LOGINNakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
View More"Magandang araw, Young Miss.""Magandang araw, Sir Mark." Bati ng mga kasambahay sa kanilang dalawa."Dumating na ba ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga kasambahay."Bukod tanging ang Third Young Master at si Miss Celine pa lang ang naririto, Young Miss.""Talaga!" Masayang reaksyon ni Alyssa. "Where is Celine? Kasama ba ni Kuya Dave?""Nagpapahinga siya sa silid ko, brat." Bungad na sagot ni Third Young Master Dave habang pababa ito sa grand staircase."Kuya Dave..." Lumapit si Alyssa dito at yumakap. "Good thing at okay na talaga kayo ni Celine.""Yeah.""I'm happy for you, Kuya Dave." "Thanks, brat.""By the way, where's mom?" Tanong ni Alyssa."She's in the kitchen." Sagot nito saka bumulong. "Brat, masama na ang tingin sa akin ni Mark.""Kuya... he's not jealous of you."Natawa si Third Young Master Dave. "Are you sure? Eh, parang any minute ay titimbuwang na lang ako dito."Natawa na rin si Alyssa sa sinabi nito. "Maiwan ko na nga kayong dalawa. I'll look for mo
"Hello..." Sagot ni Alyssa sa kabilang linya. Kasalukuyan silang nasa loob ng private elevator ni Mark ng tumawag ang secretary niyang si Grace. "Ipapakuha ko na lang kay Jaycee mamaya... okay... umhh... alright... bye."Matapos ibaba ni Alyssa ang tawag na iyon, katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakakailang na katahimikan. Feeling ni Alyssa nasu-suffocate siya. Para kalmahin ang sarili, dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.Nang kalmado na siya, pinakiramdaman niya si Mark. Chill lang itong nakatayo sa tabi niya habang nagpipipindot sa cell phone nito. Napaismid si Alyssa."Kaasar 'tong lalaki na 'to." Bulong niya sa sarili. "Sobra na nga ang pagka-akward ko dito, samantalang siya walang pakialam. Kainis...""Are you saying something, sweetheart?""Wala." Mabilis na sagot ni Alyssa. "Bakit ba ang bagal yata ng elevator ngayon?"Natawa at napapailing na lang si Mark sa sinabi niya.Sa mansyon ng mga Araneta..."Celine... hija, how are you?" Bungad na tanong ni Madam
Ding Dong! Ding Dong!"Are you expecting someone?" Tanong ni Alyssa kay Mark ng marinig ang tunog ng doorbell."That must be Simon." Sagot ni Mark. "Sweetheart, pagbuksan mo naman s'ya. Tatapusin ko lang 'to." Kasalukuyan silang nagliligpit ng pinagkainan noon."Sure." Sagot ni Alyssa saka tumalima patungo sa main door. Bago binuksan ni Alyssa ang pinto ay tumingin muna siya sa monitor. Kita kasi roon kung sino ang taong nasa labas. Si Simon nga iyon. Pinindot ni Alyssa ang passcode ng pinto saka ito binuksan."Simon... pasok ka." "Magandang araw, Young Miss." Bati nito."Magandang araw din. Nasa kusina si Mark. Doon ka na dumiretso." Sabi ni Alyssa dito. "Didiligan ko lang sandali itong mga halaman."Tumango lamang si Simon at nagtungo na sa loob."Master Clyde..." Bati ni Simon kay Mark ng makita niya ito sa kusina. Lumingon si Mark sa kanya."Anong bago?" "Narito na po ang resulta ng DNA testing?" Saka inabot ni Simon ang isang brown envelope. Mabilis na binuksan ni Mark ang env
"Jaycee... huwag mo na akong sunduin. Nandito na ako sa parking lot ng Le Grande. Sa penthouse na lang muna ako tutuloy ngayong gabi." "Sige, Young Miss." "Tatawagan na lang kita bukas ng umaga kapag magpapasundo na ako." "Noted, Young Miss." Matapos ibalik ni Alyssa ang kanyang cellphone sa bag ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Akmang isasara na niya ang pinto ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya mula sa reflection ng bintana ng kanyang kotse na may taong papalapit sa gawing likuran niya. Nakasuot ito ng itim na face mask at jacket na may hood. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpanggap na hindi ito napansin. Mabilis na sinugod siya nito. Ngunit alerto naman niyang nailagan. May hawak pala itong patalim. Tumama ang patalim sa bintana ng kanyang kotse. "Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus ay muli na naman siyang inundayan ng patalim. Sa pagkakataong iyon, lumaban na siya. Pinatamaan niya ng isang malakas na si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.