Pinahalagahan ni Mina ang mga gintong pangungusap ng magulang dahil iyon lang ang naipamana nito sa kanya. Kaya nga marahil naging matatag siya sa pakikibaka at matibay sa mga pagsubok nitong mga nagdaang taon...
Nakatulugan ni Mina ang pag-iisip ng tungkol sa mga nakaraan. Nakaramdam siya ng gutom ngunit mas gusto ng kanyang katawan at diwa ang magpahinga kaysa kumain. Parang pagud na pagud na siya.
I miss you, Mama... bulong niya habang papahimbing ang kanyang pagtulog. Siya lang ang may malinaw na alaala ng butihing babae na nagluwal sa kanilang magkapatid.
Sampung taon siya at apat naman si Sam nang mawala ang kanilang ama sa dagat. Seaman ito at bihira nilang makita. Nagkasakit ang kanilang ina sa pagdadalamhati. Di-nagtagal, iniwan na rin sila nito.
For the first time in years, she admitted to herself that she longed to feel the warmth of her mother's love. Inaako niya ang responsibilidad ng isang magulang sa kanyang bunsong kapatid na
"Hindi mo pa sinasagot kung bakit dito ka natulog, Lyon," pakli ni Mina nang huminto ito sa pagsasalita. Tumikhim ang lalaki. Lumakad itong palapit sa kanya. Ngunit agad ring huminto nang umatras naman siyang palayo. Ibinulsa nito ang mga kamay na nakakuyom bago tumugon. "Inantok na si Sam kaya naiwan akong mag-isa sa labas. Sisilipin lang sana kita bago ako umalis pero nananaginip ka at umuungol. I thought you're having a bad dream kaya nilapitan kita para gisingin pero -- " "Pero--ano?" "You smiled at me warmly, Mina. Your open arms enticed me to lie down beside you. Hindi ko magawang tumanggi sa paanyaya ng ngiti mo kaya nahiga na rin ako sa tabi mo," pagsasalaysay nito. "For God's sake, how can that be true? I was fast asleep!" she protested. Tumango ang lalaki. "Alam ko. Kaya nga niyakap lang kita. Hinihintay kong magising ka sa mga haplos at halik ko sa iyo pero inantok lang ako," pagtatapos nito. "Dapat ay inalog mo na l
Pikit-matang humakbang palabas ng silid si Mina. Two pairs of measuring eyes focused on her as she appeared in the sitting room. "Good morning, madames," bati niya sa mga ito. Her smile was wide ang plastic. "I am pleasantly surprised to see you here," dugtong niya, awkwardly. Kumiling ang regal na ulo ni Mrs. Arogante. Para bang hindi nito ikukurap ang mga mata hanggang hindi siya nawawala sa harapan nito! "Pasensiya ka na kung masyado kaming maaga sa pagbisita sa 'yo, iha." Si Doña Corazon ang nagsalita nang manatiling tahimik ang kasama. "Inaya kasi ako ni Lucita dito agad. Kagabi lang kami nakarating dito. Galing kami sa Davao. Nagbakasyon kami sa Hacienda Arogante ng ilang araw. Balak talaga naming magdaan dito bago umuwi dahil gustong makita ni Lucita ang bahay-Kastila na ipinareretoke ko sa iyo." "Uhm, k-kaya po pala walang sumasagot sa telepono n'yo, Doña Corazon. Ilang beses ko kayong kinontak nung dumating kami dito, Medyo nagkaroon kami ng
"Of course. Ganoon naman ang gusto kong maging relasyon natin, Mina. We will live together but we still have our personal freedoms. Ang tanging kaibahan lang ngayon ay mayroon tayong kapirasong papel." "Your solution was a good idea but--it didn't seem right. What about love? Do you love me?" "Love! What is love? It's just a word that was often misused to express lust. A guy would say 'I love you' when he really meant 'I want to make love with you'! Gusto mo ba ng mga ganoong kasinungalingan, Mina?" Umiling si Mina. She was dizzy with the crazy proposal. "Paano magiging maganda ang pagsasama natin kung walang pag-ibig na namamagitan sa atin?" "We have a compatible chemistry," salo ng lalaki. "We have passion and desire, Mina. Those ingredients are more than enough." "I--I don't think--" Pautal na inumpisahan ni Mina ang pagsasabi ng pagtutol ngunit pinigilan siya ng lalaki. "Just think about this first, Mina. Our relationship would enh
"Alright. Let's have our breakfast!" Lyon sighed in frustration. It was a small victory for Mina but she relished it. Kailangan niya ng kaunting panahon at distansiya mula sa lalaki habang sinasanay niya ang sarili sa mga pagbabagong magaganap sa buhay niya. Nasa sitting room si Sam nang lumabas sila ni Lyon sa silid niya. Napahinto si Mina. Muntik nang bumunggo sa kanya ang lalaking kasunuran niya. Tumindig ang binata nang makita sila. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagsususpetsa. Hindi makapagsalita si Mina. Naninigas ang dila niya. Nilinga niya si Lyon upang humingi ng tulong. "Magandang umaga, Sam," ang kaswal na bati ng lalaki. "Mabuti't gising ka na. Isasabay ka namin sa almusal." Napalitan ng pag-aalinlangan ang pang-uusig sa mukha ni Sam. "Nagising ako nang tumunog ang doorbell," wika nito, while giving them a furtive glance. "Si Mr. Zavala ba ang dumating?" Si Lyon ang tumugon. "I stayed the night here, Sam. In your si
May kumatok sa pinto ni Mina kaya nahinto ang pagmumuni-muni niya. "Ate? Gising ka na ba? Alas nuwebe na," tawag ni Sam mula sa labas. "O-oo, gising na ako," tugon niya sa pinalakas na boses. Lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kapatid. May iniabot itong isang tasa ng umuusok na kape. "Salamat. Mauna ka na sa paggamit ng banyo. Iinumin ko muna ito." Tumango ang binata. "Sandali lang akong magsa-shower, ate," anito bago tumalikod sa kanya. Inilapag ni Mina ang puswelo sa ibabaw ng tokador upang mailabas ang bestidang isusuot niya. Lyon wanted a frothy creation for her wedding dress pero tumanggi siya. Hindi niya tipo ang mga ruffles and chiffon. Mas gusto niya ang mga simpleng tabas. Pinili niya ang isang disenyo na mayroong straight cut at yari sa white silk. May mga palamuting maliliit na perlas ang kasuotan. Bumili rin siya ng mga puting lace gloves at isang dress hat. Parang mas maliit na version ng sumbrero ni Kate Winslet sa
Mina was feeling jumpy by the time lunch was over. Iuuwi na siya ni Lyon sa townhouse nito. Kinakabahan na siya, hindi pa man sila napapag-isa. Natatakot siya pero nasasabik din para sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan. "Kuya, ihahatid ko na lang mamaya ang mga gamit ni Ate," wika ni Sam sa asawa niya. "Naka-impake na naman ang mga iyon, e." "Salamat sa concern mo, bayaw. Pero areglado na ang tungkol sa bagay na iyan. Ipinahatid na ng manager ang mga iyon sa townhouse ko kaninang pag-alis ninyo sa hotel," pahayag ni Lyon. Inakbayan siya nito upang igiya patungo sa kotse. "Magtataksi na lang kami, iho," wika ni Tita Cora. "May bibilhin pa kami ni Lucita sa shopping mall. Ikaw, Sam? Gusto mo bang sumabay sa amin? Idadaan ka na lang ng taksi sa hotel," aya nito sa binata. Nagkamot muna ng ulo si Sam bago nagdesisyon. "Ate, sa kanila na ako sasabay," anito nang hindi umimik ang mag-asawa. Tumango si Mina. Nakangiti pa rin siya kahit na nan
Muling napaungol si Mina nang isa-isa mawala ang mga saplot niya sa katawan. Paano'y ibayong ginhawa ang nadarama niya habang dinadapyuan ng hangin ang mainit na balat. "Open your eyes, Mina," utos ng mahinang tinig ni Lyon. She tried to lift her heavy eyelids. Nakita niyang nakatunghay sa kanya ang lalaki. Nasa kama na rin ito, katabi niya. "Oh, Mina," ungol ng lalaki. "I want you. I want you very much!" His body was trembling with need as his steely arms gathered her in a tight embrace. Napilitan siyang pumikit dahil hindi pa humuhulas ang kanyang pagkahilo. "Ooh!" daing niya. "Lyon, bitiwan mo muna ako, please! Masama ang pakiramdam ko..." Tinangka niyang itulak ang lalaki ngunit wala siyang lakas sa mga bisig niya. His mouth seared the sensitive smoothness of her neck as she turned her head to avoid the scorching kiss directed to her lips. "No, Mina. Don't play games now, sweetheart. I can't wait any longer," he whispered h
Mina stopped her thoughts when she realized that her self-respect was being destroyed by a desperate yearning to be loved. Hinahangad niya ang pakunwaring pagmamahal ng kanyang asawa upang makaramdam siya ng ligaya. Ngunit paano siya magiging maligaya gayong alam niyang hungkag ang damdaming ipinakikita nito sa kanya? Ano ba itong nagawa kong pagkakamali? tanong ni Mina sa sarili. Hindi ko pala kayang ibigay ang aking sarili sa isang lalaking hindi naman ako iniibig! pag-amin niya sa sarili habang bumabalong ang masaganang luha ng mahapding pagkabigo. Nakatulugan niya ang kanyang pag-iyak. Mistula siyang batang nasaktan habang nakabaluktot sa kanyang pagkakahimbing. * * * Oh, God, I love her! Ang mga salitang iyon ang umalingawngaw sa loob ng isipan ni Lyon habang hinihigop siya ng malakas na puwersang natagpuan niya nang marating ang kasukdulan ng kanyang pagna