"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay.
Inabot ko kay Adrina ang hawak.
"Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko.
"Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay."
"Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya.
"Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya.
"Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika.
Hindi agad siya nakasagot, matagal na tumitig sa akin bago bumagsak ang balikat at bumuntong hininga.
"Naiintindihan ko," tumatangong aniya. "Ngunit kapag tuluyan na akong natuto sa pakikipaglaban ay hindi na ako papayag na hindi ako tumulong sa iyo, Aliara," seryoso niyang wika. "Kaya ko ninais na matuto ay para makatulong."
Tumaas ang kilay ko. "Sige, ngunit kailangan mo muna akong matalo bago ko hayaang sumama ka sa amin," nakangisi kong wika.
Agad namang lumiwanag ang kaniyang mukha."Asahan mo iyan, Aliara. Pagbubutihin ko ang pagsasanay hanggang sa magkaroon ako ng kakayahang matalo ka," determinado niyang wika. Tumango-tango lamang ako, humahanga sa kaniyang sinabi.
"Sige. Magsanay ka nang muli." Iiwan ko na sana siya ngunit napahinto noong muli siyang magsalita.
"Saan ka pupunta?" tanong niya, seryosong muli.
Luminga-linga ako sa paligid bago muling lumingon sa kaniya, akala ko ay may iba siyang kinakausap.
"Sa talon lamang," sagot ko. Nagtaka ako dahil hindi nagbago ang seryoso niyang mukha, tila anumang oras ay papagalitan niya ako.
"Sa talon na pinuntahan mo kahapon?"
"Hindi, hindi roon," sagot ko na lamang, ayaw ng pahabain pa ang usapan.
Tumango siya at tila nakahinga nang maluwag. "Sige, humayo ka na at huwag kang magpapaabot pa ng dilim."
Tumango na lamang ako kahit pa puno ng pagtataka. Naglakad na ako patungo sa tapayan upang ibalik ang tasa.
Nabasa niya kaya ang mga kilos ko kagabi? Alam niya kaya na may nakatagpo akong lalaki sa talon?
Napailing na lamang ako at ginamit ang bilis ko upang makarating sa mas malapit na talon. Tulad ng sinabi ko ay hindi na dapat ako bumalik doon para katagpuin ang ginoong iyon.
Tago din ang talon na ito ngunit maraming sirena ang pumupunta dito dahil halos malapit lamang ito sa dagat at may iilan ding nilalang ang nagpupunta dito. Maganda ang talon na ito dahil sa dami ng mga tumutubong bulaklak at halaman sa paligid sa tulong ng presensya ng mga sirena. Ngunit para sa akin ay mas maganda ang talon na lagi kong pinupuntahan ngunit wala na akong pagpipilian dahil sinabi ko kay Sevasti na araw-araw akong pumupunta roon kaya lagi siyang babalik upang masilayan ako.
Masarap pakinggan at isipin ngunit hindi maaari. Pinagsisisihan ko tuloy ang sinabi ko pa sa kaniya na araw-araw akong nagtutungo roon. Kahangalan.
"Mukhang naligaw ka rito, Aliara," wika nang isa sa mga sirenang nakaupo sa bato, kulay pilak ang kaniyang buntot.
"Simula ngayon ay dito na ako pupunta upang maligo," nakangiti kong wika, inuumpisahan nang hubarin ang aking kasuotan. Pinagmasdan ko silang apat, tunay talagang magaganda ang mga sirena ngunit wala pa rin sa kanila ang papantay sa aking kagandahan. Gusto kong matawa sa aking naisip ngunit agad kong pinigilan.
"Hindi ba ay inari mo na ang talon sa hilaga?" wika ng may kulay lila at itim na buntot. Hindi ko alam ang kanilang mga pangalan ngunit kilala ko ang mga mukha nila dahil minsan ko na rin silang nakakausap noon, kaya alam nila ang aking pangalan.
"Pinagbawalan mo pa kaming magtungo roon. Anong nangyari?" wika naman ng may kulay kahel na palamuti sa buhok. Hindi ko makita ang kulay ng kaniyang buntot dahil nakalubog siya sa tubig ngunit nasisiguro kong kahel din iyon. Kung anong kulay ng kanilang buntot ay siya ring kulay ng kanilang palamuti.
"Iba na ang nagmamay-ari ng talon na iyon," sagot ko, itinira lamang ang panloob sa aking katawan na manipis na bistidang puti. Lumapit ako sa isang puno at doon isinabit ang aking damit.
Lumusong na ako sa tubig ngunit nagulat ako noong biglang sumulpot ang sirenang may kulay rosas na palamuti sa kaniyang buhok sa aking harapan.
"Sino na ang nagmamay-ari ng talon, Aliara?" nagtataka niyang tanong, puno ng kainosentehan ang mukha.
Umiling lamang ako at umiwas sa kaniya, tumungo ako sa mas malalim na parte ng tubig.
"Sige na, Aliara, sabihin mo na. Nagtataka lamang kami kung paano ka niyang napaalis sa talon," wika ng may kulay kahel na buntot. Bumuntong hininga ako, ito ang ayaw ko sa mga sirenang ito, masyado silang mausisa.
"Hindi niya ako pinaalis, ako ang kusang nagpaubaya," wika ko. Muli akong nagulat nang sumulpot na naman sa aking harap ang parehong sirena, may pilyong ngiti na sa kaniyang labi.
"Kung gayon ay isa ba siyang ginoo?" tanong niya. Agad na kumunot ang noo ko at kinagat ang labi ko dahil hindi ko mapigilang mahawa sa kaniyang ngiti, ang ngiting may nais iparating.
Tumalikod ako sa kaniya ngunit nahagip naman ng paningin ko ang mga sirena na nanunukso na rin ang mga tingin at ngiti.
"Araw-araw na ba siyang pupunta sa talon kaya hindi mo na nais pang tumungo doon?" tanong ng may kulay pilak na buntot.
"Kung gayon ay iniiwasan mo siya, Aliara?" wika ng isa pa.
"Pangit ba siya kaya iniiwasan mo?" nagtatakang tanong ng malapit sa akin.
"Hindi." Muli akong umiwas sa makulit na sirenang ito. "Ang totoo ay isa siyang makisig na ginoo," wika ko, hindi maiwasang magmalaki.
"Kung gayon ay bakit mo siya iniiwasan?" tanong niyang muli na nasa tabi ko na naman.
"Hindi ko siya iniiwasan, Sirena." Tumungo na lang ako sa mababaw na tubig at isinalok ang palad ko dito, tapos ay inihilamos ko sa aking tila nag-iinit na pisngi.
"Nakikita ko ang pamumula ng iyong mukha," wika ng may kulay kahel na buntot, hindi ko namalayang nakalapit na rin pala sa akin. Gusto kong umirap at mainis ngunit tila natutuwa pa ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila. "May nangyari ba sa talon na ayaw mo nang balikan pa?" nanunuya aniya.
"Wala!" mabilis kong sagot. Agad na naitikom ang aking bibig dahil napalakas iyon, kita ko pa ang gulat sa dalawang nasa harap.
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw
TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi
SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan
"ANONG ginagawa ninyo dito, mga verdantes?" tanong ko. Patungo ako sa talon kung saan naroon ang mga Sirena upang maligo ngunit namataan ko sila dito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Tatlo lamang sila at hindi kabilang ang kanilang pinuno na si Dardo. Mayabang na humarap sa akin ang nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay at dinala ang aking kamay sa espada ko, handa silang kalabanin kung gagawa sila ng maling kilos. "Namamasyal lamang kami, Binibini," aniya. Bahagya siyang umatras nang makitang hinawakan ko ang aking espada. "Namamasyal?" sarkastiko akong ngumiti. "At saan naman kayo papasyal dito sa Kozania, Verdantes? Kabisado ba ninyo ang lugar na ito?" at masamang tumingin sa kanila. "Paumanhin, Binibini. Aalis na kami," wika nang isa sa kanila, isinenyas ang kamay sa mga kasama upang yayain paalis. "Tama, umalis na kayo kung ayaw ninyong putulin ko ang inyong mga sungay," tiim bagang kong wika. Agad silang nag-atrasan nang uma
PINAGMASDAN ko ang munting bahay sa aking harapan, maliit at gawa sa bato, halatang abandonado na. Ilang araw din ang inabot bago namin natagpuan ang lugar na ito. "Ito ang tinuluyan nila bago sila paslangin," wika ni Matias sa aking tabi. "Paslangin. Paslangin," wika ni Vivi na nakadapo sa balikat ko. Binuksan ni Matias ang pinto at pinauna akong pumasok sa loob, agad kaming nagkaintindihan nang magtama ang aming mga mata, tumango ako at pumasok na. Tumambad sa amin ang magulong kagamitan sa paligid, mayroong isang silid ang bahay at agad na pumasok si Matias doon. Hinintay ko lamang siyang lumabas habang nagmamasid sa paligid. Halata ang pagmamadali ng mga nilalang na nanggaling dito, tila may hinahanap. Ilang sandali lamang ay lumabas si Matias hawak ang isang kulay rosas na tela. Tinitigan ko ito nang inabot niya sa akin, hindi na ako nagulat nang makita ang nakaburdang pangalan dito. "Siya nga," wika ko, sigurado. "Ngayon
"NINAKAWAN mo rin ba siya ng halik kaya ngayon ay sinisingil ka niya?" muli niyang wika na agad nagpakunot ng noo ko. "Hindi ko siya ninakawan ng halik. Siya nga ang gustong magnakaw sa akin ng halik!" giit ko. Akala niya ba ay kung sino-sinong ginoo ang ninanakawan ko ng halik? Hangal. Siya lang naman ang nag-iisang nilalang na ninakawan ko ng halik, ngunit hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya iyon. Nanlaki ang mata ko nang salubungin niya agad ng halik ang labi ko. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib upang itulak sana siya palayo ngunit sadyang taksil ang katawan ko dahil gusto nito ang halik na iginagawad sa akin ng ginoong ito. Matagal, sabik at magpahanap ang kaniyang halik, halos habulin ko pa ang kaniyang labi nang bumitaw siya. Nanatiling magkadikit ang aming noo, ilang beses akong suminghap ng hangin habang nakatingin sa nang-aakit niyang labi. Parang noong nakaraang araw lang ay nag-aalinlangan kang tanggapin ang pag-ibig niya dahil isa
"SINO iyon?" Hinihingal na tanong ni Matias nang makalapit sa akin. "Anong nangyari?" "Isa na namang bisita ngayong gabi," tiim bagang kong wika. "Bisita?" Sa kaniya ko ibinaling ang matalim kong tingin. "Simula ngayon ay may magbabantay na tuwing gabi sa ating kuta. Siguraduhin mong hindi na mauulit ang biglaang pagdating ng ating mga bisita," wika ko bago siya talikuran. Kung kanina pa sana siya nagising ay nahuli namin ang nilalang na iyon. Kung kailan'g hindi na siya kailangan ay ngayon pa siya dumating. "Hindi lang ba ang nilalang na iyon ang nakalaban mo? Sino ang nagpadala sa kanila?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Inis ko siyang nilingon. "Sino nga ba ang pakay nila, Matias? Hindi naman ito nangyayari noon dahil takot ang mga nilalang na pumunta sa ating kuta. Sino ang maglalakas loob na magpadala ng tauhan dito?" sarkastiko kong tanong. Napahinto naman siya at agad napagtanto ang mga pangyayari. "Ang mag