Share

Chapter 14

ADRIANNA

"Can you drive slowly?"

Halos lumipad na ang kaluluwa ko sa bilis ng pagmamaneho ni Daven. Idagdag pa na nakakatakot siyang mag-overtake. Mahigpit ang kapit ko sa upuan ng passenger seat at baka kung hindi lang ako naka-seat belt ay kanina pa ako tumilapon sa dashboard. Ang kasama ko namang demonyo sa pagmamaneho ay parang walang pakialam.

Dapat ay kanina pa ako nakauwi pero dahil sa masamang balita tungkol sa ama ni Denmark ay nagpasya akong sumama sa kanya para puntahan ito. Mabuti na lang at hinayaan niya na lang ako dahil sa pagmamadaling umalis. Ang masama nga lang ay parang nasa isang car racing kami at isang racer si Daven na ayaw magpatalo.

Kung alam ko lang na ganito siya mag-drive ay hindi na lang sana ako suma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status