Share

Chapter 6

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2021-06-06 13:47:39

Nagising si Laura kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock ng cellphone niya. Nakalimutan niyang sabado nga pala ngayon. Papungas-pungas na pinatay iyon. Napaupo siya bigla nang makita ang reply ni Gael sa text niya kaninang madaling araw. Hindi pa siya tapos magtipa ng reply nang bigla itong tumawag. Agad na sinagot niya iyon. 

"Good morning, Love," bungad nito sa kanya.

Napangiti siya ng marinig ang boses nito. Hinigit niya ang unan at dumapa saka nagsalita, "Morning din-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may humablot na ng cellphone niya at ibinato iyon sa pader ng silid niya. 

Gulat na napa-upo siya sa kama at tiningnan ang cellphone na basag. 

Nagtaas siya ng tingin. Madilim na mukha ni Astin ang sumalubong sa kanya. 

"Astin, ano bang problema mo?" 

Hindi siya nito sinagot bagkos ay pabagsak na nahiga ito sa kama niya. Akmang aalis siya nang higitin siya nito palapit at mahigpit siyang niyakap nito. “You are mine, Laura. Mine. Akin ka lang,” matigas na sabi nito sabay pikit ng mata na mukhang inaantok pa. Sanay na siyang marinig iyon sa bibig ni Astin. Dalagita pa lang siya tahasan na nitong sinasabi ang mga salitang iyon. 

Hindi siya nakagalaw ng mga sumunod na sandali. Nanatili lang siya sa bisig nito. Hinawakan pa niya ang pisngi nito para alamin kung gising pa ito. Narinig niya din ang hilik nito. Kaya sa tingin niya ay natulog ulit ito. Nalalanghap niya din ang hininga nitong amoy alak pero hindi maikakailang mabango pa rin. Hindi na ito gumalaw kaya napagpasiyahan niyang umalis sa tabi nito. 

Dahan-dahang tinanggal niya ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya at bumaba ng kama. Nilingon niya pa ito bago pinulot ang basag na cellphone. Itinabi niya ang simcard niya kapagkuwan. 

Mabilis siyang naligo at naglagay ng ilang damit sa bag pack. Hapon pa ang usapan nila ni Gael pero pinili niyang umalis ng maaga. Ayaw niyang malaman ni Astin na magkikita sila ng nobyo. Hindi pa rin maalis sa isip niya kung paano sasabihin kay Gael ang kanyang sitwasyon ngayon.

Hindi na siya nag-abalang nag-ayos. Tulog na tulog pa rin si Astin nang iwan ito sa kuwarto niya. 

Mabuti na lang at may extra siyang phone, yun ang ginamit niya pagtext sa kaibigang si Asia. Sa bahay ng kaibigan na lang muna siya magpapalipas ng oras. Nagpaalam naman siya sa bahay na may importanteng bibilhin para sa project. Ngayon lang siya magsisinungaling simula ng tumira siya sa bahay ng mga Hernandez.

Agad na niyakap siya ni Asia nang pagbuksan siya nito ng gate. Inakay siya nito papasok ng malaking bakuran ng mga ito. Bumati siya sa ina nito ng madaanan nila na nagdidilig ng halaman.

“Good morning po, Tita,” bati niya kay Mrs. Del Franco. Tumugon din ito sa kanya nang makilala siya.

“Ikaw pala, Laura. Kumusta? Balita ko ikakasal na kayo ni Aste,” nakangiting sabi nito. Mayamaya ay nakipagbeso ito sa kanya.

“Ayos lang po ako, Tita Darl. Opo, ikakasal na po kami,” malungkot na tugon niya sa ginang.

Napakunot-noo ito nang makita ang reaksyon niya.

“Bakit naman ganyan ang mukha mo, anak? Hindi ka ba masaya na ikakasal kay Aste?” 

Sasagot na sana siya nang sumingit si Asia.

“Mom, sinabi ko na sayo ang dahilan diba? Bakit kailangan mo pang tanungin niyan si Laura. Tsk,” ani ng kaibigan sa ina.

“Fine, hindi na ako magtatanong ulit,” sagot naman ng ginang. Mayamaya ay bumaling ito sa kanya “Enjoy your stay here, Laura. Pero kung kailangan mo ng kausap just call me, okay?” nakangiting sabi nito.

Tumango-tango siya sa ginang at ngumiti. 

Inakay siya ng kaibigan papasok ng magarbong bahay nito. Mayaman ang pamilya ni Asia pero hindi iyon pinapahalata ng kaibigan sa lahat lalo na sa mga kaklase nila. Masyadong down to earth kasi ang kaibigan niya kagaya ng ama nito. Simple lang ito manamit kagaya niya din kaya minsan napapagkakamalan silang mahirap. Siya talaga ang mahirap, bahay at lupa na lang ang meron sila mag-ama pero ang kaibigan niya mayaman talaga. Isa sa tinitingala pagdating business ang ama nito. Magaling ito humawak ng negosyo. Ang pagkaka-alam niya, galing sa hirap ang ama nito na nagsumikap lang para makaahon sa hirap ng buhay, samantalang ang ina naman nito ay dating modelo at may sinabi din sa buhay na dating karelasyon naman ng Papa Kent niya bago ang Mama Kendra niya. Kaya nga inis si Aste sa kaibigan dahil anak daw ito ng dating nobya ng ama. Hindi niya alam kung anong ipinaglalaban ni Aste, nakaraan na iyon ng mga magulang ng mga ito. Hindi naman na issue iyon, in fact, magkaibigan na ang dalawang ginang. 

“So, sasabihin mo na kay Gael mamaya?” tanong sa kanya ng kaibigan ng makapasok sa kuwarto nito.

Naupo siya sa kama ng kaibigan at tumingin ng derecho dito.

“Hindi ko nga alam kung paano sisimulan, eh. Ahhh! Ang hirap, Bestie. Help me,” aniya sa kaibigan habang napapahilamos ng mukha.

“Haist. Sabi ko sayo si Papa Astin ang piliin mo dahil matagal mo ng kilala tsaka mahal na mahal ka nun. Isang taon mo pa lang kilala si Gael, Bestie. Hindi mo pa siya gaanong kilala. Pasensiya na Bestie pero sa tingin ko sa magulang niyan ay matapobre,” mahabang litanya nito.

“Paano mo naman nasabi?” nagtatakang tanong niya. 

“Yan ang sabi ni Kuya at Daddy,” sabay kibit balikat nito.

Parehas nasa alta-sosyudad at ginagalawan ang ama ni Asia at Gael kaya hindi malayong magkakilala ang mga ito. 

Hindi na siya naka-imik pagkuwan. Ni isang beses hindi pa niya nakita ang magulang ni Gael. Ilang beses ng nagtangka ang nobyo na ipakilala siya pero siya ang tumatanggi. Mayaman din kasi ang pamilya ng nobyo kaya naiilang siyang kilalanin ang mga ito. Wala siyang maipagmamayabang. 

Alas-dos pa lang ng hapon ay gumayak na siya para sa pagkikita nila ng nobyo. Bahala na kung ano ang kahahantungan ng pag-uusapan nila. Narinig niyang kausap ni Asia si Astin sa telepono. Buti na lang at sinabi ng kaibigan na wala siya sa. Expect na nilang dalawa ni Asia na tatawag ito kaya napag-usapan na nilang wala ang isasagot ng mga katulong maging ang ina ng kaibigan. 

Mahigpit ang hawak niya sa maliit na slingbag habang papasok ng coffee shop na napag-usapan nila ni Gael. Nauna ang nobyo sa kaniya. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niya dito na ikakasal na sila ni Astin. 

Napatayo ito nang mapatingin sa gawi niya. Ngumiti ito pagkuwan. Gumanti siya ng ngiti dito at lumapit. Mahigpit na niyakap siya nito at humalik sa pisngi niya nang tuluyan na siyang makalapit dito. Pinaghila siya nito ng upuan. Hinayaan na din niyang ito ang nag-order. 

Kapwa sila tahimik hanggang sa makarating ang inorder nila. Ilang sandali pa silang walang imik. Walang gustong magsalita. Hindi siya nakatiis.

"Gael,"

"Love,"

Sabay pa silang nagsalita kaya natawa ito ng mahina. 

"Ladies first, Love," masuyong sabi nito. 

Ngumiti siya sa binata. Pero napalis din agad ang ngiti niya dahil kinakabahan siya. Parang gustong umurong ng dila niya. Nahihirapan ang kalooban niya. Napakabuti nitong nobyo sa kanya. Wala siyang masasabi dito. Kung respesto lang naman ang pag-uusapan sobra-sobra ang pinapakita nito. Sobrang lambing at mapagmahal din ito. Inintindi nito ang sitwasyon nila sa loob ng ilang buwan. 

"G-gael," aniyang pigil ang damdamin. Naikagat pa niya ang ibabang labi para pigilin ang luha. Parang gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Nahihirapan siyang ibuka ang bibig. Nakailang buntong hininga pa siya bago nagsalitang muli, "I-I'm getting married," sa wakas ay nasabi niya sa mahinang boses nga lang sabay yuko ng ulo. Hindi niya kayang makita ang reaksyon nito. 

Nanginginig ang kamay niya. Akmang ibaba niya ito para ipatong sa hita niya ng hulihin iyon ni Gael. Napatingin siya dito. Hinalikan nito ang kamay niya kapagkuwan. 

"Do you love him?" tanong nito mayamaya. 

Natigilan siya saglit. Alam naman ng nobyo na may nararamdaman sa kanya si Astin kaya alam niyang ang kababata ang tinutukoy nito. Wala siyang itinago tungkol kay Astin. Kaya nga ito pumayag na itago na lang muna nila ang relasyon nila. 

Umiling siya. "Ikaw ang mahal ko, Gael," aniyang napahikbi. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Astin. Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko siya mahal pero ito lang ang tanging paraan para makabayad ng utang na loob sa pamilya nila. A-ayokong saktan ka, Gael. P-pero kailangan na nating tapusin ang relasyong meron tayo. S-sana maintindihan mo ako. M-marami ka pa namang makikilalang babae na mas higit pa sa akin," nahihirapang sabi niya habang patuloy na tumutulo ang luha niya. 

Napatingin siya ng derecho sa nobyo nang punasan nito ang luha niya. 

"Mahal din kita, Laura. Kung hindi mo siya mahal, 'wag mong pilitin ang sarili mo. Sumama ka sa akin. Magtanan tayo kung gusto mo, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita," sambit nito habang kinikintalan nga halik  ang kamay niya. 

"Gael," tanging sambit niya. Shocked siya sa sinabi nitong gusto siyang itanan.  Hindi niya akalaing maiisip nito iyon. 

Isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Nagkaroon siya  ng ideya sa pag-uusap nila ng nobyo. 

Pagkatapos nilang kumain ay namasyal sila. Inalis niya muna sa isip niya ang kinakaharap na problema at kahahantungan ng desisyon niya. 

Naging masaya siya sa pamamasyal nila ni Gael. Ngayon lang sila namasyal ng ganoon katagal. Inabot sila ng alas-otso bago napagdesisyunang umuwi na. Inihinto nito ang sasakyan dalawang bahay pa bago ang tahanan ng mga Hernandez. 

Pasado alas-nuebe na siya naihatid ni Gael dahil sa traffic. Hindi mapalis ang ngiti sa labi niya habang paakyat ng hagdan. Walang tao sa sala kaya binaybay na niya ang daan papuntang silid niya. 

Pero napahinto siya nang matanaw ang pinto ng silid ni Astin. Nalungkot siya bigla. Malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan niya bago pinihit ang seradura ng kanyang pinto. 

Kinapa niya ang switch para buksan ang ilaw ng silid niya. Muntik na siyang mapasigaw nang bumukas ang ilaw niya at bumungad sa kanya si Astin na seryosong nakaupo sa single couch na nasa silid niya. Sinadyang iharap nito ang upuan sa pinto niya. Hindi na maipinta ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Nakailang lunok muna siya bago inihakbang ang mga paang naninigas kanina. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Andee
interesting story..
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
sulitin mo na ang oras mo kasama si Gael Laura...
goodnovel comment avatar
Jobelle Derano
maganda dn pala ang naging pamilya ni darlyn,kahit sobrang nakakainis dati.,si asia na lng sau astin,kesa dyan kay laura pafall,wala dw gusto kay astin kung halikan naman naganti,puro kna lng gael,d sumama ka makipagtanan,kagigil ka dn eh!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Special Chapter: Kiarra and JM

    Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 72: Astin's Pov-2

    Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 71: Astin's POV-1

    Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 70: Surprised

    "I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 69: The Truth

    Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 68: Tease

    Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status