Share

Chapter 3: Worst section

“Rain, mauuna na akong maligo, ah?” Sigaw ni Ayesha mula sa loob ng banyo. Agad naman akong bumangon para tignan ang schedule ko ngayong araw. 7:00 a.m to 1:00 p.m ang oras ng pasok, pang-second week na ito ng second sem ngayong araw, siguradong mahihirapan akong makisama sa mga magiging kaklase ko since magkakakilala na sila. Malamang din ay may kanya-kanya na silang grupo.

Sophomore pa lang ako kaya wala pa gaanong alam sa buhay college, sana lang ay maging masaya ang pag-aaral ko rito at sana makatapos ako ng maayos, hindi ko naman kasi alam kung ano ang rason ng biglaan kong paglipat ng school, isang araw nabigla na lang ako nang sabihing kasama ako sa exchange program na mangyayari sa school.

Hindi ko na rin sila kwinestiyon dahil malaking opportunity rin ang mag-aral sa ganitong kagarang eskwelahan, kung tutuusin nga ay maswerte ako dahil libre ang tuition ko. Wala akong kahit anong babayaran, ang tanging gagawin ko lang ay ang mag-aral nang mag-aral.

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na rin ako sa pag-asikaso. Napansin ko pa na magkaiba ang uniform namin ni Ayesha, although parehong kulay puti ang pangloob namin at itim ang blazer ay hindi naman nagtutugma ang logo na nakaburda sa kaliwang bahagi ng blazer namin. Kulay blue kasi iyong sa akin, samantalang ‘yung sa kanya ay kulay brown.

“Ayesha, bakit magkaiba ng kulay ‘yung logo ng uniform natin?” Ignoranteng tanong ko habang nag-aayos siya ng buhok sa harapan ng salamin.

“Ah, hindi ko pala na-explain sa’yo kahapon. Brown symbolizes amiable, yung blue ay keen, red for robust, purple for probity at black naman ‘yung mga insolent.” Paliwanag niya habang nakaharap pa rin sa salamin. Tumango-tango naman ako at inayos ang mga gamit ko. Mukhang organize na organize ang school na ito, nakakacurious tuloy kung sino ang nakaisip ng lahat ng ito. “Ano nga palang section mo? Baka pareho tayo.”

“Hmm 2-A. Ikaw?” Bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang lipstick at tumayo para lang hawakan ako sa magkabilang balikat. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya dahil sa naging reaksyon niyang iyon. May mali ba akong nasabi?

“You can’t be serious! Bakit nasa devil’s section ka?” Medyo may pagka-oa na tanong niya kaya mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko.

“Devil’s section?” Tumango siya at hinatak ako para maupo. Balak pa yata niyang makikipagkwentuhan sa akin. Quarter to 7:00 na kaya, baka ma-late kami. Unang araw ko pa naman.

“Nandoon kasi ang dark kaya ‘yon tinawag na devil’s section. Nako, Rain! Be careful okay? Wag na wag mong tatangkaing lapitan or kausapin sila. Isang suicide ‘yon.” Bilin niya at napangiwi lang ako. May isa namang mabait sa kanila, eh. That guy from last night. I’m sure hindi niya ako sasaktan, I know he’s different.

“Dito na lang Rain, ah? Basta nasa 4th floor, kaliwang side ‘yung classroom mo.” Paalala ni Ayesha nang ihatid niya ako sa tapat ng elevator.

“Noted po, salamat.” Pumasok na ako sa loob ng elevator at hindi maiwasang makaramdam ng kaba. Pagtungtong ko naman ng 4th floor ay agad akong nakarinig ng ingay, and if I’m not mistaken ay galing iyon sa classroom na tinutukoy ni Ayesha which is iyong magiging section ko.

Dahan-dahan akong lumapit doon at napahigpit ng hawak sa strap ng suot kong bag. Tama nga ako, rito nanggagaling ang ingay. Huminga ako ng malalim bago kumatok pero hindi pa man din tumatama ang kamay ko sa pintuan ay bumukas na iyon. Halos malaglag pa ang panga ko dahil bumungad sa akin iyong lalaki. Ang gwapo niya talaga kahit blangko ang ekspresyon niya.

“Dito ang klase mo?” Walang emosyong tanong nito habang nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa at ang isa naman ay nakahawak sa sliding door.

“Ah oo.” Tumango ako at agad naman siyang tumabi sa gilid para pinto bigyan ako ng daan.Gwapo na, gentleman pa. Iyon ba ‘yung nakakatakot na sinasabi nila Ayesha? Ngumiti na lamang ako na tila nahihiya at pagpasok ko sa loob ay biglang natahimik ang buong classroom.

Nabigla pa ako nang makitang may professor sa harapan. Bakit ganoon na lang sila kaingay kahit na may guro sa harapan? Ang dami pang papel sa sahig at gulo-gulo ang ibang upuan na parang akala mo’y dinaanan ng isang malakas na ipo-ipo.

“Okay guys! Maupo na kayo.” Sabi ng lalaking professor na mukhang nasa mid 40’s na. Nagsisunuran naman ang mga estudyante sa sinabi niya at base sa una kong tingin ay nasa 24 silang lahat. Kung hindi rin ako nagkakamali ay may tig-limang estudyante na mula sa Keen, robust, amiable, probity at insolent ang narito. How nice of the school’s management. Organize na organize talaga pagdating sa kind ng mga estudyante.

“You’re the exchange student?” Tanong ng prof kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Nahihiya akong tumango habang nasa harap ng buong klase. “Go and introduce yourself.”

Mas lalo akong lumapit sa gitna kung saan nakita ko ang pag-upo ng lalaking tumulong sa akin kagabi. Nahagip din ng paningin ko si Thunder na ang sama ng tingin sa akin ngayon. Ano bang problema niya sa akin? Hanggang ngayon ba ay may sanib siya?

“Hi, good morning. I'm Rain Celvero. Niceㅡ”

“It’s not nice to see you.” Pagputol ni Thunder sa pagpapakilala ko, dahilan para magtawanan ang ibang kaklase. Napailing na lamang ako bago tumingin sa prof para malaman kung ano ang susunod niyang instruction.

“Occupy the vacant chair between Mr. Cross and Mr. Villaruel.” Sabi nito at isang suicide iyon panigurado dahil iisa lang ang bakanting upuan na nakikita ko rito sa loob ng classroom. Ramdam kong natuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa dalawa.

Swerte dahil katabi ko sa kanan si pogi at malas naman dahil katabi ko sa kaliwa si Thunder. Mukhang nakatadhana yatang magtagpo tagpo ang buhay namin. Huminga na lamang ako ng malalim nang mapansing nasa akin ang  lahat ng atensyon habang naglalakad ako papunta sa magiging upuan ko. Hindi naman nawawala ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Thunder, kung nakakamatay lang ang tingin niya, malamang ay kahapon pa ako nakaburol.

Hindi ko na lang gaanong pinansin at naupo na sa upuan, ramdam na ramdam ko pa ang itim na aura sa kaliwang side ko. Pinilit kong wag nang lumingon sa kanya at inilapag na lamang ang bag ko sa gilid.

”Okay, graded recitation tayo ngayon.”  Announce ng prof na ikibinagsak ng balikat ko. Nagsimula ulit mag-ingay ang mga kaklase ko habang ako, ito. Nganga. Inaasahan ko naman na na mahihirapan akong mag-adjust sa unang araw pero graded recitation? Sana lang ay madali ang mga tanong na ibabato ng prof para kahit paano ay makasabay ako klase. “It is a financial ratio used to gauge a company’s liquidity.”

Napangiti ako nang marinig ang unang tanong kaya naman nagtaas ako ng kama, dahilan para lahat ng kaklase ay mapatingin sa akin. Medyo nakakairita na rin sila sa totoo lang. “Yes Ms. Celvero?”

“Quick ratio.” Tipid na sagot ko at biglang lumingon sa akin iyong lalaking nasa harapan ko. Miyembro siya ng dark, siya ‘yung hindi ko alam kung nginitian ba ako kagabi o hindi. Medyo kulot ang buhok niya at kung titignang mabuti ay mukha naman siyang friendly.

“Nice!” Nag-thumbs siya sa akin kaya napangiti ako ng pilit.

“How do you calculate working capital?” Nagtaas ulit ako ng kamay sa pangalawang tanong dahil alam ko ang sagot, napag-aralan ko na kasi ito, ilang beses na rin kaya kabisado ko na.

“Current assets minus current liabilities.” Sagot ko at nakatanggap na ako ng death glares mula sa ibang keen na narito sa loob, dahil doon ay hindi na ako nagtaas ng kamay sa sumunod na questions dahil sa takot na baka hindi na ako makalabas ng buhay sa classroom na ito.

“Masiyadong pabida.” Rinig kong bulong ni Thunder kaya naman nilingon ko ito.

“Bakit?” Maangas na tanong niya at umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Iiwas ako sa gulo, iiwas ako sa mga kagaya niya, pakikinggan ko na lang ang mga payo ni Liam at Ayesha sa akin. Bago pa lang ako rito kaya hindi magandang ideya kung babanggain ko ang leader Dark. If I want to survive here, kailangan kong iwasan itong lalaking nasa kaliwa ko. As long as I can, hindi ko siya papansin ako. “Hey stupid. I’m talking to you!”

“Hindi ka ba pwedeng tignan?” Hindi ko napigilan ang sarili at itinanong iyon. Damn it! Kakasabi ko lang na hindi ko siya papansin pero mukhang mahihirapan ako. Naiinis na ako sa presensya niya sa totoo lang at isa pa kahit naman na ganito ako ay marunong pa rin akong lumaban kapag alam kong sumosobra na.

“What makes you think that you can talk to me that way?” Tanong niya bago ngumisi kaya napairap ako. Siraulo pala ang isang ito, eh. Nagagalit siya kapag hindi ko sinagot ‘yung tanong niya tapos ngayonh sumagot ako, magagalit pa rin siya. Kakaiba.

“What’s happening there?” Tanong ng prof at umayos naman ng pagkakaupo si Thunder na akala mo’y siya ang pinamataas na tao rito.

“Bakit Sir? Gusto mo makisali?” Walang modong tanong nito nang ipatong niya ang mga paa niya sa lamesa ng kanyang upuan. Anong klasing ugali ba mayroon ang lalaking ito? Hindi na nga niya ginalang ‘yung prof, binastos niya pa. Sarap turuan ng leksyon nito.

“Excuse me, hindi ka ba tinuran ng magulang mo kung paano makitungo sa mga matatanda?” Ubos pasensya kong tanong, dahilan para mabigla ang parang ang lahat. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin kapag tapos nito, wala rin akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga kaklase. Sumosobra na talaga ang isang ito, I can’t stand his attitude.

“Ah, Ms. Celveroㅡ” Tawag ng prof sa akin pero pinutol iyon ni Thunder.

“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo.” ibinaba niya ang mga paa niya at tumayo sa harapan ko habang nakabulsa ang mga kamay nito sa suot na panatalon. Aaminin ko, kinakabahan ako at natatakot sa pwede niyang gawin sa akin pero wala, nagalit ko na yata siya. Wala ng atrasan ‘to.

“Malinaw naman ‘yung pagkakasabi ko. Gusto mo bang englishin ko pa para mas maintindihan mo?” Lakas loob kong tanong sa kanya kahit sa totoo lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Mas nadagdagan pa ang takot ko nang magpakawala siya ng nakakakilabot na pagtawa kasabay bigla niyang pagseryoso at paghawak sa leeg ko. 

Lahat ay tahimik at walang umiimik, maging ang prof ay wala man lang nasabi sa ginagawa sa akin ng lalaking ito. Wala man lang bang tutulong sa akin?

“Thunder.” Tawag ng pamilyar na boses at kahit hindi ko lingunin ay alam kong si pogi ang tumawag sa kanya. I smiled internally.

“Wag kang mangialam dito, Jiro.” Madiing sabi ni Thunder kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Iyon ang naging dahilan para mas unti-unti niyang higpitan ang pagsakal sa akin. Gusto kong maiyak, hindi na ako makahinga. Balak ko sana siyang sipain sa parteng labis niyang pagsisisihan ngnunit bigla na lang niya akong binitawan dahil hinawakan ng isa niyang kagrupo ang sugat niya sa braso.

“Damn Axel! Ano ba?!” Sigaw ni Thunder at tumawa lang iyong lalaking tinawag niya sa pangalang Axel. Hindi ko naman namamalayan na hatak-hatak na pala ako ni Jiro. Hinila niya ako hanggang sa makalabas kami ng classroom.

“S-saan mo ako dadalhin?” Tanong ko ngunit marahas niya akong binitawan at saka humarap sa akin. Naghintay ako sa sasabihin niya pero ni isang letra ay wala siyang sinabi at basta na lang umalisnang walang kibo.

Napahawak na lamang ako sa leeg ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ng demonyong iyon. Paano niya nagagawang manakit ng babae? Pati ‘yung prof ay takot sa kanya. Tss! Dapat sa mga gaya niya ay kinikick-out, eh.

“Keen ka ‘di ba? Dapat alam mo kung saan ka lulugar.” Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Isa siya sa mga kaklase ko, ang nag-iisang may kulay green na buhok sa classroom. Robust, doon siya nabibilang.

“Pasensya ka na, hindi kasi ako iyong tipo na tumatahimik lang kapag alam kong may mali sa paligid.” Sabi ko habang hinihimas himas ang leeg ko. Ngumiti siya ng bahagya at inabot ang kamay niya sa akin.

“Tymee.” Pakilala nito. “Rain right?” Dagdag niya bago ko pa maipakilala ang sarili ko. Tumango na lang ako at nakipagkamay sa kanya.

“May isang advice lang ako. Kung gusto mong makatagal dito, wag na wag mong babanggain ang grupo ni Thunder. And another thing, ‘yung dating nakaupo sa inuupuan mo kanina? She tried to commit suicide because of bullying. At ngayong nagkapalit na kayo ng kalagayan, it’s better if you will stay away from dark.”

Naglakad na siya palayo at para bang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan matapos malaman ang bagay na iyon. Ganoon ba talaga kalala ang grupo ni Thunder? Tsk. Wrong move. Mukhang kailangan ko na yatang itikom ang bibig ko at magbulag-bulagan sa paligid dahil kung hindi, baka ako na ang sunod na magtangkang mag-suicide. And I will never let that happen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status