Share

Sleep with the Boss - Chapter 12

Napapikit si Mina nang muntik na silang bumangga sa puwitan ng sinusundan na truck na biglang nagpreno sa stoplight. Ngunit wala pa ring numulas na ingay sa kanyang bibig. Nananakit na ang kanyang lalamunan dahil halos hindi na siya humihinga.

"You can open your eyes now, Mina," utos ng baritonong tinig ni Lyon.

Naramdaman niyang huminto na ang takbo nila. Biglang naghari ang katahimikan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.

"N-nasaan na tayo?" she asked him faintly.

"Nandito na tayo sa garahe ng townhouse," ibinitin nito ang susunod na sasabihin, "natin."

"Natin!" ulit niya, pabulalas. "Hindi ako pumapayag na tumira dito, Mr. Zavala!" Pinihit niya ang doorknob ngunit ayaw gumalaw niyon.

"Nandito ang lock niyan. Hindi ka makakalabas dito hanggang hindi ka pumapayag," salo ni Lyon.

Mina was feeling harrassed. "Will you, please, drop this crazy idea? Hindi mo ako mapapapayag sa gusto mo. My God, I can sue you for sexual harra

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status