Share

Kwarto

Gilda Point of View

                “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin.

                Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito.

                “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.”

                Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

                “A-ah nagpahangin lang po ako sa labas,” palusot ko habang mata ko ay kung saan saan napapaptingin.

                Kasi naman ay hindi ko maiwasan. Hindi ko naman kasi kayang titignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

                Hindi sumagot at tila nagdadalawang isip sa sinabi ko kung papaniwalaan niya ba.

                “Pasensya na at hindi na po ako nakapag paalam pa sa inyo,” sabi ko muli. “Busy kasi kayo kanina kaya naisip ko na hindi ko na kayo abalahin. Naglakad lakad lang naman ako sa labas para na rin maging pamilyar ako rito.”

                Kinakabahan ako na hindi siya sumasagot. Patay ako nito.

                Nagulat ako noong humakbang siya patungo sa akin at bigla akong niyakap.

                “Sana next time ay magpaalam ka naman sa akin,” ani ni Maria habang yakap yakap ako. “Kaninang kanina pa ako nag aalala dahil baka mamaya ay kung saan ka na nagpunta. Please, wag ka na uli aalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Baka mabaliw ako kakahanap kung nasaan ka.”

                Dahan dahan ko namang iniangat ang aking mga kamay at niyakap siya pabalik.

                “Sorry po talaga,” paghingi ko ng pasensya. “Hindi na po mauulit.”

                Bumitaw si Maria sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa aking mga mata.

                “Wala ka naman bang nakasalubong na ibang tao? O may nakausap ka ba na tao sa labas?” tanong niya sa akin.

                Napalunok naman ako. Sasabihin ko ba sa kanya na nakausap ko si Carmen? Pero baka pag sinabi ko ay pagbawalan niya ako. Kung hindi ko naman sasabihin ay nagsisinungaling ako at baka mas malala ang mangyari sa hinaharap. Bahala na nga.

                “Wala naman po,” ani ko at napakagat ng aking labi. “Puro damo lang ang aking nakita.”

                “Mabuti naman,” ani ni Maria. “Huwag kang makikipag usap sa iba. Masyadong mapanganib ang panahon ngayon. Maraming delikadong tao sa paligid kaya huwag na huwag kang lalapit o makikipag usap sa iba pwera na lamang kung may pahintulot namin ng iyong Lola Teresa. Naiintindihan mo ba?”

                Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Tila naguluhan ako.

                “Opo, dadalhin ko ang iyong payo,” ani ko naman habang napapaisip.

                Tumango tango naman si Maria.

                “Alam mo naman na nag aalala ako sa iyo ng masyado,” ani ni Maria sa akin. “Bago ka pa lang dito at alam nila iyon. Alam nila na isa kang bagong salta kaya marami ang magtatangkang lokohin ka. Huwag kang magpapabitag sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa iyo dahil nilalapit ka lamang nila sa panganib. Hindi mo sila kakilala. Makinig ka sa akin dahil kapamilya mo na rin ako.”

                This time ay ako naman ang napatango sa kanya.

                “Opo,” matipid kong sagot.

                “Sige at itutuloy ko na ang ginagawa ko sa kusina,” ani ni Maria sa akin. “Ikaw, nais mo ba akong samahan sa aking pagluluto?”

                “Ah! Maglilinis na po muna ako ng bahay bago sumunod sa inyo,” ani ko kay Maria.

                Ngumiti naman ito sa akin at hinaplos ang aking buhok.

                “Napakasipag mong bata,” ani Maria sa akin habang dala dala ang ngiti nitong nakakakilabot talaga.

                Napatingin kami sa may hagdan noong nakarinig kami ng mga yabag. Nakita ko si Lola Teresa na pababa at nakabihis ng itim na damit at itim na mahabang palda. Nakabelo ito ng itim at masungit ang mga tingin na ibinibigay sa amin.

                “Gising na pala kayo pareho,” aniya sa amin noong makababa siya. May hawak itong tungkod sa kanyang isang kamay. “Hindi na muna ako mag aagahan at mananghalian dito. May pupuntahan ako ngayon at ikaw na muna, Maria ang bahala sa bahay.”

                “Opo,” ani ni Maria. “Huwag kayong mag alala at ako na po ang bahala.”

                Hindi naman na sumagot si Lola Teresa at dire diretsong lumakad. Tinapunan niya lamang ako ng saglit na tingin at pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng bahay.

                “Saan po pupunta si Lola Teresa?” tanong ko kay Maria.

                “May pagpupulong siguro sila ng kanyang mga kagrup- ng mga kaibigan niya,” ani ni Maria sa akin habang tinatanaw ang pintuan.

                “May mga kaibigan po si Lola Teresa?” tanong ko. “Taga bayan po ba sila?”

                “Makikilala mo rin sila sa tamang oras,” ani ni Maria sa akin habang ngumingiti. “Sige maglinis ka ng bahay at pagbalik mo ay tapos na ako maghanda ng ating kakainin.”

                Tumango naman ako sa kanya habang siya ay tumalikod na.

                Sino kaya ang papaniwalaan ko? Si Carmen o siya? Napakabait ni Maria. Imposibleng gumawa ito ng mga kahindik hindik na bagay. Baka naman sinisiraan lang ni Carmen ang pamilya ko sa akin. Ngunit para saan? Bakit niya gagawin iyon? May galit ba siya sa pamilya namin o trip trip niya lang?

                Mukha rin naman kasing hindi siya nagbibiro kanina. Baka gusto niya kami pagwatakin watakin.

                Napailing ako. Hindi ko maisipa na kaya nilang gawin  ang mga binibinitang ko sa kanila. Isa pa ay stranger lang din naman kami ni Carmen. Ano naman mapapala niya sa akin hindi ba?

                Pwera na lang talaga kung may backstory sa pamilya ko at sa pamilya niya.

                Si Maria ay mabuting tao, Gilda. Walang dahilan para pagdudahan mo siya. Kay sama ko namang tao kung matapos ang lahat ng ginawa niya para sa akin ay iisipan ko lamang siya ng masama. Tama! Hindi kayang gawin iyon ng aking pamilya. Hindi totoo ang kulto! Chismis lang nila iyon Saka wala namang ebidensya ang mga tao. Anong karapatn nilang pagbintangan ang aking pamilya?

                Si Lola Teresa ay masungit ngunit… ngunit hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang sa kanya.

                P-pero ilang araw pa lamang ako rito at maging ako ay hindi sila kilala. Hindi ko sila lubusang kilala.

                Ang hirap tuloy mamili kung sino ang paniniwalaan ko.

                Tama! Sinabi ni Carmen na may itim na libro ang mga kulto at sinabi niya sa akin na iyon ang magpapatunay sa aking hinala.

                Kung gaanon ay hahanapin ko ito. Ngunit saan naman nila iyon itatago?

                Sumilip ako sa may kusina at busy pa rin si Maria roon. Umakyat ako ng mabilis sa second floor.

                Hindi naman siguro nila itatago iyon sa aking kwarto noh? Pero pwede rin gawin nilang iyon dahil hindi ako maghihinala na may nakatago sa kwarto ko.

                Agad akong pumasok sa aking kwarto at pinagmasdan ito. Maluwang ang kwarto at kaonti lang ang mga gamit. Umiling iling ako. Wala dito iyon.

                Paglabas ko ng aking kwarto ay sumilip ako sa may hagdan. Walang tao roon ngunit napatingin ako sa mga siwang ng bawat hakbang ng hagdanan.

                Binibigyan talaga ako ng kilabot kapag madilim.

                Hindi ko na ito pinansin at pumunta sa tapat ng kwarto ni Lola Teresa.

                Dahan dahan kong pinihit ang senadura ng pintuan. Bukas! Bukas ito! Hindi niya nilock.

                Matapos ay marahan kong itinulak ang pinto ng kwarto upang makapasok. Lumilikha ito ng nakakatakot na tunog. Yung parang mga pinto sa horror movie.

                Bumungad sa akin ang medyo madilim na kwarto. Tama medyo madilim nga siya dahil sarado ang mga bintana.

                Kinapa ko ang gilid na pader upang hanapin ang switch. Kapa… Dahan… Dahan…

                Walang switch! Nasaan ang switch ng kwarto?

                Lumapit na lamang ako sa pinakamalit na aparador at nagsimulang maghalungkat ng mabilis lamang.

                Halungkat dito at halungkat doon. Binabalik ko rin sa dati agad upang hindi ko malimutan ang ayos nito.

                Nagawi ang tingin sa isang likido na nakabote sa gilid. Ano ito? May nakalagay sa loob nito na malaking balahibo ng ibon. Mukhang panulat. Wow! Hindi ba nila alam ang ballpen at ganito pa rin ang gamit nila?

                Kinuha ko iyon at sinubukan sumulat sa isang papel.

                Hindi itim ang kulay ng ink kundi pula. Inamoy ko ito at napatakip ako ng ilong. Ang baho! Amoy kalawang! Ano ba itong ink na ito napakabaho! Tila… tila nabubulok ang amoy. Ganito ba talaga ang ink ng mga sinauna? Mabaho ang amoy.

                Ibinaba ko na ito at nagsimulang maghanap muli. Nasaan ba kasi?!

                Wala dito… wala rin dito. Isinirado ko ang mga pinto ng aparador at inikot ko ang aking tingin. Madilim talaga kahit anong kurap ko. Buksan ko kaya ang bintana? Huwag na! Baka mahirapan lang ako isarado.

                Nagawi ang tingin ko sa isang banda. Puno ng dilim ito at wala talaga akong makita. Bigla akong nanlamig habang nakatingin dito. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin pabalik.

                Lumabas na ako ng kwarto ni Lola Teresa at dahan dahang isinara ito. Wala namang itim na libro roon.

                Napatingin ako sa kwarto ni Maria. Baka ipinatago sa kanya ni Lola Teresa ang libro. Tama! Baka na sa kanya. Kasi close sila at pwedeng ipatago ito sa kanya ng Lola.

                Agad akong lumapit doon at pinihit ang senadura. Nakalock! Nakalock ang pinto! Nilock ni Maria!

                Sayang naman.

                Naisipan kong bumaba na lamang dahil hindi ko naman mapapasok ang kwarto ni Maria dahil sa nakalock. Sa baba na lang ako maghahanap kasi pwedeng naroon din.

                Habang pababa ako ng hagdan ay nakarinig ako ng biglang kumalabog.

                Saan galing iyon? Sinundan ang tunog ng pagkalabog.

                Sa baba! Nasa baba ng… nasa baba ng hagdan.

                Lumakas ang tibok ko. Wala naman silang alagang pusa. Nasa kusina rin si Maria. So ano? Sino ang gagawa ng kalabog na iyon?

                Bumaba ako ng hagdan at sinilip ang ibaba nito. Hindi ko makita. Wala akong matanaw. Madilim… Tila nagkukubli ang anumang mga bagay na yon sa anino.

                Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at iniliwan ito. Nagulat ako noong may isang pintong maliit sa ilalim ng hagdan.

                Wow, meron pa palang isang kwarto rito. Lumapit ako roon. Pakiramdam ko ay doon nanggagaling ang kalabog kanina.

                Lumapit ako dahan dahan sa tapat ng pinto.

                Hinawakan ko ang malamig na senadura habang ang kaba ko sa dibdib ay abot hanggang langit. May tao ba rito?

                Pinihit ko ang senadura upang pumasok. Napakunot ang noo ko at pinihit itong muli. Sarado! Nakalock din. Kung ganoon may tao sa loob?

                Napatingin ako sa pinakababang pinto. May padlock ito sa pinakababa. Wala palang tao kasi nakapadlock sa labas. Akala ko meron.

                Tumalikod na ako. Kung ganoon ay saan nangggaling ang kalabog? Napatigil ako ng makarinig muli ng kalabog. Agad akong humarap sa pinto. Narinig ko ang kalabog ng mas malakas.

                Lumapit ako rito upang making muli. Dahan dahan kong inilapat ang aking tainga sa may pintuan. May kumakalabog nga na tila may pinapalong kahoy. Pero hindi ang pinto na ito ang kinakalabog nya. Sa loob pa ng kwartong ito ang kalabog na naririnig ko.

                “Gilda,”

                Agad akong napabitaw sa senadura at napatingin sa likuran ko. Nakita ko si Maria na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

                “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin.

                “A-ah kasi po may kumakalabog,” ani ko sa kanya.

                “Kumakalabog? Guni guni mo lamang iyon tara na at kumain,” sabi niya sa akin na hindi man lang kakakitaan ng pagtataka sa mukha.

                “Pero narinig ko po talaga,” pilit ko sa kanya. “May kumakalabog po talaga sa loob. Pakinggan niyo po.”

                “Hindi mo ba nakita na may kandado ang pintuan?” tanong nito sa akin. “Ibig sabihin ay walang gumagamit nito. Nakasarado ito at hindi nanamin ginagamit. Baka daga lamang na naglalaro ang mga narinig mo. Huwag mo na lamang pansinin.”

                “Ah, baka nga po daga lamang,” pag sang ayon ko sa kanya.

                “Tara na, kain na tayo,” sabi ni Maria at hindi na ako hinitay makasagot. HInawakan na niya ako sa kamay at hinatak paalis doon. Napatingin muli ako sa may pintuan.

                Bat parang iba ang kutob ko? Nais kong buksan ang pinto na iyon. Pwede rin na daga lamang. Marami naman kasing daga sa probinsya. Isa pa ay nasa gitna kami ng bukid.

                Third Person Point of View

                Matapos nilang kumain nila Gilda ay pinaghugas ni Maria ang dalaga ng kanilang kinainan habang sya naman ay umakyat na sa kanyang kwarto.

                Pagkapasok ni Maria sa kwarto ay pabalabag niyang sinarado ang pinto at nilock ito upang walang makapasok.

                Kinuha niya ang isang manika na wlang mukha, ilong, at bibig maging tenga. May kamay lamang ito at paa saka katawan.

                Kinuha ni Maria ang karayom sa isang tabi at pinagsasaksak ng karayom ang hawak na manika.

                Walang nakabalot na dasal sa manika na iyon ngunit iniisip niya na ito si Gilda. Gigil na gigil niya itong pinagsusundot ng karayom.

                “Bwisett!!!” madiin na sabi ni Maria at ibinuhos na roon ang lahat ng galit na kinikimkim niya. “Pasalamat ka talaga at buhay pa ang matanda mong lola dahil kung hindi ay nilaslas ko na ang leeg mo! Nanggigigil talaga ako pag nakikita kitang pesteng bata ka!”

                “Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!” sunod sunod na sabi ni Maria sa may manika at iniisip niya na si Gilda ito.

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

                “Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na- AHH!”

                Sa bilis ng pagsundot ni Maria ng karayom sa manika ay dumulas ito at diretsong bumaon sa kanyang isang daliri.

                Ngiwi ang mukha na binunot ni Maria iyon ng dahan dahan sa kanyang daliri.

                Binitiwan niya ang karayom at nagkaroon ng panlalaki sa kanyang mga mata.

                “Kasalanan mo ito Gilda! Bwiset ka kasi!” madiin na sabi ni Maria matapos ay tinignan nya ang manika at malakas na binalibag ito sa isang gilid.

                Tinamaan nto ang nakasinding kandila kaya nahulog at namatay ang apoy.

                “Honey, tignan mo! Sinugatan ako ni Gilda!” sumbong ni Maria na animo ay isang bata.

                Lumapit siya sa isang lalaking nakahiga sa kanyang kama. Ang mga mata ni ay sarado. Nanalalamig na ito at medyo nangangamoy na. Nagsisimula na ring uurin ang balat nito.

                Hindi sumagot ‘kay Maria ang lalaki at nanatiling nakapikit.

                “Ano iyon, Dan?” tanong ni Maria na inilapit pa ang mukha sa mukha ng lalaki.

                Napangiti naman si Maria.

                “Sisipsipin mo na lang?” tanong ni Maria sa bangkay ni Dan. Paipit itong tumawa. “Huwag na noh!”

                Inilagay ni Maria ang dumugong daliri niya sa bibig ng lalaking nakahiga.

                “Ano ka ba Dan! Sabi kong huwag na,” ani ni Maria habang ang daliri ay nasa bibig pa rin ng lalaki. “Ang sweet mo talaga kahit kailan. Kaya kita nagustuhan eh.

                “Ano iyon? Gusto mo ng lumabas? Ano ka ba. Medyo matatagalan pa bago ka lumabas ng bahay. Marami pang proseso ang dapat na gawin namin ng nanay Teresa mo. Hindi naman kadaling gawin iyon pero huwag kang mag – alala. Matagal pero makakalabas ka rin naman. Ako ang bahala sa iyo. Alam mo namang mahal na mahal kita diba at gagawin ko ang lahat para sa iyo. I love you”

                Yumakap si Maria sa bangkay ni Dan. Isinuksok ni Maria ang kanyang mukha sa dibdidb nito.

                Napakunot ang noo ni Maria noong makitang may gumagapang sa bandang tiyan ni Dan. Pinulot niya ito at itinapon sa may sahig.

                “‘Kay tagal kong hinintay na makasama ka ng ganito, Dan,” ani ni Maria sa nakahigang lalaki sa kanyang tabi. “Huwag kang mag alala. Aalagan kitang mabuti.”

Maharlikang Pilipina

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING: This chapter contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status