Parang ayaw iwan ni Astin si Laura sa bahay nito nang mga oras na iyon. Bukas na ang kasal nila ng dalaga pero kinakabahan pa rin siya. Hindi siya kampante. Ayaw pa niyang umuwi pero inaya din siya agad ng ina. Hindi daw sila dapat pwedeng magkita ngayong araw. Kahapon pa gusto ng ina na ihatid niya ang dalaga pero siya itong pumipigil. Mas gusto niyang sa bahay nila ito mag-stay. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila ikinakasal ng dalaga. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago mapasakanya ng tuluyan ang babaeng mahal niya.
Napatingin siya sa mga kaibigan na maingay. They are throwing him a bachelor’s party. Narito sila ngayon sa rooftop ng hotel nila. Tanaw ang tahimik na karagatan maging ang mga cabin nila.
Hindi siya pumayag na magdala ang mga kaibigan ng babae dahil ayaw niyang mag-isip ng masama si Laura. Kahit alam niyang wala pang kasiguruhan ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya nirerespeto niya pa rin at pinapahalagahan ang damdamin at pananaw nito. Bad shot na siya sa dalaga, ayaw na niyang dagdagan iyon. Ayaw mang aminin ng dalaga sa kanya malakas ang loob niyang sabihing may kakaiba itong nararamdaman sa kanya sa tuwing magkalapit sila. And that’s a good start. Kaya niyang paibigin ang dalaga, oras na kasal na sila. Araw-araw niya itong liligawan. Ang daming planong nabuo sa isipan niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang mag-work ang relasyon nilang dalawa.
Sana totoo nga ang sinabi ng kaibigang si Callen na umalis na ng bansa si Gael. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi pa siya naniwala sa kaibigan na totoo ngang umalis ito. Pero nang ipakita nito ang CCTV sa airport at sa mismong plane na sinakyan ni Gael ay naniwala na siya agad. Pag-aari lang naman ng pamilya ni Callen ang isa sa pinakamalaking na airline at airport sa Pilipinas. Mas matanda siya ng tatlong taon sa kaibigan. Pero dahil accelerated student ito ay naging kaklase at naging matalik na kaibigan na din niya. Maliban doon, magkaibigan ang kanilang mga magulang.
“Still uneasy?” nakangiting mukha ni Callen ang nalingunan niya.
“Yeah. I can’t wait for the sunrise to come. Gusto ko na siyang maging akin. Gusto ko ng hilahin ang oras Pal. ” Pal ang tawagan nilang dalawa.
“Relax. Paano ka mananalo sa puso ni Laura kung ganyan ka. Atat na atat. Sa sobrang atat gusto nang manakit. Naging stalker ka pa. Some women don’t like that. And also, sinasakal mo siya. Do you think mamahalin ka niya? Pero siyempre ipagdadasal ko na lang na mahalin ka niya, Pal.” anito at natawa pa. “Bago bago din kasi ‘pag may time. Be patient,” anito sabay tapik sa braso niya. As if naman marami na itong karanasan sa pagmamahal.
“F*ck you,” baling niya dito sabay lagok ng alak mula sa shot glass.
“Oh, yeah,” nakangiting sabi lang nito. “Seriously, Pal. Dapat palitan po ang paraan mo. If you want to win her heart, sundin mo ang gusto niya. Don’t get me wrong, hah? Ang ibig kong sabihin dito, kapag sinabi niyang ayaw niya ng ganito, then ‘wag mong gawin. If gusto niya, ibigay mo. Ganoon lang yun kasimple. In short, magpa-under ka sa kanya. Hindi naman kabawasan ng pagiging magandang lalaki natin yan eh. Hindi iyong minamanipula mo ang buhay niya. Pakiramdam niya tuloy naniningil ka na sa kabutihang binibigay ng parents mo sa pamilya niya. At feeling ko napi-pressure siya sa ginawa mo. Para kang boss niya sa trabaho na walang ginawa kundi ang sabihing, do this, do that. Do you get my point, Pal?” mahabang litanya na nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Of course, naiintindihan niya. Alam niya ang nararamdamn ni Laura. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Nagiging impatient siya pagdating sa dalaga. Sinubukan naman niya kaso baka maunahan siya ni Gael. At natatakot siya. Natatakot siyang mas piliin ng dalaga si Gael. Nandito na siya sa puntong ikakasal na sila, so bakit pa niya babaguhin ang paraan niya para makuha ang babaeng tinatangi ng puso niya? Gayong abot kamay na niya ito.
“Yung totoo, Callen Dominic. Nakailang babae ka na? Ang dami mong alam sa buhay,”
“Ayokong sagutin baka magulat ka,” natatawang sabi nito at iniwan lang siya. Napailing na lang siya. Wala naman siyang nakikitang naging girlfriend nito kaya alam niyang nagbibiro lang ito. Matured lang mag-isip ang kaibigan kesa sa kanya.
Maaga niyang tinapos ang party na iyon dahil maaga pa sila bukas para mag rehearse. May special number silang inihanda para bukas. Ayaw niya sanang sumali pero kailangan niya daw magpa-impress sa magiging asawa. Ideya lang naman ito ng magaling niyang kapatid na si Andy na sinigundahan naman ni Ezi. Hindi naman siya ganoon kagaling sa sumayaw kaya kakanta na lang siya habang ang mga kaibigan ay sasayaw daw. Nababaduyan siya siya pero kailangan niyang gawin.
Kagaya ng napag-usapan. Isang oras silang nag-practice ng special number nila. Tumawag din siya sa bahay nila Laura bago maligo pero ang katulong na pinadala nila ang nakasagot. Naliligo na daw ang dalaga dahil aayusan na ito. Hindi na siya tumawag pagkatapos nun. Ang mahalaga sa kanya naroon ang dalaga handa na itong pakasalan siya. Kung gusto man nitong umatras hindi siya makakapayag. Sa ayaw at sa gusto nito magpapakasal ito sa kanya. Wala ng kawala ang dalaga sa kanya. Magiging asawa na niya ito sa mga susunod na oras.
NAKANGITING inaayos ng ina ang tuxedo niya. Panay ang tulo ng luha nito kaya natatawa siya.
“‘Ma naman, it’s my wedding day, hindi ito burol,” natatawang sabi niya dito at pinunasan ang luha ng ina. “Itigil mo ang pag-iyak kasi pumapangit ka, Ma. Dapat maganda ka din gaya ni Laura,”
“Hindi ko mapigilan anak, eh. Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na ikakasal ka na, my sweet boy. Dati lang ay karga pa kita ngayon… ikakasal ka na. Ang bilis ng panahon. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na matanda na kami ng Papa mo. At iiwan niyo na kami ng Papa niyo. Si Andy, ikakasal na din sa susunod na taon. Nakakalungkot, pero masaya ako para sainyo,” naiiyak nitong saad.
Natawa lang siya sa inaakto ng ina.
“‘Ma sa ibang bahay lang kami titira, hindi ka namin iiwan magkapatid. Nag-usap na kaming dalawa tungkol diyan. Every weekend sainyo kami mag-stay ni Laura. Ganoon din si Andy kung sakali. Pangako yan, Ma.” At niyakap niya ang ina ng mahigpit na lalo namang ikinahagulhol nito.
Tinawag niya ang make-up artist at muling pinaayusan ang inang hilam na sa luha at iniwan muna ito.
Aabutin ng trenta minutos kung sasakyan ang gagamitin nila papuntang simbahan kaya helicopter na lang ang ginamit nilang mag-anak. Ang mommy Nikki at Daddy Sebastian niya naman ang magsusundo ngayon kay Laura. Sila ang maghahatid kay Laura sa altar. Hindi kasi pinayagan ang ama ni Laura na lumabas sa institusyon na inadmitan nito ng mga sandaling iyon dahil may sakit ito.
Pagdating sa simbahan ay agad na pinapuwesto siya ng wedding coordinator. Malapit lang sa simbahan ang bahay ng dalaga kaya anumang oras ay darating ito agad. Napatingin siya sa mga dumalo. Halos nakangiti ang mga ito. Kumpleto din ang mga kaibigan niya at mga kamag-anak. Walang gaanong umatend sa side ng dalaga. May mga kaklase din ang dalaga doon noong high school at kasalukuyang kaklase ngayon sa kolehiyo na dumalo.
Panay ang kiskis niya sa palad ng sabihin ng wedding coordinator na okay na ang lahat maliban sa bride. Hindi pa dumadating ang dalaga. Alas-diyes ang oras ng kasal nila ni Laura. Pero wala pa ito. Kaya nagpasyang tawagan niya ito sa numero nito. Kagabi lang nito binuksan ang kapalit ng teleponong binasag niya. Alam niya, kasi kagabi lang umandar ang tracker nun. Nagtext din ito kagabi ng good night. Kahit papaano nate-text na siya nito.
Nakailang tawag na siya pero walang sumasagot. Kinakabahan na siya. Mahigit kinse minutos na ang nakalipas kaya aburidong-aburido na siya. Kahit kailan hindi pa ito nale-late. Masyado nitong pinapahalagahan ang oras.
Napatingin siya sa inang abala sa pagda-dial. Panay din ang sulyap nito na puno ng pag-aalala. Nauna na kasi sa simbahan ang Daddy Sebastian niya. Ang Mommy Nikki niya malamang ang tinatawagan nito.
Mayamaya pa ay lumapit ulit ang wedding coordinator nila at may ibinulong sa ina niya. Tumingin sa kanya ang ina at sinabing, “She’s coming!”
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Napaayos siya ng tayo.
This is it, aniya sa isip.
Nakahanda na din ang orchestra sa pagtugtog. Hinihintay ng mga ito ang signal mula sa pintuan ng simbahan. Ang kaba kanina ay napalitan ng saya. Sa wakas ay mapapasakanya na nga ang dalaga. Hindi niya maitago ang ngiti sa labi habang nagsisimula na ang orchestra. Maging sa mukha ng magulang niya ay hindi maikakailang masaya ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
Nagsimula ng umawit ang mang-aawit.
Born For You ni David Pomeranz ang napili niyang kanta.
Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me
Napatingin siya pintuan ng simbahan. Hindi pa iyon binubuksan. May mga nagbubulung-bulungan na.
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Sa wakas ay narinig na niya ang pag langitngit ng pinto. Hudyat na nariyan na ang dalaga. Excited na siyang makita ito. Kung gaano ba ito kaganda. Sa tingin niya ang dalaga ang pinakamaganda sigurong bride sa buong mundo. Napangiti siya sa isiping iyon.
Though I search for an explanation
Only one thing it could be
Unti-unting lumalaki ang awang ng pinto kaya sunod-sunod ang excitement sa dibdib niya. Natampal pa niya ang dibdib dahil walang tigil ito sa pagkabog. Gumuhit ang malaki at matamis na ngiti sa labi niya nang makita ang Daddy Seb at Mommy Nikki niya na magkaharap. Napalis ang ngiti niya ng mapansing ang mag-asawa lang ang nasa pintuan at halatang nagtatalo pa. Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya nang mapansing bumukas na pala ang pinto. Napahawak bigla ang ina niya sa braso nang muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan.
Tumigil ang orchestra at ang mang-aawit ng mga sandaling iyon.
Malayo man pero nakuha niya ang nais na iparating sa kanya ng dalawang nasa pintuan. Hindi kasama ng mga ito si Laura. Bakas ang kalungkutan sa mukha ng mga ito. Halos lahat ng naroon ay sa kaniya nakatingin.
Parang gustong sumabog ng puso niya ng mga oras na iyon. Parang may punyal na tumama sa dibdib niya at ayaw iyon matanggal. Ang tanging makakatanggal lang noon ay si Laura. Wala ng iba. Ang babaeng mahal niya lang.
Hindi siya sinipot ni Laura sa kasal. Hindi ito dumating.
Nanginginig na tumakbo siya sa bukas na pinto sa gilid ng simbahang iyon. Naikuyom niya ang kamao dahil sa sobrang pagpipigil ng luha.
Gusto niyang sumigaw ng mga sandaling iyon pero pinigil niya ang sarili.
“Astin!” sabay na tawag sa kaniya ng ama at ina.
Nilingon niya ito sandali. Maging ang mga kaibigan ay lumapit sa kaniya pero pinigil niya ang mga ito.
Nagmamadaling lumabas siya at hinanap ang personal assistant na si Romel. Agad na ibinigay nito sa kanya ang susi ng sasakyang dala nito.
Gigil na inapakan niya ang silinyador ng sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa bahay ng dalaga. Naabutan niya ang kasambahay na nag-aayos ng kuwarto ng dalaga. Nasigawan pa niya ito dahil hindi man lang nito pinigil ang dalaga. Ito lang ang kasama nito magdamag. Nakailang tanong siya kung totoo bang kanina lang ito umalis. Mukhang nagsasabi ito ng totoo. Mayamaya ay may ibinigay itong sulat kaya hinablot niya iyon.
Dahan-dahang binuksan niya ang sulat ng dalaga. Nawalan siya ng balanse sa pagtayo nang matapos basahin iyon.
Panay ang iling niya ng mgasandaling iyon. Hindi siya naniniwala sa nilalaman ng sulat nito.
Ang tanging nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay sakit na may kasamang poot. Mas pinili ng dalaga na makipag-tanan kay Gael. Na hindi siya kailanman pipillin at mamahalin nito.
Parang pinipiga ang puso niya. Napasalampak siya sa silid na inoukupa nito. Kumawala na ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Hilam ang luhang bumalik siya sa simbahan at sumakay ng helicopter papuntang Maynila.
Kailangan mahanap niya ang dalaga. Kahit halughugin niya ang buong pilipinas ay gagawin niya. Hindi niya hahayaang mapunta sa Gael na iyon ang babaeng mahal. Hindi siya makakapayag!
I'm sorry, Astin. Naiiyak ako habang sinusulat ko ito. Laura naman, eh!
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.