Share

Chapter 7

"Where have you been?" seryosong tanong ni Astin sa kanya. "Uwi ba yan ng matinong babae?" 

Uminit bigla ang ulo niya sa huling tanong nito. Natawa pa siya ng mapakla bago ito sinagot, "Wow, hindi pa tayo kasal kung makaasta ka parang asawa ko," 

"Doon din naman tayo pupunta, Laura," anito at tumayo.  Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya. 

Napaatras siya hanggang sa makorner siya nito sa nakasarang pinto. Hinaplos nito ang mukha niya. Pigil ang hininga niya nang paglandasin nito ang daliri mula kilay niya hanggang sa mga labi niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pinisil pa nito ang ibabang labi niya. 

"Alam kong kasama mo si Gael kanina," mahina pero galit ang tono nito. "I am expecting good news from you, My Laura," anito at bigla siyang hinapit nito kaya napakapit siya sa braso nito. 

"Astin," tanging nasambit niya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.  Langhap niya ang mabagong hininga nito at ang sabon na gamit nito. Napapikit tuloy siya. "Bitawan mo ako," aniya at nagpumiglas siya. Mas lalo tuloy nitong idiniin ang sarili sa kanya. "Oo, nasabi ko na kay Gael. Pero kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapalitan sa puso ko. Magkaibang-magkaiba kayo, siya, kamahal-mahal samantalang ikaw ay hindi," 

Naikuyom nito saglit ang ngipin pero ngumiti din ng mapakla. 

"Oh, come on, Laura. Your mouth keeps on saying that you love Gael, pero ang katawan mo ako ang isinisigaw. Care to explain, mahal ko?" nakangisi nitong sabi. 

Hindi na siya nito hinayaang makasagot dahil nilamukos na siya nito ng halik. Bakit pakiramdam niya gustong-gusto niya ang ginagawa ng binata sa kanya? Ibang-iba ang paraan ng halik ng binata kung ikumpara sa nobyo. Nalilito tuloy siya. Bago pa niya tugunin iyon ay itinulak niya ito ng malakas dahil baka kung saan pa iyon mapunta. 

Nakatikim pa ng magkabilaang sampal ang binata sa kaniya pagkuwan. Iniwan niya ito at nagkulong sa banyo. 

Lately nagiging agresibo ang binata sa kanya kaya dapat makontrol niya iyon bago sumapit ang araw ng kasal nila para na din sa araw ng kanyang pag-alis. Kailangang buo pa rin siya. 

Paglabas niya ay wala na ang binata sa kuwarto niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Paano kung ituloy niya ang pagpapakasal dito? Baka higit pa doon ang gagawin nito sa kanya. 

Nakadouble lock ang pinto para hindi mabuksan ni Astin. Hindi pa siya nakakahiga ng kama nang marinig ang sasakyan ng binata. Papalabas na ito ng gate ng silipin niya. Baka pupunta na naman ito ng bar. 

Kinabukasan wala si Astin kaya naitanong ng Mama Kendra niya kung saan ito nagtungo. Wala naman siyang naisagot dahil hindi naman niya alam ang mga whereabouts nito. Wala siyang balak alamin. Naka-focus siya ngayon sa gagawing pag-alis. 

Lumipas ang araw na hindi umuuwi si Astin. Dinig niya sa usapan ng mag-asawa ay busy ito sa opisina at sa condo nito ito tumutuloy pansamantala. Naipag pasalamat niya dahil walang nanggugulo sa kanya. Sana marealize ng binata na ayaw na nitong magpakasal sa kanya. Marami namang nagkakandarapa dito. Pero sa kabilang banda ng isipan niya ay hindi sang-ayon. Napailing  siya dahil doon. 

Sadyang kaybilis ng araw. Tatlong araw bago ang kasal nila ni Astin ay umuwi na ito. Ang buong akala niya ay wala ng kasalang magaganap dahil hindi man lang napapag-usapan ang kasal nila. Nagising na lang siya kaninang umaga na abala na ang mga tao sa  bahay sa pag-aayos ng mga gamit. Ngayon na pala ang alis nilang lahat. Itutuloy pala talaga ni Astin ang kasal.

Kakalabas lang ni Andy sa kuwarto niya. Panay ang kuwento nito tungkol sa kasal nito kay Ezi na gaganapin din sa susunod na taon. Nung araw na nagtapat siya kay Gael ay yun din ang araw na pinag-usapan ng mga ito ang tungkol naman sa kasal ni Andy kasama ang pamilya ni Ezi. Minsan malayo ang mga komento niya dahil okupado ng isip niya ang kasal niya na gaganapin tatlong araw mula ngayon. 

Hindi naman siya pumayag sa tanan na suhestiyon ni Gael noong araw na iyon dahil may sarili siyang plano. Hiningi niya lang ang permiso nito na gamitin ang pangalan nito kung kakailanganin. Ang pagkakaalam niya bukas na din ang flight nito para sa dalawang linggong bakasyon nito sa Mexico. Patago pa rin ang relasyon nila ni Gael. Binilhan siya ni Gael ng panibagong cellphone nang mabanggit niyang itinapon ni Astin ang ginagamit niya. Ibang sim card na din ang nakalagay doon. Hindi niya sana tatanggapin pero mapilit ito. At yun ang ginagamit nila ng nobyo kapag nagtatawagan.

Pinalitan din ni Astin ang teleponong binasag nito na idinaan ng assistant nito pero hindi niya inabalang buksan iyon.

Tapos na siya mag-ayos ng mga dadalhin pauwi ng Caramoan nang dumating si Astin. Nagulat pa siya ng makita ito na nakasandal sa may pintuan niya. Sa tingin niya nagmature ng kaunti ang hitsura ng binata dahil sa tumutubong balbas. Ngayon niya lang ulit ito nakita pagkatapos ng huli nilang pag-uusap. Parang gusto niya itong yakapin ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit. Pero pinigil niya ang sarili. Umalis din ito agad. Siguro ay pumunta ng kuwarto nito. 

Magkatabi sila ng binata sa helicopter nang umalis sila ng maynila. Ngayon lang ulit siya makakauwi ng Caramoan. Sa Maynila kasi pinalipat ng Mama Kendra niya ang ama kaya para hindi na daw siya mapagod kapag gusto niyang dalawin ito. Nitong mga nakaraan ay hindi niya nadalaw ang ama pero tumatawag naman siya at kinakausap ito. 

Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang labi ni Astin sa earlobe niya kaya napapikit siya. Nakikiliti din siya sa balbas nito. 

"Astin," saad niya ng lingunin ito. 

"I missed you," sabi lang nito na ikinatitig dito.

Hindi siya tumugon sa sinabi nito. Inilihis niya mayamaya ang tingin sa labas kaya hindi niya nakita ang reaksyon nito.

Napasinghap siya ng bigla nitong isubsob ang mukha sa leeg niya. Pilit na pinapa-alis niya ang mukha nito pero ayaw magpatinag kaya hinayaan na lang niya ito. Nakatulog na pala ito. Inalalayan niya ang ulo nito at pinasandal na lang sa balikat niya. 

Dumerecho sila sa bahay nila Astin. Bukas pa siya ihahatid ni Astin sa mismong bahay nila na nasa poblacion. Hindi daw sila pwedeng magkita bago ang kasal nila. 

Marami ng bisita ang dumating. Halos lahat mga kamag-anak ng binata. Wala naman siyang inimbita na kamag-anak niya dahil wala naman pakialam na sa kanilang mag-ama.

Bukas sa publiko ang buong resort. Marami na ring mga bisita kaya parang nakokonsensya siya. Pero kailangang matuloy ang plano niya. Hindi pa siya handang magpatali sa kasal lalo na sa lalaking hindi naman niya mahal. 

Bumisita si Astin sa hotel nito kaya naiwan siya sa kuwarto nito. Inilista niya ang numero ng dating kaibigan at kaklase na nakatira sa pinaka dulong bahagi ng Caramoan. Hindi ito kilala ni Astin kaya naipagpasalamat niya. Nakausap na niya ito tungkol sa plano. 

Napatigil siya sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Asia. Akala niya ay bukas pa ang dating nito. 

"Bestie," masayang tawag nito sa kanya pagkuway lumapit sa kanya. "Sigurado ka na ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo at papalitan kita," natatawang sabi nito. Napaka-vocal talaga nito. Matagal ng pinagpapantasyahan nito ang binata. Pero hindi naman ito pinapansin ni Astin. 

Niyaya siya ni Asia mag-swimming. Matagal na huli siyang nakaligo ng dagat kaya natuwa siya ng yayain siya nito. Sa dulong bahagi sila ng resort naligo ni Asia. 

Natutuwa siya sa kaibigan dahil panay ang pamumulot nito ng mga seashells. Samantalang siya ay nakalubog sa tubig at sumasabay sa alon. Namiss niya talaga ang maligo sa dagat. Backless one-piece swimsuit ang suot niya. Samantalang si Asia ay one-piece swimsuit naman. Ilang minuto din siyang langoy ng langoy. Pakiramdam niya nawawala ang stress niya nitong mga nakaraan. Nakakagaan ng pakiramdam.

Akmang aahon siya ng makita ang mga kalalakihang paparating. Nagtatawanan pa ang mga ito. Papalapit ang mga ito sa kanila ng kaibigan kaya kahit ang kaibigan ay natigil sa pamumulot ng seashells para tingnan ang grupo. 

Napako ang tingin niya sa lalaking dahan-dahang naghuhubad ng T-shirt. Kitang-kita ang tinatagong angking kakisigan nito nang tuluyang mahubad nito ang saplot pang itaas. Hindi niya masayadong maaninag ang mukha nito dahil sa sikat ng araw. Inilubog niya ang sarili dahil sa kanya ito nakatingin. Saka lang niya napagtantong si Astin pala iyon kung hindi pa ito ngumiti ay hindi niya makikilala. 

Bigla siyang napatalikod. Baka sabihin nito pinagpapantasyahan niya ang katawan nito. Malay ba niyang si Astin iyon. Napatakip siya ng mukha sa sobrang kahihiyan. 

Napasigaw siya ng biglang yakapin ni Astin mula sa likuran. 

"Astin!" sigaw niya dito sabay tanggal ng mga braso nitong nakapulupot. 

Natawa lang at sabay lapit ng mukha nito sa kanya. "You look gorgeous today, mahal ko," Pabulong iyon pero parang naghatid ng kiliti sa buong katawan niya. 

Matagal bago siya nakasagot. "Thank you," tipid niyang sabi sabay hakbang ng paa paahon.

Nakadalawang hakbang pa lang siya nang higitin nito ang beywang niya palapit. Napahawak siya sa dibdib nito para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. 

"I love you so much, Laura," masuyong sabi nito sa namamaos na tinig. 

Napatitig siya sa mga mata nito. Iba ang nababanaag niya dito. Pakiramdam niya ay may biglang kumibot sa puso niya pero pilit nilalabanan ng isip niya. 

"I need to go home now, nilalamig na ako. " Palusot niya.

Alam niyang hindi ito naniniwala. Nalukot ang guwapong mukha nito pagkarinig. Sino bang lalamigin sa napakainit na panahon lalo pa't yakap siya  ng binata. Pero inalalayan pa rin siya nitong makaahon. Kinuha nito ang dala niyang towel kanina na ipinatong niya sa batuhan. Kailangan niyang kontrolin ang sarili hangga't maaari. 

Nag ibang kasamahan ng binata ay naliligo na din sa dagat. Pero ang kaibigan ay patuloy pa rin sa pangunguha. 

Ipinatong ng binata ang towel sa likod niya kapagkuwan. Papalapit sila sa kaibigan para magpaalam nang bigla itong sumigaw. Nadapa ito.

Mabilis na dinaluhan ito ni Callen na siyang malapit sa gawi ng kaibigan. Tinulungan nito ang kaibigan na bumangon. Parang batang umiiyak si Asia nang makitang may maliit na nakatusok na kawayan sa parteng tuhod nito. Natawa siya  ng malakas nang biglang sinapak nito si Callen. Pagkabunot kasi ni Callen ng tinik ay hinalikan nito ang parteng nasaktan. Parang aso't pusa ang dalawa nang iwan nila ni Astin. Nakasalubong pa nila ng binata ang kuya nito at hinahanap si Asia. 

Kinagabihan ay dumalo sila sa isang malaking salu-salo na ginanap sa bulwagan ng hotel. Sagot iyon ng Daddy Sebastian ni Aste. Marami na pala talagang bisita ang dumating. Halos kakilala pa niya ang karamihan dito. Nahagip din ng mata niya si Elisa at ang babaeng kasama nito nung gabing hinatid ng mga ito si Astin na lasing na lasing. 

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
aayaw ayaw pero kinakabog ang Dibdib Laura?? mukhang trouble tong si Elise ah!
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ano ba Laura pag isipan mong mabuti kung magpapakasal Kaba Kay Astin..gawin mo kung ano sa palagay mo ang Tama.. thank you Author..
goodnovel comment avatar
Maoni Region
Laura wag mong pigilin ung nararamdaman mo,. sinabi kona nga May naramdaman ka nga kay Astin.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status