Share

Kabanata 13

SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi.

"Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama."

"Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan."

Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?"

"Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini."

"Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya.

Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli.

"Hindi ba?"

"Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status