Mahigit isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Astin. Naiinip na siya. Naglaro na siya lahat ng games sa cellphone ay wala pa rin ito. Hinatiran lang siya ni Romel ng miryenda. Nakailang sulyap siya sa pintuan pero walang Astin na pumasok. Hinigit niya ang bag at inayos ang sarili. Kailangan na niyang umuwi ng bahay. Akmang tatayo siya nang bumukas ang pinto. Ang buong akala niya ay si Astin, si Romel lang pala. Nalungkot siya bigla.
“Male-late lang daw po ng balik si Sir, Ma’am,” imporma nito sa kanya. Tumango lang siya dito. Lumabas din ito agad pagkasabi.
Kasama pa kaya nito si Elisa? tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon. Sino kaya si Elisa sa buhay ni Astin?
Sumandal siya sa upuan dahil nakaramdam siya ng pangangalay ng ulo. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Napamulat siya ng mata ng maramdaman ang paghaplos ng isang kamay sa mukha niya. Nakangiting mukha ni Astin ang nabungaran niya.
“Did I wake you up?” tanong nito habang hindi inaalis ang kamay sa mukha niya.
Umiling siya sa binata. Tumango-tango naman ito sa kaniya.
Napaawang siya ng labi ng laruin ng daliri nito ang ibabang labi niya. Napasinghap pa siya ng gawaran siya nito ng mabining halik. Wala sa sariling tumugon siya sa halik nito kaya tumagal ang tagpong iyon. Napangiti ang binata nang bumitiw ito.
Bigla siyang nahiya dahil sa pagtugon dito. Ano na lang ang iisipin nito. Na gusto niya ang ginawa nitong paghalik?
“Come, let's have our lunch,” masuyong sabi nito sa kaniya.
Naging sunud-sunuran siya sa binata ng mga sumunod na sandali. Sa isang Italian restaurant sila kumain. Para silang real couple nang kumain. Pinagsilbihan siya nito. Likas na talaga sa binata ang sweet noon pa man pero wala lang sa kanya iyon. Lalo pa’t may Gael na siya. Na mahal niya.
Pagkatapos nila kumain ay nagpaalam na siya sa binata na mauna ng umuwi. Alam niyang may trabaho pa ito pero hindi ito pumayag na hindi siya maihatid ng bahay. Hinatid pa siya nito hanggang silid niya. Pero bago ito lumabas ng silid ay kinausap niya ito.
“Astin,”
“Yes?”
“T-totoo bang minamadali mo ang kasalang magaganap?”
Natigilan naman ito sa tanong niya. Matagal bago ito sumagot.
“Oo, bakit?”
“K-kelan?”
“End of the month. Kaya dapat hiwalayan mo na si Gael, Laura. Huwag mong hintayin na ako ang magsabi sa kaniya,” malamig na sabi nito.
Napahilamos siya sa mukha sa mukha niya. Sa susunod na linggo na iyon. Paano na sila ni Gael?
“Sigurado ka na ba sa papasukin natin, Astin? Hindi biro ang pagpapakasal. Sa tingin mo ba sasaya tayo kung isa lang ang nagmamahal? Sa tingin mo ba magwo-work ang marriage natin, gayong ikaw lang ang may gusto?” sunod-sunod na tanong niya na ikinatigil nito paghakbang palabas.
Nilingon siya nito na walang emosyon pagkuway ngumiti ito ng mapakla. “Alam kong matututunan mo din akong mahalin, Laura. Kaya bakit hindi natin subukan?” anito at lumapit pa sa kaniya. “Hindi ba ako kamahal-mahal para sayo?” dugtong pa nito.
Napakagat-labi siya sa tanong nito. “S-si Gael ang mahal ko, Astin. Siya ang pinangarap kong makasama habang buhay. Kapatid lang talaga turing ko sayo. Kaya please, itigil mo na ito habang maaga pa,” aniya at tiningnan ang reaksyon nito. Wala siyang mabasang emosyon dito. “Ayokong matali sa isang kasal na hindi ko gusto. Pakiusap, pag-isipan mo ito, Astin. Please?” naluluhang pakiusap niya at hinawakan niya ang kamay nito.
Pinalis nito ang kamay niya at umatras. “No, itutuloy natin ang kasal, sa ayaw at gusto mo. May puwang na ako sa puso mo, and I can feel it, laura. Susubukan natin. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin, eh di ako mismo ang mag-aayos ng lahat para lang mapawalang bisa ang ating kasal. Subukan lang natin,” anitong nakikiusap din.
Umiling-iling siya. Hindi siya sumasang-ayon sa gusto nito. Hindi pagkain ang kasal na isusubo nila at kung hindi magustuhan ay basta-basta na lang iluluwa. Hindi iyon ganoon kadali. Kasal ang pinag-uusapan dito. Nakataya din dito ang kalayaan nila. “Hindi… hindi ko kayang iwan si Gael, Astin. Mahal na mahal ko siya,” pagdidiin niya sa saalitang mahal baka sakaling magbago ang isip nito. Pero lalo yatang napasama dahil dumilim ang mukha nito at walang sabi-sabing lumabas ng kuwarto niya at pabalya nitong isinara ang pinto kaya napapitlag siya.
Hindi rin naman niya masabing si Gael na nga ang lalaking para sa kanya. Napaka-aga pa para sabihin iyon. Ayaw niya lang kasi matali sa kasal na labag sa kalooban niya.
Wala siyang ginawa maghapon kundi ang matulog. Hindi pa nagre-reply si Asia tungkol sa lecture nila ngayong araw. Alas-sais na siya nagising. Naglinis lang siya ng katawan at pumunta ng kusina para tumulong sa ibang gawain na nakaugalian na niya. Pagdating niya ay nadatnan niya ang ginang na naghihiwa ng mga rekados.
“Magandang gabi po, Tita,” bati niya dito.
Kumunot ang noo nito sa paraan ng pagtawag niya dito.
“Call me, Mama, anak,” anito sa kanya.
“Mama,” ulit niya. Pagkarinig ay ngumiti ito sa kanya ng matamis.
Calderetang baka ang niluluto ng ginang at ni Manang Ida. Nagprisinta na lang siyang maghugas ng mga pinaggamitan ng mga ito dahil hindi siya hinayaan ng Mama Kendra niya na tumulong sa pag-gayat. Dahil baka masugatan pa daw siya.
Hindi nila kasabay si Astin kumain dahil hindi pa ito umuuwi. Natanong siya ng Papa Kent niya kung may hindi ba sila napagkasunduan, wala naman ang sagot niya. Alam na din ng mag-asawa na sa katapusan na gaganapin ang kasal. Sa Hotel De Astin ang venue at sa Saint Michael the Archangel parish church sila ikakasal. Yun ang pagkakasabi ng ginang sa kanya. Pabor naman sana sa kanya kung gusto niya ang ideyang pagpapakasal ngayon. Sino bang babae ang hindi nangarap na ikasal sa simbahan? Pero siyempre, gusto niya sa tamang lalaki at sa tamang panahon. Hindi nga lang ngayon.
Kakatapos niya lang gumawa ng assignment at report para sa lunes. Wala naman siyang gagawin kaya nag-advance na siya. Tumingin pa siya sa bintana kung nandiyan na ba ang sasakyan ni Astin. Wala pa ito.
Naalimpungatan siya ng makarinig ng tunog ng sasakyan. Sa tingin niya hindi lang iyon isa. Sumilip siya sa bintana. Dalawang sasakyan ang huminto. Napakunot-noo siya ng makita si Ezi na bumaba. Akay nito si Astin. Bumukas din ang driver seat ng isang sasakyan at iniluwa si Elisa. Hindi siya pamilyar sa mukha ng isa na bumaba mula sa shotgun seat. Napahawak siya sa dibdib niya ng biglang kumirot.
Namalayan na lang niya ang sariling sinalubong ang mga ito. Pagdating niya sa baba ay siya ring labas ng Mama Kendra niya.
Lasing na lasing si Astin. Naririnig niya ang kanyang pangalan kaya napapatingin ang naroon sa kanya.
“Oh my God, anak! Ano bang nangyari sayo?” nag-aalalang sabi ng ginang at nilapitan ang anak nito. “What happened, Ezi?” tanong nito at bumaling sa matalik na kaibigan ng binata.
Nagkibit-balikat lang ito sabay sabing, “Pagdating po namin nakailang bote na ng alak. Pasensya na po Tita. Pinagalitan na nga po yan ni Tito Dane pero hindi nakinig,” ani ni Ezi at pinaupo ang binata sa sofa.
Tumingin sa kanya si Ezi at ngumiti. Napalingon silang lahat sa dalawang babaeng pumasok. Nakakunot-noo ang ginang pagkakita sa dalawa.
“Elisa, anong ginagawa mo dito? Does your mother know you’re here? Late na, ah!” pagalit na sabi nito kay Elisa.
“No, Tita. Please, don’t tell mom,” pakiusap nito habang nakipag-beso sa ginang.
“Okay. Basta ba diretso uwi, huh?”
“Yes po. Tara na, Ez,” yaya nito sa kaibigan ni Astin kapagkuwan.
Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya. Pakiramdam niya ilap si Elisa sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit.
Inakay nila ng ginang ang binata hanggang sa kuwarto nito. Siya na ang nag prisinta na punasan ang binata. Panay ang daing nito habang pinupunasan ito.
“Laura,” anas nito at pabaling baling sa higaan.
Napatingin siya sa mukha nito. Mukhang nanaginip.
“No. No...” pasigaw na sabi nito kaya naman ginising niya ito. Nagmulat lang ito saglit at pumikit ulit. Marahil ay sa kalasingan. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Napahigpit iyon kaya napadaing siya. Mayamaya ay lumuwag din iyon. Napatingin siya sa mukha nito. Payapa na itong natutulog. Pagkatapos niyang punasan ang binata ay kinumutan niya ito saka lumabas ng silid nito.
Bago siya nahiga sa kama niya ay nag-tipa pa siya ng mensahe para kay Gael. Sinabi niya dito kung saan sila magkikita bukas at kung anong-oras.
Nagising si Laura kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock ng cellphone niya. Nakalimutan niyang sabado nga pala ngayon. Papungas-pungas na pinatay iyon. Napaupo siya bigla nang makita ang reply ni Gael sa text niya kaninang madaling araw. Hindi pa siya tapos magtipa ng reply nang bigla itong tumawag. Agad na sinagot niya iyon."Good morning, Love," bungad nito sa kanya.Napangiti siya ng marinig ang boses nito. Hinigit niya ang unan at dumapa saka nagsalita, "Morning din-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may humablot na ng cellphone niya at ibinato iyon sa pader ng silid niya.Gulat na napa-upo siya sa kama at tiningnan ang cellphone na basag.Nagtaas siya ng tingin. Madilim na mukha ni Astin ang sumalubong sa kanya.
"Where have you been?" seryosong tanong ni Astin sa kanya. "Uwi ba yan ng matinong babae?"Uminit bigla ang ulo niya sa huling tanong nito. Natawa pa siya ng mapakla bago ito sinagot, "Wow, hindi pa tayo kasal kung makaasta ka parang asawa ko,""Doon din naman tayo pupunta, Laura," anito at tumayo. Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya.Napaatras siya hanggang sa makorner siya nito sa nakasarang pinto. Hinaplos nito ang mukha niya. Pigil ang hininga niya nang paglandasin nito ang daliri mula kilay niya hanggang sa mga labi niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pinisil pa nito ang ibabang labi niya."Alam kong kasama mo si Gael kanina," mahina pero galit ang tono nito. "I am expecting good news from you, My Laura," anito at
Parang ayaw iwan ni Astin si Laura sa bahay nito nang mga oras na iyon. Bukas na ang kasal nila ng dalaga pero kinakabahan pa rin siya. Hindi siya kampante. Ayaw pa niyang umuwi pero inaya din siya agad ng ina. Hindi daw sila dapat pwedeng magkita ngayong araw. Kahapon pa gusto ng ina na ihatid niya ang dalaga pero siya itong pumipigil. Mas gusto niyang sa bahay nila ito mag-stay. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila ikinakasal ng dalaga. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago mapasakanya ng tuluyan ang babaeng mahal niya. Napatingin siya sa mga kaibigan na maingay. They are throwing him a bachelor’s party. Narito sila ngayon sa rooftop ng hotel nila. Tanaw ang tahimik na karagatan maging ang mga cabin nila. Hindi siya pumayag na magdala ang mga kaibigan ng babae dahil ayaw niyang mag-isip ng masama si Laura. Kahit alam niyang wala pang kasiguruhan ang nar
Kakalapag pa lang ng helicopter sa helipad ng HGC ay tumalon na siya agad. Wala siyang dapat na sayanging oras. Kaligayahan niya ang nakataya dito. Pinahanap na niya ito sa buong poblacion kanina habang nasa himpapawid ay pero wala ito. Maging sa bahayng dating mga kaklase ni Laura noong high school. Naka-off na din ang cellphone na ibinigay niyang may tracker. Kung binuksan lang sana nito, di sana nakatulong iyon sa paghahanap. Pina-pull-out niya na sa Daddy Sebastian niya ang profile ni Gael. Kailangan niya ang expertise ng ama-amahan. Marami itong koneksyon saan mang panig ng mundo. Kaya mahahanap niya din si Gael at ang dalaga.Naka-antabay din si Ezi sa signal niya. Kailangan niyang makuha ang numero na ginagamit ni Gael para maibigay kay Ezi iyon. Kailangan nilang ma-track kung nasaan ito. Pagkatapos maibigay ng Daddy niya ay isinend na niya ito kay Ezi.
"Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran. There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.
Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang
Kakatapos lang ni Laura maligo. Hinihintay niyang dalhin ang susuotin na dress para sa welcome back party ni Astin. Ayaw sana ng binata pero mapilit ang ina nito. Imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito. May mga opisyal din ng police at AFP na dadalo. Inimbitahan din ang buong tropa ni Astin na nagsilbing pamilya nito habang nakikipagdigma sa ibang panig ng mundo.Nakangiting mukha ni Andy ang nabungaran niya ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan niya.“You okay?” tanong kaagad nito.“Yeah,” aniya at ngumiti dito.Inabot nito sa kanya ang dala-dalang dress.“Here, bagay ito sayo. Kailangang maganda ka tonight,” nakangiting sabi nito sabay abot ng dress.
Kahit ilang oras lang ang tulog ni Laura ay maaga pa rin siyang nagising. Mabilis na naligo siya at bumaba ng komedor. Maaga ding naghain ng almusal ang mga katulong kahit pagod sa buong magdamag. “Good morning po,” bati niya sa mga ito. Halos sabay-sabay na bumati sa kaniya tatlong katulong. “Kumain ka na, hija. Mamaya pa sila ang mag-asawa siguro magigising. Late na natapos kagabi ang party,” baling ni Manang Rosa sa kanya. “Ganoon po ba? Sige po. Mauna na nga ako, may pasok pa ako, eh.” Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng sariling kape. Hindi siya nagpapatimpla sa mga katulong ng kape dahil hindi naman siya ang amo dito. Nakikitira lang siya. Yan ang laging itinatatak niya sa isip niya. “Good morning