Share

Kabanata 12

Sinag ng haring araw at mahalumigmig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana. Ito ang gumising kay Alyssa mula sa mahimbing na pagkakatulog. Alas otso na ng umaga ayon sa suot niyang wristwatch. Mabilis siyang bumangon at balak pa sanang magstretching nang bigla siyang napatigil. Nakaramdam kasi siya ng kirot sa kanyang braso. Napatingin siya dito. Ang gasang nakabalot dito ay may bahid na ng dugo.

"Dalawang araw palang kasi ang nakalilipas magmula nang marescue ka." Naisip ni Alyssa. Kaya medyo sariwa pa nga ang sugat niya sa braso. Hindi na niya itinuloy ang balak gawin, sa halip ay nagtungo na lang siya sa kanilang veranda. Napangiti siya pagdating niya roon.

Ang buong veranda nila ay natatamnan ng mga sunflower. Kay ganda nitong pagmasdan dahil para itong nagsasayawan sa ihip ng hangin. Bigla niyang naalala ang Verdes Island. Partikular ang veranda ng cabin. Ganitong-ganito din kasi ang tanawing makikita mo.

"Kaya pala parang pamilyar ang ganitong view sa akin." Narealiz
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status