NAKANGITI kong kinuha sa kanila isa-isa ang mga bulaklak. "Salamat, mga bata, nag-abala pa kayo." Marahan kong hinimas ang mga ulo nila.
Tumango ako kay Hurisa nang hawakan niya ang balikat ko upang magpaalam.
"Maliit na bagay lamang iyan kumpara sa pag-aalaga mo amin, Binibini. Kung hindi dahil sayo ay baka patuloy pa rin kaming naghihirap para lamang makakain," wika ng pinakamatanda sa kanila sa edad na walo. Bahagya akong nagtaka dahil hindi naman siya ganoong magsalita dati.
"Ang bata mo pa para sa mga isiping iyan, ang dapat ninyong gawin sa edad ninyo ay maglaro at huwag isipin ang mga komplikadong bagay," nakangiti kong wika sa kanila. Tumango naman sila na tila ba naintindihan ang aking sinabi.
"Mabuti na rin iyon upang maging mulat sila habang bata pa, Aliara," wika ni Adrina na biglang sumulpot sa tabi ko. Gusto ko siyang batukan dahil sa kaniyang sinabi ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang batang ito talaga, dalawang araw pa lamang ang inilalagi dito ngunit tila komportable na at alam na ang lahat ng bagay.
"Ikaw ba ang nagturo sa kanilang magsalita na tila may gulang na, Adrina?" nanliliit ang mata kong wika.
"Sinabi ko lamang sa kanila na hindi katulad ng iniisip nila ang mundong ito. Hindi lamang tungkol sa paglalaro ang buhay, hindi laging masaya," walang emosyong aniya.
Bumuntong hininga ako at marahan siyang hinila palapit sa akin. "Maglaro na ulit kayo mga bata. Salamat muli sa mga bulaklak na ibinigay ninyo, nagustuhan ko." Matamis ang ngiting ibinigay ko sa kanila.
Nakangiti silang nagtakbuhan palayo sa amin.
"Hindi mo dapat sinasabi sa kanila ang mga ganoong bagay, Adrina. Masyado pa silang bata para mamulat sa reyalidad ng mundong ito," malumanay kong wika. Tumitig lang siya sa akin kaya umiling ako, inakbay ko ang braso sa kanyang balikat. "Alam mo bang masyado kang seryoso, Adrina? Dapat ay makisali ka nalang sa paglalaro nila katulad ng kapatid mo." Itinuro ko ang kapatid niya na sinusubukang makisabay sa paglalaro ng mga bata.
"Hindi na ako bata para makipaglaro sa kanila." Inismiran niya ako kaya nangunot ang noo ko.
"Ilang taon ka na ba, Adrina?" nanunuya kong tanong.
"Sampung taong gulang na ako, Aliara. Hindi na ako bata." Seryoso niyang itinuon ang tingin sa kapatid.
"Ngunit bata pa ang gulang na sampu, Adrina," gulat kong wika. Nais ipaintindi sa kaniya ang sinabi. Gusto kong tumawa at asarin siya ngunit masyado siyang seryoso. Ang akala ko ay pitong taon pa lamang siya dahil mas maliit siya sa kaniyang edad.
"Para sa akin ay hindi na bata ang gulang na sampu, Aliara," masungit niyang wika. Umiling-iling lamang ako.
"Napakaganda mo talaga, Binibining Aliara." Napatingin ako sa batang babaeng nagsalita na sa tingin ko ay nasa edad na apat, mukhang kanina pa nakatitig sa akin, ngayon ko lang napansin.
Kinalas ko ang pagkakaakbay kay Adrina at lumapit sa bata, umupo ako sa harap niya upang magpantay ang aming paningin.
"Di hamak na mas maganda ka sa akin." Marahan kong hinaplos ang mukha niya, kinuha ko ang isa sa mga bulaklak na hawak ko at pinutol ang mahabang tangkay nito pagkatapos ay inipit ko sa tainga niya.
"Talaga, Binibini?" kumikislap ang mata niyang tanong, hinawakan niya ang bulaklak na nilagay ko.
Napakainosente niyang tingnan, sana ay ganito rin si Adrina.
"Oo naman, ikaw ang pinakamagandang bata dito," nakangiti kong wika. Lalong kuminang ang mga mata niya at matamis na ngumiti.
"Sasabihin ko ito sa aking mga kalaro." Mabilis siyang humalik sa pisngi ko at tumakbo patungo sa mga bata. Tinanaw ko siya na masayang ibinibida sa mga kalaro ang aking sinabi.
"Unti-unti ko talagang napapatunayan na mabuti ang iyong puso, Aliara," wika ni Adrina na siyang nakaagaw nang atensyon ko.
"At patutunayan ko naman na bata ka pa sa gulang mong iyan." Tumayo ako at ginulo ang kaniyang buhok ngunit umismid siya at iniwas ang sarili.
"Mapapatuyan mo ba kung iluluto ko ang iyong alagang ibon?" aniya.
Agad na nanlaki ang mata ko, ang batang ito talaga.
"Huwag na huwag mong gagalawin si Vivi," banta ko sa kanya. "Vivi!" tawag ko sa aking alaga na nagpapahinga sa malapit na puno, agad itong dumapo sa balikat ko.
"Mahal kong binibini. Mahal kong binibini."
Masama akong tumingin kay Adrina na hindi naman mababakasan ng emosyon ang mukha. Kalaunan ay inirapan ko siya at naglakad na patungo sa aking silid upang magpahinga.
UMALINGAWNGAW ang kalansing ng aking espada nang tumama iyon sa braso ni Matias, ang kasalukuyan kong katunggali bilang parte ng aming pagsasanay ngayong araw.
"Mandaraya," nanliliit ang mata kong wika.
Napagkasunduan naming hindi maaaring gumamit ng kapangyarihan habang nag-eensayo ngunit ginamit niya ang kaniya, mabilis na naging bato ang braso niya nang isalag niya iyon mula sa atake ko. Iyon ang kaniyang kapangyarihan, kaya niyang gawing bato ang kaniyang sarili anumang oras na gustuhin niya na siyang madalas na nakakapagpanalo sa kaniya sa laban.
"Patas lamang ako dahil ginagamit mo ang iyong taglay na bilis." Ngumisi siya at muling sumugod sa akin.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya, gamit ang taglay kong bilis ay agad akong nakarating sa likod niya at itinutok sa leeg niya ang talim ng aking espada.
"Kung ginagamit ko ang aking kapangyarihan ay kanina pa sana kita nagapi, Matias," wika ko. Lalo pang inilapit ang talim sa kaniya nang akma siyang gagalaw ngunit mabilis na naging bato ang parteng iyon ng katawan niya kaya hindi siya nasugatan.
Sinalag niya gamit ang dulo ng kaniyang espada ang akin dahilan upang mawala ito sa pagkakatutok sa kaniya. Umigting ang panga ko at muling sumugod sa kaniya, agad siyang yumuko upang maiwasan iyon.
Siya naman ang naunang sumugod, muling kumalansing ang aming espada nang magtama iyon.
"Walang patutunguhan ang laban ninyong dalawa. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ngunit walang nananalo, puro na lamang pagsangga at pag-iwas."
Sabay kaming napatingin ni Matias sa nilalang na nagsalita sa gilid namin, si Adrina. Seryoso siyang nakatingin sa amin, nasa likod ang dalawang kamay. Natawa ang iilang mga nagsasanay sa paligid dahil sa pagpuna niya ngunit agad ding nagsipagbalikan sa ginagawa.
Nagkatinginan kami ni Matias, sabay na napailing at parehong binawi ang mga espada. Ang batang ito talaga, nasasanay na sa pagsali sa ginagawa ng mga matatanda.
SA halip na ituloy ang laban ay itinuon ko na lamang sa kaniya ang aking atensyon. "At bakit mo naman kami pinagmamasdan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na makipaglaro ka na lamang sa mga batang katulad mo?" wika ko habang isinisilid ang espada sa kaha nito. Tiningnan niya ang mga batang naglalaro sa malayong banda at paismid na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba ay sinabi ko rin sa iyo na hindi na ako bata para maglaro?" sarkastiko niyang wika. Agad na kumunot ang noo ko, pinipigilang mainis sa paslit na kausap. "Sino ba ang mas may gulang sa atin? Dapat ay makinig ka sa mas may gulang sa iyo." "Gulang lamang ang lamang mo sa akin, Aliara," seryosong aniya, hindi handang magpatalo. Lalong nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Nais ko ring mag-ensayo. Nais kong matutong makipaglaban katulad mo," seryoso niyang wika na nakapagpagulat sa akin. "Bakit mo naman nanaisin na matutong makipaglaban? Masyado ka pang bata par
INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo." Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko. "Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong. Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya. Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo." Agad siyang napangisi
"ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n
"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw
TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi
SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan