Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.
At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!
Nag-iinit ang mga pisnging ib
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan