Share

CHAPTER SIX

Catharyn's POV

PAGKALABAS ko ng C.R. ay nagulat ako nang narinig ko si Xannon na sumisigaw na animo'y may kaaway sa kabilang linya gamit ang isa niya pang cellphone. Mahihimigan mo ang galit sa tono ng kanyang pagsasalita dahilan para bumalik ako sa loob ng C.R. at naglagay ng kaunting awang sa pinto upang marinig ko ang sinasabi niya.

"I don't care about the money that I will pay, what I care about is to find her! Look for her!" galit na turan nito at pinatay na ang linya.

"Fvck!" sigaw niya pagkatapos ay sinipa ang swivel chair dahilan para tumumba ito sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya.

Iningayan ko ang palabas ko mula sa pinto upang malaman ni Xannon na palabas na ako. Kita kong inayos nito ang awra ng kanyang mukha at nakangiting sinalubong ako ng yakap. 

"M-may problema ba?" nag-aalalang tanong ko. 

"Wala," wika nito nang paghiwalayin niya ang katawan naming dalawa mula sa pagkakayakap. 

Kahit anong gawin niyang pagsisinungaling nararamdaman ko na may problema siya. Ngiti nalang ang isinukli ko bago nagsalitang muli. 

"B-boyfriend na b-ba kita?" kinakabahang tanong ko. 

Kita ko ang gulat sa mga mata nito bago napalitan ng pagnanasa ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ba naitanong ko sa 'kanya ang bagay na 'yon. 

Sa isang mabilis na galaw ay naramdaman ko nalang ang kanyang labi sabaking labi. He kissed my neck down to my collar bone.

"You're wet already," turan nito habang ang kanyang kamay ay nasa aking pagkababae. 

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaungol nang hawakan nito ang pagkababae ko. 

"I shouldn't be doing this but fvck! I'm losing my control when it comes to you," wika nito at naramdaman ko nalang ang pagpasok ng kanyang pagkalalaki sa akin. 

I can't help but to moan his name because of the pleasure that I feel. He keeps on pumping in and out until we both came. 

He kissed me on my lips and spoke. "Kung sakaling magkaroon ng laman 'yang tyan mo. Abort it," wika nito at doon ko lang napagtanto na hindi pala siya gumamit ng condom! 

Hindi ako makapaniwala. Maski ako hindi pa handang magka-anak pero hindi sumagi sa isip ko na ipa-laglag ang batang wala pang kamuwang muwang dahil sa hindi ako handa. Mali ang magpalaglag ng bata at hindi ito kailanman magiging tama. 

Nagbihis siya at nang lumabas siya sa 'kanyang opisina ay doon ko pinakawalan ang mga luhnag kanina pa gustong magsibagsakan mula sa aking mga mata. 

Hindi niya ako gusto, s*x lang ang habol niya sa 'kin. 

Masakit, masakit sa dibdib knowing that the person you love doesn't have the same feelings the way you do. 

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nagbabagsakan sa aking pisngi pagkatapos ay bununtong hininga at napagdesisyunan kong lumabas sa 'kanyang opisina. 

Aalis nalang ako, babalik nalang ako kung saan ako nanggaling kung saan hindi ako muling masasaktan ng sobra. 

Kita ko ang paningin ng karamihan nang lumabas ako mula sa opisina ni Xannon. Hindi ko maipagkakailang kaya sila tumingin sa 'kin ay dahil sa mga luhang kanina pa umaagos pababa sa aking pisngi.

Mabuti nalang at may dala akong pera para sa taxi. Nang huminto ang taxi sa aking harapan ay sinabi ko dito ang destinasyon ko. Mabuti nalang at alam ko ang address ng subdivision na tinitirahan ni Xannon. 

Pagkarating ko sa mansyon ay agad akong pumunta sa maid's quarter at inayos ang mga gamit ko upang mailagay ito sa bag. Lumapit sa 'kin si Madam MJ at kunot noong nagsalita. 

"Aalis ka?" tanong nito.

Lumuluha akong tumango at humigit ng isang malalim na hininga pagkatapos ay muling itinuon ang aking paningin sa mga gamit na ineempake ko. 

"Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka at umiiyak ka't nagkakaganyan?" naga-alalang tanong ni Madam MJ sa 'kin.

Gusto kong sabihin sa 'kanya ang tunay kong nararamdaman. Na nakipagtalik ako kay Xannon dahil sa pagaakala kong may nararamdaman din siya sa 'kin pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil sa katotohanang ako rin lang naman ang may kasalanan. Kasalanan na pinaniwala ko ang sarili ko na may nararamdaman din siya para sa 'kin.

"Kailangan ko na pong umuwi, nami-miss ko na ang pamilya ko," pagsisinungaling ko. 

Dinig ko ang buntong hininga na pinakawalan ni Madam MJ bago ito nagsalita. "Halika na at tutulungan kitang mag-impake," wika ni Madam MJ.

Pagkatapos naming mag-impake ay hinatid ako nila Daryl at Madam MJ sa gate ng subdivision.

"Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa terminal ng bus?" tanong ni Madam MJ habang ibinababa namin ang aking mga gamit.

"Naku! Hindi na po," turan ko.

Hindi naman kasi talaga ako babalik sa probinsya eh. Pupuntahan ko ang ate ko dito sa Maynila. Mahirap dahil kailangan kong kainin ang pride ko para matustusan ko ang pangangailangan ng pamilya ko sa probinsya. 

Si ate Katrina ay lumayas sa amin dahil mas pinili nito ang kanyang boyfriend kaysa sa aming pamilya niya. Alam ko na mali ang ginawa niya dahil hindi naman dapat kailanman ipagpalit ang pamilya para lang sa isang lalaki pero hindi iyon naisip ni ate dahil nagpabulag siya sa pagmamahal, gaya ko. Hindi naman nagkamali si Ate ng desisyon dahil naging maayos naman ang kanyang buhay kahit papaano. 

Pagkarating ko sa bahay nila ate ay agad akong pumasok sa gate nila. Sa apartment nangungupahan sila ate. Nagkaroon naman kami ng balita tungkol sa 'kanya dahil sa tiyo namin na ka-close ni ate. 

Agad akong nagtanong sa mga kapit-bahay nila at nang igayak ako ng isang matanda sa bahay na inuupahan ni Ate ay hindi ko alam pero kinakabahan ako. 

Pagkabukas ni Ate sa kanyang pintuan ay gulat akong napatingin sa 'kanya, maging siya rin. 

"Ah Katrina ineng, hinahanap ka ng batang ito. Oh siya maiwan ko na muna kayong dalawa," wika ng matanda. 

Agad namang nagpasalamat si Ate sa 'kanya at nang medyo malayo na ang matanda ay biglang nagsalita si Ate. "Oh? Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni ate. 

Nagsibagsakan ang aking mga luha pababa sa aking pisngi pagkatapos ay dali dali akong yumakap sa 'kanya habang nahagulgol. "Sorry sa mga nasabi ko sa 'yo noon ate," lumuluhang turan ko.

Pinaghiwalay nito ang katawan namin dalawa sa isat-isa pagkatapos ay bumuntong hininga. "Pumasok ka," turan ni ate pagkatapos ay tinulungan akong ipasok ang aking mga gamit sa 'kanyang bahay.

TO BE CONTINUED

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status