcetera stores," tugon ni Mina. "Bibigyan kita ng listahan. Heto, o. Medyo kulang pa ‘yan. Bukas ko na lang dadag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status