Bago pa man humakbang si Astin palapit kay Gael ay hinila na niya ito palabas ng classroom nila. Na kay Gael pa rin ang tingin nito hanggang sa makalabas sila. Pinagtitinginan sila pagdaan sa hallway dahil kilala ng mga ito si Astin. Dati na siyang na-issue sa binata dahil pinagkalat nito sa buong campus na fiancee siya nito na ikinagalit niya ng sobra sa binata. Ang ibang babae naman ay kinikilig nang nginitian lang ni Astin. Kulang na lang tumili ang mga ito. May mga nagtutulakan pang grupo na nasa hallway.
“Hi, Astin,” narinig niyang tawag ng grupo nila Barbie na taga accounting department.
Hindi ito pinansin ng binata dahil sa kaniya lang ito nakatingin. Tinapunan niya lang ng tingin ang grupo na tumawag kay Astin.
Pagdating sa likod ng building ay nagulat siya nang bigla siyang isandal ng binata sa pader. Medyo napalakas iyon kaya napadaing siya.
“So, hindi mo pa nasasabi sa lalaking iyon na ikakasal na tayo? At tuwang-tuwa ka pa talagang aabutin ang bulaklak na bigay niya?” tumawa ito ng mapakla bago nagsalita ulit. “Kaya kitang ibili ng mas maganda at mahal pa doon. Sabihin mo lang Laura. Oramismo ibibili kita,” nagagalit nitong sabi.
Hindi siya umimik. Tiningnan niya lang ito ng masama. Bakit, ano bang akala nito mukha siyang bulaklak? Parang gusto niyang matawa sa binata.
Ano ba kasing ginagawa nito dito? Ang akala niya pumasok na ito ng opisina nito. Ang ganda ng timing nito kanina. Napapa-isip tuloy siya kung sino ba ang sinasabi nitong mata sa campus.
“Ano bang ginagawa mo dito?” sabi niya imbes na sagutin ito.
Imbes na sagutin din siya ay hinila siya nito pabalik ng building at binaybay nila ang daan palabas ng unibersidad nila.
“Astin, may klase pa ako,” aniya at pinilit na bumitaw sa pagkakaksiklop ng kanilang mga kamay.
Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa kanya.
“Eh, di sana kung nakinig ka sa akin, nasa klase ka na ngayon. Mahirap bang sabihin sa Gael na yun na fiance mo na ako?” baling nito sa kanya. Unti-uniti ng namumula na ang guwapong mukha nito.
“Bigyan mo naman kasi ako ng panahon na sabihin sa kaniya. Ang hirap Astin, napakahirap sabihin. Hindi ganoon kadali dahil mahal ko-”
“Shut the fuck up, Laura!” sigaw nito sa kaniya. Natigilan siya ng makita ang mukha nito. Pulang-pula na talaga ang mukha nito sa sobrang galit. Ngayon niya lang ito nakitang magalit ng ganoon.
Wala na siyang nagawa ng isakay siya nito sa sasakyan. Hindi siya umimik hanggang sa makarating sila sa HGC building kung saan nagtatrabaho si Astin bilang COO ng kompanya. Maliban sa Hernandez Group of Companies ay ito rin ang nagma-manage ng Hotel De Astin na nakabase naman sa Caramoan. Meron na rin itong branch sa ibang panig ng Pilipinas maging sa ibang bansa. Ang pagkakaalam niya iyon ang trinabaho ni Astin nang mag out of the country ito ng dalawang buwan.
Nakatingin sa kanila ang halos lahat ng empleyadong nadadaanan nila ni Astin sa ground floor. Magkahawak kasi ang kanilang kamay. Binabati ng mga ito ang binata pero hindi man lang ito tumutugon. Siya ang nahihiya sa ginagawa ni Astin kaya minsan ngumingiti na lang siya sa mga ito.
“Binabati ka ng mga tauhan mo, Astin. Bakit wala ka man lang response sa kanila,” aniya dito nang makapasok sila sa pribadong elevator ng building.
“Don’t mind them,” sagot lang nito kaya hindi na siya nagsalita.
Huminto ang elevator kung saan ito nag-oopisina. Kagaya sa ground floor, sa kanila din nakatuon ang atensyon ng mga empleyado kaya naiilang siya. Sinalubong sila ng babaeng maganda at seksi. Parang modelo itong maglakad. Napaka-iksi din ng skirt nito. Marahil ito ang sekretarya ni Astin.
“Good morning, Sir. You have an-”
“Where’s Romel? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na si Romel ang kakausapin mo, hindi ako!” singhal nito sa sekretarya.
“I’m sorry, Sir,” hinging paumanhin ng babae at naupo sa mesa nito.
Tama nga ang naririnig niyang hindi kinakausap ni Astin ang mga sekretarya nito. Dumadaan muna sa personal assistant nito bago sa binata. Alam kasi ng lahat na dating sekretarya ang ina ni Astin na si Tita Kendra. Marami ng nagbakasakaling akitin ang binata pero hindi ito nagpadala.
Mayamaya ay lumingon ito sa kaniya at hinigit ang kamay niya papasok ng opisina nito. Pinaupo siya sa mahabang couch ng opisina nito. Habang ito ay nagtanggal ng coat at umupo sa executive chair nito. Niluwagan nito ang tie nito habang nakatitig sa mga papeles na nasa harapan nito. Humarap din ito sa monitor.
Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Ngayon niya lang napansin na tama nga si Asia.
Ang guwapo naman ni Astin pero bakit hindi niya magustuhan? aniya sa isip.
Pero may parte ng isip niya na hindi nagustuhan ang sinabi niya sa isip. Mayamaya ay natuon ang pansin niya sa mapupulang labi nito na panay ang kibot. Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong basain ang labi nito. Lalo tuloy namumula iyon. Parang naakit siya dito. Ilang beses na siyang hinalikan nito pero ngayon niya lang napagtuunan iyon ng pansin. Naalala na naman niya ang halik nito sa kaniya lalo na noong birthday niya. Mind-blowing kiss kumbaga. Inaamin niyang nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya noong gabing iyon. Kakaiba din ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon na hindi niya maipaliwanag hanggang ngayon.
Mayamaya ay tinupi nito ang polo nito hanggang siko. Bakit ang sarap nito panoorin? At ang hot nito tingnan habang nagtatrabaho. Napapalunok siya kapag gumagalaw ang mga dibdib nito. Sayang at may suot ito. Bigla niyang natampal ang sarili sa mga naiisip. Kailan pa niya pinagpantasyahan ito? Hindi niya napansing nakatingin na pala sa kanya ang binata.
“Are you enjoying the view?” anitong may ngiti sa labi.
Napalunok siya sa sinabi nito. Nagpakawala siya ng buntong hininga at sinagot ito.
“Y-yes! I mean, no! Ini-imagine kong si Gael, ikaw,” Pagsisinungaling niya.
Napapitlag siya nang bigla nitong ibato ang hawak na ballpen. Napakapit siya sa couch nang makita ang reaksyon ng binata. Magkasalubong na ang kilay nito. Gusto niyang magsisi sa sinabi dahil tumayo ito at lumapit sa kaniya. Mabilis na lumipat siya sa single couch bago pa ito makalapit. Itinaas niya ang dalawang paa at hinawakan ng mahigpit ang bag. Napasinghap siya ng itukod ng binata ang magkabilaang kamay nito sa single couch. Sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. Mukhang mali na naman ang ginawa niya. Nakorner siya ng binata. Dapat hindi na siya umalis sa puwesto niya kanina.
Hindi pa rin maalis ang galit sa mga mata nito nang tingalain ito.
“Ulitin mo ang sinabi mo, Laura. Ulitin mo,” matigas na utos nito sa kaniya.
Alam niyang kabaliktaran ang gusto nito kaya umiling-iling siya.
Hinawakan nito ang baba niya at sabay pisil kaya napadaing siya.
“Alam mo ba kung gaano kasakit marinig ang bagay na iyon? Tapos galing pa mismo sa bibig mo? Ako ang nasa harapan mo pero ibang lalaki ang nasa isip mo?” Napapikit pa ang binata. Pigil ang emosyon nito. “I want to punish you, right now, right here. Pero hindi ko kayang gagawin. You know why? Dahil ang laki ng respeto ako sayo, kasi mahal na mahal kita, Laura. So, please, stop pissing me off,” malungkot pero matigas na litanya nito sabay bitaw sa baba niya.
Mayamaya ay napayuko ito. Ramdam niya ang bigat ng nararamdaman nito base sa paghinga nito.
Hindi pa rin nito inaalis ang magkabilaang kamay sa couch. Madiin ang pagkaka-kapit nito sa couch. Alam niyang galit ito. Mayamaya ay narinig pa niya ang sunod-sunod na buntong hininga nito na tumatama sa tuhod at binti niya. Pakiramdam niya ay pinapakalma nito ang sarili.
Nagtama ang kanilang mata nang magtaas ito ng paningin. Bakas na ang lungkot sa mukha ng binata kaya nakaramdam siya ng konsensya bigla. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya pero agad ding binawi nito ang tingin. Umayos ito ng tayo at lalong niluwagan nito ang necktie.
Napatingin sila pareho ng tumunog ang telepono ng binata. Agad na nilapitan nito at sinagot ang tawag.
“Okay. Let her in,” sabi nito sa kausap at binaba ang telepono.
Mayamaya ay pumasok si Romel na may kasamang maganda at eleganteng babae. Walang-wala siya sa kalingkingan nito. Ang kikinis din ng kutis nito. Lumabas din agad ang assistant ng binata pagkahatid sa bisita.
Pagkakita kay Astin ay agad na yumakap ito sa binata na ikinakunot-noo niya. Kung iisipin ng ibang makakita ay may relasyon ang mga ito. Hindi rin niya nakita kung hinalikan ba ito ng binata sa labi.
“I missed you, Aste,” nakangiting sabi ng babae kay Astin
“I missed you too, Elisa. How are you?” tugon ng binata nang gumanti ito ng yakap.
Nakaramdam siya ng inis sa ginagawa ng dalawa na hindi niya maintindihan kung bakit. Kailan pa siya may paki-alam na may kayakap ang binata? Pero hindi niya kasi kilala ang babae.
Inakay ng binata ang babae paupo sa mahabang couch. Ni hindi man lang siya pinakilala nito sa kasamang babae. As if wala siya doon.
Umayos siya ng upo at hinigit ang isang magazine. Hindi siya maka-focus dahil panay ang tawanan ng dalawa. Napapitlag siya ng mag-vibrate ang phone niya na nasa bag. Tumatawag si Gael. Akmang sasagutin niya ng pumasok si Romel na may kasama pang isang babae. May bitbit itong tape measure. Kinausap ito ni Astin. Mayamaya ay itinuro siya ni Romel sa bagong dating pero naka-focus ang mata niya sa papalabas na si Astin at Elisa.
Parang nawala siya saglit sa huwisyo. Hindi niya napansing nasa harapan na niya ang bagong dating. Kinakausap pala siya nito. Nakalabas na rin pala si Romel ng hindi niya namamalayan.
“Kukunin ko lang ang sukat niyo, ma’am,” nakangiting sabi nito.
“P-para saan po?” may pagtatakang tanong niya dito
“Ay, diba kayo po ang fiancee ni Sir Astin?” nakakunot-noong tanong nito.
Siya nga ba? Eh, sino ang babaeng kausap ngayon ng binata?
“O-opo,” aniya dito.
“Susukatan ko lang po kayo para sa wedding gown niyo po,” magalang na sabi nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. “W-wedding gown ko? Wala pa naman kaming napag-usapan ni Astin tungkol dito,ah?” nagtatakang sabi niya dito.
“Ang pagkaka-alam ko po kailangan matapos na po ito within this week,” paliwanag nito na lalong ikinabigla niya.
This week? Ibig sabihin minamadali ang kasal nila? Pero bakit?
Napatingin siya sa pintong nilabasan ni Astin kanina. Walang ibang makakasagot nito kung hindi si Astin lang.
Hinayaan na lang niya na ang babae sa ginagawa nito. Wala ring halaga kung ito ang kausapin niya tungkol sa kasalang magaganap. Napatingin siya sa cellphone niya na naipatong niya sa center table kanina. Sa tingin niya ay tawag iyon. Nag-excuse siya sa kay Vivian, yan ang pangalan ng babaeng nagsusukat sa kanya ngayon, para sagutin ang tawag ni Gael.
“Love,” bungad ni Gael sa kanya.
“Gael,” mahinang sabi niya. Tumingin pa siya sa pintuan dahil baka dumating bigla si Astin.
“Are you alright? Di ka na pumasok kasi. Nasaan ka ba? Susunduin kita,” anito sa kabilang linya.
“I’m good. Don’t worry about me. May pinuntahan lang kami ni Astin,” pagsisinungaling niya.
Hindi niya kayang sabihin pa dito ang totoo. Nahihirapan din siyang magsinungaling.
“Okay. I missed you, Love,” malambing na sabi ng nobyo.
Tumingin muna siya kay Vivian bago sumagot. May kausap din ito sa kabilang linya kaya napangiti siya.
“Miss na din kita, Love,” tugon niya dito.
“So, when are you free? Can we have a date for the late celebration?”
Natigilan siya sa tanong nito. Bukas wala siyang pasok. Sasabihin na ba niya? Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Kailangan na niyang makausap si Gael ng mas maaga dahil baka maunahan siya ni Astin sa pagsabi dito.
“How about tomorrow?” suhestiyon niya.
“Sounds good. See you, then!” masayang sabi nito sa kabilang linya.
Mayamaya ay nagpaalam na rin sila sa isa’t-isa. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa nobyo ang lahat. Naguguluhan na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Natatakot din siya sa posibleng mangyari.
Bumuntong-hininga muna siya bago lumapit kay Vivian. Hindi naman nagtagal ay natapos din sila. Iniwan siya nito pagkuwan. Hindi pa rin bumabalik si Astin kaya nakaramdam siya ng inis.
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.