Share

Chapter 9

ADRIANNA

Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin nagigising si Jensen. Kadalasan sa mga taong nasa sitwasyon niya ay gising na ngayon. Hindi gano'n kalala ang head injury niya kaya dapat ay noong nakaraang araw pa siya nagising. Nagkaroon din naman ako ng head injury pero kaagad din akong nagkamalay.

Ang sabi ng doktor ay baka gigising na rin siya kung hindi man bukas ay sa makalawa. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay maging maayos na siya. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing nakikita ko siyang wala pang malay. Pakiramdam ko ay nasa malalang sitwasyon siya at nahihirapan sa kalagayan.

Nagpasya akong umuwi muna sa bahay para kumuha ng gamit at dalhin sa ospital. Sa pagkakataong 'to ay siniguro ko nang may magbabantay na nurse sa kaniya. Nababahala pa rin kasi ako sa nangyari sa ospital

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status