Share

Ano sila

last update Last Updated: 2021-08-07 22:54:26

Maria Point of View

                Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto.

                Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina.

                Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga.

                Sigurong matutuwa ang byudang matanda kapag nalaman niyang mag – iimbita ng mga kaibigan si Gilda dito sa aming bahay. May bago nanamang dagdag sa stocks namin.

                “Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ni Gilda?” nagulat ako sa boses ng isang matanda na bigla na lamang nagsalita sa isang tabi.

                Napatingin ako sa kanyang kinalalagyan at nakita ko si Lola Teresa na nakatingin sa akin.

                “Gising pa po pala kayo, Lola Teresa,” ani ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. “Sinuklay ko lamang ang buhok ni Gilda. Matapos ay saglit akong nakipagkwentuhan sa bata ng sa ganoon ay hindi naman sya malumbay sa kanyang pag iisa. Nais ko lang ipabatid sa bata na narito tayo at hindi siya nag – iisa. May mga taong nagmamahal pa rin sa kanya.”

                At syempre, hindi ako kabilang doon. Nakikipagkwentuhan lang naman ako kay Gilda ng sa ganoon ay makuha ko ang kanyang loob. Wala akong pakielam kahit malumbay pa siya ng sobra.

                Mahal? Ano ako tanga? Bakit ko mamahalin ang isang batang anak ni Dan sa iba. Pwe! Buti sana kung anak namin siya ni Dan kaso nga lang anak niya ang bruha na iyon sa bwiset na Lilybeth.

                “Huwag mong sabihin sa akin na napapalapit na ang loob mo sa anak ni Lilybeth,” ani ni Lola Teresa sa akin habang sinusuri ako ng kanyang mga masusungit na tingin.

                Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na ginagawa ko lamang iyon upang makuha ko ang tiwala niya o magsisinungaling ako. Aba syemre roon tayo sa mas ligtas na sagot.

                “Alam kong hindi kami nagkasundo ni Lilybeth dati,” ani ko sa Lola Teresa. “Pero matagal na iyon at napatawad ko na siya. Saka walang kinalaman si Gilda sa kung ano mang pag aaway namin dati ng kanyang ina. Si Gilda ay anak ni Dan. Mahal ko po ang anak mo kaya handa akong mahalin si Gilda at ituring siya bilang isang anak ko.”

                “Huwag kang mag – ilusyon,” masungit na ani sa akin ng matanda. “Kahit kailan ay hindi mo magiging anak si Gilda dahil anak siya ni Dan at Lilybeth. Nakalimutan mo? Hindi ikaw ang pinakasalan ng anak ko kundi si Lilybeth. Nagpatalo ka sa bruhang babaeng iyon. Kung hindi pa dahil sa akin ay hindi kayo magkakatuluyan ni Dan.”

                Napayuko naman ako. Sinisisi niya ako na iniwan siya ng kanyang anak. Kung pwede nga lang na ikulong ko si Dan upang hindi niya kami iwan ay ginawa ko na. Muntik na akong mamatay sa kadesperadahan ko pero iniwan niya pa rin ako.

                Bwiset lang talaga si Lilybeth at inilayo niya sa amin si Dan.

                “Pasensya na po,” ani ko ‘kay Lola Teresa. “Huwag kayong mag – alala. Hindi na muling mangyayari iyon dahil wala ng Lilybeth na mang aagaw kay Dan.”

                “Aba dapat lang,” ani ni Lola Teresa sa akin. “Kapag naagawan ka pa ay hindi ko na alam. Hindi ka naman panget pero bakit hindi ka pinipili? Huwag mong patunayan sa akin na wala kang kwentang babae. Naiintindihan mo ba?”

                Napahinga ako ng mabilis at malalim sa sinabi niya sa akin.

                “Opo,” matipid kong sagot.

                Hindi pa ba sapat sa matandang ito na pinaglingkuran ko siya ng ilang taon? Halos lahat ng oras ko sa mundo ay kasama na niya ako. Ako palagi ang umaalalay sa kanya. Ako lagi ang tumutulong sa kanya. Hindi pa ba sapat iyon? Ako ang kanyang kaagapay tapos sasabhin niya ako na walang kwenta? Ano pala ang tingin niya sa lahat ng ginawa ko para sa kanya?

                May iba pa ba siyang gusto? May gusto pa ba siyang ipagawa sa akin? Hindi ko pa ba nahigitan ang ekspektasyon niya?

                Masyado atang mataas ang standard niya sa babae. Sinisi niya ako samantalang siya ay wala ring nagawa noong umalis si Dan sa poder niya.

                “Huwag kang masyadong lumapit ‘kay Gilda,” ani niya sa akin na nagpataas ng kilay ko. “May plano ako para sa kanya kaya bantayan mo siyang mabuti.”

                “Ano pong plano?” tanong ko.

                “Huwag ka ng magtanong at gawin mo na lamang ang mga sinasabi at iniuutos ko,” aniya sa akin at tinalikuran ako.

                Umamba akong itutulak siya habang nakatalikod ngunit amba lang naman at hindi ko itinuloy.

                Ano naman kaya ang planong sinasabi niya? Plano? Anong balak niya para kay Gilda.

                Pinagmasdan ko ang matanda habang papasok sa kanyang kwarto.

                Pwedeng panget at pwede ring maganda ang plano niya. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin sa akin hindi ba? Parang sasagutin lang ang tanong ko ayaw pa magsalita.

                Iyan ang hirap sa matandang iyan. Hindi niya sinasabi sa akin ang lahat kaya mukha akong mangmang na utusan. Makakabawi rin ako sa kanya pagdating ng araw!

                Teka…

                Huwag mong sabihin…

                Huwag mong sabihin na ipapalit niya sa pwesto ko si Gilda.

                Napatawa ako ng sarkastiko. Ang matandang iyon! ‘Kay kapal ng mukha na palitan ang pwesto ko. So sinasabi niyang mas matimbang pa rin ang dugo kaysa sa tubig?

                Matapos ang mga ginawa ko sa kanya ay itatapon niya lamang ako. Ayaw niya akong mapalapit kay Gilda? Bakit? Dahil tingin niya sa akin ay katulong? Ayaw niyang nakikipag usap ang apo niya sa isang tulad ko?

                Teresa! Makikita mo. Papahirapan ko ng sobra ang apo mo. Paiiyakin kita ng dugo! Hindi ako papayag na itapon mo na lamang ako ng basta basta.

                Nakalimutan mo atang maalam din ako at gustong gusto ako ng mga kagrupo mo. Sa ganda kong ito ay kaya kong umakit ng kahit sino. Losyang? Ano ang tingin niya sa akin isang losyang? Tignan niya muna ang kulukulubot niyang mukha bago magsalita.

                Sa tanda niya ay kakailanganin niya ang tulong ko.

                Umirap ako sa silid ni Teresa at pumasok na sa aking kwarto.

Gilda Point of View

                Sumilip ako sa may kusina at naroon si Maria. Naka harap ito sa lababo at mukhang naghihiwa ng mga gulay na magiging tanghalian namin para mamaya.

                Dahan dahan akong naglakad palabas ng bahay ni Lola Teresa.

                Pasikat na ang araw at mukhang tulog pa ang Lola Teresa.

                Nabasa ko ag reply sa akin ni Carmen na magkita kami sa may highway. Syempre, may mga sinabi siya na hindi ko maintindihan kaya gusto ko rin siya makita at makausap sa personal. Nais kong malaman kung ano ba ang dapat kong malaman.

                Tuluyan na nga akong lumabas ng bahay at tumakbo ng mabilis. Mamaya na ako mag – iisip ng pwede kong ipaliwanag sa kanila kung bakit ako nawala. Ang gusto ko ngayon ay makita at makausap si Carmen.

***

                Noong malapit na ako ay natanaw ko ang isang pamilyar na dalaga sa may lilim ng punong mangga. Napatingin ito sa gawi ko at kumaway. Si Carmen na nga iyon.

                Kaliwat kanan kong tinignan ang kalsada bago tumawid. Kahit walang sasakyan na dumadaan ay nais ko pa ring makasigurado. Syempre, baka mamaya ay bigla na lamang may humaharurot na motor ang biglang lumabas at mabangga ako.

                Mahal ko pa ang buhay ko noh! Parang yung nangyari sa kaklase ko dati. Ang layo pa ng motor pero pagtawid niya ay natagis siya. Grabe. Ang bilis kasi magpatakbo ng driver akala mo hari siya ng kalsada. Mabuti na lamang at nahuli rin agad yung lalaki.

                “Akala ko ay hindi ka na darating,” ani ni Carmen sa akin noong makatawid ako kung nasaan siya.

                “Ang aga nama kasi ng oras na itinalaga mo sa ating meet up, girl,” ani ko sa kanya. “Tulog pa ako ng alas kwatro. Sorry ha, medyo nalate ako. Pero nung nabasa ko yung text mo ay agad akong umalis ng bahay dahil nga baka naghihintay ka sa akin ng kay tagal.”

                Napatawa naman ito.

                Tinanong nya ako kung anong nangyari sa akin at naikwento ko sa kanya ang aking buhay. Napag alaman ko na nanay niya pala yung babaeng nagload sa akin at pwesto pala nila iyon. Doon ang kanilang tindahan habang ang tatay niya naman ay isang pulis.

                Gulat na gulat siyang malaman na anak talaga ako ni Tatay Dan pero nakita niya na hawig nga kami kaya naniwala siya.

                “Wala ka bang napapansin sa bahay niyo?” tanong ni Carmen sa akin.

                “Wala naman,” ani ko. “Ah, masyadong maluwang? Tapos tahimik. Nasa gitna ng bukid. Malamig at medyo boring.”

                “Ah, mabuti naman kung ganoon lamang,” aniya sa akin.

                “Pero, napansin kong, ewan ko ha,” ani ko habang kunot ang aking noo. “Sa tuwing nakakakita ako ng madilim na parte ng bahay ni Lola Teresa ay tumataas ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Saka alam mo. Hindi ko magets ha. Ang bait bait sa akin ni Maria pero sa tuwing ngumingiti siya sa akin nacrecreepyhan ako. Parang mamatay tao. Sorry sa words.”

                Tumawa ako pagkatapos noon.

                “Paano kung hindi lang parang?” tanong ni Carmen na nagpatigil sa aking pagtawa.

                Hinampas ko siya ng mahina sa likod.

                “Hoy! Huwag kang ganyan!” ani ko sa kanya. “Kinikilabutan ako! Huwag ka ngang mabiro ng ganyan. Ang hinhin at ang ganda ni Maria tapos gagawin mo lamang mamatay tao.”

                Muli akong tumawa ngunit napansin ko na seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

                “Hindi ako nagbibiro,” aniya sa akin kaya naman sumeryoso ako.

                “P-paano mo naman nasabi?” tanong ko. “Hoy baka sinisiraan mo lamang sila sa akin.”

                “Hindi mo ba napansin ang pakikitungo ng mga tao sa inyo ni Maria noong pumunta kayo sa palengke?” tanong ni Carmen sa akin. “Ano ang napansin mo?”

                Napaisip naman ako at nagbalik tanaw.

                “Yung mga tingin nila,” panimula ko. “Kakaiba. Tapos biglang mag – iiwas ng tingin. Yung ingay nila ay biglang nawala noong dumating kami ni Maria.”

                “Dahil natatakot sila nab aka sila ang isunod nito,” ani ni Carmen sa akin. “Takot kami ‘kay Maria at sa Lola Teresa mo. Miyembro sila ng mga kulto na naninirahan sa dulong bundok.”

                Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Napalunok ako habang hindi masync in sa utak ko ang sinabi niya. Gusto kong hindi maniwala ngunit ano naman mapapala ni Carmen kung magsisinungaling siya? Saka bakit ganun ang pakikitungo ng mga tao sa amin kung walang mali.

                “Sure ka ba?” ani ko kay Carmen. “Hindi mo ako binibiro ha. Natatakot ako. Kapag talaga joke lang toh magagalit ako sa iyo. Hindi ito magandang biro.”

                Hinawakan naman ni Carmen ang aking mga kamay.

                “Kahit sino ang tanungin mo ay kilala nila si Teresa dahil miyembro siya ng kulto,” ani ni Carmen sa amin. “Marami ng mga nawalang tao na sila ang itinuturong salarin, Gilda. HInahanapan ng tatay ko ng ebidensya ngunit wala silang mahanap kaya hindi pa sila nahuhuli. Ngayon ay dalawang buwan ng walang nangyayaring patayan. Hindi namin alam kung bakit.

                Tumingin sa malayo si Carmen.

                “Pero sa tuwing sasapit ang ala sais ng hapon ay nagliligpit na kami. Nagsasara at nagkakandado ng gate. Lahat ng bintana at pinto ng bahay ay sarado dahil sa takot. Takot kami sa mga kulto. Takot kami nab aka kami ang sunod nilang patayin upang ialay.”

                “Ialay?” tanong ko kay Carmen. “Bakit sila nga – aalay?”

                “Siguro ay hindi ka pamilyar sa kulto o hindi ka naniniwala,” ani ni Carmen sa akin. “Ngunit totoo sila at marami rito sa probinsya. Nag – aalay sila para sa sinasamba nilang diyos diyosan. Sa isang demonyo. Kapalit ng bagay na gusto nila.

                “Hindi mo ba napapansin? Si Maria. Yung kasama mong babae. Kasing edad iyon ng tatay mo pero tignan mo ang kutis niya at ang balat niya, maging ang mahaba niyang buhok – hindi tumatanda. Dapat doon pa lang ay magtaka ka na.”

                Napakagat ako ng daliri.

                “Natatakot lamang ako para sa iyo, Gilda,” ani ni Carmen sa akin. “Mabait sa amin si Sir Dan. Tinulungan niya ang pamilya namin noong nagkaroon ng bagyo. Ngayong nalaman  kong naka ka niya ay saktong sakto at gusto rin kitang balaan. Kaaway ng nanay mo si Maria. Pwedeng gawan ka niya ng masama.”

                “Itigil mo na nga ito, Carmen,” ani ko sa kanya. “Hindi ako naniniwala sa kulto. Saka isa pa ay hindi gagawin sa akin iyon ni Maria. Mabait siya. Nagbago na siya. Saka bakit naman niya ako sasaktan? Bakit ako sasaktan ni Lola Teresa? Apo niya ako. Anak ako ng anak niya. Inuwi niya nga ako rito dahil wala na akong tutuluyan. Paano ko iisipan ng masama ang taong kumupkop sa akin?

                “Isa pa, ikaw na nga ang nagsabi na walang ebidensya na nahanap ang tatay mo. Baka mamaya ay kuro kuro o chismis lamang ang mga bagay na iyan. Pinagbibintangan niyo an gaming pamilya ng isang krimen na wala naman kayong katibayan. Paano pala kung hindi talaga sila Lola Teresa ang may gawa noon? Edi pinatakas na lang ng tatay mo sa batas ang tunay na may gawa ng krimen.”

                Hindi naman kumibo sa akin si Carmen.

                “Sorry, Carmen,” ani ko at napakamot sa ulo. “Nabigla lang ako. Alam mo naman na kapamilya ko si Lola Teresa tapos ganyan pa ang sinabi mo sa akin. Tiyak na hindi talaga ako maniniwala. Mabubuti silang tao. Wala rin naman kayong ebidensya. Pero salamat dahil concern ka sa akin. Pwede pa rin tayong maging magkaibigan.”

                “Kung ayaw mo maniwala sa akin ay nasa sa iyo iyan,” ani ni Carmen. “Pero nagbabala na ako sa iyo. Kung nais mong malaman ang totoo ay hanapin mo ang itim na libro ng lola Teresa mo. Naroon nakalahad ang mga ginagawa niya sa araw araw. Naroon rin ang talaan ng mga dasal nila.”

                “Paano mo naman nalaman na may libro ang Lola Teresa ko?” tanong ko sa kanya.

                “Mabilis kumalat ang mga balita, Gilda,” ani ni Carmen sa akin. “Narinig ko na may mga sarili silang libro. Kahindik hindik nga raw ang mga mababasa roon.”

                “Nakita mo na?” tanong ko  sa kanya.

                “Hindi pa,” sagot niya sa akin. “Pero bali  balita ito sa amin.”

                “Weehhh??” sabi ko. “Living Marites ka ha!”

                Sabi ko at tumawa.

                “Ha? Anong Marites? Carmen ang pangalan ko,” aniya sa akin.

                Mukhang hindi niya kilala ang katagang iyon. I mean chismosa siya at marami siyang chismis. Wala namang ebidensya ay sinasabi na niya sa akin.

                “Wala iyon,” ani ko sa kanya. “Nevermind. Pero hindi mo sinagot ang tanong ko  sa iyo kagabi ha.”

                Napakunot naman ang noo niya.

                “Anong tanong?” tanong nito sa akin.

                “Saan ka nag aaral?” tanong ko. “Nakapag enroll ka na ba? Kapag hindi pa ay sabay tayo. Wala pa akong school eh! Hindi rin ako pamilyar pa rito sa probinsya. Bago pa lang ako.”

                “Ah sa amin?” ani nito at parang nag iisip. “Sa third week pa ang enrollment. Pupunta sa school. Sige, hindi pa naman ako naka enroll. Sabay na tayo.”

                Napahawak naman ako sa kamay niya.

                “Yes!! Sabi mo iyan ha,” paninigurado ko.

                “Oo,” sagot niya naman sa akin. “Yung pinakamalpit na shool dito ay dalawang sakayan lang. Pagdating mo ng bayan ay magtritricycle ka lang pero pwede naman iyon lakarin.”

                Napatingin ako sa phone  ko. Ala sais na ng maga.

                “Uy! Kailangan ko ng bumalik, baka hanapin na ako ni Maria,” ani ko sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. “Babye na ha! Text text na lang!”

                Tumawid na ako sa kabilang kalsada at hindi na siya nakapagsalita mo. Kumaway na lamang kami sa isat isa at umuwi na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status