Share

III

Third Person Point of View

Matapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.

Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.

Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.

Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.

Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.

Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.

Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadiliman ng malaking bahay.

‘pssst’

Agad na napalingon si Gilda noong makarinig siya ng paswit. Akala niya ay ang lola Teresa niya iyon ngunit wala siyang nakita paglingon niya.

‘psst’ ‘pssst’

Biglang kinabahan si Gilda. Dahil na rin sa dilim ay natakot siya. Malakas ang paswit at sa wari ng dalaga ay nanggagaling ito sa ilalim ng hagdan.

“M-maria ikaw ba iyan?” tanong ni Gilda at unti – unting humakbang ang paa. Diretso lamang ang kanyang tingin. Pilit niyang sinasanay sa dilim ang kanyang mata. “Huwag naman kayo ganyan oh. Nakakatok po kasi ang paswit niyo. Sa-“

Naputol ang sasabihin ni Gilda noong mapatid siya sa bagay na hindi niya alam. Sadyang may pumatid na kamay sa kanya sa may dilim. Isang itim na kamay.

Namatay ang hawak na kandila ni Gilda at tuluyan ng nilamon ng dilim ang sala.

Kinapa kappa niya ang sahig upang hanapin ang kandila. Naiwan niya pa ang cellphone niya sa kanyang kwarto. Sa kanyang pagkapa ay may nahawakan siyang isang malamig!

Tama isang malamig na bagay! Malamig at… medyo malambot! Hindi lang pala medyo malambot dahil noong diinan ni Gilda ang paghawak doon ay bumaon ang kanyang kamay!

Mas malambot pa ito sa isang gelatin!

Napakunot ang noo ni Gilda sa kung ano ang bagay na iyon. Tila ba humawak siya ng isang bulok na mangga.

“Ano ito?” tanong ni Gilda.

Kinuha niya ang kamay pabalik at tila sumama sa kanyang mga daliri ang parte nito.

Dahan dahan na inilapit ni Gilda ito sa kanyang ilong para amuyin.

Halos masuka siya sa amoy nito. Amoy nabubulok! Isang nabubulok na laman! Mas masahol pa ang amoy nito sa karne na nilipasan ng linggo na hindi nailalagay sa refrigerator!

Nakaramdam si Gilda ng maliliit na bagay na gmagapang sa kamay niya. Maliliit ito na kaonti lang ang laki sa isang langgam. Agad niyang iwinagwag ang kamay sa diri.

“Ano ba ito?!” inis na tanong ni Gilda habang tinitignan sa dilim ang kamay.

Muli niya itong inamoy at nakakasulasok. Pakiramdam niya ay umabot sa kanyang utak ang nakakasukang amoy. Sumakit bigla ang kanyang ulo. Amoy nabubulok na laman!

Tumayo si Hilda sa kanyang pagkakadapa at paglingon niya ay nakita niya si Maria sa kanyang likuran na may hawak na kandila. Halos kaonti lang ang pagitan nilang dalawa. Halos mapasigaw siya sa gulat. Nakatingin sa kanya si Maria.

“Anong nangyari?” tanong ni Maria sa kanya. “Kanina ka pa hinihintay ng iyong lola Teresa sa hapag kainan.”

Agad na tinignan ni Gilda ang kamay sa may liwanag ng kandila at napakunot ang kanyang noo ng makitang malinis ito. Inamoy amoy pa ng dalaga muli ang kamay niya ngunit wala na itong amoy di gaya kanina na sobrang nakakasulasok.

“Nadapa ho kasi ako,” sabi ni Gilda. “Namatay yung dala dala kong kandila.”

Inilawan naman ni Maria ang ibang bahagi. Nakita niya ang kandila sa ilalim ng hagdan. Tumungo ang babae roon at pinulot ito saka muling sinindihan. Inabot niya iyon kay Gilda matapos.

“S-salamat po,” sabi ni Gilda sa babae. “K-kanina pop ala ay may pumapaswit malapit sa hagdan. Kayo po ba iyon?”

Medyo nagbago ang emosyon ni Maria sa mukha at sumungit ngunit bumalik din sa dati na mukhang inosente.

“Kadadating ko lamang dito sa sala galing sa kusina upang sunduin ka,” ani ni Maria. “Baka naman sa sobrang pagod mo kaya may naririnig ka na wala naman talaga.”

“Hindi po,” pagpipilit ni Gilda dito. “Tatlong beses ito pumaswit ng malakas. Dinig na dinig ng aking tainga. Baka ho mamaya ay magnanakaw na nakapasok o masamang loob.”

Dahil base na rin sa sinabi ng kanyang lola Teresa ay dalawa lang sila ni Maria na naninirahan sa bahay kaya imposibleng may pumaswit sa kanyang ibang tao pwera na lang kung may iba pang nakapasok doon.

Napatawa naman ng mahinhin si Maria sa sinabi ni Gilda.

Hinawakan siya ni Maria sa buhok at hinaplos haplos.

“Huwag kang mag – alala,” ani ni Maria. “Walang sino man ang maglalakas loob na pumasok sa bahay ni lola Teresa ng walang pahintulot.”

“P-pero na sa may gitna po ng palayan ang bahay ni lola Teresa,” ani ni Gilda. “Isa pa ay walang ilaw. Malakas ang loob ng mga masasamang tao na magnakaw.”

“Gilda,” tawag sa pangalan niya ni Maria. “Maniwala sa akin. Hindi sila papasok sa bahay na ito. Takot lang nila na makasalubong ako o si lola Teresa mo. Kahit sa bayan ay alam nilang hindi dapat pumapasok sa bahay ng lola Teresa ang mga walang pahintulot.”

Napahinga naman ng malalim si Gilda sa sinabi ni Maria.

“Paano niyo po nasabi na natatakot sila?” tanong ni Gilda sa babae.

“Darating tayo sa oras na iyan,” sabi ni Maria. “Malalaman mo rin. Sa ngayon ay tara na sa kusina upang kumain. Hating gabi na rin at baka magalit pa ang lola Teresa mo kakahintay sa iyo.”

Tumango naman si Gilda at dumiretso na sila sa kusina.

Naabutan nila ang matanda na nakaupo sa harap ng lamesa habang nakatingin sa kanila papasok.

“Nandito na si Gilda, lola Teresa,” ani ni Maria sa matanda.

“Ano pang hinihintay natin?” tanong ni lola Teresa. “Kumain na tayo dahil gusto ko na rin magpahinga. Sa bayan pa ba kayo nanggaling sa tagal niyo sa pagpunta dito sa kusina? Hindi niyo dapat pinaghihinatay ang pagkain.”

Masungit sa pandinig ni Gilda ang matanda.

“S-sorry po,” sabi ni Gilda dito.

Hinainan naman siya ni Maria ng pagkain. Nilagyan ang kanin niya ng sabaw at tatlong laman.

“Kumuha ka lang kung kulang pa sa iyo,” sabi ni Maria at ang sarili naman ang hinainan.

Tumango naman si Gilda dito.

Pinagmasdan ni Gilda ang pagkaing na sa kanyang plato. Malalaki ang tipak ng laman na inilagay sa kanya. Maiigi niyang pinagobserbahan ang karne at nakikita niya ang mantika nito. Ngunit wala na rin siyang panahon upang usisain pa ito ng sobra gayong gutom na rin talaga siya.

Sumandok siya ng kanin sa plato at sinubo ito. Tinusok niya ng tinidor ang laman at saka kumagat dito.

Nagulat si Gilda sa lambot ng laman. Ibang iba ang linamnam ng karne na kinakain niya ngayon.

“Masarap ba?” tanong ni Maria kay Gilda.

Tumango naman si Gilda.

“Ilang oras niyo po ito pinakuluan?” tanong ni Gilda. “Ano po ang inilagay niyong sangkap dito? Napakalambot kasi at kakaiba ang linamnam.”

 Napatawa si Maria na tila nahihiya.

“Apat na oras ko pinakuluan ang karne sa mainit na tubig,” ani ni Maria kay Gilda. “Wala namang sikretong sangkap. Sinunod ko lamang ang recipe sa libro ng lola Teresa. Sadyang masarap lang talaga ang ganyang laman. Malinamnam at napakalambot. Tila na sa langit ka sa tuwing kakagatin mo ito.”

“Baboy ho ba ito?” tanong ni Gilda.

Nagkatinginan naman si lola Teresa at Maria. Matapos ay bumaling sa kanya si Maria.

“Oo,” sagot ni Maria. “Alagang baboy iyan ng lola Teresa mo.”

Napatango naman si Gilda sa sinabi nito.

Masyado siyang nasarapan sa karne ng baboy at hindi na siya nagsalita pa at kumain na lamang.

---

Nakatatlong serving si Gilda sa sarap ng ulam. Isama mo pa ang pagod niya sa byahe kaya ganoon na lamang ka dami ang nakain niya.

“Mukhang nagustuhan mo ang luto ko,” sabi ni Maria.

Ngumiti na lamang si Gilda. Naalala ni Gilda ang ama at gusto niyang malaman kung saan ililibing ng kanyang lola ang kanyang tatay.

“Lola Teresa,” tawag ni Gilda sa matanda na umiinom ng tubig. “Saan niyo po ililibing ang itay?”

Ibinaba naman ng matanda ang kanyang baso.

“Huwag mo ng intindihin iyon,” sabi ng kanyang lola. “Si Maria na ang bahala sa tatay mo.”

“Pwede po bang sumama kapag ililibing niyo na siya?” tanong ni Gilda kay Maria. “Gusto kong makita kung saan niyo po siya ililibing ng sa ganoon ay alam ko kung saan ko po siya dadalawin. Nais ko rin magbigay ng huling pamamaalam kay itay.”

“Oo naman,” sabi ni Maria kay Gilda habang nakangiti. “Pwedeng pwede ka sumama sa kanyang libing.”

“S-salamat po,” ani ni Gilda.

“Ako na ang bahala sa mga plato,” sabi ni Maria. “Magpahinga na kayo ng lola Teresa sa itaas.”

Bigla namag nahiya si Gilda sa sinabi nito.

“Ako na lang po siguro ang maghuhugas,” sabi ni Gilda. “Pinakain niyo naman ho ako at sa tingin ko ay dapat lang na ako ang maghugas.”

“Lola Teresa,” sabi ni Maria at tumingin sa matanda. “Napakagalang naman pala ng iyong apo. Tignan mo at hindi na siya kailangan pang utusan. Siya na mismo ang nagrereprisinta.”

Tumayo naman ang matanda sa pagkakaupo.

“Bahala na kayo mag – usap diyan, Maria,” sabi ng matanda. “Kailangan ko ng tumungo sa aking kwarto.”

Lumabas na ng kusina ang matanda.

Hinawakan naman ni Maria sa kamay si Gilda.

“Salamat ha,” sabi ni Maria. “Ngunit alam ko ring pagod ka. Ako na ang bahala maghugas ngayon. Bumawi ka na lamang sa mga susunod na araw.”

Tumango na lamang si Gilda. Tama at pagod nga siya dahil sa byahe. Nais niya na rin matulog dahil dinadalaw na rin siya ng antok.

“Saan po pala ang banyo niyo rito?” tanong ni Gilda sa babae.

“Paglabas mo ng kusina ay lumiko ka ng kaliwa,” sabi ni Maria habang nagliligpit ng plato. “Diretsuhn mo lang iyon at mararating mo ang banyo sa dulo.”

“Sige salamat po,” ani ni Gilda. “Mauuna na rin po ako upang makapagpahinga.”

“Sige,” sabi ni Maria habang nakangiti. “Goodnight. Sweetdreams.”

“Goodnight rin po,” sabi ni Gilda at lumabas na sa kusina.

Nawala ang ngit ni Maria sa labi habang tumalim ang mga titig. Kumunot ang noo nito at padabog na nilagay ang plato sa lababo.

“Bwiset! Bwiset! Bwiset!” ani ni Maria at binuksan ang gripo saka kinuskos ang mga plato. “Bakit kailangan kong pagsilbihan ang anak ng bruhang iyon! Nanggigigil ako sa kanya!”

Madiin ang bawat kuskos ni Maria sa mga plato at nabasag pa niya ang isa.

Nasugatan siya sa kanyang palad at tumulo ang dugo roon.

Agad na dinilaan ni Maria ang tumulong dugo sa kanyang palad. Itinapon niya sa basurahan ang nabasag niyang plato at nagkuskos uli.

“Ang pangit ng pangalan niya! Gilda?” ani ni Maria at napatawa ng sarkastiko. “Kasing panget ng bruha niyang nanay! Mas maganda pa ako sa kanilang dalawa at mas mukhang bata. Kung ako sana ang pinili mo Dan ay hindi mo sasapitin ang aksidente na iyan!”

Bigla naman kumalma ang mukha ni Maria at hininhinan ang mukha.

“Hindi na bale,” ani ni Maria. “Ang mahalaga ay nakauwi ka na sa ating tahanan, Dan. Bukas ang aking silid para sa iyo. Tamang tama lamang ang laki ng higaan ko para sa iyo. Medyo tumanda na ang iyong itsura noong makita kita sa kabaong ngunit hindi kumukupas ang iyong kagwapuhan. Bakit kailangan mo pang maging kamukha ang anak mo sa bruhang iyon? Hindi na bale. Na sa akin pa rin naman ang huling halakhak. Sa akin ka pa rin bumagsak.”

Kumanta kanta pa ang babae habang tinatapos ang hugasin.

Napansin ni Maria na may mga laman na sobra sa strainer ng lababo. Kinuha niya iyon at sinubo lahat saka ngumuya nguya.

“Ang sarap talaga ng luto ko,” sabi ni Maria. “Ano kayang lasa ng anak niyo, Dan?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status